Chapter 8

Nagkakagulo ulit ngayon dahil sa lima kong mga kuya. Hindi ko sila maawat dahil mas malaki ang katawan nila kaysa sa akin tsaka marami sila, nag iisa lang ako. Bakit kase hindi ko napansing nakikinig sila sa pinag-uusapan namin ni daddy!

Mas lalo akong nataranta ng makalabas na sila habang may hawak na mga baril at nag uunahan pumunta sa garahe para kunin ang kanilang mga kotse.

"Mga kuya! Magsitigil nga kayo!" sigaw ko sa kanila kaya napahinto naman sila sa pag akmang pagsakay nila sa kanilang kotse. Phew! Buti na lang gumana ang pag sigaw ko.

"Bakit ba pinipigilan mo kami Gwendolyn? Pinaiyak ka ng gagong Apollo na yon tapos pipigilan mo lang kami. Nasaan ba ang utak mo! Ang talino mong tao pero hindi mo ginagamit yang utak mo. Bakit ba nagpapaka bobo ka roon sa lalaking yon?" Napapikit ako ng mariin ng sigawan ako ni kuya Gasul. Sa aming anim si kuya Gasul ang pinaka kalmado at mahaba ang pasensya pero grabe magalit kaya natatakot ako ngayon dahil galit na s'ya na minsan lang mangyari.

"H-hindi naman sa ganon kuya ang ipinupun-" hindi ko na naituloy pa ang aking sasabihin ng pinanlisikan ako ng mata ni kuya Gasul kaya natahimik ako. Nakakatakot talaga si kuya Gasul.

"Tigilan mo ako d'yan sa mga gan'yan mo. Bakit lagi mong pinagtatanggol si Apollo sa amin? Tanga kaba? Kita ng hindi ka mahal pero pinagsisiksikan mo pa rin ang sarili mo. Putangina Gwendolyn sardinas kaba? Gamitin mo yang kokote mo! Tangina naman." Napahagulgol ako ng sobrang lakas dahil totoo ang mga sinasabi ni kuya Gasul. Hindi ako mahal ni Apollo at pilit ko lang pinagsisiksikan ang sarili ko sa kaniya. Kahit na sobrang sasakit na ng mga sinasabing mga salita ni Kuya Gasul ay iniintindi ko pa rin kase alam ko namang para sa akin naman tong mga ginagawa niya.

"Gasul, dahan-dahanin mo yang pananalita mo. Baka nakakalimutan mo na nag iisang kapatid na babae natin yan. Atsaka bakit hindi na lang natin suportahan si Gwendolyn gayong lagi n'ya tayong sinusuportahan sa lahat ng mga plano natin. Magtiwala na lang tayo sa kaniya. Kung halimbawa mang masaktan siya, nandito naman tayo para pagaanin ang loob niya." Natahimik kaming lahat sa sinabi ni Kuya Gregorio habang si Kuya Gasul naman ay masama pa rin ang tingin sa akin.

Akmang kakausapin ko s'ya pero bigla n'ya na lamang akong tinalikuran at umakyat sa taas. Napabuntong hininga na lamang ako ng malalim. Dahil sa pagkagusto ko kay Apollo nag aaway na kaming magkakapatid. Sana naman ay magka ayos na kami ni Kuya Gasul kase hindi ko kaya kung hindi kami magkakabati.

Nabalik lamang ako sa aking ulirat ng maramdaman kong may yumakap sa akin ng mahigpit.

"Huwag mo ng pansinin yang Kuya Gasul mo naiinggit lang kase ikaw ay may love of my life na habang s'ya ay wala." Napatawa na lamang ako dahil sa sinabi ni kuya Gardo at yinakap ulit ako ng sobrang higpit.

GABI NA ngunit hindi pa rin ako makatulog. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako kinakausap ni kuya Gasul. Dati kapag nag aaway kami makalipas lang ang isang oras ay ayos na kami. Pero ngayon, mukhang malabong magkaayos kami kaagad. Ang bobo ko kase!

Sobra ang galit ni kuya Gasul sa akin ngayon panigurado. Mukhang nagtatampo rin dahil hindi siya kinampihan nina kuya.

Pinilit kong matulog kase may pasok pa ako bukas kaso hindi talaga ako makatulog kaya napag pasyahan kong lumabas sa aking kuwarto at pumunta sa kuwarto ni kuya Gasul. Malapit lang naman yung kuwarto niya sa kuwarto ko kaya nakarating din ako kaagad.

