CHAPTER 28: Doctor
OLIVIA
Pinasakay ako ni doktora sa may sasakyan niya, binigyan ako ng jacket at pamunas. Matapos kong mag punas ay nagpa salamat ako sakanya.
“ ano ba pinaggagawa mo doon? Bakit hindi kana bumabalik sa clinic?” nahiya tuloy ako.
“ wala na akong perang pang pa check up doc” sagot ko
“ olivia pwede mo naman sabihin saakin, tignan mo ang kalagayan mo ngayon. Punong puno ka ng rashes tapos umuulan, baka mapano naman ang baby mo” tinignan ko ang kamay ko, ang layo na ng itsura ko noon kaysa ngayon.
“ tara na muna sa bahay total pauwi na din ako” nahihiya ako pero kailangan kong isipin ung anak ko, kaysa lamigin ako at maapektuhan siya lalo pat ang lakas ng ulan.
“ be comfortable, okay?? Ihahanda ko lang ung damit mo at pagpapaliguan mo” ang gandan ng bahay niya.
“ halika sumunod ka saakin” sumunod naman ako sakanya.
“ heto ang damit, pasok ka doon para maka ligo ka. Pagktapos mo bumaba ka para kumain tayo, hihintayin kita” iniwan na niya ako, ginawa ko naman ang inutos niya saakin.
Pagkalublob ko doon ko pa lang nakita na grabe na pala ang rashes ko, para na akong may sakit. Matapos kong maligo, napa tingin ako sa itsura ko. Naaawa na ako sa sarili ko, paano pa kaya sa anak ko kapag lumabas siya, anong ipapakain ko.
Tumulo ang luha ko, sa umpisa lang pala masaya ang pagiging kabit at sa bandang huli puro pasakit na kapag iniwan ka at bumalik na sa legal.
Kinalma ko ang sarili ko at inayos, bumaba na ako at hinanap ang kusina. Andon siya na nagluluto, wala siyang kasambahay?? Wala siyang kapamilya??
“ may kasambahay ako pero 3 times a week lang sila para maglinis, mag laba at kung ano ano pa. Kapag magluluto ako na bahala doon at syempre napansin mong wala akong kasama kasi mag isa lang talaga ako, namatay ang mag ama sa sunog at ang mga magulang ko ay hindi ko alam dahil iniwan ako” kuwento niya.
“ you know what… ewan ko ko kung bakit sinasabi ko agad sayo at nagtiwala ako sayo” ngiti niyang sabi, natapos na siyang mag luto
“ here… ubusin mo para lumusog si baby” ngumiti ako
“ salamat po” umupo na din siya para kumain.
“ iniwan din ako ng magulang ko sa inaakala kong kapatid ko na hindi naman pala, trinato niya akong katulong, taga bayad ng mga luho niya at taga sustento hanggang nalaman kong hindi pala niya ako kapatid”
“ huminto na ako sa pag sustento sakanya at akala ko gagaan na din ang buhay ko dahil sa wakas wala na siya sa buhay ko pero hindi pa pala, nasa hospital ang anak niya. Nag makaawa saakin na tulungan ko siya, nagkataon din na nasa naghihingalo si lola kaya lumapit ako sa lalaki na nagyaya saakin na maging kabit niya”
“hehe at heto po ako dinadanas ang karma sa ginawa ko” nahiya tuloy sa sinabi ko.
“ walang naidudulot na maganda ang pagiging kabit, oo sa umpisa okay pero at the end of it ikaw ang masama, ikaw ang iiwan, at ikaw ang iiyak” pangaral niya.
“ oo nga ho”
“ Ang bata mo pa at hindi kita masisi dahil iniwan ka ng magulang mo na dapat nasa tabi mo sila para tulungan ka, huwag mong sisihin ang sarili mo kung bakit naging ganun ang bagsak mo. Maganda ang hangarin mo pero sabi ko nga kahit anong gawin mo nasa mali ka parin” tumango tango ako.
“ ano na balak mo ngayon??”
“ Maghahanap ng trabaho, ibebenta ang mga damit ko—”
“ dumito ka muna total wala naman akong kasama tsaka buntis ka, anlaki ng tiyan mo para mag trabaho at may sakit ka…. Dumito ka muna hanggang manganak ka, ako na muna bahala sayo” naka tingin lang ako sakanya, bakit ganun agad niya akong tinulungan.
“ mag trabaho na lang ako sa clinic niyo doc bilang kabayaran ng pananatuili ko dito” ngumiti siya.
“ hindi kita inoobliga na mag trabaho saakin pero sige, ikaw ang bahala pero huwag kang masyado magpaka pagod lalo na sitwasyon mo ngayon”
“ salamat po, salamat talaga” niyakap ko siya, kahit pala sa kabila ng ginawa ko may matatanggap pa akong good karma. Akala ko buong buhay ko ng mararansan itong karma ko.
Kinuha niya lahat ng gamit ko at inilaba, pinag pahinga niya ako matapos uminom ng gamot. Nagpapa salamat ako na meron pa siyang handang tumulong saakin kahit hindi niya ako kilala, kung mabuti ba ako o masama.
Pinag pahinga niya muna ako ng isang linggo bago ako tumulong sa clinic niya, napaka bait niya. Hindi mo makikitaan na panlabas lang ang pag tulong niya saakin.
Gaya ng usapan namin tumulong ako sa clinic niya, hindi naman mabigat ang trabaho at nag eenjoy ako habang natutu dahil minsan tinuturu niya saakin ang mga dapat kong malaman. Binigyan niya din ako ng libro na baka magustuhan ko at binabasa ko iyon para may alam ako sa ginagawa ko at para narin maka tulong ako sakanya pag kinakailangan.
“ kain na muna tayo” tinulungan ko siyang ihanda ang pagkain.
“ doc nasa kalahati na ako sa libro na ibinigay niyo, ang ganda” ngumuti siya.
“ bihira lang ang ganyan na nagugustuhan magbasa ng libro, mas gusto nila kasi in actual” sagot ni doc risa.
“ flash report: Sa mga nakakakilala sa taong to sa nakakita, ipag alam sa otoridad agad” nanlamig ang buong katawan ko, ako kasi ung nasa t. v.
“ Nakalimutan kong tanungin, sino ang ama ni baby?” tanong ni doc.
“ brent salcedo po” nanlaki ang mata niya, tumayo siya at may kung anong kinuha
“ kung ganun ang tinutukoy niya dito ay ikaw” may ipinakita siya na dyaryo saakin.
Litrato ko na hinahanap niya ako, magbibigay siya ng pera kapag may nag bigay ng impormasyon. Kinakabahan tuloy ako, hinahanap niya ako baka kung ano ang gawin saakin.
“ sa bahay ka muna, hindi natin masabi kong nakilala ka ng mga naging client natin” tumango ako.