Chapter 7
Hanggang ngayon iniisip ko pa rin yung bipolar disorder. Posible kayang may ganon si Apollo? Nandito ako sa garden ng university at nag se-search about bipolar disorder.
Ang unang simtomas ng bipolar disorder ay pabago-bago ang mood. Ito lagi ang napapansin ko kay Apollo simula nung makilala ko s'ya. Biglang magagalit ng walang dahilan, at biglang matutuwa sa hindi rin'g malaman na dahilan.
Ang pangalawa namang sintomas ay pagkakaroon ng hallucination. Naalala ko pa no'n naglalakad lang kami sa gilid ng kalsada ni Apollo pero bigla n'yang sinuntok yung lalaking nasa gilid dahil ang sama raw ng tingin sa kaniya kahit hindi naman talaga. Minsan din nakikita ko siyang may kinakausap kahit wala namang tao sa harap niya.
Madami pang sintomas ang bipolar disorder ayon sa doktor na pinagtanungan ko at halos na kay Apollo ang mga sintomas.
Pwede rin daw mamana ang sakit na iyon kaya inalala ko kung mayroon bang ganon sa pamilya nila. Naalala ko na! Si Don. Santiago Mercado ay mayroong sakit na bipolar disorder ayon sa ina ni Apollo. Posible kayang may ganon talaga si Apollo?
Sumasakit ang ulo ko sa kalaisip nito. Ayon pa sa doktor na pinag tanungan ko, wala raw talagang lunas dito ang kailangan lang daw ay ang pag inom ng gamot upang mabawasan. Mababawasan pero hindi matatanggal. Kahit hinang hina ako pinilit ko pa rin'g makatayo upang maka uwi na dahil pagabi na at baka mapagalitan pa ako kay daddy edi bye bye money na non.
Saktong pag punta ko sa parking lot ay nandon na si mang Nestor. Lumapit ako sa kaniyang dereksyon pero hindi man lang n'ya ako pinansin at busy lang s'ya sa panonood ng kung ano sa cellphone n'ya. At dahil isa akong dakilang tsismosa, tahimik akong pumunta sa likod n'ya at tiningnan kung ano ang pinapanood nito.
Napatakip na lamang ako sa aking bibig upang hindi lumabas ang halakhak ko. Paano ba namang hindi ka matatawa e nanonood ng k-drama si mang Nestor tapos tutok na tutok pa. Fan na fan talaga si Mang Nestor ng mga k-drama.
" Anong k-drama yan mang Nestor?" tanong ko sa kaniya at sinagot niya naman ako pero hindi pa rin s'ya tumitingin sa direksyon ko.
" The Good Manager." Akmang ipagpapatuloy niya pa rin ang panonood kaso napatingin na sa akin si mang Nestor kaya napatayo s'ya sa kaniyang kinauupuan at pinatay na ang cellphone.
"M-maam kanina pa po ba kayo d'yan?" tanong niya sa akin kaya tumango naman ako sa kaniya.
Hindi na s'ya nagsalita pa at pinagbuksan na lamang ako ng pinto ng kotse af pinapasok doon.
"Manong! Sa susunod ayain mo ako ha kapag nanonood ka," saad ko sa kaniya kaya mabagal siyang tumango.
"Ayaw mo ata akong kasama manood manong ah mag tatampo ako niyan sige ka."
"O-osige na maam," saad niya kaya napa ngiti na lamang ako. Ang bait-bait talaga ni mang Nestor hindi katulad ng mga kuya ko na ang sasama ng mga ugali.
Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na rin ako sa aming bahay o mas magandang tawagin na mansion. Mansion para sosyal.
Pagkapasok ko pa lamang rinig ko na agad ang sigawan sa loob. Napabuntong hininga na lamang ako dahil hanggang ngayon ay nag aaway pa rin sila. Lagi na lang umiinit ang ulo ko dahil sa mga makukulit kong kuya.
Kahit na tinatamad pumasok ay pinilit ko pa rin kaysa naman na matulog ako sa labas edi pinapak ako ng mga lamok tapos hindi na nila ako lalayuan kase nasarapan sila sa akin.
"Putaena Gregorio kinuha mo na naman ba yung spongebob na brief ko?" Meet my first brother, Gensan Hermosa, 27 years old.