Nang nasa harap na ako ng kaniyang kwarto, dahan-dahan kong pinihit ang doorknob ng kaniyang kwarto. Akmang papasok ako ng makita ko si kuya Gasul na umiiyak. Anong nangyari rito?

"Ang gago mo Gasul, bakit mo naman sinigawan yung kapatid mo. Pinaiyak mo pa. Ang bad mo talaga" Napatulala ako kay kuya Gasul na nakatingin ngayon sa salamin at kinakausap ang sarili.

Hindi ko maiwasang mapatawa dahil naka nguso pa s'ya habang kinakausap ang sarili. Parang baliw.

Akmang hihiga na s'ya sa kaniyang kama kaso nakita n'ya akong nakasilip dito sa pinto kaya napa ayos s'ya ng tayo at nag seryoso ng tingin.

"Anong ginagawa mo rito Gwendolyn?" tanong niya habang naka taas ang isa niyang kilay. Hindi ko maiwasang mapanguso dahil sobrang seryoso n'ya ngayon hindi pa naman ako sanay na nagseseryoso siya.

Kahit na nag aalangan akong pumasok, tumakbo pa rin ako sa kaniyang direksyon atsaka s'ya ay tinalunan. Wala na akong pakeelam kung masakal man si Kuya Gasul. Kung masakal man edi ayos. Joke lang!

Nagpumiglas si kuya Gasul pero mas lalo ko pa s'yang dinaganan at hinigpitan ang pagkakayakap sa kaniya yung tipong hindi na siya makakahinga ng maayos.

"Gwendolyn! Putapets bakit ang bigat mo!" bulalas n'ya mismo sa mukha ko kaya napa punas ako sa aking mukha dahil tumalsik ang kaniyang laway sa aking mukha. Kadiri naman ni kuya.

"Kuyyyyaaa Gaaasuuuulllll! Sorry na please! Bati na tayo!" sigaw ko mismo sa kaniyang tenga kaya tinulak n'ya ako. Grabe! Makatulak wagas.

Napa aray naman ako dahil tumama ang likod ko sa sahig. Ikaw ba namang itulak at mahulog sa kama, hindi ka masasaktan? Taranta namang tumayo si kuya Gasul at tinulungan n'ya akong tumayo. Siya naman ngayon ang sinasamaan ko ng tingin pero ngumuso lang s'ya at pinagdikit ang kaniyang dalawang hintuturo sabay sabing...

"Uwu!" Nabatukan ko si kuya Gasul ng sinasadya kaya nag iiyak ito. Putsa, ang isip bata naman ni kuya Gasul, ang tanda tanda na n'ya. Sabagay isip bata pa rin naman siya. Ikaw ba naman ang mag brief na cartoons pa ang mga design.

"Gwendolyn! Sorry na ha hindi ko naman sinasadya yon e" Hindi ko na lang sya pinansin at itinulak na lang sya pahiga sa kama at ako'y tumabi at inakap siyang muli.

Randam kong natigilan si kuya Gasul pero yumakap naman s'ya pabalik kaya hindi ko maiwasang mapangiti. Bati na kami ni kuya Gasul! Hindi niya talaga ako matitiis. Mahal na mahal talaga ako ng kapatid ko.

"Kuya Gasul bakit ang pangit mo- aray putaena naman." Napahawak ako sa aking noo dahil pinitik iyon ni kuya Gasul. Grabe ang tigas naman ng kuko nitong lalaking to.

"Ikaw Gwendolyn ha sinasanay mo na ang pagmumura mo akala mo ba kinaganda mo yan?"

"Bakit kayo nina kuya nag mumura rin naman kayo pero kina gwapo n'yo yon- aray naman! Bakit namimitik ka ulit." Hindi ako sinagot ni kuya Gasul at inakap na lang ako ng sobrang higpit na halos hindi na ako makahingi. May galit pa ata to sa akin hanggang ngayon!

Nang makita n'yang hindi na ako makahinga ng maayos ay niluwagan na n'ya ang pagkakyakap sa akin at natulog na.

Ang ano naman ni kuya tinulugan ba naman ako ng mokong.

Napahikab na lamang ako at parang gusto ng pumikit ang aking mga mata. Kanina naman ay hindi pa ako inaantok. Pero ngayon, inaantok na ako kaya ipinikit ko na ang akinng mga mata at natulog na.

NAGISING AKO dahil may pumipindot sa ilong ko. Nakita ko si kuya Gasul na nakadapa sa kama at pinipindot pindot ang aking ilong. Nung nakita n'ya akong gising na tinigilan na n'ya ang pagpipindot sa aking ilong at pinaghahalikan ito. Ang sweet talaga ng kuya ko.

