Kabanata 2: Electric blue eyes
"H-hindi pwede! Hindi pwede, Paula!" naiiyak kong saad. Pagkarating namin sa bahay ay kaagad akong naupo sa sofa. Matagal bago pumasok sa isip ko kung ano ba talaga ang ibig sabihin ng Doctor non.
I am not just having twins inside me! I'm having a quadruplets for God's sake! How am I going to raise them?! Undas expecting twins dahil may kambal si Mama. It was expected! What I don't expect is a quadruplets!
"A-ayaw mo ba nun, beh? T-the more, the merrier?" nag-aalangang tanong sa akin ni Paula na para bang natatakot na itong bigla nalang akong sumabog ngayon.
Aba! Talagang sasabog ako sa inis! Kung tutuusin ay siya naman ang may pakana nito e! Siya ang dahilan kung bakit ako naturukan ng apat na bulinggit sa loob ko!
I sighed deeply.
That man! That crazy man! I know that he did me a lot of times that night, ayaw pa nitong paawat... na nagustuhan ko naman, pero... pero sobra naman yata 'to. Isang gabi lang 'yon tapos apat kaagad?!
That's one hell of a sharpsho---damn it!
"Paula naman..." I groaned before sighing sadly. "Mahirap magka-anak ng kambal, tapos ito, apat 'to, Pau. Hindi lang dalawa kundi apat. Mahirap 'to. Paano kung... paano kung may mamatay na isa sa mga anak ko?" Nanghihina kong pinahid ang luhang pumatak sa aking pisngi. Kaagad naman akong dinaluhan ni Paula.
"Shush, hindi 'yan mangyayari, beh. Nandito naman ako, tutulungan kita."
"Paano?" humihikbi kong saad.
"Umire beh. Tutulungan kitang umire." I immediately glared at her. She then, zipped her mouth before pouting.
"Tutulungan nga kita, beh. Moral support ganon. Tapos, patatawanin kita araw araw para hindi ka ma-stress. Sabi pa naman ni doc na bawal daw sayo ang ma-stress. Pakakainin kita ng gulay at prutas. Basta! Tutulungan kita. Just trust me on this. Char, english 'yon."
Loka loka si Paula. Pero ramdam na ramdam ko ang sensiridad niya habang sinasabi niya ang mga salitang 'yon. Alam ko naman nang hindi niya ako pababayaan e. She's the truest friend that I ever had. And I'm glad that she's still by my side kahit na may mga ugali akong patapon minsan.
"Thank you, Pau." mahina kong bulong rito na alam ko namang narinig niya.
"Sus, ano ka ba. Wala 'yon. Basta ba pangalanan natin ng Kermit the baby frog ang isa sa quadro." napangiwi ako sa huli niyang sinabi. Never. I will never let her name one of my child. It would be a disaster and a nightmare.
***
"Congratulations! You're invited to have a private meeting with the CEO of Uno Deux Publishing Company!"
Muntik nang lumuwa ang mga mata ko sa gulat dahil sa nakita. Kakagising ko pa lang tapos ito na kaagad ang bubungad sa akin?!
I can't believe this! I cannot! I've been waiting for this my while life!
Uno Deux Publishing Company is... really granting my wish? Like really? Hindi ko 'to inaakala! Pakiramdam ko ay maiiyak na yata ako sa tuwa nito. If I will sign a contract under them, then my life and insurance will be secured! That's for a fact! Hindi basta basta ang publishing company na 'to kaya marami ang naghahabol na mapabilang tapos ako? Ako ang napiling makaharap ang may-ari?
Napatakip ako sa aking bibig. Gusto kong tumalon sa saya pero pinigilan ko ang sarili ko. I have my little ones inside my tummy so I'll be very careful.
Marahan kong hinaplos and tiyan ko.
Babies... This is a great opportunity for Nanay... Give Nanay a strength... para ma-secure ko ang future niyong apat.
Wala na akong sinayang na oras pa at kaagad na naligo bago nagbihis. Paula has work kaya kahit na gusto kong magpasama ay hindi pwede. She has responsibility too at naiintindihan ko naman 'yon.
Sumakay ako ng tricycle at nagpahatid sa may sakayan ng jeep. Being pregnant is an advantage too dahil ako ang pinauna ng mga pasahero. Even the jeepney driver was very considerate. Mahina lang ang pagpapatakbo nito matapos malamang quadruplets ang dinadala ko.
In this world, full of evilness. Meron at meron pa rin talagang may magaganda ang loob.
Nang makarating sa tapat ng building ng Publishing Company ay kaagad na akong bumaba ng jeep. Inalalayan pa ako ng konduktor which I am very thankful of.
Nakangiti kong tinitigan ang mataas at malawak na building.
Finally... one of my dreams is coming true.
"Hello Kuya!" binati ko ang guwardiya na sumaludo lang naman. Good mood ako ngayon at sa tingin ko'y wala nang makasisira pa ng araw ko ngayon.
Ipinakita ko lang ang ID ko sa receptionist and she immediately called for someone to accompany me to the CEO's Office.
Mahigpit ang kapit ko sa harap ng aking bag habang nasa loob ng elevator. Hanggang sa bumukas ang pintuan at makalabas ng elevator ay hindi nawala ang kaba ko. Dadagdagan pa nga 'yon.
Buong floor ang sakop ng opisina ng CEO at pinaka-top floor pa. Ini-imagine ko pa lang ay para na akong malulula.
The woman guided me in front of the golden door. She smiled slightly before bowing. Inilahad nito ang kaniyang mga kamay na ikinakunot ng noo ko.
"Strictly no cellphones or any other gadgets are allowed inside the CEO's office, Maam. The CEO values privacy too much and he doesnt want to be the number one topic of any news or reports."
Napalunok ako at napa-nguso. Sayang. Gusto ko pa naman sanang magpa-picture pero hindi ko nalang ipipilit dahil baka hindi ako maka-sign ng contract kung sakali. Hindi na mase-secure ang bank account ko.
Kahit nagdadalawang isip pa ng kaonti ay ibinigay ko naman ang cellphone sa secretary yata ng CEO. She knocked on the door three times before smiling at me bago tuluyang tumalikod at naupo sa couch.
I sighed when I heard a cold and rough voice saying 'Come in' inside the office.
This is it. Sign the contract the contract and you're safe.
I sighed deeply before opening the door slowly. I was greeted by a...
Very handsome man. He was working something on his table. Nakayuko at may suot na eyeglass. Nakakunot ang noo nito... and that even made him more handsome!
Akala ko ba matanda ang may-ari?!
Nang tumaas ang tingin nito sa akin ay doon ako tuluyang napasinghap.
What a... very enticing blue eyes he have!