"Putaena mo rin Gensan bakit ako na naman pinagbibintangan mo si Gardo kaya!" Meet my second brother, Gregorio Hermosa, 26 years old.
"Putaena n'yong dalawa bakit ako? Mga boxer n'yo yung kinukuha ko hindi brief mga tanga! Baka si Gastor ang kumuha." Meet my third brother, Gardo Hermosa, 25 years old.
"Putaena n'yong tatlo bakit ako ang pinagbibintangan n'yo nakikita n'yong kumakain yung tao tapos ako pagbibintangan baka si Gasul ang kumuha." Meet my fourth brother, Gastor Hermosa, 24 years old.
"Putaena n'yong apat bakit ako? Aanhin ko yung brief n'yo eh may brief naman ako hello kitty pa ang tatak. Baka si Gwendolyn talaga ang kumuha." Meet my fifth brother Gasul Hermosa 23 years old. Minsan nga nag tataka ako bakit yon ang ipinangalanan sa kanila. Buti na lang talaga maayos yung sa akin. Pero wait.. Ako kumuha ng brief?
"Putaena n'yo lima bakit naman ako kita n'yo namang kararating ko lang tapos ako pag bibintangan n'yo sa pag kawala ng brief nyo mukha ba akong nag susuot ng brief?" Napalingon sa akin ang aking limang kuya. Nang tiningnan ko sila ng masama ay bigla na lamang umiwas ng tingin at iniwan ako sa sala.
Gagong mga yon pag bintangan ba naman ako! Mukha ba akong mag nanakaw ng brief? Mukha lang akong magnanakaw pero hindi talaga ako nag nanakaw ng brief pwera na lang kung kay Apollo yon. Kung kay Apollo yon ay ipapa frame ko pa. Ang hirap magkaroon ng limang kapatid na lalaki. Kung gusto n'yo sa kanila, just pm me and I will send the details. Kahit libre ibibigay ko sa inyo.
Napa ayos ako ng tayo ng makita ko si mommy na pababa nang hagdan kasama si daddy. Akmang aalis na ako sa aking pwesto kaso nakita ako ni mommy at tinaasan pa ako ng kilay. Ang taray ni mommy. Kung makataas ng kilay akala mo wala ng bukas.
"Gwendolyn, nasaan ang mga kuya mong gunggong?" tanong sa akin ni mommy kaya sinagot ko kaagad siya. Ang sama niya pa namang magalit. Lalo rin siyang pumapangit.
"Umalis na mommy hinahanap yung mga brief nila." sagot ko kay mommy habang naka nguso pero inirapan niya lamang ako. Mukhang hindi ata gumana kay mommy ngayon ang ka cute-an ko. Nag puppy eyes pa ako para tumalab naman pero hindi tumalab!
"Naku Gerald! Tingnan mo yang mga anak mong lalaki manang mana sa'yo katulad mo rin'g gunggong. Pati brief hinahanap. Katulad mo ring burara! Isaksak ko sa mga bibig niyo yang mga brief niyong mababantot!" Napakamot na lamang sa ulo si daddy dahil sa sinabi ni mommy. Totoo naman kase yon sabi ni mommy ganon na ganon daw ang ugali ni daddy nung nagka kilala sila napaka kulit.
Akmang lalyas na ako pero tinawagan ako ulit ni mommy.
" Where do you think you're going? Atsaka bakit mugto ang mga mata mo?" Napayuko ako bigla dahil sa sinabi ni mommy. Fuck! Nakalimutan ko na ilang beses akong umiyak ngayong araw.
"Kinagat ng ipis mommy," saad ko sa kaniy Pero mukhang hindi niya ito pinaniwalaan pero hindi niya na muli pa akong tinanong.
Akmang aalis ulit ako ng bigla akong tinawagan ni daddy. Patay! Mukhang hindi kumbinsido si daddy sa naging dahilan ng pag-iyak ko.
"Gwendolyn mag usap tayo sa labas." Hindi n'ya man lang hinintay ang sasabihin at naglakad na lamang papunta sa labas at kahit na labag sa loob ko sumunod ako sa kaniya. Kahit loko-loko minsan si daddy ay sumusunod pa rin kami sa kaniya kase nakakatakot siya magalit. Parang si mommy din kung magalit.
