Chapter 15
Tiffany
Hindi nga ako nagkamali ng akala. Pagkagising namin ngayong umaga ay balik na naman siya sa cold treatment niya sa ‘kin.
Kasalukuyan akong nag-aayos dahil ayon kay Travis ay balak niyang pumunta sa Burnham Park lake at sumakay sa swan boat. Hindi ko napigilan ang matawa nang banggitin niya ang tungkol doon, dahil hindi ko inaasahan na roon ang unang destinasyon na gusto niyang puntahan ngayong araw.
Pero hindi ko maiwasan ang mabahala dahil baka may mga makakilala sa kanya roon. Isa pa ay ano na lang ang iisipin ng ibang tao kapag nakita nilang may kasama siyang hindi kilalang babae?
Abala ako sa pag-aayos nang marinig ko ang pagbukas ng pinto sa banyo. Napaangat ako ng tingin at nanlaki na lang ang mga mata ko nang makitang nakatapis lang siya ng tuwalya mula sa beywang pababa.
Napalunok ako. Ano kayang feeling maging tuwalya?
Dali-dali naman akong tumalikod. “Ano ba ‘yan? Bakit hindi ka pa nagbihis sa loob?” Pakiramdam ko ay namumula ang mukha ko hanggang sa kasingit-singitan ko dala ng kahihiyan.
“Hindi ako sanay magbihis sa loob ng banyo, eh. You should know that.”
Napapikit ako nang mariin. “Sabihan mo na lang ako kapag tapos ka ng magbihis.”
“Fine! Pero ayaw mo ba talagang humarap? Bibihira lang ang ganitong klase ng pagkakataon. Sigurado ka bang ayaw mong sulitin?” nang-aasar niyang tanong.
Napanganga ako nang dahil sa sinabi niya. “Dream on! For your information, hindi gano’n kaganda ang hubog ng katawan mo. Mas maganda pa ang hubog ng katawan ni Jairus, eh,” walang pagdadalawang isip kong aniya.
Okay. That’s a lie. Siyempre walang binatbat ang magaling kong best friend sa kanya.
Akala ko ay nagsimula na siyang magbihis dahil wala na akong narinig na salita pa mula sa kanya. Pero gano’n na lang ang gulat ko nang sa isang iglap ay nakatayo na siya sa harap ko.
Bahagya akong napaatras nang dahil sa gulat. Lalo pa at nasa mismong harap ko ang parteng ‘yon na natatakpan ng tuwalya. Tila isang maling kilos lang niya ay tuluyan na itong bibitiw mula sa pagkakakapit.
Kumapit ka lang parang awa mo na!
“What did you say?”
Napakurap ako at mula sa pagkakatitig ko sa parteng ‘yon ng katawan niya ay dahan-dahan akong nag-angat ng tingin. Agad na sinalubong ako ng nanlilisik niyang mga mata, habang umiigting ang kanyang panga.
“Ang sabi ko ay mas maganda pa ang katawan ni Jairus. Bingi ka ba o sadyang nagbibingi-bingihan ka lang?” Pilit na itinatago ko ang nararamdamang pagkailang.
“Bakit? Madalas ba siyang topless sa harapan mo? Gano’n na ba kayo kakumportable sa isa’t isa?” Mahihimigan ng pagbabanta ang kanyang boses.
Napakunot noo ako. Sa totoo lang ay madalas ngang naka-topless si Jairus sa tuwing dumadalaw ako sa kanila. Palagi kasing tila init na init ang pakiramdam ng isang ‘yon. Isa pa ay mabilis din siyang pagpawisan.
But it’s not a big deal to me at all. Kahit pa ang totoo ay masakit sa mata tingnan ng katawan niya.
Natigilan ako nang bigla siyang tumungo, dahilan para magpantay ang mukha naming dalawa. He put both of his arms on my side, caging me.
Okay. What did I do this time? Balak ba niya akong patayin sa magkahalong kaba at kilig?
“No one insults my body that gets away with it.”
Kinuha niya ang kamay ko at nanlaki ang mga mata ko nang bigla niya itong ilapat sa mamasa-masa pa niyang dibdib.
“Touch it and feel it, Tiffany. Ngayon mo sabihin sa ‘kin na mas maganda ang katawan ng payatot mong kaibigan.”
Tila nanginig naman ang kamay at kalamnan ko nang lumapat ang kamay ko roon, idagdag pa ang nakakaakit niyang boses.
