Chapter 10

PAGSAPIT ng madaling araw ay naghahanda na sina Beelzebub sa pag-alis nila sa bayan na wala silang napala dahil wala doon ang kailangan nilang maibalik sa demon realm, pagbalik nina Beelzebub kagabi matapos nitong makaharap ang isang ghoul na nagsabi sa kaniya na wala ang hinahanap nila sa bayan na kinalalagyan nila ay siya namang pag-alis ni Endemion ng gabing ‘yun para maghanap ng bagong bayan na pupuntahan nila para sa paghahanap kay Ahriman.

Malayo ang bayan na nahanap ni Endemion at may nakuha na din itong bahay na matutuluyan nila sa pagpunta nila doon, ngayon ay kailangan na nilang upang walang mga taong makakita sa kanila.

“Pwede na tayong umalis, Beelzebub.”pagbibigay alam ni Endemion kay Beelzebub na binalingan ang tingin ng kwarto kung nasaan si Rana.

“Alam ba ng taong ‘yun na aalis na tayo?”saad ni Beelzebub.

“Hindi ko sinabi sa kaniya, mas mabuting iwan natin siya dito, kamahalan.”saad ni Endemion na ikinabaling ng tingin ni Beelzebub sa kaniya.

“Hindi ba at sinabi kong sasama ang taong ‘yun?”seryosong ani ni Beelzebub kay Endemion habang nakatayo lang si Belial at naghihintay ng signal sa pag-alis nila.

“Beelzebub, hindi makakabuti kay Rana ang sumama sa atin. Ang lugar na ito ang bayan niya at hindi natin siya dapat dalhin kung saan, hindi na dapat magtagal na ang taong tulad niya ang kasama ang mga tulad nating nilalang.”pahayag ni Endemion na ikinaharap ng mabuti ni Beelzebub sa kaniya.

“Narinig mo ang sinabi ko, Endemion, anong karapatan mo para pagbawalan ako sa napagdesisyunan ko?”seryosong pahayag ni Beelzebub na tinalikuran si Endemion na napabuntong hininga dahil alam niyang wala na siyang magagawa at hindi niya mapipigilan si Beelzebub sa desisyon nito.

Deretsong naglakad si Beelzebub sa kwarto kung nasaan si Rana at walang katok-katok na binuksan ang pintuan, nakita ni Beelzebub na nakahiga sa kama at mahimbing na natutulog na bahagyang ikinaingos ni Beelzebub.

“May gana pa siyang matulog gayong aalis na kami.”mahinangn singhal ni Beelzebub na naglakad na palapit dito at ng gigisingin niya ito ay natigilan siya ng makita niyang basa ng luha ang mga mata nito na ikinatitig ni Beelzebub kay Rana.

Mahimbing na natutulog si Rana sa kama kaya imbis na gisingin siya ni Beelzebub ay dahan-dahan niya itong binuhat sa kaniyang mga bisig, na ikinatitig niya muna sa maamong mukha ni Rana bago siya nagsimula ng maglakad palabas ng kwarto.

“Beelze---“

“Huwag kang maingay, magigising ang taong ‘to. Umalis na tayo.”ani ni Beelzebub kay Endemion bago ito naglakad sa may terrace at inilabas na ang itim nitong pakpak na ikinasimula na nitong ikalipad sa himpapawid na ikinapalit na ng aniyo ni Belial at sumunod na sa paglipad.

Buntong hiningang napailing nalang si Endemion sa naiisip niya sa ikinakilos ni Beelzebub pagdating kay Rana, may idea si Endemion at alam niyang hindi makakabuti iyon para kina Beelzbub at Rana. Hindi lang maunawaan ni Endemion kung bakit mabilis mag-iba ng pakikitungo si Beelzebub kay Rana kahit pinapakitaan ito ng totoong ugali nito, pero nakikita ni Endemion na unti-unti ng nag-aalala si Beelzebub kay Rana.

