CHAPTER 14: Ant

OLIVIA

“ olivia!!!” nagmamadali akong puntahan si madam.

“ ma—” halos mabingi ako sa lakas ng sampal niya.

“ damn you!!! Now I know kung bakit ka inalis ni macy sa trabaho mo sakanya, isa kapa lang langgam na tahimik lang mag trabaho pero may pakagat kagat kana pala, sinabi saakin ni macy ang mga kalokohan mo habang kasama si brent sa u. s”

“ Pinasama kita sa asawa ko para maging katulong hindi maging pansamantalang asawa niya!” dagdag niya.

“ saan ka ba galing at napaka landi ng lahi mo, baka nga ganun din ang mama mo tsaka ang lola mo mga ninuno mo haha!” umigting ang panga ko.

“ madam huwag naman sana kayong mang damay na wala namang kinalaman at madam wala po akong ginagawang kalandian sa asawa niyo” sagot ko.

“ talaga??!!! Eto ba hindi kalandian??!!!” hinagis saakin ang mga litrato, litrato to nong uminom kami, nong namasyal kami pero kung titignan mo sa picture may malisya pero grabe naman hindi totoong nilalandi ko si brent.

“ mag empake kana dahil simula ngayon tanggal kana!” nanlumo ako, tatalikod na sana ako ng tinawag niya uli ako.

“ heto ang huli mong sweldo, mabuti nga ibibigay ko pa kahit ganito ang ginawa mo… dali, umalis kana” tinaggap ko ung sweldo ko at nag lakad na palayo.

Nag iimpake na ako ng gamit ko, hindi ko tuloy alam kung saan na ako pupunta ngayon. Panigurado kapag uuwi ako malilintikan ako sa kapatid ko, tumulo na lang ang luha ko.

“ grabe din no… hindi mo naman kasalanan na maging maganda para insecure sila sayo, hayyyst!” si lea.

“ ano ka ba… aanhin ko naman ang ganda ko kung magulo naman ang buhay ko” sagot ko.

“ gawin mong puhunan… yan na nga lang meron ka bakit hindi mo pa gamitin lalo pat wala ka ng trabaho” napa isip naman ako, paano ko namang gagawing puhunan??

“ sige na… aalis na ako, mag ingat ka dito” binuhat ko na ung konti kung gamit.

“ ikaw ang mag ingat… heto pandagdag mo” binigyan niya ako ng tatlong libo.

“ kailangan na kailangan mo yan kaya huwag mo ng tanggihan” dagdag niya pang sabi, pinunasan ko ang luha ko at nginitian siya.

“ salamat… mauna na ako” pag labas ko pa lang, bumungad na saakin si madam na masama ang tingin

“ go!!!” nag lakad na ako palabas ng bahay, tumingala ako. Makulimlim at mukhang uulan pa, napa buga na lang ako ng hangin.

Nag hintay ako ng bus para umuwi saamin…mabuti na lang naka sakay na ako bago pa umulan, naka tingin lang sa labas ng bintana, iniisip kung anong gagawin ko.

Maghahanap ako ng trabaho bukas na bukas din, sana wala doon si kuya pag uwi ko. Palakas ng palakas ang ulan na parang may bagyo, pumikit muna ako para mag pahinga kasi malayo pa naman ang biyahe.

Naalimpungatan ako, naka sandal na pala ang ulo ko sa balikat nong tao. Iniangat ko at tinignan ung tao pero hindi ko inaasahan ang makikita ko, si brent.

“ maayos ba ang tulog mo?” tanong niya.

“ teka… paanong?” ngumiti siya

“ tinanong ko si lea, mabuti na lang nag stop over kaya naka sakay ako” sagot niya, naalala ko tuloy ung sinabi ni madam.

“ bakit ka sumunod…magagalit si—”

“ hindi yan… susunod ba ako dito tsaka maski magalit wala akong pakialam” sumimangot ako, ayoko itong ginagawa niya.

Hindi na ako umimik at hinintay na makarating sA bahay, mayat maya ay pumara na ako. Bumaba na ako kasama si brent, anglakas parin ng ulan kaya sinabihan ko si brent na pumasok. Mukhang wala si kuya kasi hindi naka ilaw.

“ pasok” nagpagpag siya, kumuha ako ng towel.

Grabe naman kasi itong ulan ang lakas tapos may pakidlat kidlat, nag painit ako ng tubig para mag kape kami. Ung iniwan ko kasing stock ay meron pa, mukhang hindi umuwi si kuya dito kasi hindi man lang nagalaw.

“ thanks” ibinalik ung towel.

“ heto kape” inilapag ko sa mesa ung baso.

Tahimik lang kami, pareho kaming nAkikiramdam kung sino ang mauunang mag salita. Tinignan ko siya na naka tingin lang sa kape niya.

“ brent—“

“ be my mistress” seryoso niyang sabi.

“ ano?!”

“ Be my mistress olivia” napaawang ang labi ko.

“ brent baliw kana ba?? Sinong babae ang gustong maging kabit??” tanong ko.

“ olivia—”

“ brent bumalik kana sa asawa mo, dapat hindi na kita pinapasok kasi mali ito”

“ walang mali sa mga taong may nararamdaman olivia” sagot niya, kumunot ang noo ko.

“I feel it…nararamdaman kong were on the same feeling, pinipigilan mo lang dahil kasal ako pero olivia lahat may paraan” hindi ako maka paniwala sa naririnig ko.

“ kaya ito ang naisip mong paraan? Ang maging kabit mo??” tumango siya, napailing ako.

“ umalis kana…simula ngayon hindi na tayo dapat mag kita” naka tingin lang siya saakin.

“ please umalis kana” yumuko siya sabay hinga ng malalim, tumayo siya.

“ okay” halos pabulong niyang sagot, tumayo na din ako para pag buksan siya ng pinto.

“ don’t forget to lock the door and mga bintana” paalala niya pa bago lumabas, tumango ako.

“ brent” huminto siya.

“ give chance to your wife…malay mo---”

“ parang tinanggap ko na lang din ang sumpa ko kung ganun” nalungkot ako sa sinabi niya, lumabas na siya kaya isinara ko na ung pinto ng biglang kumidlat.

Tama bang paalisin ko siya sa ganitong panahon?? Wala siyang sasakyan at lalo na hindi niya alam ang lugar na ito, napa upo ako dahil kumidlat at nawala ang ilaw.

Tumayo ako at hinanap ung drawer kung saan naka lagay ang kandila, andami ko ng natatabig pero hindi ko mahanap ung kandila ng kumidlat uli para mapasigaw ako.

Kinapa ko uli ng mabunggo ako sa matigas, kinapa ko kung ano iyon kasi mainit at basa.

“ let me accompany you here until the current is back” si brent, kumidlat uli para maka kapit ako sakanya.