CHAPTER 16: Over her

BRENT

Konti na lang, konting konti na lang brent malalampasan mo na siya. Hindi kana niya basta basta maapakan , napa ngiti ako. Tinignan ko ang oras, hapon na pala. Nakaramdam ako ng gutom, simula kasi umaga ay walang laman ang tiyan ko.

Tumayo ako, maka pag meryenda nga muna. May kainan sa tapat namin, hindi siya tulad ng resto pero masarap ang pagkain at laging madaming tao.

Pumila muna ako, hindi naman isang beses ko dito kaya kilala na nila ako. Matapos kong umorder ay umupo na ako, grabe hindi magtigil ang labas loob ng mga tao. Kahit ganitong ka sime ang kainan, mas higit naman ang kita nila kaysa sa de class na resto.

“ sir heto na po ung order niyo, pinadagdagan na po ni mama para sainyo” ngumiti ako.

“ salamat” iniwan na niya ako, susubo sana ako ng may nakita ako.

“ olivia… heto pa!” kumunot ang noo ko, dito siya nag tra-trabaho.

Pabalik balik siya para kunin ang mga hugasin, halata naman na taga hugas siya pero hindi biro ang trabahong iyon lalo na dito dahil sa dami ng tao.

Makikita mong pagod na pagod na siya pero energetic parin siya, nakukuha niya pang ngumiti. Parang nawalan tuloy ako ng gana, ooferan ko siya ng trabaho.

“ mam pwedeng kumain po muna ako?” rinig kong sabi niya.

“ diba sabi ko sayo 12:00 sakto ang kainan mo?! Anong oras na??? Andami mo pang huhugasan!!” pinagtitinginan sila, may naka pansin ata kaya siniko ung taga mahala.

“ ngayon lang to ah…. Bilis” tumango si olivia, iniwan na siya nong may ari.

Kukuha na sana siya ng pagkain niya ng biglang hinablot ang plato, nilagyan nila ng pagkain pero hindi galing sa niluto nila kundi sa tira. Naikuyom ko ang kamao ko, kinuha niya parin ito at umupo sa sulok.

Tumayo ako at lumapit sakanya, kinuha ung pagkain niya at tinapon sa taong nagbigay dito. Hinila ko siya palabas pero nag pupumiglas siya.

“ ano ba!” sigaw niya.

“ kakainin mo iyon?!!! Tira tira na iyon olivia!!” galit na galit kong sabi.

“ kaysa naman magutom ako tsaka malinis pa naman iyon” pinipilit kong pakalmahin ang sarili ko, naka tingin ako sakanya.

“ I can offer you a job, ung hindi ganito” malumanay kong sabi, umiling siya

“ malalaman ni madam, malalagot ka kaya okay na ako dito”sagot niya.

“ olivia hindi tao ang turing sayo dito kundi hayop, hindi tama ang ganung pakikitungo” ngumiti siya.

“ kaya ko naman, ang habol ko lang naman is trabaho” sagot niya, kasalanan ko ito kung bakit naalis siya sa trabaho niya. Kung hindi ko lang siya kinulit ng kinulit baka nasa maayos pa siyang trabaho, nasa maayos pa sana siyang lagay kahit papaano.

“ olivia!!!”

“ Sige na” mabilis siyang pumasok, tinignan ako ng may ari.

Inirapan ko siya at nag lakad paalis, bumalik ako sa kompanya na naiinis. Nag iisip ako kung paano ko siya paalisin sa trabahong iyon.

“ sir tawag niyo ako?”

“ ung kaharap ba nating kainan kompleto sila sa papeles?” utos ko kay diego.

“ aalamin ko po… may gusto po ba kayong ipagawa?” tanong niya

“ gusto ko siyang maipasara” tumango siya.

“ sige sir titignan ko po kung makakahanap ako ng kakulangan nila” tumango ako.

Pasensya na olivia pero makaka hanap ka pa ng matinong trabaho kaysa dito, ayoko lang makita kang ganito ka tinatrato.

----

OLIVIA

“ bwesit!!! Magsasara na muna tayo” huh?!!! Bakit??? Dalawang linggo pa lang ako.

“ teka naman po kailangan ko itong trabaho ko” tinignan niya ako.

“ dahil sayo napasara kami!!! Kunin mo na itong sweldo mo at umalis kana sa harap ko!” tinulak niya pa ako paalis, napa buga na lang ako ng hangin.

Binuksan ko ung envelope na naglalaman ng sweldo ko pero kulang, kinatok ko ung pintuan. Kulang kasi ng isang linggo ang sweldo ko, malaki na iyon para saakin.

“ mam kulang po ang sweldo ko!!!” reklamo ko.

“ mam!!!” bumukas ang pinto.

“ kapiranggot lang yang nawala sayo habang saamin libo libo! Kung ayaw mong bawiin ko yan aalis na ako dahil baka makalimutan ko na tao ka!” binagbagsakan ako ng pintuan.

Sumakay ako ng bus para umuwi… tinignan ko ang mga kamay ko na sugat sugat at namumula, bukas na bukas maghahanap uli ako ng trabaho.

Binuksan ko ang pinto, bumungad saakin ang lasing na vince. Tinignan niya ako, tumayo siya at nilapitan ako na patumba tumba pa.

“ asan na ang pera ko?” napa higpit ang kapit ko sa bag ko.

“ hi-hindi pa ako nag sweldo” sagot ko, tinignan niya ako ng masama.

“ huwag mo akong lokohin, asan na!!!” nanginig ang buong katawan ko, kapag lasing siya mas grabe ang ginagawa pero hindi ko naman pwedeng ibigay ung pera.

“ vince wala----aaahhhhhh arayyyyy!!” hinila niya ang buhok ko papuntang upuan.

“ akin na yang bag mo” hinigpitan ko ang pagkakahawak, tama naman na ung ilang taon akong nagpapakahirap na mag trabaho na siya ang nakikinabang.

“ akin na!” hinablot niya pero hinablot ko paibalik saakin, niyakap ko ito.

“ lumalaban kana ngayon olivia? Tandaan mo kuya mo ako” sinamaan ko siya ng tingin.

“ hindi ka naging kapatid saakin kaya paano kita rerespetuhin” sagot ko, pinagsingkitan ako ng tingin.

“ hindi ba sapat sayo na patirahin kita sa bahay ko? Kung wala itong bahay ko baka nasa kalsada kana at naging pariwara!”

“ mas gusto ko pang maging pariwara kaysa sa ganitong buhay!” sagot ko.

“ sige kung yan ang gusto mo” pilit niyang kinukuha ang bag ko pero hindi ko binibigay, sinampal pa ako pero hindi ko binibigay.

Sinikmuraan ako para manghina ako, nakuha niya ung bag ko at kinalkal saka kinuha ung pera. Tinignan niya ako mula ulo hanggang baba, lumapit saakin sabay himas ng hita ko. Kahit masakit ang tiyan ko mabilis akong lumayo sakanya.

“ saan ka pupunta?? Total hindi mo na din ako nirerespeto, lulubusin ko na ang pakinabang mo” tinakpan ko ang katawan ko ng kamay ko.

“ kuya please huwag” ngumisi siya.

“ hindi mo ako kapatid, tanga!!!”