Nakita ko si daddy na naka upo sa damuhan habang naka tingin sa langit. Hindi ko maiwasang mapatitig sa kaniya dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin kumukupas ang ka gwapuhan n'ya. Kahit na nasa fifty plus na siya ay sobrang kisig pa rin niya. Kaya kahit mga kasing edad ko ay nagkakagusto kay daddy. Maraming gustong umagaw kay daddy pero hindi nagpatinag si daddy kahit na maraming mga babae ang naghubad sa harapan niya. Mahal na mahal talaga ni daddy si mommy kaya bilib na bilib ako sa pagmamahalan nilang dalawa.
Mukhang napansin ni daddy na may nakatingin sa kaniya kaya napatingin s'ya sa direksyon ko. Kaagad naman akong tumakbo papalapit sa kaniya at tumabi at inakap s'ya ng sobrang higpit kaya napa tawa s'ya.
"Bakit gusto akong kausapin ng gwapo kong daddy?" Dahil sa sinabi kong iyon, nawala ang kaninang magandang ngiti niya at napalitan ng pagiging seryoso.
Hindi ko maiwasang kabahan dahil minsan lang mag seryoso si daddy lagi kaseng makulit kaya nakakapanibago.
"Hanggang ngayon ba ay iniiyakan mo pa rin si Apollo?" Natahimik ako sa tinanong sa akin ni daddy. Si daddy ang nakakaalam sa lahat ng sikreto. Kahit nga ang pag suntok ko sa business partner n'ya dati ay alam n'ya rin. Paanong hindi ko susuntukin. Hinawakan ba naman yung pwet ko.
" Daddy naman, hindi naman yan nawawala sa pagmamahal hindi ba?" tanong ko sa kaniya.
"Sobra na ang sayo Gwendolyn. Ang martyr mo naman nak hindi kita pinalaki ng ganyan. Nalaman ko mula sa mga magulang ni Brandt na paiba-iba s'ya ng babae. Alam mo ba yon?" Dahil sa tanong n'yang iyon ay napayuko na lamang ako. Dahil sa pagyuko kung iyon ay nalaman ni daddy na alam ko na may iba't ibang babae si Apollo.
Napabuntong hininga ng malakas si daddy kaya napatingin ako sa kaniya.
"Alam mo nga. Basta Gwendolyn sabihan mo ako kapag hindi mo na kaya nandito lang ako at makikinig sa mga hinaing mo." Hindi ko maiwasang maluha dahil sa sinabi ni daddy. Naiintidihan ko naman s'ya kung bakit s'ya istrikto sa akin dahil ako lang naman ang nag iisa n'yang anak na babae kaya sobra ang pag iingat n'ya sa akin.
Kahit na umiiyak niyakap ko ng sobrang higpit si daddy kaya inakap n'ya rin ako pabalik kaso mas mahigpit yung sa kaniya kaya hindi ako makahinga.
Sinamaan ko ng tingin si daddy pero tinawanan lamang ako at nilamukos ang aking mukha. Napakunot na lamang ako ng aking noo ng maamoy ko ang kamay ni daddy. Ang bantot naman ng amoy na iyon. Amoy patis.
Nanlaki ang aking mga mata ng mapagtanto kung anong amoy iyon.
"Daddy! Bakit nilamukos mo sa mukha ko yang pinanghawak mo sa pepe ni mommy! Ang baho!" Dahil sa sinabi kong iyon ay inamoy niya ang kaniyang kamay at bigla na lamang napangiwi.
"Sorry na nak nakalimutan ko hehehe." Nakuha n'ya pang tumawa. Akmang papaluin ko s'ya sa kaniyang braso pero kumaripas na s'ya ng takbo habang sinisigaw ang pangalan ni mommy.
Ang kadiri naman ang baho baho ke tanda-tanda na nag aano pa. Sana all.
Akmang papasok na ako sa bahay nang makita ko ang aking limang kapatid na lalaking nakatingin sa akin ng seryoso kaya kinabahan na naman ulit ako.
"Gasul, ready my guns may papatayin tayo ngayon." Putangina! Eto na nga ba sinasabi ko mga marites kasi kaya narinig yon.