Chapter 17

Tiffany

Bahagya kong inilabas ang aking ulo sa labas ng bintana at nakangiting pinagmasdan ang bawat lugar na nadaraanan namin. Uuwi na kasi kami bukas ng tanghali kaya susulitin na namin ang paglilibot dito sa Baguio ngayong araw.

Natigilan lang ako nang maramdaman ang paghila ni Travis sa dulo ng suot kong t-shirt. Pareho naming suot ang binili niyang damit sa night market.

Kaya naman ay dumagdag ito sa kasiyahan na nararamdaman ko ngayon. Kung titingnan kasi ay mukha talaga kaming magkasintahan. Hindi ko rin akalain na mapapapayagag ko siyang suotin ang damit na ito.

“Umayos ka ng upo at ilagay mo ang seatbelt mo. Mamaya ay may makasabay tayong barumbado magmaneho sa daan, eh,” mahina niyang saway, habang nakatuon sa daan ang kanyang atensyon.

Napanguso naman ako at napaayos ng upo. Ikinabit ko na rin ang seatbelt ko, bago inabot ang strawberry shake na nakalagay sa cup holder na nasa pagitan ng upuan namin ni Travis.

Kagagaling lang namin sa Strawberry Farm. Pero dahil hindi pa pala peak season para sa strawberry picking ay wala rin kaming masyadong naabutan na strawberries doon. Kaya naman ay napagpasyahan na lang din naming ikutin ang buong lugar. Napapalibutan din ito ng iba’t ibang klase ng makukulay na bulaklak at maging ng mga tanim na gulay.

Hindi ko rin pinalampas ang binebentang ice cream sa labas nito na gawa sa purong strawberry. Maging ang iniinom kong shake ngayon ay galing pa sa pinanggalingan namin. Ngunit kung pagbabasehan ang presyo ay masasabi kong mas makakamura ka pa rin sa downtown Baguio.

Sa ngayon ay papunta naman kami ni Travis sa Tree Top Adventure na matatagpuan sa Camp John Hay. Mahaba-haba rin ang magiging biyahe namin, pero hindi ko magawang makatulog nang dahil sa excitement.

“Sigurado ka bang hindi ka inaantok? Bawal ang malamya roon mamaya,” aniya sa nang-aasar na tono.

Napailing naman ako at tuluyan ng inubos ang shake. “Nope. Marami akong nakalaan na energy para sa mga activities mamaya,” paniniguro ko pa sa kanya.

He chuckled. “That’s actually one of your traits that I liked. You’re always energetic, and you just won’t slow down. ”

Nahigit ko ang hininga nang dahil sa sinabi niya. Napansin ko na tila natigilan din siya nang mapagtanto ang mga salitang lumabas sa kanyang bibig.

It may not be his intention. But it’s a good thing that he can now open up something from the past, without feeling a resentment towards it.

Hindi na siya umimik pagkatapos no’n. Kaya naman ay natahimik na lang din ako at tumingin sa labas, upang hindi masira ang maayos na samahan na mayroon sa pagitan namin ngayon.

Ngunit ng dahil doon ay umusbong ang mas malaking pag-asa sa puso ko.

*****

Pagkarating namin ng Camp John Hay ay dumiretso na kami sa Tree Top Adventure. Pero nagtataka akong sumunod sa kanya ng lampasan lang namin ang bilihan ng entrance ticket.

Inilibot ko ang tingin sa paligid. Hindi katulad ng ibang mga pinuntahan namin nitong mga nakaraang araw ay walang katao-tao rito. Just like the scenario on the Burnham Park Lake last week.

Dahan-dahan ko naman siyang nilingon. Kahit mayroon na akong ideya sa nangyayari ay hirap pa rin akong mapaniwalaan ito.

“Don’t tell me, you also—”

Muntik na akong mapatalon sa gulat nang bigla niyang ipalibot ang braso sa balikat ko.

“Whatever it is that running on your head, just forget it. All we need to do right now is to enjoy our last day here.”

“But—”

Inilahad niya ang palad sa harapan namin. “Shall we? Sayang naman ang pagrenta ko sa buong lugar kung hindi natin masusulit ang pananatili rito.”

Maang lang akong napatitig doon. Tila gusto kasing kumawala ng puso ko mula sa kinalalagyan nito nang dahil sa sobrang bilis at lakas ng tibok nito.

I can’t believe that this is actually happening right now. Ilang taon ko ring hinintay ang pagkakataon na ‘to.

“Let’s try the canopy ride first,” I suggested.

He nodded. “Fine with me.”

