CHAPTER 31: Maturity
BRENT
“ hindi namin makita sila sir” napa awang ang labi ko.
Hinabol ko sila sa aiport, akala ung panahon na hinihingi niya ay mga isang linggo lang pero bakit umalis sila??
“ sir wala na sila, naka alis na ung eroplano” napa hilamos ako ng mukha.
“ ahhh!!!” sigaw ko, bakit naman inilayo saakin!!!
“wahhhh!!” sigaw ko uli sa airport, wala na akong pakialam kung pinagtitinginan ako.
“ sir” lumapit ang mga tao ko, sumalampak na kasi ako sa sahig sa pagka dismaya.
“ mag book ka ng flight dali!” utos ko kay diego.
“ sir paano ung mga investors bukas??” tanong niya.
“ wala na akong pakialam! Ung anak ko ang mahalaga saakin” sagot ko, naka tingin siya saakin.
“ sir kung mawawala ang investors, unti unting malulugi ang kompanya” napa sabunot ako sa buhok ko, naulit nanaman. Kompanya over sakanila!
“ hayaan mo na ang kompanya…hayaan muna” dismaya kong sabi.
“ gusto kong makasama sila, gusto kong makompleto kami…. Hayaan mo ng malugi ako at maubos ang pera ko basta makasama ko lang sila” bulong ko sa sarili habang nakayuko.
“ anong ipapakain mo sakanila sir kung wala ka ng pera?? Sir lumayo lang sila, babalik at babalik sila…. bakit hindi mo muna hayaan na habang lumilipas ang panahon nag papakayaman ka naman para pag balik nila ay maibibigay mo ang lahat sakanila”
“ sir babalik siya kung mahal ka niya at pwedeng pwede niyo parin siya ipahanap, hindi basta basta na lumipad ka sa bansang iyon ay nahanap mo na sila…. Sir walang imposible kapag ang dalawa ay para sa isat isa” tumango tango ako, oo nga naman tama siya. Masyado akong nadala sa nararamdaman ko.
“ marunong ka palang mag salita” napa ngiti siya.
“ ngayon lang sir” sagot ni diego.
“ sir ibigay mo lang ung panahon na hinihingi, ang mahalaga pag balik nila ay naka ipon kana at kaya na silang ipaglaban” tumayo ako, tinignan ko siya at tumango. Nag lakad na ako palabas, hahanapin ko parin kayo olivia.
BENJIE
Nalaman kong umalis sa bansa si olivia, iyon siguro ang naisip niyang solusyon ang bigyan ng panahon ang lahat. Maski ako ay kailangan ko ng panahon na buoin uli ang pagmamahal saakin ni macy na nawala dahil sa kagagawan ko.
Kahit magalit siya saakin araw araw ay titiisin ko, kung ayaw niya akong patabihin sakanya ay okay lang. kung ayaw niyang pag trabahuin ako, okay lang. lahat ng gusto niya gagawin ko, gaya ng ginagawa ng kapatid ko na hinahanap parin ang taong ayaw mag paghanap.
MACY
Hindi naman nawala ang pagmamahal ko kay benjie, ipinaparamdam ko lang na nag kamali siya at tinuturuan ko lang ng leksyon. Hindi ibig sabihin na hihiwalayan ko siya, hindi ako ganun dahil mahal na mahal ko si benjie kahit nagkaroon siya ng pag tingin kay olivia.
May pagkukulang ako noon, aminado naman ako at masyado akong selosa tsaka over the boundary na kaya ung mga kakulangan ko nakita niya kay olivia, wala ka namang makikitang mali kay olivia dahil napaka bait niya.
Inaapi na siya, tahimik lang. sobra ang naranasan niya para mag tulak sa maging kabit ni brent, hindi ko din masisi si brent dahil ng nalaman ko ang kuwento sa relasyon nila ni nancy ay maski ako siguro gaganon ako.
Ang daling mahalin ni olivia kaya napamahal agad ni brent, si brent na akala mo walang puso dahil kung niya tratuhin si nancy. Iyon naman pala ay may ganung rason, naawa lang ako kay nancy kasi biktima siya ng galit sa lolo nila brent.
Sa sesel nag umpisa, minahal niya ng sobra ang lolo nila para magawa ang kamaliang ito. Balita ko nga na umalis na siya ng bansa simula ng natapos ang kanila ni brent, makaka hanap din siya ng tamang lalaki sakanya…. Sana
OLIVIA
Its been 3 years after ng pag uusap namin ni brent…pauwi na kami sa pinas, naiwan si tita dahil next year pa matatapos ang kontrata niya, umuwi kami para buksan ang clinic ni tita. Nag aral kasi ako sa ibang bansa, iyon ang payo ni tita.
Mag aral ako para may pundo ako sa sarili ko, para kapag walang pera may pinag aralan akong masasandalan. Maski hirap ako dahil andiyan si rizzi pero kinaya ko dahil para narin ssakanya
Noong nasa abroad ako, may napapansin akong naka masid saamin, minsan naka sunod at meron ung time na gabi na ako nakauwi at napag diskitahan ako ng mga kano na lasing mabuti na lang meron ung lalaki na naka hood para ipag tanggol ako.
Hindi na ako naka pag pasalamat nong araw na iyon dahil umalis din siya agad pero may naisip na ako kung sino iyon, kaya naging kampante na din ako na may nagbabantay saamin ni rizzi.
“ mam sumama po kayo saamin kung ayaw niyong magkagulo dito” tinignan ko si diego, kalalapag lang namin sa eroplano may ganap ng ganito.
“ pwedeng mag pahinga muna??” umiling siya.
“ okay…. Rizzi were going to see your papa” ngumiti siya.
“ papa is atat to see us” tumango ako.
Sumama na kami kila diego, dumiretso kami sa kompanya ni brent… ang bilis lumaki ng kompanya niya, dati iisan building lang ngayon apat na at ang lawak lawak, ginalingan din niya.
“ nagsikap siya mam para sainyo, para hindi mo daw siya iwan kung sakali” napa ngisi ako.
“ hindi ko siya iiwan, binigyan ko lang ang sarili ko ng break at mukhang nakabuti din sakanya” sagot ko.
“ hindi lang sakanya mam maski sa iba” alam ko na ang tinutukoy niya,
“ nagkamali ako noon at kinarma ako ng panahon kaya lumayo ako, ayokong madaliin ang lahat tulad ng nangyari noon kaya sabi ko pag balik ko… handa na ako, handa na akong mag simula ng nasa tama” ngumiti siya.
“ it take time for realization and if realization hits us…. were already in the right path”tumango ako at ngumiti.
“ magseselos na ba ako sa moment niyo?” singit ni brent.