Chapter 09
KINAGABIHAN ay nagsimula ng maghanap sina Beelzebub mula sa himpapawid kasama si Belial, nakalabas ang maitim at malagong pakpak ni Beelzebub habang nakatayo sa ere at naka cross arms habang nasa tabi niya si Belial na nasa natural na anyo nito. Iniikot ni Beelzebub ang kaniyang tingin sa kabuuan ng bayan upang maghanap ng pinaka masamang tao na pwedeng pinamamahayan ni Ahriman kaya nakakapagtago ito sa kanila. Kakaalis lang nila sa bahay at naiwan doon sina Endemion at Rana, pinili ni Beelzebub na pumwesto sa gitnang bahagi ng bayan upang matingnan niya ang kabuuan ng bayan na hindi naman ganun kalaki at hindi ganun kaliit.
"Ang mundo ng mga tao ay may apat na direksyon, ang hilaga, kanluran, timog at silangan. Ngayon, saan tayo magsisimulang maghanap ng taong kasunog-sunog ang kaluluwa dahil sa kasamaan meron siya."saad ni Beelzebub bawat direksyon na kaniyang binanggit ay tinitingnan niya.
"Kamahalan, kung hindi natin makita si Ahriman sa lugar na 'to..."
"Kailangan nating lumipat ng ibang lugar, walang silbi ang lugar na ito kung wala naman pala dito ang traydor na si Ahriman."sagot na pahayag ni Beelzebub.
"Iiwan din ba natin ang taong kasama natin sa bahay, kamahalan?"tanong ni Belial na bahagyang ikinatahimik ni Beelzebub bago ito lumingon sa alaga.
"Anong rason para isama natin ang taong 'yun? Pabigat lang ang tulad niya at walang silbi, kaya sa pag-alis natin ay hindi siya kasama."sagot ni Beelzebub na ikinadako ng tingin niya sa hilagang bahagi.
"Bakit hindi natin simulan sa direksyon na 'yun, lahat ng tao may kasamaang tinatago, nakadepende sa kanila kung gagamitin nila sa mas ikakasama pa ng kapwa nila. Tara na Belial."ani ni Beelzebub na ikinalipad na nito papuntang hilaga na agad ikinasunod ni Belial sa kaniya.
"Ilibot mo ang mga mata mo Belial, at kung may mahanap kang ta---"
Hindi natuloy ni Beelzebub ang sasabihin niya ng makarinig siya ng sigaw ng isang babae mula sa ibaba nila na walang pagdadalawang isip na ikinababa nila sa may mga puno at ikinaapak niya sa malaking sanga ganun din si Belial, nang makita nila ang tatlong laking may isang babaeng pinapaliigiran.
"Sige na Ms. mag-eenjoy ka sa aming tatlo. Pili ka lang kung sino ang gusto mong mauna sa amin, o baka naman gusto mong magsabay na kaming tatlo?"ngising asong ani ng isa sa mga lalaki sa babaeng sobrang natatakot na sa tatlong humarang sa kaniya.
"Pa-pauwiin niyo na ako parang awa niyo na. Hayaan niyo akong umuwi na sa amin."umiiyak ng pagmamakaawa ng babae sa tatlo na napahiyaw nalang ng parehas siyang hawakan sa magkaparehong barso niya ng dalawang lalaki habang ang isa ay naglakad palapit sa harapan ng babae at hinawakan ang leeg nito pababa sa dibdib nito na mas ikinaiyak ng babae sa gagawin ng tatlong lalaki sa kaniya.
"Eh? Ang mga tao talaga, pag nakitaan ng kasamaan sa mga puso ng mga ito ay nagagamit lalo para gumawa ng ikakapahamak ng mga kapwa nila. Pero sa tatlong mga taong ito, wala si Ahriman. Pero hindi ko pwedeng palagpasin na harapin sila."ngising ani ni Beelzebub na ikinababa niya sa puno sa likuran nito at itinago ang itim nitong pakpak habang si Belial ay nanatili sa taas ng sanga ng puno.