Dahan-dahan niyang inilapit ang mukha sa ‘kin at awtomatiko namang pumikit ang aking mga mata. Ngunit ilang segundo lang ang lumipas ay nakarinig na ako ng papalayong yabag.
Agad akong napamulat at napalingon. Ngunit ang likod na lang niya ang bumungad sa ‘kin kasabay ng malakas na pagsara niya ng pinto ng banyo.
Just what the hell did happen?
*****
“Baka malunod ka niyan.”
Napakurap ako mula sa pagkakatanaw sa labas at naguguluhang nilingon ko si Travis na kasalukuyang nagmamaneho.
“Hah?”
“Mukhang malalim kasi ang iniisip mo. Baka malunod ka.” Seryoso lang siyang nakatingin sa daan.
Napaayos ako ng upo at muling tumanaw sa labas. “Sigurado ka bang doon mo talaga gustong pumunta? Baka kasi pagkaguluhan ka roon bigla, eh. Isa pa ay baka matsismis ka dahil may kasama kang hindi kilalang babae.” Pag-iiba ko ng usapan.
Hanggang ngayon kasi ay tila eksena sa pelikula na paulit-ulit pa ring lumilitaw sa isipan ko ang nangyari kanina.
“Wag kang mag-alala. Dahil kapag nagkataon ay sasabihin ko lang naman sa kanila na personal assistant kita.”
Marahas ko siyang nilingon. “Anong personal assistant ang pinagsasabi mo riyan? Personal photographer ang inalok sa ‘kin at tinanggap kong trabaho, no! Magkaiba ‘yon!”
He shrugged. “It’s just the same for me.”
Napanguso na lang ako at hindi na umimik pa. Ayos na rin ang ganito dahil kahit papaano ay nakakausap ko na siya ng normal.
Hindi nagtagal ay narating na namin ang Burnham Park Lake. Pero napakunot noo ako nang mapansin na walang katao-tao rito at wala ring mga sasakyan sa parking lot. Agad na kinuha ko naman ang camera ko mula sa dalang bag at isinabit ito sa leeg ko.
“Teka. Bukas ba sila ngayon? Bakit walang tao?” Binuksan ko ang pinto at nagpalinga-linga sa paligid pagkababa.
“I rented the whole place until the afternoon,” he answered.
I looked at him in disbelief. “You what?”
Bago pa man siya makasagot ay mayroong lumapit sa ‘"min na medyo may edad ng lalaki. Tila siya ang namamahala rito.
“Maligayang pagdating po, Sir Travis at Ma’am Tiffany,” nakangiti niyang bati. “Ako nga pala si Mang Jaime,” pakilala niya sa ‘kin.
Alanganin ko siyang nginitian. Paano niya nalaman ang pangalan ko?
Hindi na ako nakapagtanong pa dahil nagsimula na silang maglakad. Hanggang sa tumigil kami sa tapat ng isa sa mga restaurant na nandito.
“Maiwan ko na kayo. Tawagan mo na lang ako kung sakali man na magkaroon ng aberya,” paalam sa ‘min ni Mang Jaime, bago mahinang tinapik ang balikat ni Travis.
Napagpasyahan muna naming kumain ng lunch, bago kami dumiretso sa mismong lake. Hindi ko naman mapigilan ang makaramdam ng excitement. Ngayon lang kasi ako nakapunta rito. Pagkatapos ay solo pa namin ang lugar.
Bigla akong natigilan. Kung nagkataon pala na hindi ako nakasama ngayon ay mag-isa lang siyang magliliwaliw. Nakakalungkot din naman ang gano’n.
Agad naman kaming inasikaso at inalalayan ng nagbabantay pagkarating namin doon, para makasakay sa kulay pink na swan boat.
I was about to go for the other one, when suddenly, Travis held my left arm. I looked at him, confused.
“Where are you going?” he asked in a menacing tone.
Tinuro ko naman ang isang swan boat na naghihintay. “Doon ako sasakay. Kasi riyan ka sa kabila, ‘di ba?”
Napailing naman siya at bigla akong binitiwan. “Paano mo ako kukuhaan ng litrato kung magkaiba tayo ng sasakyan? Baka nakakalimutan mong trabaho ang ipinunta mo rito at hindi bakasyon.” Agad siyang tumalikod at mabilis na sumakay sa isang swan boat.
Napakamot naman ako sa batok at napahawak sa nakasabit na camera sa leeg ko. Sa totoo lang ay muntik ko ng makalimutan ang tungkol doon nang dahil sa excitement.
