CHAPTER 19: Save her

BRENT

Nalaman ko kay diego na nasa delikadong sitwasyon ang anak ni vince, napapailing na lang ako.

Knock knock

“ sir meron si vince sa labas, gusto kayong makausap”

“ Busy ako” tumango siya at umalis, andami ko pang aayusin lalo pat parating na ung investor ko na galing sa ibang bansa.

“ sir saglit lang---”

“ brent” biglang sulpot si vince, papaalisin sana siya ni diego pero hinayaan ko na.

“ vince 5 minutes… wala akong sobrang oras para sayo”

“ brent kailangan ko ng pera… baka naman pwedeng pautangin mo ako, nasa delikadong sitwasyon ang anak ko, please” hininto ko ang ginagawa ko at tinignan siya

“ may utang ka pa nga saakin tapos uutang ka??” sagot ko sakanya.

“ brent babayaran ko---”

“ ipangbabayad mo ang kapatid mo na hindi mo naman kapatid?? Wala ka ding awa sa tao no?”

“ Brent wala na akong choice! Ung anak ko naghihingalo na!” sagot niya.

“ kasalanan mo yan! Tapos ung taong walang kinalaman siya ang pagbabayarin mo ?!” inis kong sabi sakanya.

“ boss naman, diba may gusto ka sakanya? Gagawan ko ng paraan para mapunta siya sayo” kumunot ang noo ko.

“ vince kaya nakakarma kasi sa ginagawa mo sa kapwa mo, wala kang karapatan pakialaman si olivia o pangunahan ang kaguatuhan niya” yumuko siya, kita mo ang panlulumo niya.

Binigyan ko siya ng konting halaga, sobrang laki na ng nakuha niya saakin at mukhang hindi na maibabalik. Bumalik uli ako sa pag tra-trabaho, kailangan kong paghandaan ung investor na iyon.

Gabi na ako natapos kakatrabaho, tinignan ko ang oras at mag alas diyes na. Minasahe ko muna ung sintido ko ng konti bago ako tumayo para umuwi na. Ako na mismo ang driver kasi pinauwi ko na si diego, habang nasa kalsada ako parang may nakita akong pamilyar kaya huminto ako sa gilid.

Tinignan ko ung tao sa side mirror ko, si olivia na nagbubuhat ng mga case case na inumin at kung ano ano pa. Tinignan ko ung pinag tra-trabahuan niya, grocery store na 24 hours open.

Naka masid lang ako sakanya na habang hirap na nagbubuhat, I offer her a job pero tinanggihan niya. Mas malaki ang sahod at mas magaan kumpara sa ginagawa niya ngayon, ang gusto niya ba sa buhay niya ay laging nahihirapan?

Nanatili ako doon ng isang oras na naka masid, hindi lang pagbubuhat ang trabaho niya kundi all around. Taga linis, cashier, taga ayos at buhat na rin. Paalis na ako ng makita kong may customer siyang lasing, may kasama pa nga.

Maayos naman silang mamili hanggang lumabas sa store pero biglang humabol si olivia at parang may pinag uusapan sila, maayos pa nong una pero mga sumunod ay may duruan na at naririnig ko no din ang sigaw nong lasing.

Lumabas na ako ng sasakyan, naririnig kong humihingi ng paumanhin si olivia maski sinasabihan na ng masama at tinatapik tapik siya sa balikat niya. Nakita ako ng isang kasamahan kaya umawat na siya sa dalawa, mabuti na lang huminto ung kasama niya.

Bago sila umalis ay dinuraan pa ng lalaki si olivia habang siya ay patuloy sa pag hingin ng paumanhin, lumapit ako habang naka yuko siyang pinunasan ang dura sa damit niya.

“ be my mistress panigurado hindi mo na mararanasan ang mga ito” tiningala niya ako.

“ bakit gustong gusto mong nahihirapan kung pwede ka namang mamuhay ng maginhawa, papayag ka lang naman sa gusto ko at siaiguraduhin kong sasaya ka olivia” bumuga siya ng hangin.

“ sa tingin mo hindi ako mahihirapan kapag naging kabit mo ako?? Doble ang hirap brent… mas gusto kong mahirapan sa trabaho kaysa pahirapan ng ibang tao dahil sa estado ko” sagot niya

“ I can protect you… olivia kayang kaya na kitang ipagtanggol kay nancy, hindi na ako takot sakanya dahil mas mayaman siya kasi kapantay ko na siya. I did that because of you” nong nakilala ko kasi siya nakuha na niya ang atensyon ko at kahit saglit lang ay nahulog na ako sakanya pero nong harap harapan ko na siyang minamaliit ni nancy na hindi ko malabanan dahil panay ang paalala ni nancy na kayangkaya niya ako.

“ walang mang---”

“ brent ayoko…ayoko sirain ung pangalan ko dahil iyon na nga lang ang meron ako, grabe naman kayo!!! Tigilan niyo na ako sa kakatanong na maging kabit niyo kasi ayoko, ayokoooooo!!!” kumunot ang noo ko.

“ niyo?”

“ oo! Ikaw at si benjie, kayo pa nang tri-trip??? Kung ayaw niyo sa sitwasyon niyo at may pera naman kayo bakit hindi niyo hiwalayan ang asawa niyo hindi ung idadamay niyo ako at gagawa ng gulo o issue!” inis niyang sabi, hindi ko aakalain na maski si benjie ay may balak na ganun kasi kakasal niya lang?

“ tigilan niyo na ako please… hayaan niyo ako sa gusto ko” sabay talikod at nag lakad paloob, napailing na lang ako.

Umuwi na ako sa condo ko pero bakit hindi naka lock?? Binuksan ko at bumungad saakin si nancy na umiinom ng wine habang naka patong ang paa niya.

“ mmm your late sweatheart” isinara ko ung pintuan.

“ I don’t have time to babysit you and im tired so finished that one and you may go” naglakad na ako papuntang kwarto.

“ is that how you treat your wife?? Huwag mong ubusin ang kabaitan ko brent sayo” nilingon ko siya.

“ ang pasensya ko hindi nauubos pero ang pagiging mabait ko nauubos na, konting konti na lang. Huwag mo sanang sagarin dahil baka kung ano pa ang gawin ko sayo” dagdag niya.

“ what do you want?” tanong ko

“ its our anniversary so why don’t you join me here?” napa buga na lang ako ng hangin at nag lakad papalapit sakanya, nilagyan niya ung inumin ko tsaka kami nag cheers.

“ for our better and worst” sabi niya, inubos ko ung nilagay niya tsaka ako tumalikod para pumunta na sa kwarto, inalis ko ung jacket ko ng biglang nahihilo ako. Shit!!!