Chapter 16
Tiffany
Mahigit isang linggo na rin kaming nandito sa Baguio. Dahil doon ay masasabi kong mas kumportable na rin si Travis sa presensya ko. Kahit pa mayroon pa ring kaunti namang ilang sa parte ko, lalo na sa tuwing matutulog kami sa iisang kama. Ngunit pinananatili naman niya ang malaking espasyo sa pagitan naming dalawa.
Nitong mga nakaraang araw ay pinuntahan naman namin ang Bencab Museum at Botanical Garden. Bukod roon ay nakatanggap din ako ng tawag mula kina Migz at Jela. Masaya raw sila nang dahil sa mga pictures na in-upload ko. Kahit hindi nila tanungin ay nasisiguro rin nila na unti-unti ng napapalagay ang loob ni Travis sa ‘kin. Sana lang daw talaga ay maging magaan na rin ang maging pakikitungo nito sa mga photographers ng mga nakahilera niyang photoshoot sa kanyang pagbabalik. Pagod na raw kasi si Migz makiusap sa mga ito upang hindi na lumabas pa sa media ang pagiging ma-attitude nito sa set.
Ang isa pang bagay na ipinapagpapasalamat ko ay ang katotohanan na wala pang nakakakilala kay Travis dito hanggang ngayon. Kahit pa aware na ang kanyang mga fans na nandito siya sa Baguio. Kaya naman ay matiwasay pa rin kaming nakakapaglibot.
I can’t help but to feel like we’re a couple having an out-of-town vacation. Aside from that, he’s now also more comfortable in front of a camera.
Ngayong araw ay napagdesisyunan naman naming pumunta sa Wright Park. It’s also a nice place here that we can’t missed visiting. Most especially because this will be my very first time to try the horseback riding.
Medyo natagalan lang kami sa paghahanap ng espasyo kung saan puwede naming igarahe ang kotse. Naghintay pa kami na mayroong makaalis, bago namin ito naipuwesto. Dahil buwan na ng Disyembre ay inasahan na talaga namin na isa sa magiging problema namin ang parking space nang dahil sa dami ng mga dumadagsang tao sa bawat pasyalan dito.
Agad na inayos ni Travis ang suot na shades at mask, bago bumaba. Sumunod naman ako sa kanya.
I heaved a deep sighed. He’s here to relax, and yet, I feel like he’s not enjoying it at all, because he needs to wear a disguise most of the time.
“Puwede ka naman sigurong hindi na magsuot ng ganyan. Sa tingin ko naman kahit papaano ay bibigyan ka ng mga tao ng privacy,” suhestiyon ko sa kanya nang magsimula na kaming maglakad.
“Wala namang problema sa ‘kin kung ako lang. I’ve been with other places before just by myself and I don’t really bother to wear a disguise outfit. Just now.”
Napatango naman ako. “Sabagay. Kasama mo kasi ako ngayon kaya naiintindihan ko rin naman kung natatakot kang may lumabas na tsismis tungkol sa ‘ting dalawa. Lalo pa at ongoing pa rin ang palabas mo at hindi naman sila pamilyar sa ‘kin.”
Bigla siyang huminto sa paglalakad, dahilan para matigilan rin ako at mapalingon sa kanya.
“What?”
“Wala akong pakielam kung pagtsismisan tayong dalawa. Ang inaalala ko lang ay ang mga masasakit na salita na puwede nilang ibato laban sa ‘yo,” seryoso niyang sambit.
Napatulala lang ako nang dahil sa sinabi niya, hanggang sa malampasan na niya ako. I didn’t know that he’s actually concerned about that thing.
Nang makabawi ay hindi ko napigilan ang pagsupil ng ngiti sa ‘king mga labi. Ang puso ko ay tila lumulukso at hindi mapakali sa isiping nag-aalala rin pala siya para sa ‘kin. Mas lalo na sa mararamdaman ko.
The moment we reached the higher level using the high stairs, a bunch of tall pine trees and garden flowers came into our view. I can’t help but to took pictures of it as we continued to walk around.
Hindi ko rin pinalampas na kuhaan ng larawan angThe Mansion. It’s the official summer palace of the President of the Philippines. Maging sa reflection pool oPool of Pinesna tinatawag ay nagpakuha rin ako ng picture. Nang matapos ay nakumbinsi ko rin si Travis na kuhaan ko siya roon.
