Chapter 15
Travis
Tatlong araw na rin ang nakalilipas magmula ng manatili kami rito. Kasalukuyan akong umiinom ng kape at nagbabasa ng diyaryo nang may narinig akong tunog na galing sa camera. Napaangat ako ng tingin at nahuli ko si Tiffany na hawak ang kanyang camera na nakatuon sa direksyon ko.
“What do you think you’re doing this time?”
Ibinaba niya ang hawak na camera at tiningnan ang kanyang kuha, bago nag-angat ng tingin sa ‘kin.
“I’m going to update your official page. With the caption, Mainit pa ako sa kape.”
Tiningnan ko siya ng masama. “Do whatever it is that pleases you. But not to the extent of ruining my reputation. Mukha ba akong maglalagay ng gano’ng klase ng caption?” Napailing ako.
“Hindi talaga ako makapaniwala na ipinagkatiwala ni Miguel sa ‘yo ang paghawak ng mga official social media accounts ko.” Sarkastiko ko siyang nginitian.
Lumapit naman siya sa ‘kin at umupo sa katabi kong stool dito sa mini bar. “May nasagap pala akong chika.” Pag-iiba niya ng usapan. Humalumbaba pa siya paharap sa ‘kin.
“I’m not interested.” Muli kong itinuon ang atensyon sa pagbabasa.
“May boyfriend na pala si Jessica.”
Natigilan ako at gulat na napalingon sa kanya. “How did you know about that?”
Sa pagkakaalam ko kasi ay iilan lang kaming may alam ng tungkol sa bagay na ‘yon. Even her own manager didn’t know it. Pinagbawalan kasi siya nitong magkaroon muna ng nobyo sa loob ng apat na taon.
Malawak naman siyang napangisi. “So, mayroon nga.”
Natigilan ako nang may maisip. She’s just testing me!
Mariin ko siyang tinitigan. “Don’t you dare tell it to even a single soul,” mahigpit kong paalala sa kanya.
“Hindi naman ako gano’n.” She shrugged. “Pero in fairnes, hah. Ang sweet niya sa ‘yo sa mga presscon at mall tours n’yo. I mean, between the two of you, she’s more showy.”
I heaved a deep sighed. “It’s because she’s just starting, unlike me. It’s her first lead role, after all.”
Napatango-tango siya. “Oh. Just when I thought that she’s actually into you. Trending pa kayo lagi. Fans are even expecting the two of you to be together in a movie.”
I flipped the page of the newspaper that I was holding. “Too bad. I don’t like having a same partner. That’s why I don’t really have an official love team.”
“Ah. Kaya pala.”
Palihim ko siyang tiningnan. Hindi ko maiwasan ang mapangiti dahil bakas sa kanyang mukha ang kuryosidad.
“We are a celebrity. That’s why. Welcome to showbiz wherein what you saw is the lie and what we deny is the truth.”
Kumibot ang kanyang labi at biglang nalukot ang kanyang mukha.
“Magulo pala talaga ang mundo n’yo.” Muli niyang itinuon ang atensyon sa camera na hawak at nagtingin-tingin doon.
“Anyway, I’ll just post your picture for now. But can I also post this one?”
Inabot ko ang tasa at akmang iinom ulit, nang mapatingin ako sa ipinapakita niyang litrato sa camera niya.
Pero muntikan ko ng mabitiwan ang hawak na tasa nang makita ang litrato.
“What the hell? When did you take that one?”
Napangisi naman siya sa ‘kin, kasabay ng pagbaba niya mula sa kinauupuan niya.
“Secret!” She stuck her tongue out at me.
Inilapag ko naman ang hawak na diyaryo at bumaba mula sa kinauupuan ko.
“No! You won’t post that one! Not especially without my permission!”
Kung hindi ako nagkakamali ay kanina lamang niya ‘yon kinuhaan. Nakatapis ako ng tuwalya roon, habang pinupunasan ang buhok ko. Medyo may kalayuan ang distansya ng camera kaya siguro hindi ko namalayan ang pagkuha niya ng litrato.
