Chapter 6

Limang minuto na ang lumipas ng may makasalubong akong mga panget na lalaki na nag pi-feeling pogi.

Nagkakagulo ngayon dahil nag-aaway na sila. May bago ba ro'n? Laging nakikipag-away sina Apollo kaya wala ng bago ro'n. Nagkakagulo na ang mga estudyante lalo na ang mga kababaihan na nagtititili ang sakit naman sa tenga.

Habang ako, eto naka upo sa gitna at nanonood ng away habang kumakain ng bananaque nakita ko lang to sa labas kanina habang nag aaway sila sayang naman yung movie kung hindi susulitin.

Napailag ako ng may biglang nabato na sapatos sa direksyon ko. Buti na lang talaga at naka iwas ako kung hindi patay na ako sa amoy non.

Away dito, away doon, ang gulo nila hindi ba pwedeng mag hands forward?

Nasisiraan na talaga ata ako ng ulo.

Napaubo na lamang ako ng malakas nang may sumipa sa sikmura ko. Nang tingnan ko kung sino ang lapastangang gumawa non na si Justice lang pala. Akmang sisipain ko rin siya sa sikmura kaso kumaripas na ng takbo ang duwag. Kalalaking tao, tapos hindi takot sa away pero takot sa akin.

Huh! Mayabang na ata ako nito.

Nabigla ako ng hinila ako ni Apollo kaya hindi ako kaagad naka angal.

"Woi pareng Apollo saan tayo pupunta?" tanong ko sa kaniya pero hindi man lang niya ako sinagot at nag patuloy lang sa pagkaladkad sa akin.

Ako lang to, na kahit nasa gitna kami ng mga nag-aaway kinikilig pa rin ako. Bhe holding hands kami. HHWW, holding hands while walking...

Biglang nawala ang pagkakilig ko ng tinulak ako ni Apollo at muntik ng masubsob ang mukha ko sa pader. Akala ko pa naman kokornerin niya ako tapos mag kikiss. Hindi pala si Apollo ang ikikiss ko kundi yung pader. Sadgurl na ata ako ngayon.

"Apollo babes bakit kaba nanunulak?" tanong ko sa kaniya pero inirapan niya lang ako. Ang hilig nitong mang irap daig pa akong babae na parang sinasaniban pag umiirap.

"Diyan ka lang, naiintindihan mo ba ako panget? Napasimangot na lamang ako dahil sa sinabi niya. Ako? Panget? Putaena niya. Hindi porket guwapo siya mang iinsulto na siya ng isang magandang dyosa na kagaya ko.

Gwapo ka lang Apollo guwapo ka lang tsaka pala ano ehe.

Gaga mo self.

Akmang sasagot pa sana ako pero tinalikuran na niya kaagad ako. At dahil isa akong dakilang makulit bumalik pa rin ako roon sa gulo at pumunta sa gitna upang manood muli.

Nakita kong napalingon sa akin si Apollo pero hindi niya napansin pero bigla na lamang siyang napa second look sa akin nagandahan ata. Sabagay, maganda naman talaga ako hindi iyon maipagkakaila.

Akmang lalapitan ulit ako ni Apollo kaso may humarang na half tao, half baboy sa kaniya kaya hindi niya naituloy. Yan! Dapat ganiyan harangan niyo para hindi makapuntA sa akin nag eenjoy pa ako sa away niyo tapos ayaw niyo pa akong isali kaya manonood na lamang ako tsaka i checheer si Apollo.

"Go Apollo suntukin mo! O kaya bayagan mo para mas masakit." sinusunod niya naman ang mga sinabi ko kaya yung kalaban niya ay knockdown na.

Sa mga hindi nakakaalam bata pa lang ako ay nanonood na ako ng WWE. Favorite ko roon ay sina John Cena, Ronda Rousey, Charlotte Flair, at madami pang iba. Pero mas bet ko yung WWE kase yung mga boys naka brief lang kaya bakat yung ano.... Yung muscles syempre.

At dahil naging lipang ako ng ilang minuto hindi ko napansin na may nakalapit na pala sa akin at hinila ako sa aking leeg.

Pre masakit!

Napaigik na lamang ako ng may iba namang sumuntok sa sikmura ko kaya napaubo pa ako. Mga gagong to kita ng babae ako tapos pag tutulungan nila.

Akmang pupunta sa direkasyon ko si Apollo pero may bigla na lamang humarang sa daan niya na limang lalaki kaya walang nagawa si Apollo kung hindi makiaway.

Kahit na nahihirapan ako pinilit ko pa rin'g makawala. Nang makawala ako kaagad kong sinuntok sa sikmura yung nanuntok sa akin kanina. Nang matumba siya, pinagtuunan ko naman ng pansin iyong humawak sa akin kanina. Akmang aatras pa siya pero nahila ko na ang braso niya at pinilipit iyon. Napahiyaw siya sa sakit ng dahil sa ginawa ko. Kung ikaw ba naman ang balian ng braso hindi ka sisigaw sa sakit.

"Yan bagay sayo yan nanghahawak ka kase baka may germs pa yang kamay mo tapos pinanghawak mo sa akin." Mas lalo kong pinalipit ang kaniyang braso kaya naiiyak na siya. Natigil lang ako sa pag pilipit sa braso niya ng mahimatay ang mokong. Napunta ang paningin ko sa pantalon niya at nakita kong basa iyon. Naihi sa takot ang mokong, nakakatakot ba ang magandang tulad ko?