I’m uploading his pictures two days after. Dahil kapag in-upload ko agad ang mga ito sa mismong araw ng pagkuha ko rito ay malalaman agad ng mga fans niya ang kasalukuyan niyang lokasyon.
After a few more several shots to the pristine view of pine trees and garden flowers, we have finally gone ahead the horse back riding.
Agad naman kaming nilapitan para i-assist ng isa sa mgapony boysdoon kung tawagin. Sa pagtataka ko ay ako lang ang pinapili ni Travis ng kabayo na sasakyan.
“How about you?” tanong ko, habang namimili.
“We will ride the same horse. Mahirap na at baka ano pa ang mangyari sa ‘yo. Sagutin pa kita,” masungit niyang aniya.
Napasimangot naman ako. “I can manage myself. Isa pa ay may guide naman akong makakasama,” pagdadahilan ko pa.
“It’s better to be sure,” he insisted.
I didn’t argue with him anymore. Besides, the fact that I will be riding the same horse with Travis made my heart did the somersault.
Nang makapagpasya na rin ako sa wakas ay akmang aalalayan ako ng magsisilbi naming guide, nang mabilis akong hinawakan ni Travis sa beywang upang maiupo sa ibabaw ng kabayo. Pagkatapos ay agad rin siyang sumunod.
Napasinghap ako nang maramdaman ang mainit niyang hininga sa batok ko. Malamig naman dito pero tila nagtayuan ang mga balahibo ko nang dahil doon. Hindi rin nakatulong ang nakakahalinang amoy ng kanyang pabango na tila mas lalong nanuot sa ilong ko.
“Don’t worry. This is not my first time, so you will be alright,” he assured me.
Napatango na lang ako. Pakiramdam ko kasi ay nagbuhol-buhol na rin ang dila ko nang dahil sa samot saring emosyon na lumulukob sa ‘kin ngayon.
The moment he reached the lead rope, I can’t help but held my breath. Because I can feel his chest that was pressed against my back and I can also feel the loud beating of his heart.
Pero bakit? Kinakabahan ba siya? Pareho pa rin ba kami ng nararamdaman para sa isa’t isa?
Tahimik lang kaming dalawa, habang nililibot namin ang Wright Park Riding Circle. Wala kaming ibang kasama rito kung hindi ang ilan pang mga riders at guide. Ang ilan naman ay nakatingin lang sa ‘min mula sa mga kinauupuan nilang bench at pati sa viewing deck.
“Hanggang kailan mo ba balak pigilan ang hininga mo. Baka bigla ka na lang bumagsak diyan.” Natawa siya.
Natigilan naman ako. Hindi ko akalain na mapapansin pala niya ‘yon.
Kinagat ko ang ibabang labi. “Sorry. Medyo kinakabahan lang ako.”
“Don’t be. I’m here with you.”
Nang dahil sa sinabi niya ay napalagay na ang loob ko. Katulad na lang kung paanong madalas na pinapagaan niya ang loob ko noon.
Paminsan-minsan ay bumababa ako para makuhaan siya ng solo niyang litrato. I even took a video of him. It’s perfect to upload for his my day.
Nang mapagod sa paglilibot ay napagpasyahan muna naming magpahinga at kumain sa mga stall na nandito. I’m really happy because he’s enjoying his stay here without thinking about the limelight.
Kaya bago kami tuluyang umalis dito at matapos ang trabaho ko ay sisiguraduhin ko na maaayos na ang nangyaring gusot sa pagitan naming dalawa.
*****
Kinagabihan ay napagpasyahan naman naming pumunta ng Baguio Night Market. He’s still with his disguised outfit. Dumagdag pa ang makapal niyang jacket at ang balabal na nakapalibot sa kanyang leeg. Balot na balot siya at talaga namang hindi mo na siya makikilala pa.
“Hindi kaya mapagkamalan ka namang magnanakaw roon?” natatawa kong puna sa kanya, habang nasa daan na kami.
He shrugged. “I don’t really mind. Maganda nga ‘yon dahil sila pa ang kusang lalayo sa ‘kin kapag nagkataon.”
Napailing na lang ako at itinuon ang tingin sa labas. Dahil nakababa ang bintana ay napayakap na lang ako sa sarili ko nang dahil sa paghampas ng malamig na hangin.
Ilang sandali pa ay nakarating na kami sa night market. Natagalan ulit kami sa paghahanap ng puwedeng paghintuan ng kotseg gamit namin nang dahil sa dami ng sasakyan at mga tao na nandito. Nang masiguro naming ayos na ang lahat ay sabay na kaming bumaba.
