CHAPTER 30: BREN him

OLIVIA

2 YEARS AFTER

“Low-la… lowla waaaaahhhhh!” napapapikit ako sa lakas ng iyak niya.

“ rizzi naman may trabaho si tita” sabi ko habang karga karga ko siya, ang tinutukoy niya kasi ay si doc rissa. Napalapit na kasi ung anak ko sakanya at talagang parang apo na niya sa pag trato habang ako ay parang anak niya.

“ lowla!!!!!” nag trantum na, napa buga na lang ako ng hangin.

“ okay stop na… pupuntahan na natin siya” tumigil naman siya, hayyy grabe.

Pinasakay ko na siya car, daan muna kami ng makakain bago siya puntahan baka din kasi hindi pa kumakain si tita.

“ baby bilhan muna natin si lowla ng food okay?”

“ Amm”

“ Yes amm baby”

Dumaan nga muna ako ng pagkain ni tita, iniwan ko saglit si baby sa car dibale at saglit lang naman ako tsaka sa harap lang ng car ung bilihan. Patingin tingin ako sa may car habang nasa loob, ayan sunod na ako.

“ mocha cake please” inayos na ung order ko at nag bayad na, palabas na ako ng may naka palibot ng pulis sa sasakyan ko.

“ excuse me, something wrong?” tanong ko.

“ may nang iwan kasi ng anak nila sa car, mabuti na lang nakita siya ni sir” turo niya sa lalaking naka talikod na may hawak na phone.

“ im her mom at sumaglit lang ako, wala pa akong 10 minutes na wala” paliwanag ko.

“ ay kayo po bA” lumapit ako sa sasakyan at binuksan.

“ naku delikado po kasi ung---”

“ reckless” napa tingin ako sa nag salita, nanlaki ang mata ko. Si brent na naka tingin saakin.

“ narinig mo naman diba?! Saglitan lang ako” tumaas agad ang boses ko.

“ even though, madaming pwedeng mangyari” kalmado niyang sagot.

“ ah mam next time na lang paki dala na lang si baby para narin sa safety” singit ng pulis

“ okay… sorry sa istorbo” ipinasok ko na ung cake sa loob.

“ pasensya na uli, mauna na kami” dagdag ko, hindi ko naiwasan na tignan si brent bago sumakay sa kotse.

Pagdating namin sa clinic tahimik ako, mabuti na lang kukunti na lang ang patient ni tita. Umupo muna ako habang si rizzi ay pumunta na sa lola niya.

“ olivia”

“ olivia”

“ olivia!” napa tingala ako.

“ tita? Bakit po?” kumunot ang noo.

“ kain na tayo??” tinignan ko ung clinic, nawala na ung mga tao.

“ kanina pa ako tapos, naayos ko na ung pagkain natin at kanina pa kita tinatawag pero tulala ka diyan. Ano nangyayari sayo?” tumulo ang luha ko.

“ si brent nakita kami tita” hindi siya naka imik.

“ baka nasundan kayo??” umiling ako.

“ kanina pa sana siya kung nasundan kami tita” napa buga siya ng hangin.

“ what if mag out of town tayo?? May offer saakin at hindi pa ako nakaka pag desisyon, what do you think?” napa isip ako.

“ I pro-process ko agad ang papers niyo” dagdag niya.

“ sige po tita”

“ ako na bahala, halika kana at kumain na tayo” tumango ako.

Nauna kaming umuwi ni rizzi kasi aasisuhin na ni tita ung papers namin, naka usap naman na niya ung nag offer sakanya at mag sabi lang siya kung okay na ang lahat. Habang nag iisip ako biglang nag iba ung takbo ko kaya iginilid ko muna ung sasakyan ko.

“ ugh! Flat pa” tumawag ako ng vulcanizing at mga 30 minutes pa sila darating.

“ baby wait muna natin ung mag aayos ng gulong ha”

“ opo” kinarga ko muna si rizzi, inaantok na kasi siya at need niyang kargahin kapag inaantok.

“ hummmmm hmmmm hmmm” kinakantahan ko para makatulog siya pero ang init, maaraw kasi at ala una pa lang kaya masakit ung araw. Hindi ko pwedeng iloob sa kotse ung anak ko kasi iiyak naman kapag ganitong antok na.

“ ma hot” pinaypayan ko, jusko wala pa namang pagsisilungan.

BEEP BEEP BEEP

May humintong sasakyan, sumilip siya. Si brent, kung pinapalad ka nga naman.

“ get in, mainit” umiling ako.

“ get in! Kawawa ung bata” dagdag niya.

“ ayaw niyang nasa loob ng sasakyan kapag natutulog” inis kong sagot, iginilid niga ung sasakyan tapos may kinuha. Lumapit saamin na may dalang payong, binuksan niya ung payong at pinayungan kami.

“ thank you mr. Guy” sabi pa ng anak ko.

“ did you call the vulcanizing??” tumango ako.

“ okay then, lets wait” naka tingin lang ako sakanya na naarawan habang kami ay naka payong.

Tahimik lang kaming hinihintay ung mag aayos ng gulong, naiilang ako kasi nadidikit ako sakanya at nabibigatan na din ako.

“ I can carry her” hindi ako umimik.

“ olivia nahihirapan kana, let me carry her at ikaw ung mag payong saamin” ibinigay niya ung payong at kinuha niya si rizzi, tulog na ung anak ko.

“ come back to me, you both” seryoso niyang sabi.

“ Don’t hide it anymore, I have the right to my baby olivia” ang bilis ng tibok ng puso ko.

“ about what happen between me and nancy, inaamin ko may nangyari pero may kundisyon iyon olivia,. Kapalit non ang kalayaan ko at pumayag ako para sayo, gusto kong maging legal ka para hindi ka nasasaktan kapag sinasabing kabit ka”

“ olivia its all up to you…bumalik ako pero umalis kana, sa inis ni manang saakin nilayasan din ako. Olivia come back to me, I need you both to complete me” paliwanag niya.

“ bigyan mo ako ng panahon para maka pag isip brent” sagot ko.

“ olivia…may anak tayo, ibigay mo naman sakanya ang kompletong pamilya na hindi natin naranasan… I hope you consider that” hindi na ako umimik at hinintay na lang ung mag aayos ng gulong.

Mayat maya ay dumating na mag aayos, mga ilang minuto ay okay na. Kinuha ko na si rizzi kay brent, tinignan niya ito at hinaplos sa kanyang buhok.

“ I hope I see you again my baby” hinalikan niya sa noo, tinignan niya ako.

“ ingat kayo” tumango ako.