Agad na kaming tumungo sa unang istasyon nito. Kahit medyo alanganin ang ride na ‘to ay hindi ko pa rin inalis mula sa pagkakasukbit sa leeg ko ang dalang camera.

Matapos kaming i-assist ng nagsisilbing facilitator dito at masigurong ayos na ang lahat ng safety gears na suot namin ay maingat na kaming umupo sa naghihintay na cable chair. Hindi ko naman naiwasan ang mapatili nang magsimula na itong umandar.

But when I finally feel comfortable with my position, I can’t help but to feel awe at the scenery. The cable chair is moving slowly, that’s why we both enjoyed the peaceful view of the whole park. At the same time, we feel refreshed due to the cold natural breeze that embraces our skin.

Even though I can’t use my camera in this situation, I can still manage to record the picturesque view, due to the mini camera that I put on the helmet.

As much as possible, I also refrain myself from looking down. This is to avoid having the feeling of uncertainty.

It also feels so fun whenever we tried to touch the end of the pine tree leaves, and brushed our foot on top of the trees. The sky even looks so near and it’s as if we can reached the flying birds.

After the successful transfers to the four stations, we finally got off the cable chair. We thanked the facilitators and have a picture with them, before we go to the next activity.

Napagkasunduan naming isunod ang trekking at skywalk adventure. Mabagal lang ang ginawa naming paglalakad, dahil busog na busog ang mga mata namin sa magagandang tanawin na nadaraanan namin. Nakakatulong din ito para pansamantala naming makalimutan ang kanya-kanyang problema namin sa personal na buhay at maging sa trabaho.

Mayroong mga nagtataasang puno at iba’t ibang uri ng mga bulaklak. Sariwa rin ang simoy ng hangin dito. Malayong-malayo sa polusyon sa hangin na araw-araw bumubungad sa ‘min sa siyudad. Bukod roon ay tanaw rin namin ang mga nagtataasang bundok ng Itogon na tila kaylapit lang sa paningin.

The moment we reached the Skywalk, which serves as the viewing platform, we can’t help but to stop for a moment and appreciate the beauty of nature.

“I would love to live here someday and enjoy the peaceful life that it can offer, once I decided to quit showbiz,” he said out of the blue.

Hindi ko alam kung bakit. Pero bigla akong nakaramdam ng magkahalong kaba at saya nang dahil sa sinabi niya.

Napatango naman ako, habang nananatili sa harap ang atensyon ko. “That would be great. You also deserve to reward yourself after how many years of working hard.”

Dumaan ang ilang sandaling katahimikan, bago siya muling nagsalita.

“Would you love that too?”

Tila natulos ako sa kinatatayuan ko. Ayokong mag-isip ng kung ano, pero para bang may nais ipahiwatig ang ibinato niyang tanong sa ‘kin.

Napalingon ako sa kanya upang sagutin ang tanong niya. Pero tanging ang papalayong bulto na niya ang bumungad sa ‘kin.

Naiiling na sumunod na lang ako sa kanya. Palalampasin ko na lamang ang sinabi niya sa ngayon.

Nang mapagod kami sa lakaran ay sunod na sinubukan naman namin ang superman ride.

The moment we arrive at the tower, we go up the stairs to reached the ledge. After we put our safety gear on, we have climbed two metal bars, so that the facilitator can attach our harness to the cable.

There are two metal bars in here. One is for the back of our legs, while the other one is placed in front of our arms. It helps us to positioned ourselves like Superman. This is also a kind of zip line that will pull you backward, then forward. Giving you the extreme feeling as if you’re flying in the sky.

Nang dahil sa pagbabalik-balik namin sa tower ay humahampas din sa mukha namin ang malamig na simoy ng hangin. Kaya naman ay hindi ko maiwasan ang mapapikit at mapatili.

Dahil mahirap kumuha ng picture sa lagay namin ngayon ay nakiusap ako sa isang facilitator na nasa tower para kuhaan kami ng picture at video. Siyempre ay hindi ko puwedeng palampasin ang adventure na ito.

Nang matapos ay habol ko ang hininga na para bang galing ako sa mahabang pagtakbo. Panay rin kasi ang sigaw ko na halos mapaos na ako.

“Did you enjoy it?” tanong niya pagkababa namin.

“Yeah. Ni hindi ko na nga maalala kung kailan ako huling nakapag-relax ulit ng ganito.” Masuyo ko siyang nginitian. “That’s why I’m really happy that I take this job.”

Sa hindi ko malamang dahilan ay bigla na lang nawalan ng emosyon ang kanyang mukha. Ipinagkibit balikat ko na lang ito. Marahil ay napagod lang siya.