Rinig nina Belial ang pagmamakaawang sigaw ng babaeng unti-unti ng hinuhubaran ng lalaking nasa harapan niya na may namumulang mata, winasak nito ang pang-itaas na damit ng babae kaya tanging bra nalang ang naiwan sa katawan nito. Walang magawa ang babae dahil hawak-hawak ito ng dalawang kasama nito na blanko ang mga mata na parang walang alam sa ginagawa ng mga ito.
"Alisin na din natin ang suot mo pang-ibaba…"ngising saad nito na pilit mang pumalag ang babae ay wala itong magawa na mas ikinaluha nito habang papalapit na ang kamay ng lalaki sa short na suot nito.
"Mag-eenjoy tayo dit----"
"Mukhang bored ang kampon ni Hades kaya gumagawa ng aksyon ngayon, ang panget naman ng libangan niyo."ngising pahayag ni Beelzebub na nakasandal sa may puno na ikinalingon ng babae at ng lalaking namumula ang mga mata sa kaniya.
"Parang awa mo na tulungan mo ako..."iyak na pagmamakaawa ng babae kay Beelzebub na nakatutok ang mata sa lalaking umayos ang pagkakaharap sa kaniya.
"Sa itim na presensya na nakikita ko sayo, mukhang galing kang demon realm, alagad ni Dagon. Nauna ako sa babaeng 'to kaya maghanap ka ng sayo."pahayag na pagtataboy ng lalaki na ngising ikinatawa ni Beelzebub na umalis sa pagkakasandal sa may puno at naglakad palapit sa lalaki.
"Itatama ko lang ang sinabi mo, ghoul, hindi ako alagad ng matandang demonyo na 'yun. Ako ang magigiging bagong hari ng demon realm, ang bunso niyang anak. Beelzebub ang pangalan ko, tandaan mo."pahayag ni Beelzebub na ikinabaling niya ng tingin sa umiiyak na babaeng nakatingin sa kaniya.
"Belial, burahin mo ang ala-ala nila pag-alis namin."ani ni Beelzebub na ikinatalon pababa ni Belial sa tabi ni Beelzebub na gulat na ikinalaki ng mga mata ng babae habang nakatingin sa tunay na anyong demonyo ni Belial na may anim na paa, mahabang sungay at matatalim na pangil na biglang nagkatawang tao.
"Ako na po ang bahala, kamahalan."ani na sagot ni Belial sa utos ni Beelzebub.
"Ha-halimaw…."hindi makapaniwalang may takot na bulaslas ng babae na nawalan ng malay sa pagkakahawak nahipnotismong dalawang lalaki.
"Sa tingin mo ba ay ipapahawak ko sayo ang pagka---"
Hindi naituloy ng lalaki ang sasabihin niya ng sa isang iglap ay sakal-sakal na siya ni Beelzebub habang nililipad palayo sa kinatatayuan nina Belial na hindi makakilos o hindi makagalaw sa pagkakasakal ni Beelzebub dito.
Patulak na inililipad ni Beelzebub ang lalaking may masamang espiritu na kumokontrol sa katawan ng lalaki na hindi makawala sa pagkakasakal niya dahil karaniwan at mahinang ghoul ito ni Hades. Nang makalayo-layo na sila sa lugar na nakitaan niya dito ay malakas na hinagis ni Beelzebub ang lalaki sa may malaking puno na malakas ang impact na ikinatama nito na ikinayanig ng puno.
Agad na bumaba si Beelzebub sa harapan ng lalaking nakasandal sa malaking puno na nakahawak sa kanang braso nito habang galit na galit na nakatitig kay Beelzebub.
"Alam mo ba ang ginagawa mo?! Kung papatayin mo ako, magsisimula ka lang ng digmaan sa pagitan ng underworld at demon realm!"galit na sigaw nito kay Beelzebub.
