Kabanata 1: Four pairs of feet

"Positive, Aivy! Buntis ka! Nagbunga ang matinding kayod mo!"

It's almost five months ever since Paula dropped that news to me. Noong una, hindi ko pa alam kung anong maramdaman ko. Nalilito ako. Nalilito ako kung bakit hinayaan ko ang lalaking gawin 'yon sakin.

He's a stranger for God's sake!

Galit ako. Galit ako sa sarili ko kasi... bakit ko nga ba naisip na magkaananak? Am I ready for that? Am I ready to be a mother?! Bakit ko ba naisipang magpa-buntis sa lalaking hindi ko kilala?!

Ang bobo lang, Una.

Hanggang ngayon ay napapangiwi pa rin ako sa tuwing naalala ko ang ginawa kong kabulastugan ng gabing 'yon. What was really my purpose of doing these?! Bakit nga muna ako nag-pabuntis?!

Ah...

Kasi nga, gusto kong patunayan sa mga chikadorang kapitbahay ko na hindi ko kailangan ng lalaki sa buhay ko para masabing masaya ako. Kasi pwede namang anak ko lang ang nandito, basta ba ay masaya pa rin ako.

Hindi lang 'yon. Gusto ko ring magka-anak na dahil...'yon ang hinihingi sa akin ng nanay ko noon pa man. Di bale ng walang ama, kaya ko naman. Kaya ko di ba? Kakayanin ko. Ginawa ko na e. Aatras pa ba ako?

Wala nang oras para magsisi ako. Nandito na. Apat na buwan nalang ang kulang at ilalabas ko na ang anak ko.

"Hindi mo talaga hahanapin ang ama niyan, beh?" Tanong ni Paula ngunit sinamaan ko lang ito ng tingin. Isa pa 'to. Siya talaga ang dahilan kung bakit ang bigat ng tiyan ko ngayon. Basta basta nalang niya akong pinapasok doon sa loob ng kwarto nang hindi man lang pinakinggan ang hinaing ko. Hinaing, tch.

"Bakit? Kilala mo?" taas kilay kong sumbat rito. Napanguso lang ito at umaktong nag-zip ng bibig. I sighed. Wala na akong panahon pa para hanapin ang lalaking 'yon.

Noong gabing 'yon. Alalang alala ko pa rin talaga ang amoy ng lalaki. Sobrang mamahalin e. Pakiramdam ko ay hindi ko ma-afford kahit ang perfume niya. And... I can't forget the way he touch me. Damn. He even tied my wrist with his necktie! That was hot, but then, hindi na pwedeng balikan pa ang ala-alang 'yon.

"Samahan mo ako sa hospital, Pau. Magpapa-check up ako. Pwede naman na sigurong patingnan kung anong gender ni baby ko." hinaplos ko ang magang-maga ko ng tiyan. Limang buwan na kaya malaki na talaga ito. Iyon nga lang, maraming nagsasabi na sobrang laki lang daw ng tiyan ko para sa limang buwan na buntis. Hindi naman ako nagtataka doon. Malakas akong kumain simula noong nabuntis ako kaya malamang sa malamang, lalaki at lalaki talaga ang tiyan ko.

"Mabuti pa nga, beh. Para malaman rin natin kung ilan ang nasa loob."

Napakunot ang noo ko sa sinabi nito. "Sinasabi mo diyan? Siyempre isa lang ang nandito sa loob."

Napailing si Paula at napangiwi. "Sa tingin ko hindi lang isa ang nasa loob ng tiyan mo, beh e. Sobrang laki talaga ng tiyan mo. Natatakot nga ako na baka biglang nalang 'yang sumabog. Tsaka di ba? Sabi rin ni Mama na baka kambal 'yan. Maraming nagsasabing mga kapitbahay natin, beh."

Napabuntong-hininga nalang ako. Well, kung totoo mang kambal ang nasa loob ng tiyan ko ay hindi na ako magtataka pa don. My mother has a twin too so... hindi na 'yon imposible pa.