Habang naglilibot kami sa kabuuan ng lake ay wala akong ibang ginawa kung hindi kuhaan siya ng litrato sa iba’t ibang anggulo. Karamihan nga lang sa mga kuha niya ay tila stolen shots dahil ayaw niyang tumingin. Pero kahit gano’n ay hindi ko rin pinalampas na kuhaan ng litrato ang view sa paligid namin.
Napayakap naman ako sa sarili ko nang biglang umihip nang malakas ang hangin. Pakiramdam ko ay hindi sapat ang jacket na suot ko sa lamig ng klima rito.
Nang magsawa kami sa swan boat ay naisipan naman naming mag-biking. Ayoko sanang mag-isip ng kung ano-ano, pero feeling ko ay nasa isang date kami. Idagdag pa na kaming dalawa lang ang nandito bukod sa mga nagbabantay.
Maaaring ang dahilan kung bakit niya nirentahan ang buong lugar na ‘to ay para makapaglibot siya ng hindi nag-aalala na baka may makakilala sa kanya.
Pero hindi ko rin maiwasan ang mag-assume na baka gusto lang talaga niyang makagala kaming dalawa ng walang istorbo.
Para akong baliw na bigla na lang napangiti. Kinikilig sa sarili kong palagay.
Well, I will not be surprised if it’s the case. After all, he’s always been possessive.
May mga pagkakataon na humihinto ako sa pagpedal para makuhaan siya ng litrato. Stolen shots are the best in my opinion. Minsan naman ay sadyang hinihingal lang ako. Ang bilis kasi niyang magpaandar!
Hanggang sa tuluyan ko ng inihinto ang bike. Hindi ko kasi maiwasang tingnan isa-isa ang mga pictures niya.
I am happy because I am able to capture this moment. And that I am the one who’s with him while he is enjoying his break.
Sa isang iglap ay parang normal na Travis ang kasama ko. Malayo sa nagkikislapang camera at sigawan ng mga tao.
Sa pagkawili ko ay hindi ko agad namalayan na nawalan na ako ng balanse sa pagkakaupo. Mariin akong napapikit at mahigpit na niyakap ang hawak na camera, habang hinihintay ang sarili sa pagbagsak kasabay ng bike.
Pero imbis na sa lupa ay naramdaman ko ang matitipunong braso na sumalo sa ‘kin.
Napamulat ako at parehong nanlaki ang mga mata namin nang mapansin kung gaano kalapit ang mukha namin sa isa’t isa. Bahagya siyang napaatras at dahil doon ay nawalan din siya ng balanse at pareho kaming tuluyang bumagsak sa lupa.
Pakiramdam ko ay tumigil ang ikot ng oras nang biglang lumapat ang labi niya sa mga labi ko. Dampi lang ‘yon kung tutuusin, pero tila gustong kumawala ng puso ko nang dahil sa lakas ng tibok nito.
Nakalagay ang kanang kamay niya sa ilalim ng ulo ko, habang ang kaliwa naman ay nasa beywang ko. Pinapanatili ang proteksyon kahit sa alanganing sitwasyon.
Nang mapagtanto kong nasa pampublikong lugar kami ay dali-dali akong tumayo. Hindi ako makatingin sa kanya ng diretso at mukhang gano’n din siya sa ‘kin.
“Sorry,” sabay naming aniya.
Ipinaypay ko ang kamay sa sarili. Tila biglang uminit ang panahon kahit ang lamig naman ng klima rito.
Wala kaming imikan hanggang sa makabalik na kami sa kotse.
Ngunit nang mapatingin ako sa labas ng bintana ay hindi ko na napigilan ang pagkawala ng pinipigilan kong ngiti.
It may still take time. But I know that we’re getting there already.
Travis
Kasalukuyan akong nasa balkonahe ngayon ng suite na tinutuluyan namin. Madilim na ang paligid. Kaya naman ay kitang-kita mula rito sa kinauupuan ko ang mga nagkikislapang Christmas lights sa bawat bahay at gusali.
Malalim akong napabuntonghininga. Mabuti na lang at nagawa ko pang pigilan ang sarili ko kanina na sakupin ang kanyang mga labi at ikulong siya sa mga braso ko. Kapag nagkataon kasi ay baka masakal na naman siya sa ‘kin.
Kaya magmula ng makabalik kami kanina ay wala na akong ibang ginawa kung hindi ang iwasan siya. Dahil ako mismo ay walang tiwala sa sarili ko.