"Eh? Talaga ba? Bakit? Gaano ba kahalaga sa hari niyo ang isang tulad mong mahinang ghoul para mag-umpisa ng digmaan sa demon realm? Baka nga wala siyang pakielam kung sunugin kita at gawing abo ngayon."ngising pahayag ni Beelzebub na mas lalong ikinasama ng tingin ng lalaki sa kaniya na pinalipad ang isang matabang sanga na nasa lupa at itinapon iyon kay Beelzebub na walang kahirap-hirap na nasambot lang ni Beelzebub.
"Anong laban ng mahinang ghoul na tulad mo, sa prinsipe na gaya ko?"ani ni Beelzebub na malakas na dinurog ang kahoy na hawak niya at nagsimula ng maglakad palapit sa lalaki na nagbalak na tumakas kay Beelzebub ng hindi ito makagalaw sa kinatatayuan nito.
"Ba-bakit h-hindi a-ako maka-makakilos?!"
"Dahil mas malakas ang kapangyarihan ko sa kapangyarihan mo, ngayon, bago ko gawin ang naiisip ko sayo. May isa akong katanungan na dapat mong sagutin ng maayos, malay mo maawa ako sa'yo."pahayag ni Beelzebub ng makalapit na siya sa harapan ng lalaking nagpupumilit na makaalis sa kinatatayuan nito.
"Pero bago 'yun umalis ka sa katawan ng taong sinapian mo."seryosong utos ni Beelzebub na siya namang ikinangisi ng lalaki sa kaniya.
"Bakit prinsipe ng demon realm? Naawa ka ba sa taong 'to kaya ayaw mong sunugin ito kasama ko? Hindi ko akalain na may kabaitan ang isang dem---"
Hindi natuloy ng lalaki ang sasabihin niya ng mahigpit na takpan ni Beelzebub ang bibig nito na ikinalaki ng mga mata ng lalaki ng magkulay pulang dugo ang mga mata ni Beelzebub, lumabas ang malaki nitong sungay at ang tatak sa noo nito bilang prinsipe ng demon realm, na kahit ang masamang espiritu ay nakaramdam ng takot kay Beelzebub.
"Kaya kitang sunugin kasama ang katawan ng taong sinaniban mo, pero gawin mo ang sinabi ko kung gusto mong makauwi sa underworld at sa hari mo."seryosong pahayag ni Beelzebub.
"Ga-gagawin k-ko na..."ani nito na ikinaalis ni Beelzebub sa pagkakatakip nito sa bibig ng lalaki na agad nitong ikinaalis sa katawan ng lalaki na walang malay na bumagsak sa damuhan at naiwan ang masamang espiritu na may di kaaya-ayang itsura.
"Sino ka sa mga alagad niya?"tanong ni Beelzebub dito.
"A-Akuma…"
"Akuma huh? Sabihin mo sa akin, kilala mo ba si Ahriman?"seryosong tanong ni Beelzebub dito.
"Ahriman?"
"Alam kong kilala mo siya at ng ibang ghoul dahil siya lang naman ang isa sa alagad ng aking ama na nagtraydor para sa hari niyo. Hinahanap ko siya ngayon, tatanungin kita. Nakita mo ba siya?"ani na tanong ni Beelzebub na kita niya ang takot sa mata nito.
"H-hindi, hindi ko siya nakita..."
"Sinungaling, huwag mong agawan ng masamang ugali ang mga demonyo. Ngayon, kung hindi mo sasabihin sa akin, wala kang silbi."ani ni Beelzebub
"... pero isa lang ang masasabi ko, hindi mo makikita ang hinahanap mo sa lugar na 'to."habol na pahayag ng masamang espiritu kay Beelzebub na hindi na nito sinagot ang masamang espiritu at agaran na itong sinunog ang kaluluwa nito hanggang mawala na ito.
"Walang ghoul ang magsasabi sa akin tungkol saan kinalalagyan ni Ahriman, pero wala ang traydor na 'yun sa lugar na 'to."pahayag ni Beelzebub na ikinababa niya ng tingin sa walang malay na lalaki sa damuhan.