“Alam mo bang uhaw na uhaw sa ganitong klase ng pictures ang mga fans? Paniguradong magwawala sila kapag nakita nila ‘to!”
Naglakad ako palapit sa kanya at akmang hahablutin ko ito nang mabilis siyang nakatakbo palayo.
“Damn, woman!” Mabilis ko naman siyang sinundan.
Natatawang nagpatuloy siya sa pagtakbo. Ngunit ng sa wakas ay maabot ko na ang dulo nito ay bigla na lang siyang nawalan ng balanse sa pagkakatama ng binti niya sa gilid ng kama, dahilan para bumagsak siya sa ibabaw nito. Dahil pareho kaming nakahawak sa camera ay nahatak din ako.
Mabilis ko namang naitukod ang mga kamay sa magkabila niyang tagiliran. Pero natigilan ako nang mapansin kung gaano kalapit ang mga mukha namin sa isa’t isa, dahilan para magwala ang puso ko na akala ko ay pinamanhid na ng panahon.
It’s been a long time since I feel so comfortable and relaxed like this whenever she’s near with me. As if we didn’t have been separated to each other for a very long time.
But no matter how much I want to be with her right now, I know that I still don’t deserve her. That’s why I need to work hard even more.
Mula sa pagkakatulala ko sa kanya ay nagsalubong ang kilay ko nang bigla na lang siyang pumikit at inguso ang kanyang labi. Iniwasan ko ang matawa nang dahil sa inasta niya.
Sinamantala ko naman ang pagkakataon na ‘yon at dali-daling kinuha ang camera niya na nasa ibabaw rin ng kama, bago binura ang kuha niya kanina.
“There. Next time, don’t just go and take picture without my permission.”
Bigla naman siyang napadilat at mabilis na tiningnan ang kanyang camera. Tila bata na bumusangot ang kanyang mukha.
“Kj! Sana pala ay nag-transfer na ako ng kopya.”
Naiiling na tumayo na ako. “Fix yourself. We’re going somewhere.”
Napaangat siya ng tingin. Bakas ang excitement sa kanyang mga mata. “Saan naman?”
“Basta.”
Tumalikod na ako at tinungo ang cabinet para maghanap ng susuotin. Isang linggo na lang mahigit ay babalik na ulit ako sa mundo ng showbiz. Kaya naman ay susulitin ko na ang mga natitira pang araw sa bakasyon ko.
Tiffany
“Wow!”
We are now here at the Observation Deck at Mines View Park. It has an astonishing view that overlooks the mining town of Itogon and a glimpse of the Amburayan Valley. This place is a picture perfect, with the picturesque view of the mountains which serves as the nature’s background.
Tahimik lang kaming nakatingin sa nakamamanghang tanawin na nasa harap namin, habang umiinom ng Strawberry na taho. Sa pagkakataong ito ay marami ng tao sa paligid kaya halos ayaw ko na ring umalis pa sa puwesto ko at lumingon. Kanina pa kasi ako hindi mapakali dahil baka mayroong makapansin kay Travis.
Palihim ko naman siyang sinulyapan. Nakasuot siya ng shades kahit ang weird tingnan at bonet. Balot na balot din naman siya ng makapal na jacket. Kahit papaano naman siguro ay hindi siya mamumukhaan ng mga nandito.
Sa totoo lang ay mayroon pa akong gustong itanong sa kanya kanina. Magmula kasi ng banggitin sa ‘kin ni Migz ang tungkol sa bagay na ‘yon noon ay hindi na rin ito nawala pa sa isip ko.
“May tanong pala ako.” Tuluyan na akong humarap sa kanya.
“What is it? Kung manghuhuli ka lang ulit para makasagap ng tsismis ay wag mo ng ituloy.” Dahan-dahan siyang humigop sa baso ng taho na hawak niya.
“Bakit hindi ka pa nagkakaroon ng totoong kissing scene sa mga naging palabas mo?” walang pag-aalinlangan kong tanong, dahilan para masamid siya.
