Kabanata 6: Sleepover

"Hindi mo anak 'to..." nguso ko. It's kinda disappointing to know na nagpabuntis ako sa iba at sa hindi ko pa kakilala. Kung sana... kung sana maaga ko siyang nakilala ay hindi malabong siya ang kunin kong sperm donor.

Taray naman sa sperm donor.

Sa totoo lang din, hindi ko na iniisip o inaalala pa ang ama ng Quadros. Kahit mabango siya at magaling kumayod, the fact na hindi niya ako hinanap ulit means he only want one thing from me too. Asa naman siyang hahanapin ko rin siya. Never.

"I am the father of that child." tinitigan niya ako ng matalim. Nakaupo pa rin ako sa hita nito and I stayed still because it was so comfy. He feels so comfortable, sa totoo lang. Iyon siguro ang rason kung bakit hindi ko ito mapigilan sa mga advances nito sa akin.

I snorted. Ipinagpipilitan talaga e. E hindi nga siya ang ama nito. Tsaka hindi 'to child kasi children 'to e.

"Hindi nga. Hindi ikaw at hindi ko rin kilala kung sino."

"How sure are you that I'm not the father of that child?" naningkit ang mga mata ko sa sinabi nito. Kahit medyo may kadiliman sa loob ng sasakyan, may ilaw naman sa labas kaya kitang kita ko ang paglunok nito bago umiwas ng tingin. My forehead creased in confusion even more.

"Sabi mo diyan?"

"N-none. Let's go na, babe. Hindi ikaw pwede magpa-tired masyado." I snorted again. Bakit ba ang conyo ng lalaking 'to? Nakakairita.

Kahit na medyo nagugulahan pa ay mas pinili ko nalang na tumahimik hanggang sa mabuhat niya ako pabalik sa aking upuan. He fixed my seatbelt and kissed my forehead before starting the engine.

Nanatili akong tahimik sa buong biyahe.

I sighed.

Ngayon ko lang naramdaman ang sobrang pagod. Ang daming... ang daming nangyari sa araw na 'to sa totoo lang and it's quite exhausting.

Bahagya akong napatingin sa lalaki na ngayon ay seryoso lang ang tingin nito sa daan habang nagmamaneho. Ang isang kamay naman nito ay nakahawak sa aking hita at panay ang pisil nito doon.

I sighed.

Ano ba 'tong... ginagawa namin? Bakit ba sobra akong komportable sa kaniya na kahit ang pasimple nitong paghawak sa akin ay parang sanay na sanay na ako. Hindi ako naaasiwa o nandidiri sa bawat hawak niya, in fact, I feel safe and secure.

Normal lang ba 'tong nararamdaman ko? Bakit... bakit pakiramdam ko ay kilala ko na siya?

Mariin kong pinikit ang mga mata ko bago nag-iwas ng tingin.

I'm turning into an abnormal one, right?

Inihatid niya ako mismo sa tapat ng bahay ko kaya 'yong ibang mga tambay sa tindahan ni Aling Chuping. At siyempre, papahuli rin ba ang numero unong tsismosa ng barangay? Hindi no. Lumabas rin ito sa kaniyang tindahan dala dala na naman ang pamaymay niya. Halos humaba na ang leeg nito sa kakatingin kung sino ang nasa loob nitong sasakyan.

Napangiwi ako habang naniningkit ang mga matang nakatingin sa matanda.

Siguro nga'y masyado kong pinagtuunan ng pansin si Aling Chuping kaya hindi ko na napansin na nakalabas na pala ng sasakyan si Luke.

Binuksan nito ang pintuan sa gilid ko at siya na mismo ang nag-alis sa seatbelt bago ako inalalayan palabas ng kotse.

I bit my lower lip when his hands snaked on my waist possessively.

"Bakit ginabi ka ng uwi, Aivy?! At nakahanap ka pa ng gagastos para sayo at sa anak mo?! Ay naku hijo, huwag ka diyan kay Aivy. Di mo ba nakikita at buntis na ng limang buwan nang walang ama! Ganiyan talaga kapag ginagawang tambayan ang bar at club! Sa pamangkin ko nalang ikaw! Matinong babae 'yon kaysa kay Aivy!" malakas na sigaw ng matanda. Nasa gilid na pala ito ng kalsada.