Inilabas na din ni Endemion ang kaniyang mga pakpak at lumipad na din para sundan sina Beelzebub, malayo-malayo din ang lalakbayin nila papunta sa bayan na sunod nilang titirahan. Nakahabol na si Endemion kina Beelzebub at nakatutok lang ang tingin niya dito habang buhat-buhat nito ang natutulog at hindi nagigising na si Rana. At sa pagtitig ni Endemion sa dalawa ay hindi niya maiwasang maalala ang nakaraan niya na sa tuwing naalala aniya ay naroon parin ang sakit.

*FLASHBACK*

Dahan-dahang bumaba si Barachiel sa gitna ng kagubatan na may malawak na batis kung saan tumatama doon ang liwanag ng buwan na nagsisilibing liwanag sa gitna ngg gubat. Madilim ang buong kapaligiran at itiniklop na niya ang kaniyang magaganda at mapuputing pakpak.

Nakasuot ng mahabang puting parang dress si Barachiel na kumikinang sa ganda at may mga gintong palamuti, si Barachiel ang pang pitong archangel ng heaven’s realm. Siya ang itinalaga ng supreme Deity bilang bantay ng mga tao sa lupa, may magandang itsura at laging nakasunod sa utos ng supreme deity maliban sa isang kautusan na lihim niyang itinatago.

Sa tuwing ika apat ng gabi sa isang linggo ay bumaba si Barachiel sa lupain ng mga tao, sa gitnang gubat na may malawak na batis upang makipagkita sa bumihag ng kaniyang puso.

“Aking mahal…”

Agad napalingonn si Barachiel sa kaniyang likuran at matamis na napangiti ng makita niya na ang gusto niyang makita sa gabing iyon, ang kaniyang minamahal si Malioné, anak ni Persephone kay Hades na hari ng underworld realm. Sa gitnang gubat na may malawak na batis nagsimula ang pag-iibigan nila nang makita ni Barachiel si Malinoé sa batis. May mahabang itim at puting buhok si Malinoé, itim na kulay ng buhok sa kaliwang bahagi at sa kanan ay kulay puti, ang kaniyang balat ay humahati din sa kulay ng buhok nito, itim sa kaliwang bahagi ng katawan at puti sa kanang bahagi ng katawan nito. Pero para kay Barachiel wala ng hihigit sa ganda sa babaeng bumihag sa puso niya.

Alam niyang mapaparusahan siya ng supreme deity pag nalaman ang relasyon niya sa anak ni Hades dahil pinagbabawal iyon sa kanilang mga anghel. Ang umibig sa tao, demon man o ghoul ay isang mabigat na kasalanan sa heaven’s realm. Pero kahit risky ang ginagawa ni Barachiel, ang makita sa isang beses sa isang linggo si Malinoé ay nagpapasaya sa kaniya.

“Mahal ko…”mabining ani ni Barachiel na agad niyang ikinapulupot ng isa nitong braso sa bewang ni Malinoé na humawak naman sa kaniyang kaliwang balikat.

Saksi ang buwan sa kanilang pagmamahalan na ipinagbabawal ng kalangitan at ng kalaliman ng lupa.

“Barachiel aking mahal, nakakahalata na si ama sa palagiang pag-alis ko sa underworld sa ganitong araw. Ayokong dumating ang panahon na malaman ni ama ang tungkol sa atin, ayokong malayo sayo.”mabini pero nangangambang ani ni Malinoé kay Barachiel na ikinahaplos ng malaya nitong isang kamay sa pisngi nito.

“Ayoko ding malay sa’yo mahal ko, kaya kung kinakailangan na hindi muna tayo magkita upang mawala ang pagtataka ng iyong ama, titiisin ko. Titiisin ko na hindi kita makita ng ilang araw pero ang mahiwalay sayo ng pang habang buhay ay hindi ko kakayanin.”saad ni Barachiel na ikinayakap ni Malinoé sa kaniya.

