CHAPTER 21: Deal

OLIVIA

Kinuha ko ang address kung saan ang kompanya ni brent, lumuob na ako. Dire-diretso lang ako hanggang makarating, naka salubong ko pa nga si diego at sinundan ako papasok sa opisina ni brent.

“ pumapayag na ako pero tulungan mo muna ako” grabe ang bilis ng tibok ng puso ko, naka tingin siya saakin.

“ okay… anong tulong?” tanong niya, bumuga muna ako ng hangin.

“ una tulungan mo ang pamilya ni vince, pangalawa tulungan mo si lola sa operasyon niya” itinaas niya ang paa niya sa mesa niya habang naka tingin saakin.

“ bakit mo tutulungan ang isang taong halos patayin ka?”

“ isang tao ang nagkasala hindi kasama ang anak” sagot ko, ngumisi siya.

“ okay ako na ang bahala, diego alam mo na ang gagawin” tumango siya at umalis na.

Inalis niya ang pagkakapatong ng paa niyq, tumayo tsaka lumapit saakin. Napa lunok ako ng malalim, lumapit ng matindi. Isang inches na lang ang pagitan ng mukha namin, ilalayo ko sana pero pinigilan niya.

Naka hawak ang kamay niya sa likod ko, unti unti niyang inilalapit ang labi niya. Pumikit na lang ako habang kinakabahan, pinili ko ito kaya panindigan ko.

Lumapat ang mainit niyang labi, akala ilalapat niya lang pero unti unti ay may pag galaw na. Ginaya ko ang kanyang ginagawa hanggang lumalalim ng lumalalim para laruin niya ang dila ko, mas idinikit niya pa ang katawan namin para uminit pa ang namamagitan saamin.

“ mmm that’s enough for our first kiss” namula ang pisngi ko dahil nakanganga pa ako, bigla niya kasing hininto.

“ lets go” kumunot ang noo ko, saan kami pupunta?

“ come on” dugtong niya.

Sumunod ako sakanya, sumakay sa sasakyan kaya ganun din ako. Gusto kong tanungin kung saan kami pupunta pero huwag na lang, hintayin ko na lang kung san man kami pumunta.

OLIVIA

“ teka brent andami naman to” simula kasi ng dumating kami sa mall, andamin niyang pinapamili para saakin.

“ more… you all need this” pinag patong patong na niya ang mga pinamimili niya.

“ brent okay na, sobra sobra. Hindi na ata mag kasya sa lagayan ng damit” tumingin siya sa likod na bawat staff may dala dalang gamit ko, doon niya lang ata narealize madami na siyang nabili.

“ ohh.. okay… tara kain na muna tayo, balikan na lang natin yan mamaya” tumango ako, nag lakad na siya ng mabilis kaya hinabol ko pero bigla siyang huminto. Tinignan niya ako sabay kuha ng kamay ko at naki pag holding hands.

“ bawal kiligin” bulong niya, napa kagat ako ng paibabang labi kasi medyo kinilig ako.

Tahimik kaming kumakain, hindi ako maka tingin sakanya kaya paano ko tatanungin ung request ko sakanya.

“ ung anak ni vince ay matutuloy na ang operasyon, about your lola bayad ang bill kaya huwag kang mag isip ng iba kundi mag focus ka saakin” sabi niya, ngumiti ako.

Matapos kaming kumain dinaanan namin ung pinamili niya, bumaba na kami sa parking lot.

“ were going to stay in my house” tumaas ang dalawang kilay ko.

“ may bahay ka?”

“ Syempre naman… hindi alam iyon ni nancy kaya chill tsaka ikaw lang ang babaeng ipinunta ko doon” inistart niya na ang sasakyan, tahimik kami habang nasa daan pero bakit parang same lang ito papunta sa kung saan ako tumutuloy noon.

“ brent tama ba ang dinadaanan natin?” tanong ko, hindi siya umimik at patuloy lang sa pag drive.

Huminto ang sasakyan, nilingon ko siya. Dito ung lagi kong nadadaanan tsaka naaalala ko na dito din ung lalaking nakasakayan ko noon tapos ung naka hood na lalaking dalawang beses ng tumutulong saakin.

“ teka….” Hindi maalis ung tingin ko sakanya.

Biglang bumukas ung madamong gate, ipinasok niya ang kotse. Kung gaano kadamong gate iyon naman ang kabaliktaran ng loob na napaka linis at ang ganda.

“ ikaw ung….” Ngumiti siya.

“ its destiny olivia” napaawang ang labi ko, so siya nga!

“ bakit hindi ka nagpakilala?” Tanong ko.

“ I don’t know, ayokong isipin mong sinusundan kita which is unexpected lahat ng iyon” sagot niya, napa pout ako.

“ sana sinabi mo parin” ngumiti siya at lumapit saakin, niyakap ako.

“ its okay, not a big deal… tara na sa loob” lumabas na siya sa sasakyan, sumunod ako at niyakap siya sa likod.

Ewan ko pero pakiramdam ko utang ko ang buhay ko sakanya, kung hindi siguro sakanya baka napariwara na ako o nag patiwakal na.

“ tsk sabi na eh may pagka gusto ka din saakin” napabitaw ako sa yakap ko.

“ hindi, niyakap kita para---” mwah!

“ I love you my mistress” nag lakad na siya paloob, namula naman ang pisngi ko sa ginawa niya.

“ were staying here for 2 days then aalis din tayo for a vacation” sabi niya.

“ vacation?” tumango siya.

“ yup… i want to spend some time with you, ung walang problema maski konting araw lang” pinisil niya ang pisngi ko.

“ okay??”tumango ako

Iba ang nararamdaman ko ngayon, parang ang saya saya ko na walang ibang iniisip. Ngayon lang guminhawa ung utak ko kakaisip ng kung ano ano. Gabi gabi kasi iniisip ko kung saan ako kukuha ng ganito, saan pupunta, anong mangyayari.

Ung bang pag gising mo pagod ka kakaisip pero ngayon parang mahimbing na ang tulog ko dahil wala akong ibang iniisip, napa pitlag ako ng may yumakap sa likod ko.

“ ang sabi ko huwag kang mag isip ng kung ano ano, just focus on me” mahina niyang sabi.

“ mmm… napa isip lang ako na ang gaan ng pakiramdam ko ngayon hindi tulad ng dati”

“ Don’t worry hindi lang ngayon kundi araw araw kaya masanay kana, im going to give all the things, happiness that you never had”

“ thank you brent pero may tanong ako… bakit sa dinami dami ng pwede mong yayain na maging kabit mo bakit ako?” tanong ko.

“ because of your scent… its weird but when I smell you when you lean on me…lagi ko ng hinahanap hanap”