Chapter 08
KINAHAPUNAN ay nakabalik na sina Belial at Endemion sa bahay nila na may pagtataka kung bakit may itim na abo silang nadatnan sa may malapit sa pintuan, nadatnan din nila si Beelzebub na prenteng nakaupo habang naglalaro ng itim nitong apoy, na ikinalapit nina Endemion sa kaniya.
"Nakabalik na po kami kamahalan."pagbibigay alam ni Belial kay Beelzebub na lumingon sa kanilang dalawa ni Endemion.
"Nakikita ko, Belial, kamusta ang paghahanap kay Ahriman?"
"Sa tingin namin kamahalan, wala siya sa lugar na 'to. Hindi ko siya maamoy kaya hindi po namin nalaman kung nasaan siya."balita ni Belial na ikinaalis na ng itim na apoy sa kamay ni Beelzebub.
"It's either nagtatago siya sa katawan ng isang tao para mahirapan siyang mahanap, o Belial must be right, wala sa bayan na 'to si Ahriman."ani ni Endemion na ikinakunot ng noo ni Beelzebub sa kaniya.
"At kailan ka pa natuto ng ganiyang lenggwahe ng mga tao, Endemion?
"Kanina lang, ang kanilang lenggwahe ay nakakahanga kung gagamitin natin."ani ni Endemion na ikinaingos ni Beelzebub sa kaniya at hindi nalang pinansin ang natutunan nito habang nasa labas ito at naghahanap.
"Sa dalawang sinabi mo Endemion, alin ang mas maaring gawin ni Ahriman?"
"Kung nagtatago siya sa katawan ng isang tao ngayon, isang paraan ang gagawin natin. Si Ahriman ang isa sa mapanlinlang na demonyo sa demon world, at tuso. Maaring nakasanib siya sa isang taong may kaluluwang makakapamahay siya. Kailangan natin mahanap sino ang pinaka masamang tao dito sa bayan na 'to, pero kung magawa natin 'yun at wala parin siya, lilipat tayo ng ibang lugar."paliwanag ni Endemion na ikinatango ni Beelzebub.
"Then, ngayong gabi kami naman ni Belial ang lalabas. Ako ang maghahanap sa maaring taong sinaniban niya para makapagtago siya."sagot ni Beelzebub ng ibalik ni Endemion ang tingin niya sa itim na abo na nasa sahig.
"Nasaan si Rana?"tanong ni Endemion na ibinalik niya ang tingin niya kay Beelzebub na ikinataas ng dalawang paa nito sa mesa.
"Bakit mo hinahanap ang taong 'yun?"
"Hindi naman siguro abo ni Rana ang nakikita ko sa sahig, Beelzebub, hindi mo naman siguro sinunog ang taong 'yun. Nakita ko din ang isang tukador natin sa may labas na wasak na. Ikaw ba ang nagtapon ng tukador na 'yun?"seryosong ani ni Endemion na akmang magsasalita si Beelzebub ng mapalingon si Endemion kay Rana na kalalabas lang ng kwarto nito.
"Beel, nakapaligo na ako. Sigurado ka ba na mawawala ang ginawang paghawak sa akin nung demonyo na pumasok dito sa bahay?"tanong na ani ni Rana habang kinakapa ang nilalakaran nito na akmang mabubungo ang binti nito sa mesa ng malakas na sipain ni Beelzebub ang mesa at idinanggi niya ang isa nitong paa sa binti ni Rana na ikinatigil nito.
"Alam mo ikaw na tao ka, sinabi ko ng manatili ka nalang sa kwarto, bakit ang tigas ng ulo mo?!""Singhal na sermon ni Beelzebub habang si Endemion ay nakatingin kay Beelzebub dahil sa ginawa nito huwag lang mabunggo si Rana sa mesa.
"Nag-aalala kasi ako, baka mahirapan akong makatulog eh."ani ni Rana na ikinalingon ni Endemion sa kaniya.
"May pumasok na ibang demonyo dito sa bahay?"tanong ni Endemion na ikinatango ni Rana.
"Oo, balak nga akong sapian kanina, buti nalang niligtas ako ni Beel sa demon---"
"Hindi kita niligtas, ayoko lang ng may pumapasok sa teritoryo ko."putol na Singhal ni Beelzebub kay Rana.
"Kung ganun, ang abo na nasa sahig ay abo ng demonyong sinunog ni Beelzebub. Mabuti at hindi ka napahamak, Rana."ani ni Endemion na bahagyang ikinangiti ni Rana.
"Oo nga, mabuti nalang dumating si Beel kahit sinasabi niya na hindi pagliligtas sa akin ang ginawa niya."
"Tss! Dahil hindi naman talaga kita niligtas."saad ni Beelzebub na tumayo na sa kinauupuan niya.
"Belial, linisin mo na ang abo na 'yan, at mamayabang gabi tayo naman ang lalakad."saad ni Beelzebub na naglakad papuntang kwarto niya habang si Belial ay agad ginawa ang inutos nia.
"Endemion, sabi ni Beel sa akin iligo ko lang daw ang ginawang paghawak ng demonyo sa akin, magiging ayos lang ako, totoo ba 'yun?"tanong ni Rana kay Endemion na ngiting ikinaalalay sa kaniya paupo sa sofa.
"Tulad ng sinabi ni Beelzebub magiging okay ka lang."sagot ni Endemion na ikinahinga ng maluwag ni Rana.
"Mabuti naman."
"Rana, maaring wala dito sa bayan na ito ang demonyong kailangan namin maibalik sa demon realm, kung sa lakad nina Beelzebub mamayang gabi ay bigo parin silang mahanap ang pakay namin. Wala kaming choice kundi ang umalis at lumipat ng ibang bahay, maari kang tumuloy dito dahil nabili na namin sa taong may-ari nito ang bahay."pahayag ni Endemion na hindi naiwasang ikalungkot ni Rana.
"Ganun ba."
"Habang pauwi kami ni Belial ay bumili na kami ng mga pagkain para sayo."ani ni Endemion na ikinapatong nito sa mga pagkain na binili nila para kay Rana.
"Salamat, sana mahanap niyo na ang hinahanap niyo. Masaya akong makilala kayo at makasama dito sa bahay niyo sa maikling panahon."saad ni Rana na ikinatapik ni Endemion sa balikat niya.
"Huwag kang mag-alala, iiwanan ka namin ng ginto na magagamit mo para dito ka manirahan ng maayos. Maari mong gamitin ang ginto na 'yun para muli kang makakita."pahayag ni Endemion na ikinatango ni Rana pero deep inside nalulungkot siya na aalis na sina Beelzebub at maiiwan siya sa bahay na ito ng mag-isa.