Chapter 5
Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin makalimutan ang pag halik ni Apollo sa pisngi ko. Sa pisngi pa lang yon ha paano pa kaya pag labi na edi na matay na ako sa sobrang kilig.
Hindi ko natutuon ang pansin ko sa tinuturo sa harap dahil laman ng utak ko ay si Apollo my loves kahit wala naman talagang laman ang utak ko pag dating sa pag-aaral.
Lumipas ang isa't kalahating oras ay natapos na rin ang klase. Nagmamadaling umalis ang mga kaklase ko dahil break time na. Deserve ko ring magkaroon ng kasabay kapag breaktime na.
Kahit pagod na pagod na ako ay lumakad pa rin ako kahit na first day ko pa lang ngayon. Lumipas ang ilang sandali ay nakarating na rin ako. Nakita ko sina Buck at Justice kaya linapitan ko sila.
"Hi mga pare pahingi nga ako." Bago pa sila makapalag ay kaagad ko nang kinuha ang burger ni Justice at kinain yon ng tatlong kagatan lang. Napanganga naman yung dalawa dahil sa ginawa ko. Sa mga hindi nakakaalam talent ko yun.
Bigla na lamang akong nabulunan dahil may bumatok sa akin. Ngumunguya pa naman ako.
"Gago Justice anong ginawa mo!" sigaw ni Buck kay Justice na natataranta na ngayon sa pag hanap ng tubig.
"H-hindi ko n-naman sadya!" Naka kita na ng tubig si Justice at imbis na ipainom niya sa akin ay ibunuhos niya sa mukha ko.
"Tanginamo! Bakit mo binuhos dapat pinainom mong tangina ka." Mukhang nagagalit na si Buck at dahil nag aaway pa sila ay ako na lang ang naghanap ng tubig. Nang makakita ako ay kaagad ko na itong ininom.
"Mga gunggong kayo! Mamamatay na ako nag aaway pa rin kayo!" sigaw ko sa kanila kaya napayuko ang dalawa.
"Hindi ka naman namatay Gwendolyn." Napapikit na lamang ako ng mariin dahil sa kunsumisyon kay Justice.
"Sumasagot kapa!" at dahil doon ay napayuko ulit si Justice.
Mga gagong to gusto na ata akong mamatay. Salita ako ng salita pero napansin kong hindi man lang nakikinig sa akin si Buck.
"Buck! Ano ba bakit hindi ka nakikinig," galit na sigaw ko sa kaniya pero inirapan niya lamang ako kaya hindi ko maiwasang mapanganga dahil ang sungit ngayon ni Buck.
"Buck may regla ka ba ngayon at ang sungit sungit mo," sambit ko pero hindi niya pa rin ako pinansin kaya kinaladkad ko na siya palabas ng cafeteria.
Napunta kami sa pinaka likod ng school dahil walang katao-tao rito at makakapag usap kami ng maayos.
"Woi Buck ano bang problema mo at kanina kapa ganiyan?" tanong ko sa kaniya pero hindi niya man lang ako sinagot at tumingin lang sa malayo.
"Woi Buck kinakausap kita. Bakit ka nagkakaganyan?" tanong ko sa kaniya kaya napabuntong hininga na lamang siya dahil mukhang hindi na niya natiis ang kakulitan ko.
"Bakit ayaw mo pang layuan si Brandt?" malumay na tanong niya kaya natigilan ako. Magmula ng mag kakilala kami ni Buck ngayon lang niya ito tinanong. Dati kase kapag sinasaktan ako ni Apollo ay lagi siyang nandiyan at sinasabi niya palagi sa akin na mag kakagusto rin sa akin si Apollo balang araw. Pero ngayon, parang nag iba ata si Buck.
"Buck alam mo namang mahal na mahal ko si Apollo diba? Ikaw pa nga mismo nag sasabi sa akin dati na magugustugan din ako ni Apollo. Tsaka feeling ko nagugustuhan na niya ako. Ayaw mo ba yon para sa akin?" Hindi niya ako tiningnan muli at naka tingin lamang siya sa malayo.
"Tanginang karupukan yan Gwendolyn! Hindi kaba nasasaktan sa ginawa mo!" Napapikit na lamang ako sa sobrang lakas nang sigaw niya. Kahit na natatakot na ako sa kaniya ay tumingin pa rin ako deretso sa kaniyang mga mata.
"Kahit kailan hinding hindi ako masasaktan dahil alam kong pag dating ng panahon magiging worth it ang mga ginawa ko. Kaya sana suportahan mo na lang ako Buck. Parang awa mo na," malumanay na sambit ko sa kaniya at kahit parang napipilitan lang ay tumango pa rin siya bilang pag sang-ayon sa akin.
"Maraming salamat talaga Buck," sambit ko at inakap ko naman siya dahilan upang hindi siya makagalaw. Nagtataka akong tumingin kay Buck at akmang yayakap ulit sa kaniya nang itinulak niya ako ng mahina gamit ang kaniyang daliri.
Wow talent.
Ang guwapo talaga ni Buck. Kung hindi ko siguro mahal si Apollo baka siya na ang mamahalin ko kase mabait na, guwapo pa, parang full package na.
Pero binabawi ko na pala ang sinabi ko. Isa siyang dakilang pangit. Itulak ba naman ako ng malakas.
Napalingon kaming dalawa nang marinig namin ang ingay mula sa malayo at dahil chismosa ako at gustong laging nakakasagap ng balita kaya pumunta ako ro'n.
