CHAPTER 15: Night with him

OLIVIA

BLAG!!!

Napabalingkwas ako ng gising, tinignan ko ang katabi ko pero wala na si brent… nilingon ko naman si vince na galit.

Nilapitan niya ako sabay sabunot saakin.

“ arayyyyy… arayyyyyy” hinila niya ang buhok ko papunta sa sala.

“ ang sabi ko sayo huwag mo akong ipahiya!!!” mukhang nalaman niya ang pagka alis ko sa trabaho.

“ hindi naman kasi totoo---” napa ngiwi ako sa sampal niya.

“ hindi mo alam kun paano ako pinahiya ni macy sa madaming tao dahil sayo!!! Akala ko ba matino kang babae hindi naman pala, tatahimik himik ka may kakaiba ka palang kulo!” hindi na lang ako sumagot kasi ganun din lang naman.

“ paano na ngayon ha?!! Imbes na mababayaran ko na ang utang ko mapupurnada pa!!!”

“ maghahanap ako ng trabaho” sagot ko.

“ anong trabaho?? Babalik ka don sa pagiging cashier mo sa kapehan na iyon??!! Magtitiis nanaman ako sa tuyo at kamatis? Kung ginawa mo lang ng maayos ang trabaho mo sana puro lechon ang ulam!!!”

“ gaga ka din kasi… masyado kang malandi” dagdag niya.

“ akin na ang natira mong sweldo” utos niya, tinignan ko siya.

“ bakit?!! Ayaw mo??!!”

“ pang bibili kasi ito ng ulam tsaka bayad ng bills, baka maputulan na tayo” sagot ko.

“ wala kong paki! May pupumaputu ako kaya kailangan ko ng pera tsaka okay na sayo ang tuyo at kamatis diba??! Kaya akin na!!” naka tingin lang ako sakanya.

“ akin na!!!!” sigaw niya, kailangan ko din kasi ung pera kung sakaling maka hanap ako ng trabaho.

Hinablot niya ang braso ko tsaka ako dinala sa kwarto, inutusan akong kunin ung pera pero hindi ako gumalaw

“ olivia isa!! Huhwag mo akong sagarin!!!” hindi parin ako gumalaw.

Hinila niya uli ako tsaka pinalabas ng kwarto, ni lock niya ang pinto…

“ kailangan ko ung pera vince!” panay ang katok ko sa pointuan,

“ maawa ka naman vince, kapag naka hanap ako ng trabaho kahit iyon na lang ang kunin mo huwag yan” dagdag ko pa, bumukas ang pinto. lumabas siyang hawak na ang pera, nanlumo ako.

“ dapat may trabaho kana sa susunod na linggo!” hinawi niya ako, sinundan ko lang siya ng tingin hanggang nakaalis siya sa bahay.

Pumasok ako sa kwarto…tinignan ko ang damitan ko kung saan naka lagay ang pera ko, hinalungkat ko kung meron pa pero kinuha niya ang lahat. Pinuntahan ko naman ang bag ko na nagkalat ang gamit, pinulot ko ung pitaka ko.

Napa buga ako ng hangin dahil nag iwan lang siya ng isang daan… paano ko ito pagkakasiyahin?? Tumulo na ang luha ko, bakit ganito ang buhay ko?? Bakit kasi isinilang pa ako kung ganito din lang pala ang mararanasan ko?

Pumunta ako sa kusina, mabuti na lang talaga may natira pang pagkain kahit papaano. Binuksan ko ang lagayan ng bigas, may konti pa. ipagkakasya ko na lang ito hanggang maka hanap ako ng trabaho, pumunta na ako sa banyo para maligo, sisimulan ko na ngayon ang paghahanap ng trabaho.

Nag lakad na ako para maka hanap ng trabaho…kung kinakailan ko lang pwedeng gastusin ang isang daan, kaya ko naman magtiis na maglakad pauwi at hindi tsaka maski isang araw lang ako kumain ay okay lang ang mahalaga nakakain ako araw araw.

“ helo po naghahanap po kayo ng taga hugas?? Mag aapply po sana ako” tinignan ako nong babae.

“ masipag ka ba?? Hindi nuubos ang hugasin dito tsaka ang sweldo ay 300 kada araw, okay lang?? libre naman ang pagkain” ngumiti ako at tumango tango, okay na ako sa libre ang pagkain.

“ osige bukas bumalik ka para maka pag umpisa kana” sabi nong babae.

“ salamat po” masaya akong naglalakad pauwi dahil hindi na nga ako nahirapang mag hanap ng trabaho, maayos pa ang nakuha ko. Kaya ko naman mag hugas ng buong araw, kakayanin para maka pag ipon ako. Balak ko na kasing umuwi sa probinsya, kokontakin ko si lola na baka pwede doon na ako mamalagi.

Tumingala ako, uulan nanaman ba?? Kailangan kong bilisan, malayo pa kasi ako sa bahay. Lakad takbo ang ginagawa ko para hindi lang maabutan pero naabutan parin ako, huminto na muna ako para sumilong tsaka pagod na ako.

“ tumila ka munang ulan, malapit na ako sa bahay” nanginginig na ako sa lamig, nabasa na din kasi ako.

May lalaking naka hood na sumilong, may payong naman siya pero bakit sumilong. Parang pamilyar siya, saan ko ba siya nakita uli?

“ grrr… ang lamig” hindi ko maiwasang mag reklamo, palakas kasi ng palakas ang ulan.

“ tsk” mahina niyang sabi.

May kinuha siya sa bag niyang jasket tapos ung hawak niyang payong iniaabot saakin, kunot noo ko siyang tinignan pero dahil naka talukbong ung hood niya sa jacket niya hindi ko makiita ang mukha.

“ o…okay lang” pero hinila niya ang kamay ko tsaka ibinigay saakin tsaka siya tumakbo papaipasok sa may damuhaan, teka dito ung bahay nong lalaki diba?

Ung lalaking nakasakayan ko sa bus tapos ung… ahhh oo ung naka hood na sumagipn saakin don sa mga lasing tapos ito ngayon, kaya pala pampamim sabi ko pero siya pala ang nakatira dito sa bahay na ito.

Isinuot ko na ung jacket, kahit papaano hindi na ako nilalamig. Binuksan ko na ung payong para makauwi na, ilang minuto pa ay naka uwi na ako. Agad akong naligo para hindi ako magkasakit, nag luto ako ng konti at nag prito ng itlog na ulam.

Pumasok na ako sa kwarto para matulog, kailanga ko kasi maagang gumising. Maglalakad pa kasi ako baka ma late aao kung hindi late mmagising

“ good morning po”

“ oh ayan kana ppala, heto ung apron mo tapos pumasok ka doon, doon na ung mag huhugasin mo…. Exactong 12:00 ka lumabas para kumain tapos balik agad pagkatapos mong kumain” tumango ako, pumasok na ako sa palikuran…bumungad saakin ang isang kabundok na plato, baso at iba pa.

“ kaya ko ito” mabilis akong gumalaw para mabilis akong matapos, nag uumpisa pa lang ako ay may dumadating pang hugasin.