Napairap ako bago napatingin as lalaki sa aking tabi. Nagulat ako nang makita ang madilim nitong mukha habang nakatitig doon sa may tindahan ni Aling Chuping.

I tugged his arm softly. Lumipat naman ang tingin nito sa akin. From his ruthless looks, his face turned into a soft one.

"Yes my babe?" my babe daw. Landi naman.

"P-papasok ka ba?" I asked softly. Parang nakakahiya naman kasi na... pinatuloy niya ako sa penthouse niya tapos... hindi ko siya patutuluyin sa very humble abode ko.

Napakunot ang noo ko nang bigla itong ngumisi. Medyo humigpit ang pagkakahawak ng isa niyang kamay sa aking baywang habang ang isa naman ay humahaplos na sa likod ko.

Is it just me or... I really do find his touch sensual.

My hormones probably have something to do with this.

I closed my eyes tightly.

"Where? Where will I go inside, hm? Is it in your..." he drawled teasingly habang pababa na ng pababa ang kamay nito.

"Luke nga! S-sa bahay ko ikaw papasok!" nag-iinit ang pisnging saad ko at mahinang tinampal ang kaniyang dibdib. He just chuckled while I glared at him.

Pumasok kami sa bahay nang hindi pinapansin ang pang-aalaska ng matandang si Aling Chuping.

The lights were closed and the front door was locked kaya I assume na wala rito si Paula.

I opened the door using my key before going inside. Madilim kaya nanatili pa ring nakahawak sa aking baywang ang lalaki habang inaalalayan ako.

"I think you should start doubling your door locks, babe. It looks unsecured." he said. I switched the lights on at marahang lumayo rito bago siya tingnan.

"Okay naman na ang isang lock e. Hindi na ako mapapasok nun." nguso ko bago dumiretso sa maliit kong sofa. Dahan dahan kong naupo doon. I sighed in relief nang tumama ang likod ko sa malambot na sandalan ng sofa. Pinasadya ko talaga 'tong ganito dahil madalas na ngayong sumasakit ang likuran ko dahil sa apat na bulinggit na nasa aking tiyan.

Sa katunayan, hindi lang naman ang likod ko ang sumasakit, kundi maging ang paa ko. It feels sore everytime, tapos minsan ay nahihirapan pa akong huminga. Buong akala ko nga noong una ay may sakit na ako sa puso. But the doctor said na normal lang naman daw ang nararamdaman ko lalo na at apat ang dinadala ko.

She warned me to expect the worse daw kapag malapit na. Kinakabahan tuloy ako pero dahil lagi namang nasa tabi ko si Paula ay kampante na ako. Sa katunayan, siya pa minsan ang nagmamasahe sa paa ko sa tuwing sumasakit ito. Sinasamahan niya rin ako sa puyatan sa tuwing nagigising ako ng hating-gabi na masakit ang ulo at maging ang likod.

This pregnancy is quite being an adventure to me and Paula actually.

"I'm sleeping over, babe."

Kaagad akong napadilat dahil sa sinabi nito. Tiningnan ko ang lalaki na ngayon ay nakatayo pa rin at sa tingin ko'y katatapos lang nitong sipatin ang buong sulok ng bahay ko.

Seryoso ang mukha nito at pinagpapawisan pa ang gilid ng noo maging ang leeg nito.

"Damn. It's hot in here, babe." he pouted bago umupo sa tabi ko. Naglalambing itong yumakap sa akin ng patagilid.

I laughed.

"Naiinitan ka tapos dikit ka pa ng dikit at gusto mo pang matulog rito."

"Nah. I have to make myself get used to these." He said. Naguguluhan akong tumingin rito.

"And why is that?"

He smirked at me.

"Baby, I'm not planning on sleeping over here for tonight only. I am planning on sleeping over here 'till you give birth to our baby. And after that, we'll live in my penthouse which will be yours soon too."