“Bakit hindi ka nalang naging ghoul mahal ko, sa gayun ay hindii tayo nahihirapan ng ganito. Pero wala akong karapatan na kwestyunin ang pinanggalingan mo.”

“Ipangako natin sa isa’t-isa na hindi tayo maghihiwalay, mahal ko.”ani ni Barachiel na ikinakalas niya sa pagkakayakap ni Malinoé sa kaniya at idinikit niya ang noo niya sa noo nito.

“Mahirap man ang ating sitwasyon, pangako ko na ipaglalaban kita sa kahit sino, sa lahi ko o kahit sa iyong ama kaya sana ay gan---“

“Barachiel?!”

Hindi natapos ni Barachiel ang sasabihin niya ng sabay silang mapalingon ni Malinoé kay Archangel Uriel na pababa sa himpapawid na gulat na ikinatago ni Barachiel kay Malinoé.

“Uriel…”

“Sinasabi ko na nga ba at may ginagawa kang kalabagan sa utos ng supreme deity, isang kasalanan na umibig ka sa isang ghoul at sa anak pa ni Hades!”pahayag ni Uriel na mas ikinatago ni Barachiel kay Malinoé sa kaniyang likuran.

“Uriel, mahal ko si Mali---“

“Mahal?! Mahal mo ang isang taga underworld realm?! Isang kalapastanganan ang ginagawa mo Barachiel, isa ka pa man din sa pitong anghel na pinagkakatiwalaan ng supreme deity! Mapaparusahan ka sa ginawa mong paglabag sa pinaka mahalagang utos ng celestial realm.”seyosong ani ni Uriel na susubukan ni Barachiel na paliwanagan si Uriel ng mapalingon siya kay Malinoé ng napasigaw ito na ngayon ay sakal-sakal ng ama nitong si Hades na may galit sa mga mata nito.

“Pinagtataksilan mo ang iyong ama dahil sa isang arkanghel, Malinoé! Alam mong hindi ka maaring makipag lapit sa isang anghel o kahit na sa isang demonyo! Ganito ba ang ginagawa mo sa tuwing umaaalis ka ng underworld? Ang makipag kita sa anghel na ‘yan?!”galit na sigaw ni Hades na ikinaharap ni Barachiel dito.

“Huwag mong saktan ang iyong anak, Had—“

“Manahimik ka anghel?! Hindi ako makakapayag na malapitan mo pa ang aking anak!”putol na singhal ni Hades kay Barachiel na yumukod sa harapan ni Hades.

“Mahal ko ang iyong anak, Hades, alam kongg kalabagan sa batas ng underworld at ng kalangitan ang pagmamahalan namin pero mahal ko si Malino---“

“Barachiel! Magtigil ka sa kahiban—“

“Ayon ang totoo, Uriel! Mahal ko ang anak ni Hades, mahal ko si Malinoé.”

“Hindi ako makakapayag, bumalik ka na sa ating kaharian Malinoé kung ayaw mong patayin ko ang anghel na ‘yan.”madiing utos ni Hades sa kaniyang anak.

“Pero a-ama…”

“Ipaglalaban ko ang pagmamahalan namin ni Malinoé, mahal ko ang anak niyo at mahal niya ako. Walang masama sa pagmamahalana naming dalawa.”

“Ang isang anghel na katulad mo ay hindi nababagay sa aking anak.”pahayag ni Hades na ikinabaling nito ng tingin sa kaniyang anak.

“Sa araw na ‘to, hindi ka na maaring umakyat sa mundong ito. Mananatili ka sa ating kaharian at pag sumuway ka, kahit anak pa kita ilalagay kita sa porgatoryo kasama ang mga naghihirap na ghoul dahil sa kanilang mga kasalanan.”seryosong banta ni Hades sa kaniyang anak.

“Malinoé!” tawag ni Barachiel sa kaniyang minamahal na dahan-dahang lumingon sa kaniya.