"Pag nalaman ni Rana na tinulungan ko ang taong 'to, hindi na naman niya ako tatantanan na mabait ako. Tss! Mga mahihinang taong mabilis paglaruan ng mga ghoul, mga kawawang nilalang."saad ni Beelzebub na ikinalabas na niya sa pakpak niya at lumipad na sa himpapawid upang balikan si Belial at tapusin na ang paghahanap nila dahil wala sa bayan na kinalalagyan nila ang pakay nila.
Pagkabalik ni Beelzebub kung saan niya iniwan si Belial ay nakita niya itong nakatayo lang sa tatlong taong walang mga malay, ng sabihin ni Beelzebub ang nalaman niya sa masamang espiritu ay lumipad na sila pareho pabalik sa bahay kung saan naabutan nila si Endemion na naglalaro mag-isa ng chess habang si Rana ay nasa kwarto nito.
"Mukhang mabilis lang ang pag-iikot niyo sa labas, Beelzebub."ani na tanong ni Endemion ng makita ang pagbabalik nina Beelzebub sa loob ng bahay na pabagsak na umupo sa sofa habang si Belial ay nakatayo lang sa gilid ng upuang kinauupuan ni Beelzebub.
"Wala si Ahriman sa bayan na ito, kaya lilipat tayo ng ibang bayan."pagbibigay alam ni Beelzebub na ikinabuntong hininga ni Endemion.
"Paano mo nalaman na wala siya dito?"
"May nakasalubong akong ghoul na may gagawing kababalaghan, tinanong ko siya at sinabi niyang wala si Ahriman sa bayad na 'to."sagot ni Beelzebub na ikinaayos na ni Endemion sa nilalaro niya.
"Sabihin mo sa akin na pinakawalan mo ang ghoul na nakasalubong mo."tanong ni Endemion.
"Gusto mong malaman ang ginawa ko sa ghoul na 'yun?"
"Kung ginawa mong abo ang ghoul na 'yun, magagalit si Hades sa atin."saad ni Endemion na bahagyang ikinangisi ni Beelzebub.
"Magkalaban na ang underworld at demon realm, may bago ba kung magagalit ang hari nila? O ayaw mong mas lalong magalit sayo si Hades?"pahayag na ani Beelzebub na ikinalingon ni Endemion sa kaniya.
"Kung wala si Ahriman sa bayan na 'to, kailangan nating maghanda sa pag-alis bukas. Mas maaga mas mabuti, magiging maayos naman si Rana sa bahay na 'to kay---"
"Kasama ang taong 'yun sa pag-alis natin Endemion."putol na saad ni Beelzebub na siyang ikinabaling ni Belial sa kaniya dahil taliwas ang sinabi nito kay Endemion sa sinabi ni Beelzebub sa kaniya kanina.
'"Hindi natin siya pwedeng isama, Beelzebub. Delikado para sa kaniya, ang kasama tayong mga demonyo ay magiging mapanganib para sa kaniya, mas mabuting iwan natin si Rana sa luga---"
"Ako ang kamahalan mo, Endemion, kung anong sinabi ko 'yun ang gagawin mo. Bukas, sa pag-alis natin sa lugar na 'to, kasama ang taong 'yun."seryosong putol ni Beelzebub na ikinatayo na nito sa pagkaka-upo at naglakad papuntang terrace.
"Sa taas ako magpapahinga, sumama ka sa akin Belial."ani nito na ikinalabas nito sa pakpak nito at lumipad na paakyat sa bubungan na ikinasunod ni Belial sa kaniya at iniwan si Endemion sa kinauupuan nito.
"Beelzebub, hindi ka pwedeng mahulog sa isang tao. Alam mong hindi maari, alam mong hindi tatanggapin ng iyong ama kung magkaroon ka ng damdamin para sa isang tao, matutulad kayo sa amin."seryoso at nag-aalalang sambit ni Endemion na ikinabaling tingin nito sa kwarto kung nasaan si Rana.