We move ahead to the silver surfer ride. This activity is enjoyed to be done by partners. Also, because of its specially designed ledge which is good for two people who will face each other. It’s a motorized zip line with stopping and swinging motion, as if you’re surfing in air.

Katulad sa superman ride ay hindi ko rin napigilan ang mapasigaw. Lalo pa at nakalambitin kami sa ere, habang gumagalaw-galaw ang ledge na dinuduyan kami. Para bang isang maling galaw ko lang ay mahuhulog na ako. Mabuti na lang at wala akong sakit sa puso at matatag naman ang kalooban ko pagdating sa mga ganitong activity.

Nagpatuloy lang ang pag-swing ng ledge, hanggang sa makarating kami sa kabilang dulo.

“Ayos ka lang ba? May problema ba?” tanong ko kay Travis nang mapansin na tila wala pa rin siya sa mood.

Napailing naman siya at seryosong tumingin sa ‘kin. “Nothing. I’m just thinking that after tomorrow, you can finally leave this job,” sagot niya, bago dire-diretsong naglakad.

Napaawang ang bibig ko nang dahil sa sinabi niya. As car as I know, we were just okay a while ago.

What the hell did happen?

Sa isang iglap, ang kasiyahan at pag-asa na nararamdaman ko ay biglang nawala. Pagkatapos pala ng ilang araw kong pananatili rito kasama niya ay gusto pa rin niya pala akong mawala sa landas niya.

Pero hindi ko hahayaang mangyari ‘yon.

Right now, we are on the last and most extreme activity here, which is the tree drop. It’s a free fall adventure, wherein you will step off the ledge to fall down and suspend 60 feet below the ground, before it drops you in.

“Aaahhh!” malakas kong sigaw, ngunit tila nilamon lang ng malakas na hangin.

Pakiramdam ko ay naiwan ang kaluluwa ko sa itaas nang mahulog na ako. Hanggang sa tumigil ako sa ere at ilang saglit na nakipagtitigan sa lupa, bago ako tuluyang ibinagsak.

Nang si Travis na ang susubok ay agad na inihanda ko ang camera. I’m really happy to experience my another first with him.

But it seems that something is bothering him. Habang nakatuon ang atensyon ko sa camera ay mababakas ko sa kanyang mukha ang pagkabahala.

Ilang saglit pa ay natapos na rin siya. Nagkatinginan naman kami ng parehong tumunog ang mga sikmura namin, bago sabay na natawa.

Kahit papaano ay napanatag na ang loob ko, dahil tila bumalik na ang sigla niya.

Agad na nagyaya naman siyang kumain sa food stall na nandito. Ngayon lang namin naramdaman ang gutom.

“Did you enjoy it?” he asked, before he got a bite of his burger.

I nodded. “Yeah. I’m not really fond of extreme activities. But I’m glad that I still made it.”

“Pero takot ka pa rin sa kidlat,” pang-aasar pa niya.

Inirapan ko siya. “Magkaiba naman ‘yon.”

Napailing na lang siya at nagpatuloy na kami sa pagkain. Malapit ng dumilim ang paligid ng makaalis kami roon.

Habang nasa biyahe at nakatingin sa labas ay hindi ko napigilan ang mapahikab. Maaga rin kasi kaming gumising kanina at ngayon ko rin unti-unting nararamdaman ang pagod sa maghapon naming adventure.

“Why don’t you take a nap first? I’ll just wake you up once we get there.”

I shook my head. “I’m fine. Besides, I still want to enjoy the scenery.”

“Okay.”

Hindi ko napigilan ang mapangiti. Nakagagaan kasi sa pakiramdam ang nagkikislapang ilaw ng mga Christmas lights at ang kantang pamasko sa bawat madaanan namin.

Napaayos lang ako ng upo nang mapansin na malapit na kami sa hotel. Nang maigarahe na niya ang kotse ay muli akong napahikab pagkababa.

“Kaya mo pa ba?” nag-aalalang tanong niya sa ‘kin.

Natawa naman ako nang dahil sa sinabi niya. “Ayos lang ako. Hindi naman ako lasing.”

“Para kasing babagsak ka na lang bigla riyan, eh. It’s better to be sure.”

Gano’n na lang ang gulat ko nang bigla niya akong binuhat mula sa likod niya.

“What are you doing?” naeeskandalo kong tanong sa kanya, bago ako nagpalinga-linga sa paligid.

“Just keep quiet and stay still.”

Aangal pa sana ako nang magsimula na siyang maglakad. Bukod roon ay muli akong napahikab, dahilan para tuluyan kong maisandal ang ulo ko sa likod niya at mapapikit. Pero kahit gano’n ay aware pa rin naman ako sa paligid ko.