Nang makarating ako roon ay nakita ko ang mga kalalakihan na nakasakay sa motorsiklo. Mukha silang badboy dahil ang dadaming hikaw sa tenga tsaka tatoo. Pero infairness mga guwapo sila!
Akmang lalapitan ko sila ng maunahan na ako ni Buck at nakipag batian doon sa mga lalaki. Mukhang mga bestfriend to nila Apollo kaya dali-dali akong pumunta sa direksyon nila para makita ko ng maayos ang mga guwapo nilang mukha. Minsan lang to kaya grab the chance na.
Malapit na sana ako sa kanila nang may humila ng kwelyo ko sa likod kaya napatingkayad ako. Nang tingnan ko kung sino ito ay si Apollo my loves lang pala akala ko sino na.
Kinaladkad ako ni Apollo papalapit doon sa nag ga-gwapuhang mga lalaki kaya lalong nag ningning ang mga mata ko. Pag karating ko sa harap nila ay kaagad kong inakbayan yung lalaking pinaka malapit sa akin. Dahil sa ginawa ko narinig ko ang pag singhap ng mga estudyante na nandirito mismo. Mga marites to.
Habang yung mga lalaking guwapo na ito ay nakangisi lamang sa akin na mas lalong kinagwapo nila ng sobra.
"Mga pare may girlfriend naba kayo? Kung wala available ako." diretsong tanong ko sa kanila kaya ang kalahati sa kanila ay nabulunan habang ang isang kalahati naman ay naka nganga at hindi maka paniwalang naka tingin sa akin.
Ngayon lang siguro sila naka kita ng Dyosa na sobrang ganda kaya na tulala ang mga pogi.
Nagulat ako nang may nag-alis ng kamay ko na nakaakbay do'n sa pogi. Nang tingnan ko kung sino yong lapastangan na nag alis nang kamay ko ay si Apollo pala.
"Apollo babe nandiyan ka pala," nakangiting sambit ko sa kaniya pero inirapan niya lamang ako.
"I have been standing here for a while. Besides, I dragged you here. You just saw a handsome man, and you immediately forgot about me." Napakamot ako sa aking ulo dahil tama nga naman siya.
"Pareng Apollo naman bakit lagi kang gan'yan sampalin ata kita." Akmang sasampalin ko siya ng pabiro nang sinamaan niya ako ng tingin kaya napalunok ako ng sobra.
Nakakatakot e.
Hindi ko na lamang siya pinag tuunan ng pansin pero napalingon muli ako sa kaniya dahil binatukan ba naman ako nang mokong kaya siya naman ang sinamaan ko ng tingin ngayon. Gagong to makabatok parang hindi ako babae ah.
"Apollo! Bakit kaba nambabatok kanina kapa. Ganiyan mo ba ako kamahal atsaka ganiyan kaba mag mahal. Aba! Ang astig naman ng pagmamahal mo."
" Tigil-tigilan mo ako Gwendolyn at nandidilim ang paningin ko sa iyo," sambit niya habang hinihilot ang kaniyang sentido.
" Paano yung dilim?" dahil sa sinabi kong iyon ay mas lalo niya akong sinamaan ng tingin. Akmang babatukan niya ulit ako pero kumaripas na ako nang takbo at nag tago sa ligo ni Justice na kumakain na naman ulit.
Dahil nagugutom na naman ako, kaagad akong kumuha sa kinakain ni Justice at kumaripas nang takbo. Hindi pa ako hinahabol ni Justice dahil mukhang hanggang ngayon ay hindi pa rin nagfufunction ang utak niya. Limang minuto muna ang nakalipas bago niya ako habulin at dahil pagod na pagod na ako nag tago na lamang ako sa likod ni pareng Apollo. Hindi ako masugod ni Justice dahil masama ang tingin sa kaniya ni Apollo takot kase ang mokong buti na lang talaga maganda ako. Ang aangal pangit.
Napatingin ulit ako sa mga gwapong lalaki na ito at kaagad na lumapit sa kanila.
"Mga pare yung tanong ko kanina bakit hindi niyo pa sinasagot?" tanong ko sa kanila pero kahit ni isa wala man lang sumagot sa akin at tumingin mismo sa aking mga mata. May isa akong nakitang akmang mag sasalita pero hindi rin natuloy dahil sinamaan siya ng tingin ni Apollo kaya tiningnan ko rin ng masama si Apollo kaya napaiwas siya.
"Apollo naman! Mga pogi to oh! Sayang ang biyaya mga pare kung hindi rin naman tatanggapin." Nagpapadyak padyak pa ako pero hindi man lang ako pinag tuunan ng pansin.
Napapikit ako sa sakit dahil may pumitik sa noo ko. Nang tingnan ko kung sino ito ay si Buck pala.
"Woi Buck-Buck isa ka rin lagi mo na akong binubully ha hindi ko na talaga kayo bati," nagtatampong sambit ko sa kaniya pero tinawanan lang ako nitong isang mokong.
"Hindi ko na kayo bati. Lagi niyo na lang akong pinagti-tripan." Akmang aalis na ako ng may makasalubong akong mga pangit na nilalang na naka tingin nang masama kina Apollo and friends.
Kaagad nalipat ang tingin ng mga pangit sa akin ng makita nila ako at ngumisi ng nakakadiri. Mga manyak to.
"Hi Brandt, gusto sana namin ng away," sambit nung panget na mukhang leader ata nila.
O right may away ata. Makasali nga.