Agad na sinalubong kami ng makinang na paligid nang dahil sa mga kumukutikutitap na Christmas lights. Idagdag pa ang mga himig pasko na tumutugtog sa bawat sulok ng lugar na ‘to. Kaya kahit gabi na ay tila buhay na buhah pa rin ang mga tao rito.
Napasunod na lang ako kay Travis nang dumiretso siya sa isang tindahan ng mga damit. Mula roon ay kumuha siya ng kulay asul na t-shirt na mayroong nakalagay na salitangBaguio.
Maang lang akong nakatingin sa kanya. “Seryoso ka bang mamimili ka talaga rito?” bulong ko sa kanya.
He tilted his head on my side. “You told me to be my usual self while we’re staying here. So, I am just being the real normal me right now.”
Natigilan ako. Tama naman siya. Right now, I’m with the normal Travis and not the celebrity one.
Kumuha naman siya ng isa pang kapareha ng damit na kinuha niya at iniabot sa ‘kin.
Kunot noong kinuha ko naman ‘yon. “What’s this for?”
“You take that one. Dagdag koleksyon din ‘yan at tanda ng pagpunta mo rito,” pagpupumilit pa niya.
Napatingin naman ako sa size ng inabot niyang t-shirt. Magkaiba na kasi ang size ko magmula noong college pa lang kami at sa ngayon. Kaya gano’n na lang ang gulat ko dahil tama ang ibinigay niya.
“How did you even know my size?” wala sa loob kong tanong, habang sinisipat ito.
Nagkibit balikat siya. “Kahit ilang taon na ang lumipas ay kabisado ko pa rin ang bawat hubog ng katawan mo. Kaya alam ko sa unang tingin pa lang kung mayroon bang nabawas o nadagdag sa isang parte.”
Nanlaki ang mga mata ko at nabitiwan ko na lang ang hawak na damit. Hindi rin nakaligtas sa paningin ko ang mapanuksong ngiti ng tindera sa ‘ming dalawa.
“Kailan pa nawalan ng filter ang bibig mo?” hindi makapaniwalang angil ko sa kanya.
Tinawanan naman ako ng loko. “Wag ka na kasing umangal pa. That’s my treat.”
Sa huli ay kinuha ko na lang ang t-shirt para hindi na humaba pa ang usapan. Bukod roon, kahit alam kong marami naman ang may ganitong klase ng damit ay hindi ko pa rin maiwasan na para kaming may couple shirt.
Nang matapos ay halos inisa-isa rin namin ang iba pang shop na nandito. Ngtingin-tingin din siya ng mga sapatos at sling bag. Habang ako naman ay sa mga key chains, pins, wallets at sa iba pang mga souvenir items.
Nang dahil sa mura ng presyo ng mga bilihin dito ay talagang makakabili ka na ng complete package na pamporma mo sa halagang isang libong piso. May extra pang mga abubot.
Pero natigilan kami sa pamimili nang makarinig ng sunod-sunod na putok. Napatingin ako sa langit at napaawang ang bibig ko nang makita ang mga nagkikislapang fireworks doon.
Dahan-dahan ko namang nilingon si Travis na nasa katabing tindahan ko lang. Nakatingin siya sa langit at hindi ko maiwasan ang matulala nang makita ang pagsilay ng masuyo niyang ngiti.
Awtomatikong napahawak ako sa camera na nakasabit sa ‘king leeg at dali-dali siyang kinuhaan ng litrato.
There’s no way that I will let the chance slipped in my hand to capture this moment. As I looked intently at his picture, it’s no longer a surprise that he definitely stand out in the midst of the crowd.
Hanggang sa mapalingon siya sa direksyon ko at dali-dali akong nilapitan. Gano’n na lang ang gulat ko nang bigla niya akong hinawakan sa kamay at hinila.
“Let’s go over there.”
Walang imik akong sumunod sa kanya. Tuluyan ng nawala sa fireworks ang atensyon ko, dahil natuon na ito sa magkahawak naming mga kamay. Sa paraan ng pagtakbo namin ay para bang tinatakasan namin ang kasalukuyan para muling bumalik sa nakaraan.
Even if there are words that still left unsaid, I believe that I’m slowly getting back my way to his heart already. Just a few more days and I can finally have the chance to correct my mistakes that Christmas night.
But for now, all I want is for this moment to last.