CHAPTER 29: Time
BRENT
“ any news???!!!” umiling si diego, napa buntong hininga tuloy ako.
Nalaman ko ang mga sinabi ni nancy kay olivia, sinabi ni manang saakin ng umuwi ako at napanood niya din ung video namin ni nancy. Oo may nangyari para mag tigil na si nancy, kapalit non na tigila na niya ako, annulment at bayad na ako sa lahat ng utang na ano mang sinisingil niya.
Matapos may mangyari saamin pinirmahan na niya ang annulment paper namin tapos kasulatan na wala na akong pagkakautang sakanya at simula din ng araw na iyon saakin na ang kompanya, inilipat niya na saakin ang ownership ng kompanya.
Pumayag ako sa gusto niyang iyon para maging malaya ako at maging legal na si olivia, hindi ako umuwi ng isang linggo dahil inasikaso ko ang kompanya para kapag okay na ay si olivia naman ang aasikasuhin ko, hindi na ako naka pag paalam pa kay olivia na ganun.
Hindi ko naman aakalain na may balak pala si nancy na ganun, kaya nag labas ako agad ng litrato niya para hanapin dahil dala dala niya ang anak ko. Hindi ko maipaliwanag nong nalaman kong buntis siya at naalala ko na may sakit pa pala siya.
Kaya ipina dyaryo ko na, hindi ko alam kung kamusta na sila ng anak ko. Tinanong ko vince kung bumalik sa bahay nila pero wala daw, wala na akong alam na pupuntahan niya. Ang huling naisip ko ay ang lola niya pero ni minsan daw hindina siya kumontak nong napa gamot na niya ang lola niya.
“ ikaw na bahala iho, pasensya na kung wala kaming maitulong” pumunta ako sa probinsya ni olivia.
“ okay lang ho…dibale at gagawin ko ang lahat mahanap lang sila, mag ingat ho kayo dito” tumango siya.
“ kapag nahanap mo, pwedeng pakisabi na humihingi ako ng paumanhin” tumango ako at sumakay na sa kotse, napa sandal ako sa upuan ko at napa pikit.
“ nasaan kana ba olivia… 9 months na at baka nanganganak kana ngayon” bulong ko sa sarili.
Bumalik na ako sa city, dumiretso sa kompanya na walang pahinga. Pagka pasok ko sa opisina bumungad saakin si benjie na problemado.
“ what?” tanong ko.
“ may nalaman kana ba kung nasaan si olivia?” tinignan ko siya.
“ alam ba ng asawa mo na andito ka at tinatanong mo si olivia ?” tumayo siya.
“ concern lang ako, kung alam ko lang na papabayaan mo sana itinanan ko na lang siya” napa ngisi ako
“ kaya mo ba siyang ipagtanggol kay macy?? Macy is more deadly than nancy, so kaya mo? Sarili mo nga hindi mo maisalba sakanya si olivia pa kaya and don’t worry ginagawa ko naman ang lahat para mahanap siya”
“ focus on your life men… solve your problem first before others” yumuko siya.
“ I don’t know… I don’t know how to fix it... i don’t know how to handle her” napa sabunot siya ng buhok niya, tsk! Sabi na eh, itsura niya pa lang kanina.
“ start forgetting olivia that’s the key benjie… olivia is already mine and shes having my baby, tumigil ka sa kahibangan mo sakanya at titigil din si macy sa pagseselos niya” tinignan niya ako.
“ mahal ko ung tao” natawa ako.
“ sino si olivia?? So si macy hindi?? Nahumaling ka lang kay olivia dahil mabait siya at hindi mo siya mahal, ang mahal mo si macy kasi kung hindi sana hindi ka namomoblema dito kung paano mo siya pakikisamahan at sosolusyonan” natigilan siya.
“ its not love benjie… if I were you, you should fix this already while its not too late” nanlumo at napa isip sabay buga ng hangin.
“ ill try my best but you should find her” turo niya saakin, tumango ako.
“ I will, she’s the one” sagot ko.
Umalis na siya, saan ba kita hahanapin olivia. Umupo ako at tumingala, mapa t. v at dyaryo ay ginawa ko na pero wala parin ang akong balita sayo. Bakit…bakit ayaw mong mag pakita?? Akala ko ba mananatili ka sa tabi ko? Bakit umalis ka ng hindi kinaklaro ang lahat.
Mali ang ginawa ko pero maganda naman ang hangarin ko, para naman sayo at para narin hindi tayo mamoblema pero bakit nakinig ka kay nancy, bakit naniwala ka at nagduda na hindi man lang iniisip na may rason.
OLIVIA
“ sige ere!”
“ Hmmmmmmmm hhmmmmmm!!!!!!” todo habol ako sa hininga ko.
“ huwag mong putulin, habaan mo pa lalabas na si baby” utos ni doc.
“ ahhmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmm!!!!!!!” narinig ko na ang iyak ni baby, grabeng paghahabol ng hinga ang ginagawa ko.
“ congratulation it’s a girl olivia” ngumiti ako.
Pagkatapos kong makita ay nawalan na ako ng malay, narinig ko pa ang pagtawag ni doc saakin. Hindi ko alam kung gaano ako katagal na tulog. Nagising na lang ako na nasa kama na ako don sa bahay ni doc, bumangon ako.
“ gising kana” saktong pumasok si doc karga ang baby ko pero bakit ganito ang buhat niya.
“ doc hindi ba nahihirapan ang anak ko sa pagbuhat mo?” natawa siya.
“ ano ka ba… apat na buwan ang anak mo, kayang kaya niya ng buhatin ang ulo niya” nanlaki ang mata, apat na buwan??
“ tama… apat na buwan kang walang malay”
“ pero bakit po? Anong rason?” tanong ko.
“ epekto ng sakit mo, habang wala kang malay ginagamot kita at kasama narin anf pag alaga ko sa anak mo… diba baby” ngumiti ang baby ko.
“ kaya mo bang bumangon para makakain na tayo?”tumango ako.
Bumaba na kami, may kasambahay na dito sa bahayni doc. Inasikaso ako, pinaupo ako at lumapit si doc tsaka ibinigay saakin si baby.
“ hello baby” bungad ko, nanginginig pa ang kamay ko habang bubat siya.
“ ang ganda ng anak mo… kasing ganda mo” nginitian ko si doc.
“ ano ipapangalan mo?” tanong niya.
“ rizzi… akma sa pangalan niyo ho, dahil kung hindi sainyo malamang wala na kami” sagot ko, niyakap niya ako ng mahigpit
“ dito na kayo, huwag na kayong umalis”