Hanggang sa narinig ko ang pagbukas at sara niya ng pinto, tanda na nandito na kami sa suite namin. Gusto ko sanang idilat ang mga mata ko, pero sobrang namimigat na ang talukap nito.

Namalayan ko pa ang dahan-dahan niyang pagpapahiga sa ‘kin sa kama at paglalagay ng kumot. Narinig ko pa siyang nagsalita, pero hindi ko na ito gaanong naintindihan dahil tuluyan na akong nilamon ng antok.

*****

Kinabukasan ay maaga ulit kaming gumising. Plano kasi naming dumaan muna ng Baguio Cathedral, bago tuluyang umalis.

Halos wala akong mukhang maiharap sa kanya, nang dahil sa ginawa niyang pagbuhat sa ‘kin at pagkakatulog ko. Ni hindi ko na rin tuloy nagawang makapagpalit pa ng damit.

Pero bukod roon ay may isang emosyon akong nararamdaman na siyang nangingibabaw sa lahat. Kasabay kasi ng pag-uwi namin ay ang pagtatapos ng trabaho ko para maging personal photographer niya.

Kaya bago pa man kami maghiwalay ng landas ay kailangan ko ng masabi sa kanya mamaya ang dahilan kung bakit ako nakipagkita sa kanya ilang linggo na ang nakararaan.

Kasalukuyan akong naghihintay sa balkonahe, habang nakatanaw sa malayo. Tapos na kasi akong mag-asikaso, habang naliligo pa si Travis.

Natigilan lang ako sa pag-iisip nang biglang tumunog ang phone ko. Agad na sinagot ko ‘yon nang makita ang pangalan ni Jairus sa screen.

“Hey! Masyado ka na atang nag-enjoy riyan sa Baguio at hindi mo man lang ako nagawang kumustahin man lang o kaya kahit ang apartment na tinutuluyan mo,” sarkastikong angal niya sa kabilang linya.

Napanguso naman ako. “Wag kang OA. Tinawagan kita nitong mga nakaraang araw. Isa pa ay sobrang dami lang talaga naming pinuntahan. Ngayon lang din naman ako nakarating dito. Kaya siyempre ay sinulit ko na rin.”

Malakas naman siyang natawa, bago biglang sumeryoso ang kanyang boses.

“Anyway, may usad naman ba ang plano mo?”

Kinagat ko ang ibabang labi. “I guess so. Kahit papaano ay kampante naman akong nakuha ko na ang loob ni Travis. Kaya masasabi kong tagumpay naman ang plano ko at nasisiguro kong mapapatawad na niya ako. Kapag nangyari ‘yon ay magiging maayos na ang lahat.”

Malalim naman siyang napabuntonghininga. “Sana nga. Sige. Ingat kayo riyan! Kahit wala kang masyadong paramdam ay miss na rin kita.” Umakto pa siya na tila inuubo.

Napailing na lang ako.

“Alright. I miss you too. You take care as well.”

Kasabay ng pagbaba ko ng tawag ay ang malakas na pagkalabog ng kung ano. Dahil doon ay halos mapatalon ako sa gulat at nagtatakang nilingon ang pinanggagalingan nito.

Napaawang ang bibig ko pagkakita sa kanya at pakiramdam ko ay kakapusin ako ng hininga nang dahil sa lakas ng tibok ng puso ko ngayon.

“Travis...”

Nagtatagis ang kanyang bagang, habang naglalakad palapit sa ‘kin. Bakas ang hindi ko maintindihang galit sa kanyang mga mata.

“So, that’s it? All this time, you’re just doing this so I can forgive you. So that you’ll be free from feeling guilty and move on happily with your life,” he accused in menacing tone.

“Ano nga ba ang dapat na i-expect ko? Eh, trabahao lang naman ‘to para sa ‘yo,” pagpapatuloy pa niya.

Sunod-sunod akong napailing. He misinterpreted what he heard!

“Travis, it’s not what I meant. Let me—”

Agad na iwinaksi niya ang mga kamay ko na pilit siyang inaabot. “Yes. You already did your job. But I’m sorry. Because if the only reason you want to be with me is so that I can forgive you, then I won’t give it to you at all.”

Tinalikuran na niya ako. Napamaang ako nang makitang kinuha niya ang nakahandang bagahe.

“I bet, you already know your way home,” he said coldly as he walked towards the door.

Nanghihinang napaupo ako sa sahig nang malakas niyang isinara ang pinto.

How did it end up like this?