Naligo muna ako at nagbihis bago namin napag-desisyonang umalis ng bahay. I am wearing a floral off the shoulder dress na hanggang tuhod ko.

Inalalayan ako ni Paula habang palabas ng bahay kaya hindi ako masyadong nahirapan sa paglalakad. Iyon nga lang, sobrang bigat talaga ng tiyan ko e.

Paglabas pa lang namin ng bakuran ay napatingin na kaagad sa gawi ko ang mga lalaking tambay na nasa tindahan ni Aling Chuping na numero unong tsismosa ng barangay. Someone even whistled kaya mabilis na itinaas ko ang kamao ko at pinandilatan ang lalaki.

"Naku! Buntis na nga at lahat lahat pero basagulera pa rin!" Napairap ako sa sigaw ng matandang si Aling Chuping. Lumabas pa ito ng tindahan niya habang dala dala ang makapangyarihan niyang pamaypay.

"Panira talaga ng araw ang matandang 'yan e." nanggigigil na bulong ni Paula sa tabi ko.

"Hayaan mo na. Ganiyan daw kasi kapag natuyo na," usal ko pa dahilan para matawa ang katabi ko.

"Aivy! Tinakbuhan ka siguro ng ama niyang ipinagbubuntis mo no?!" muling sigaw ng matanda dahilan para mapairap ako. Gusto kong sugatan ito pero sumasakit ang tiyan ko sa tuwing ginagawa ko 'yon kaya pinigilan ko nalang ang sarili ko.

Ito ang rason kung bakit hindi na ako masyadong lumalabas ng bahay dahil alam ko namang makikipag-sagutan lang ako sa mga kapitbahay kong tsismosa, partikular na itong si aling Chuping na bitter na bitter sa buhay.

Sumakay kami ng traysikel at nagpahatid sa sakayan ng jeep.

"Naku! Pag alam lang ni aling Chuping na ikaw mismo ang tumakbo palayo sa ama ng anak mo." maktol ni Paula habang nasa loob na kami ng jeep papunta sa pinakamalapit na hospital.

Napailing nalang ako at napangisi. Paniguradong tanggal ang angas ni Aling Chuping kapag nalaman nong ako ang nang-iwan sa lalaking nakasama ko noong gabing 'yon.

Pagkarating namin sa hospital ay kaagad na kumabog ang dibdib ko sa kaba. Ewan ko ba. Kinakabahan talaga ako e. I'm nervous and at the same time, excited too.

Nang tinawag na ang pangalan ko ay kaagad na akong pumasok sa loob ng klinika. The doctor immediately smiled at me when she saw me and so I did too.

"Eight months na ba 'to, Misis?" Nakangiting tanong nito.

"Ah-ahm... Five months pa po, and I'm still a Miss po." nakanguso kong saad.

Nakita ko ang gulat sa mga mata nito. Her lips even formed an 'o'.

Nang pinahiga na niya ako sa hospital bed ay mas lalong kumabog ang dibdib ko sa kaba. Parang gusto ko tuloy na papasukin si Paula sa loob.

"Pwede ko po bang papasukin ang kaibigan ko rito?" nag-aalangan kong tanong.

"Sure, sure..." nakahinga ako ng maluwag doon.

When Paula came in, kaagad itong pumunta sa gawi ko at hinawakan ang aking kamay.

I bit my lower lip when the doctor started to do her thing.

"Oh my God!" napakurap ako sa saad nito. I looked at Paula worriedly and I saw that she's even more nervous than me!

"A-ano po 'yon, Doc? Okay lang po ba ang baby namin?"

Natampal ko ang braso ni Paula. Gagang 'to!

Napatikhim ito at bahagyang napanguso. "Sorry naman beh! Kinakabahan ako e."

Gaga talaga.

"No. It's not just a baby. It's a babies!"

Kambal. Kambal ang anak ko?

"Congratulations! You have four pairs of feet inside you, Miss Frias!"

I blinked multiple times.

A-anong...

Octopus? Octopus ang anak ko?!