Napatili ako ng may natumbang lalaki sa mismong tabi ko kaya nadamay ako at nahalikan ang maruming semento.

Yak! Kadiri naman! Naka lips to lips ko yung semento.

Lalong nanlaki ang mata ko ng may dumaan sa harap ko at may tae pa yung sapatos, nasa harapan ko pa naman.

At dahil tinatamad na akong bumangon ay humiga na lamang ako sa semento buti na lang talaga hindi tumapak yung may tae yung sapatos dito.

Lumipas ang ipang minuto at natapos na rin ang labanan. Tumba na lahat ng mga sumugod kanila Apollo. Umayos na ako ng upo at akmang tatayo na ng may biglang sumampal sa akin dahilan upang mapalingon ako sa aking kanan. Narinig ko pa ang singhapan ng mga kasama ko rito.

Nang tingnan ko kung sino ang sumampal sa akin ay nakita ko si Apollo na nag-aalab ang mata. Akmang tatayo ulit ako ng sinampal niya muli ako dahilan upang hindi ko na naman matuloy ang aking pag tayo.

"Brandt!" Narinig ko pa ang pag sigaw ni Buck pero hindi ko na lang iyon pinagtuunan ng pansin. Nakatitig lang ako sa mga mata ni Apollo habang mqy luhang tumutulo sa aking mga mata.

"A-apollo bakit mo g-ginawa yon?" Kahit na natatakot na ako sa kaniya ngayon tinatagan ko pa rin ang loob ko upang matanong iyon.

"Sinabi ko ng makinig ka sa akin diba? Pero bakit hindi ka nakinig," saad niya habang dinuro duro ang aking noo.

"P-pero Apollo g-gusto ko lang kasing makatulong." mahinang saad ko pero hindi man lang niya iyon pinag tuunan nang pansin. Akmang sasampalin niya ako ulit pero buti na lang inawat na siya ng mga kalalakihang kasama namin kanina.

"W-woi pare babae yan tapos papatulan mo," saad nung pinaka maliit sa kanila.

"Wala akong pakielam! Sinabi kong doon ka lang pero hindi ka sumunod. Paano pag nasaktan ka? Paano kung--" Hindi ko na kaagad hinintay pang matapos ang sasabihin niya at sinagot ko na siya kaagad.

"Ikaw ang nananakit sa akin ngayon Apollo! Oo, hindi ako nasaktan kanina pero ikaw, ikaw ang nanakit sa akin ngayon Apollo." Huminga ako ng malalim upang mapakalma ang sarili ko pero hindi ko magawa.

"A-ano ba talagang problema mo Apollo? Bakit nagkakaganyan ka?" tanong ko sa kaniya pero hindi niya iyon sinagot at tinalikuran niya lamang ako.

Napaiyak na lamang ako dahil sa sobrang sakit ng pisngi ko. Pangatlo na ito mga pre kaya masakit na.

Napatawa na lamang ako sa aking naiisip kase nagawa ko pang pagtawanan ang sarili ko. Yun lang ang ginagawa kong way upang huwag magalit ng tuluyan kay Apollo kapag sinasaktan niya ako ay dinadaan ko na lang sa biro kase lilipas din iyon at magkaka ayos din kami.

Kaya ayos lang basta magkaayos pa rin kami.

"Gwendolyn ayos ka lang ba?" tanong sa akin ni Buck pero hindi ko man lang iyon pinag tuunan nang pansin. Hindi ko tinanggal ang paningin ko kay Apollo hanggat nakikita ko pa siya.

Napakagat ako sa aking labi ng bigla akong tinayo si Buck kaya kumirot ang sikmura ko na sinuntok kanina.

"Parang Buck dahan dahan naman nakita mo nang nasasaktan na yung tao." Hindi man lang niya ako sinagot dahil mas lalo niyang pinag tuunan ang pag tayo ko.

"Alabyu na talaga pareng Buck," saad ko sa kaniya. Pero hindi ko inasahang namula siya dahil sa sinabi ko. Narinig ko ang pag tikhim ng mga kalalakihan na kasama namin.

"Woi Buck narinig mo yon? Alabyu raw ayva kinikilig nyan titi mo no?" Napahagalpak ako ng tawa dahil sa sinabi ni Justice habang si Buck naman ay sobrang sama ng tingin niya kay Justice. Akmang susuntukin niya si Justice kaso nakatakbo na ang mokong, takot pa lang masuntok nataguriang badboy takot naman pala sa suntok

"Oh, hindi niyo ba ako tutulungan mag lakad?"tanong ko sa mga gwapings na nandirito kaya nag unahan naman sila sa paglapit sa akin meron pa ngang natumba at naapakan kaya napatawa ako. Ang lakas nag amats ng mga to.

"Hoy sabing ako na nga!" saad nung mukhang pinakabata at dahil siya ang pinaka maliit ay nakasiksik siya kaagad kaya siya ang unang lumapit sa akin.

"Miss ako na lang ha," saad niya habang naka nguso kaya hindi ko mapigilang kurutin ang matatambok niyang pisngi na dahilan para lalo siyang ngumuso.

"Aray naman te daig mo pa ang bipolar kanina malungkot ka, tapos galit, tapos ngayon tumatawa, ayos ka lang ba?" seryosong tanong niya sa akin pero napaisip ako parang may bipolar disorder din si Apollo paiba iba siya mas malala nga lang.....

Bipolar disorder..... Si Apollo?