“Patawad, Barachiel…”sambit nito ng mawala na sa paningin ni Barachiel sina Hades na akmang susundan nito ng agad siyang mapigilan ni Uriel.

“Bitawan mo ako, Uriel!”

“Bumalik na tayo sa kalangitan, at harapin mo ang mabigat na parusa dahil sa paglabag na ginawa mo.”ani ni Uriel na hinila na pabalik ng kalangitan si Barachiel na sinisigaw ang pangalan ng kaniyang minamahal.

Pagbalik sa kalangitan ay agad iniharap ni Uriel si Barachiel sa harapan ng supreme deity at sinabi ang paglabag na kasalanan na ginawa nito, ang umibig sa anak ni Hades. Walang imik si Barachiel na nakaluhod sa harapan ng kanilang supreme deity habang nagliligtis, walang ibang nasa isip si Barachiel kundi si Malinoé na walang kahit isang salita na sinabi sa ama nito tungkol sa kanilang pagmamahalan. Masakit para kay Barachiel na tanging paghingi ng tawad ang narinig niya kay Malinoé nang tawagin ng supreme deity ang kaniyang pangalan na dahan-dahan niyang ikinaharap dito.

“Archangel Barachiel, isang malaking kasalanan ang nilabag mo sa kalangitan. Ang magkaroon ng nararamdaman para sa anak ni Hades ay hindi ko matatanggap, kaya mula sa araw na ito ay tinatanggalan na kita ng pakpak at hindi ka na kabilang sa pitong arkanghel ng celestial realm. Walang lugar dito ang isang anghel na katulad mo na lumalabag sa utos ko.”pahayag ng supreme deity na mapait at nasasaktang ikinangiti ni Barachiel.

“Hindi kasalanan ang magmahal, hindi masama ang umibig.”ani ni Barachiel nang ipag-utos na ng supreme deity na ipatapon si Barachiel paalis ng celestial realm.

At dahil wala ng pakpak si Barachiel at tuloy-tuloy siya sa pagbagsak niya mula sa kalangitan na may luhang lumalabas sa mga mata nito, ipinikit ni Barachiel ang kaniyang mga mata at hinihintay ang kaniyang katapusan ng may maramdaman siyang sumalo sa kaniya. Pero dahil sa pag-alis ng supreme deity sa kaniya bilang anghel ay nawawala na din ang kaniyang kapangyarihan.

“Isang anghel na nilaglag ng kalangitan, magagamit kita. Dadalhin kita sa demon realm at simula ngayon, ikaw na si Endemion. Isang anghel na bumagsakk sa langit at magging demonyo para maglingkod sa akin.”rinig na tinig ni Barachiel hanggang sa tuluyan na siyang mawalan ng malay.

*END OF FLASHBACK*

“Malayo pa ba tayo, Endemion?”

Bumalik na si Endemion sa kaniyang sarili matapos niyang balikan ang kaniyang nakaraan bilang isang anghel na pinatapon sa langit dahil nagmahal siya ng hindi nila lahi. Napalingon siya kay Beelzebub na lumilipad sa tabi niya habang buhat-buhat nito si Rana.

“Malayo pa, Beelzebub, pero kung magmamabilis tayo sa ating paglipad makakarating tayo agad.”sagot na ani ni Endemion na ikinaingos ni Beelzebub.

“Magigising ang taong ‘to, ayoko ng may maingay habang lumilipad ako. Tss! Bakit kasi malayong bayan ang napili mo.”angal na reklamo ni Beelzebub na hindi na ikinaimik ni Endemion dahil naglalaro sa isipan niya ang maaring kahinatnan sakaling tuluyang mag-iba ang nararamdaman ni Beelzebub kay Rana, alam niyang si Beelzebub at Rana ang magsa-suffer sa oras na maging pag-ibig ang nararamdaman ni Beelzebub na alam niyang hindi tatanggapin ng ama nito, ang hari ng demon realm, si Dagon.