Natigilan ako sa pag-iisip nang bigla ko siyang narinig na sumigaw. Dali-dali naman akong tumayo at tumakbo patungo sa kanya.
Nagsalubong ang kilay ko nang makitang nakabalot siya ng kumot, habang nakaupo sa ibabaw ng kama. Nakatuon ang atensyon niya sa harap kaya napatingin ako roon.
Napailing na lang ako nang makitang nanonood pala siya ng isang horror movie. Ang hilig niyang manood ng mga ganyang klase ng pelikula, pero matatakutin naman.
Akmang babalik na ako sa kinauupuan ko nang may narinig akong tumunog. Dahan-dahan ko siyang nilingon at sa pagkakataong ‘yon ay nagtagpo ang mga mata naming dalawa.
“Bakit hindi ka man lang nagsabi sa ‘kin na nagugutom ka na pala?” tanong ko sa kanya. Base kasi sa lakas ng pagkalam ng kanyang sikmura ay paniguradong kanina pa siya nagugutom.
Humalukipkip siya. “Paano ko naman sasabihin sa ‘yo, eh, iniiwasan mo nga ako. Alangan namang kumain ako mag-isa. Ayoko din naman ng gano’n.”
Marahas akong napabuga ng hangin. “Mamaya mo na ipagpatuloy ang panonood mo. Kumain muna tayo sa restaurant sa baba,” anyaya ko sa kanya.
Nanlaki ang kanyang mga mata, bago dali-daling pinatay ang tv at bumaba sa kama.
Nagsuot naman ako ng shades at mask, bago tuluyang lumabas. Tahimik naman siyang sumunod sa ‘kin.
Mula sa pagsakay hanggang sa paglabas namin ng elevator ay hindi kami nag-imikang dalawa. Kasalukuyan na kaming naglalakad patungo sa restaurant nang bigla na lang niya akong hinila sa braso.
“What the hell? Where are we going?” nagtatakang tanong ko nang mapansin na tinutumbok namin ang daan palabas ng hotel.
Nagdududang sinundan naman kami ng tingin ng guard hanggang sa paglabas namin.
“I have a better idea.” She winked at me.
Kahit naguguluhan ay hinayaan ko na lang siya na hilahin ako sa kung saan. Tumingin na lang ako sa ibang direksyon, habang naglalakad. Gustuhin ko mang alisin ang pagkakakapit niya sa braso ko ay tila wala naman akong lakas para gawin ‘yon.
I can’t deny the fact that it feels relaxing. Just like the good old days.
Ilang saglit pa ay tumigil kami sa tapat ng isang convenience store. Hindi makapaniwalang nilingon ko siya.
“Dito tayo kakain?”
Nakangiting tinanguan niya ako at naglakad na siya papasok. Naguguluhan pa rin akong sumunod sa kanya.
Napamaang ako nang makitang kumuha siya ng instant noodles. “Ayan ang kakainin mo? Bakit hindi na lang tayo roon sa restaurant? Wag kang mag-alala dahil hindi ko naman hahayaan na magbayad ka.”
Kaya siguro hindi rin siya nagkakalaman ng husto ay dahil palaging diet ang pagkain niya.
Hindi ko napigilan ang mapanguso nang maalala na hindi nga pala siya marunong pa magluto.
“Anong tingin mo sa ‘kin, walang pambayad?” Inirapan niya ako.
“Pero mabubusog ka ba riyan?” Pinameywangan ko siya.
Tumungo naman siya sa aisle kung saan nakalagay ang mga tinapay. “Hindi lang naman ito ang bibilhin ko.” Nang may mapili ay muli siyang bumaling sa ‘kin.
“Will you forget for now the celebrity Travis Vernon, and be just your true normal self?” Masuyo niya akong nginitian.
Napaawang ang bibig ko nang dahil sa sinabi niya. Truth be told, magmula ng pumasok ako sa showbiz ay bihira ko ng magawa ang mga nakasanayan ko rati.
“Can’t we go back from that time before you enter the limelight? Doing something reckless, simple things, and without thinking about the other people around? Even just for now?”
Hindi ko nagawang umimik. Hanggang sa lampasan niya ako para magtungo sa counter at magbayad ay nanatili lang ako sa kinatatayuan ko.
There’s actually nothing wrong about it. The thing is that, I just don’t want to go back from those memories.
Because what I want the most is for her to be back on me.