Napatawa naman ako ng mahina dahil naglalambing na naman si kuya Gasul. Lagi namang ganiyan si kuya kaya nasanay na ako. Kapag nga namamasyal kami ay napag kakamalan kaming mag syota dahil sobrang clingy ni kuya. Paano ba naman yayakapin ka habang nag lalakad tapos hahalikan pa ang aking ilong.

Lahat ng mga kapatid ko ay laging aking ilong ang kanilang hinahalikan. Ewan koba bakit gustong gusto nila ang ilong ko.

"Kuya! Tama na nga yan. Halika na punta na tayo sa baba para makapag almusal." Nang makababa na kami napunta sa aming dalawa ang atensyon ng mga narito sa bahay.

Nakita ko pa ang pag ngisi ni kuya Gensan pero hindi ko na lang iyon pinansin. Napa simangot na lang ako dahil iniwan na ako ni kuya Gasul dahil nakakita na ng pagkain.

Akmang uupo na ako sa aming hapag-kainan nang bilaang tumayo ang mga kuya ko except kay kuya Gasul dahil kumakain na s'ya.

Napatawa naman ako ng sunod-sunod nilang hinalikan ang ilong ko. Nakita ko naman sina mommy na naka ngiti. At bilang kapalit sa pagiging sweet nila, pinugpog ko ng halik ang mga mukha nina kuya kaya napatawa naman sila.

"Gwendolyn, may kaylangan ka no?" Napasimangot naman ako dahil sa sinabi ni daddy at sinamaan s'ya ng tingin.

"Hindi naba pwedeng mag lambing?" saad ko kay daddy habang naka nguso.

"Minsan ka lang maglambing Gwendolyn kapag may kailangan ka lang." Napahalakhak ang mga kasama ko rito sa hapagkainan kaya lalo akong napanguso.

"Manghihingi lang ng five pesos e." Mas lalo silang natawa dahil sa sinabi ko.

"Oh, tingnan mo may kailangan ka talaga." Napailing na lang ako dahil nagiging makulit na si daddy. Si mommy naman hindi pinipigilan.

" Mommy oh, inaaway ako ng panget mong asawa." Napasinghap ng sobrang lakas si daddy at bigla na lamang umatungal. Ang pangit ni daddy umiyak.

Hindi ko na pinansin si daddy at ipinag patuloy ko na lang ang pagkain ko ng almusal. Kanina pa ako gutom kaya kaagad akong lumamon sa mga pagkain na nasa hapag.

Makalipas ang ilang minuto ay tapos na rin akong kumain pero si daddy hindi pa rin tumigil sa pag iyak e wala namang luhang lumalabas sa mata n'ya.

Iniwan ko na lang silang lahat doon at pumunta sa aking kuwarto upang maligo. After many minutes tapos na rin akong maligo at mag bihis. Akmang aalis na ako ng may tumawag sa cellphone ko. Nang tingnan ko kung sino yon ay si Buck lang pala.

"Buck! Bakit ka napatawag?" tanong ko sa kaniya. Napatingin ako sa aking cellphone dahil wala namang sumasagot. Akmang ibababa ko na ang tawag ng mag salita na si Buck.

"G-gwendolyn nandito ako sa h-harap ng bahay n'yo sabay sana tayong pumasok sa school." Hindi ko maiwasang mapatawa dahil nauutal pa s'ya habang sinasabi yon.

Hindi ko na hinintay pa ang susunod n'yang sasabihin at pinatay na ang tawag. Kaagad akong bumaba at kumaripas nang takbo papalabas ng bahay. Narinig ko pang tinawag ako ni mommy pero hindi ko na lang iyon pinag tuunan ng pansin. Nakita ko si Buck na nakasandal sa kotse n'ya habang naka tingin sa malayo. Mukhang hindi n'ya naman naramdaman ang presensya ko kaya ang ginawa ko ay ginulat ko s'ya pero hindi man lang nagulat.

Sinamaan ko s'ya ng tingin pero tinawanan n'ya lamang ako. Nakahawak pa s'ya sa tyan n'ya habang tumatawa.

"Dapat nagulat ka!" asik ko sa kaniya kaya mas lalo s'yang napatawa.

"Ay! Kailangan ba? Wait take two." Nabato ko na lang s'ya ng aking bag dahil sa sobrang inis ko sa kaniya. Pero nawala iyon nang hinalikan n'ya ako sa aking pisngi.

"Sorry na po." Pasimple kong hinawakan ang aking dibdib kung saan nakatapat ang aking puso at pinakiramdaman ito ng mabuti.

Putcha! Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko.