CHAPTER 20: Seduce
NANCY
“ sorry, gaya ng sabi ko huwag mong sagarin ang kabaitan ko” sabi ko kay brent na nahihilo dahil sa pinainom ko sakanya.
“ sa tingin mo tatablan ako ng ganito?” sagot niya, kumunot ang noo kasi kanina nanghihina na siya tapos ngayon dahan dahan siyang umuupo.
“ ilang beses mo na bang ginagawa saakin ito?? Sa tingin mo hindi na iimune ang katawan ko?!” hirap niyang sabi.
“ tandaan mo maski mag hubad ka sa harap ko hinding hindi kita magugustuhan” napakuyom ang kamao ko.
“ brent!!! Akala mo luluhod ako sayo para magustuhan mo ako! Hindi! Nakakalimutan mo ata kung ano ang kaya kong gawin? I can buy everything! Including you bastard!!!” inis kong sabi.
“ yes you can but you cant buy happiness nancy” nanginginig ang kamao ko sa inis hanggang tumulo na ang luha ko.
“ I’ll put you kung saan ka man dapat! Tandaan mo yan!” tumalikod na ako para umalis.
BRENT
Bumulagta na ako matapos umalis si nancy, laging ganun ang ginagawa saakin kapag gusto niyang maki pag sex pero hindi ko alam kung bakit nalalabanan ko.
OLIVIA
Ang sakit ng buong katawan ko, grabeng bigat ng trabaho ko pero kailangan ko mag tiis dahil kailangan ko ng pera para makauwi ako sa probinsya at may mauwi na ding pera.
“ Miss” napa tingin ako sa likod ko, siya ung asawa ni vince.
“ alam kong masyadong makapal na ang mukha ko para humingi pa ng pabor lalo na sa ginawa ng asawa ko sayo pero nagmamakaawa ako sayo” lumuhod siya sa harap ko.
“ sabi ng asawa ko ikaw lang ang sagot para maisalba namin ang anak namin” dagdag niya.
“ parang awa mo na miss, maawa ka sa anak ko. Kapag nawala ang anak ko hindi na ako muling magkakaroon ng anak dahil may problema ang matress ko”
“ Eto ang huli at unang pagkakataon ko para magkaroon ng anak… maawa ka” umiiyak niyang sabi.
“ pasensya na po pero---”
“ nagmamakaawa ako sayo” napa buntong ako ng hininga.
“ sa Friday ang schedule ng anak ko, pag isipan mo ng mabuti… gagawin ko ang lahat maski maging katulong mo kapalit ng lahat” tumayo na siya at umalis, bumuntong hininga uli ako.
Ring ring ring
“ ate??”
“ isabel?? Isabel kamusta na si lola?? Natanggap niyo ang message ko? Konting araw na lang makakauwi---”
“ nasa hospital si lola… kailangan niyang maoperahan kaya baka ate may pera ka diyan? Walang wala kaming pera at kapag hindi naoperahan agad baka mamatay siya ate… ate please isalba mo si lola, siya lang ang meron saamin” iyan ni isabel na pinasan ko, katulad ko din siya na iniwan ng magulang.
Matapos kong makausap si isabel, pumunta ako sa loob para tignan kung magkanu ang perang hawak mo. Binilang ko ito at wala pa ito sa tatlong libo, kulang na kulang para sa pang paopera ni lola.
“ magnanakaw!!!” nagulat pa ako.
“ pinag katiwala ko ang lahat dahil tingin ko sayo mabait iyon naman naman hindi! Ninanakawan mo na pala ako! Kaya naman pala laging kulang!! Halika dito ipapakulong kita!!” hinablot niya ang braso ko papalabas ng grocery store, isinakay ako sa kotse.
Pumunta kaming pulis station, kahit mag paliwanag ako ay hindi siya makikinig. Kinaladkad niya ako papaloob ng presinto.
“ miss olivia?” si diego.
“ tabi!!! Oficer itong cashier ko ninakawan ako!!” tinignan nila ako.
“ paano niyo nasabing ninakawan kayo? May ebidensya ho ba kayo?” tanong ng oficer.
“ meron! Kitang kita ko” sagot niya.
“ sir binibilang ko lang—”
“ Excuse me…im her lawyer, if you want to talk to her you have to talk to me first” kumunot ang noo ko, si diego. Kailan naging lawyer tong driver na ito?
Pinayuhan muna ako ni diego na huwag mag salita at hintayin siya sa labas, nilalaro ko lang daliri ko ng may nakita akong sapatos na huminto sa harap ko.
“ okay na ang lahat” si brent kasama si diego.
“ kaya ko ang sarili ko, hindi na sana kayo nangialam” sabi ko.
“ sa tingin mo paniniwalaan ka? May pera yang amo mo, kayang kaya ka niyang ipakulong lalo na kung may kapit siya o nadaan niya sa pera” sagot ni brent.
“ hindi niya ako mapapakulong dahil wala naman akong kinuha!” iritable kong sabi.
“ lahat ng bagay nadadaan na sa pera ngayon, minsan nga ang hustisya nadadaan din sa pera olivia kaya—”
“ kaya dinadaan mo din ako sa pera tama ba?? Mayaman ka kaya may maipagmamalaki ka? Ganun ba?” tanong ko.
“ yes, exactly olivia… I have money, hindi ko ninakaw kundi pinaghirapan ko kaya im proud off pero hindi kita dinadaan sa pera, its my choice to give you everything what you want if you say yes to what I am asking” tinignan niya ako mata sa mata, bigla kong naalala ung sinabi ng asawa ni vince pati narin si isabel maski ung offer niyang maging kabit ako.
“ okay para hindi mo masamain, iiwan ka namin dahil baka mamaliin mo nanaman” tumalikod na sila at iniwan na nga ako, tumingala ako sa langit na may konting patak patak. Uulan nanaman?? Bumuntong hininga ako dahil dumadami ang patak niya.
Mayat maya ay bumuhos na ang ulan maski tumakbo ako mababasa lang din ako kaya hinayaan ko na lang na mabasa ako, naglakad na ako habang iniisip kong ano ang gagawin. Wala nanaman akong pera, kailangan na kailangan ko pa man din ng pera.
Umupo ako sa waiting shed, nakakapanhina na ganito ang buhay ko. Pinanganak ata akong sinalo ang lahat ng kamalasan sa buhay, nakakasawa ng mabuhay kasi wala man lang akong maranasang ginhawa. Habang tumatagal palala ng palala ang sitwasyon ko, pilit akong lumalaban pero pilit din naman akong ibinababa. Tumulo na ang luha ko.
“ crying is not the answer olivia” napa tingala ako, si benjie.
“ kung andito ka para yayain akong maging kabit---”
“ im here as a friend olivia, you can lean on my shoulder if you needed” ngumiti siya, napa pout tuloy ako at umiyak na parang bata.