CHAPTER 18: Be my mistress
OLIVIA
Isang linggo na ako dito sa condo ni benjie at magaling na ako kaya pwede na akong makapag hanap ng trabaho. Bumukas ung pintuan, si benjie may mga dalang pagkain.
“ gutom kana?? Kain na tayo” ngumuti ako.
“ mabuti at meron kana, magpapaalam na sana ako kasi total magaling naman na ako pwede na akong umuwi saamin” sabi ko, naka tingin ako sakanya habang hinihintay ung sagot niya.
“ what for?? Your much safer here and mas okay na andito wala kang problema, just stay here and enjoy living like a princess” ngiti niyang sagot.
“ benjie hindi naman pwede iyon” inaalala ko kasi si macy, panigurado hindi niya alam to kaya kapag nalaman niya malamang magagalit.
“ pwedeng pwede olivia”
“ benjie hindi magandang tignan, kasal ka at pag nalaman nito ni macy mag iisip nanaman ng ibang ibig sabihin kaya—”
“ Then lets do it” ano sabi niyA? Kunot noo tuloy ako.
“ be my mistress… don’t worry about macy because I can handle her” ano?!!!
“ benjie ayoko” sagot ko, nawala ung ngiti niya.
“ pero bakit? Olivia wala ka ng ibang iisipin pa, im willing to give everything to you. House, clothes, car, bags, phone… anything” napaawang ang labi ko.
“ oo kayang kaya mo pero hindi mo maibibigay ang kaligayahan ko”
“ hindi ka ba sasaya sa mga ibibigay kung ganun? Olivia be practical, hindi na uso ang pagmamahal ngayon. Ang uso ngayon ay kung paano ka mabubuhay, ayaw mo iyon chill ka lang at hindi naghihirap. Hindi kana naglilinis ng bintana, sala, kwarto at maduming banyo”
“ ayaw mo ung ganung buhay?!” naka tingin ako sakanya, gusto ko…. Gustong gusto ung ganun pero hindi sa taong kasal, kung single lang siyA papayag na ako pero hindi eh.. may taong masasaktan.
“ benjie sinong babaeng aayaw sa mga binanggit mo pero sinong babae naman ang gustong maging kabit?? Ung kapag naglalakad ang tingin sayo ay mapanira, kapag nagkaroon tayo ng anak ano ang tingin nila sa anak natin?? Sampid! Walang araw na magdudusa ako dahil sa panirang ginawa ko”
“ ayoko… pasensya na, thank you sa lahat ng ito pero ayokong maging kabit…. una na ako, salamat uli” lumabas na ako sa condo niya.
Talagang sila pang mag kapatid ang nagsabi ng ganun saakin, sumasakit ang ulo ko. Mas okay na lumayo ako sakanila, ayokong makasira ng pamilya.
Ngayon kailangan ko uli mag hanap ng trabaho pero babalik muna ako sa bahay na iyon habanf wala pa ako nahahanap, pag meron na aalis na ako at mangungupahan.
Pagbukas ko ng pintuan, nadatnan ko si vince na naka upo. Tinignan niya ako, sinenyasan niya akong umupo.
“ may malaki akong pagkakautang at ikaw ang hinihinging kabayaran” napaawang ang labi ko, hanggang kailan ba ako matatapos kakabayad ng utan na hindi ko naman utang.
“ utang mo bakit hindi mo bayaran” nag lakad ako papasok sa kwarto ko ng hinabol niya ako, hinablot niya ung braso ko.
“ please parang awa mo na…huli na ito olivia, parang awa mo na” pakiusap niya.
“ ikaw ba naaawa saakin?? Vince ilang taon akong nagbabayad ng utang mo! Maawa ka naman, kailangan ko ding buhayin ang sarili ko at may pangarap din ako!” inalis ko ung pagkakahawak niya, mukhang hindi ako matatahimik dito kaya kailangan kong umalis.
“ olivia… olivia…. Olivia maawa ka!” hindi ko siya pinapansin.
“ olivia…. Olivia naman” nagmamakaawa na siya.
“ olivia may anak ako! May anak ako na nasa hospital na naghihingalo, ipapakulong ako nong taong pinagkautangan ko, wala ng magtra-trabaho para sa pang bayad hospital…. Please!” nilingon ko siya.
“ kung ayaw mong maniwala, sasamahan kita sa hospital mmismo… please olivia” umiiyak na siya, napa buga ako ng hangin.
“ sige samahan mo ako doon” utos ko, tumango siya.
Lumabas na kami sa bahay, hinihintay ko na kunin niya ang kotse pero naghihintay siya ngtaxi?? Nilingon ako na mukhang alam niya ung nasa isip ko.
“ ibinenta ko ung sasakyan ko pang bili ng gamot ng anak ko” naka para na siya ng taxi, paano kong totoo nga na may anak siya, anong gagawin ko? Tutulungan ko pa ba ung taong halos patayin na ako.
“ ung mga binibigay mong pera ay lahat napunpunta sakanya, may mga sideline ako pero kulang pa”
“ pasensya na…. Pasensya na kung ginagamit kita dahil kulang na kulang talaga ang kinikita ko at kinikita mo, hindi ko alam ang gagawin kapag nakulong ako tapos ung anak ko nasa delikadong sitwasyon” paliwanag niya.
Nakarating na kami sa hospital, papunta na kami sa anak niya ng may isang babaeng nagmamakaawa sa doktor.
“ maawa kayo gamutin niyo ang anak ko… parating na ang asawa ko dala ang pera kaya gamutin niyo na siya” pagmamakaawa ng babae.
“ mahal kamusta si rayzen??” nilingon kami.
“ ayan na ang asawa ko….. mahal kailangan na nating mag bigay ng paunang bagad dahil wala pa tayong binabayad kaya sabi ni mag bayad tayo ng konti para matuloy ang gamutan ni rayzen” iyak na sabi nong babae.
“ pera?” tanong ni vince.
“ oo mahal pera…. Asan na??” umiling si vince, humagolhol ng iyak ung babae.
Naawa ako sakanila, parang nakonsensya pa ako pero alangan namang isakripisyo ko nanaman ang katawan o sarili ko para sakanila?
Nagmamakaawa si vince sa may doktor habang ang asawa niya ay umiiyak, nag lakad ako papalapit sa anak nila na mahimbing na naka tulog. Andaming naka kabit sa bata, hinawakan ko ang kamay ng bata.
“ angel…. nasa langit na ba ako?” nanaginip ata siya.
“ angel pwede bang humingi ng pabor? Pwede huwag mo muna akong kunin? Gusto ko pang makasama sila mama at papa, kahit ilang araw lang muna please???” napa kagat ako ng labi.
“ malapit na ang birthday ni papa, kahit hanggang doon lang po” tumulo ang luha, bakit ako umiiyak? Hindi ko naman sila kaano ano.
Tumalikod ako at nag lakad palayo, naka salubong ko si vince na umiiyak. Pinunasan niya ang luha niya at lumapit saakin.
“ olivia”
“ Sorry pero hindi ko kaya, ako kapalit ng kalayaan mo?” umiling ako at nag lakad palayo.