Dali-dali ko naman siyang nilapitan. “Ayos ka lang?” Inabutan ko siya ng tissue.
Marahas siyang napalingon sa ‘kin at sa kabila ng suot niyang shades ay nararamdaman ko ang matalim niyang tingin.
“Saan naman nanggaling ang tanong na ‘yan?” pabulong niyang tanong.
Nagkibit balikat ako. “Wala naman. Napansin ko lang.”
Napataas siya ng kilay. “Bakit? Sinusubaybayan mo ba ang lahat ng mga naging palabas ko?”
Sunod-sunod akong napatango. “Siyempre naman! Number one fan mo ako, eh!” pabulong ko ring aniya sa kanya.
Napatikhim siya at muling ibinalik ang tingin sa harap. Napanguso ako nang hindi na siya umimik pa.
Ilang saglit pa ay tumalikod na siya. “Let’s go.”
Wala na akong nagawa nang magsimula na siyang maglakad paalis. I was making faces as I walked behind him.
Nagtingin-tingin lang kami sa mga souvenir shops na nandito. Most of the shops here are selling woven items and knitted garments. Kaya naman ay hindi ko napigilan ang mapabili.
Ang buong akala ko ay wala na siyang balak na sagutin pa ang tanong ko. Kaya nagulat na lang ako nang bigla siyang nagsalita, habang abala ako sa pamimili.
“Hindi kasi ako kumportable. Kaya bago ako tumanggap ng isang proyekto ay kinaklaro ko sa kanila ang patakaran ko pagdating sa gano’ng klase ng eksena.”
Kunot noo ko siyang nilingon. “Ayos lang sa kanila ang gano’n? Pero kasi ay artista ka. Hindi mo rin naman habang buhay na maiiwasan ‘yon, hanggang nandiyan ka sa larangan na ‘yan. Saka isa ‘yon sa mga bagay na malakas makahatak sa viewers para makapagpataas ng ratings.”
Napamaang ako nang mapansin ang mahigpit niyang paghawak sa dinampot na wooden coaster.
“Bakit? Kung ikaw ba sakali ang manonood ay gugustuhin mo rin ba akong makita na mayroong hinahalikang ibang babae?”
That made my mouth shut. Napalunok ako at napatitig sa kanya.
Kung ako ang tatanungin, siyempre ay ayoko. Pero maiintindihan ko naman dahil parte ‘yon ng trabaho niya bilang artista.
“Paano kung kailangan talaga sa eksena?” pangungulit ko pa. Binalewala ko ang biglaang pagwawala ng puso ko.
Malalim siyang napabuntonghininga, bago lumingon sa direksyon ko. “Kung ipipilit talaga nila ay wala akong ibang magagawa kung hindi ang tumanggi sa proyekto.”
Nanlaki ang mga mata ko nang dahil sa naging sagot niya.
“Seryoso ka ba? Pero matagal mo ng pangarap ‘yon! Kaya mo talagang bitiwan para lang maiwasang gawin ‘yon?”
Sa totoo lang ay masaya naman ako na ayaw niyang gawin ang bagay na ‘yon. Pero higit kanino man ay alam ko kung gaano niya kagustong makapasok at manatili sa industriyang ginagalawan niya ngayon.
Nahigit ko ang hininga nang bigla niyang inilapit ang mukha niya sa ‘kin. Pakiramdam ko ay mawawalan ako ng ulirat nang bigla na lang niyang pinaglandas ang daliri sa korte ng labi ko.
“Wala na rin namang silbi na manatili pa ako sa industriya dahil matagal naman ng nawala sa ‘kin ang pinakapangarap ko sa lahat.”
Sa kabila ng hindi maipaliwanag na tensyong nararamdaman ko ay hindi ko pa rin naiwasan ang magulat nang dahil sa sinabi niya.
“Bukod roon ay iisang labi lang naman ang saktong lalapat sa labi ko.”
Sa pagkakataong ‘yon ay nilubayan na niya ang nakaawang kong labi at dire-diretsong naglakad paalis. Naiwan naman akong nakatulala sa kawalan.
What the hell did just happen?