Chapter 10
Tiffany
“What the hell? Ano naman kaya ang ginagawa niya sa lugar na ‘yon, kung saan ay nandoon ka rin. Parang imposible naman ata na nagkataon lang.”
Muntik ng mabitiwan ni Jairus ang hawak niyang tasa na naglalaman ng mainit na kape, pagkatapos kong ikuwento sa kanya ang lahat ng nangyari kahapon.
Malalim akong napabuntonghininga at nilingon ang overlooking view ng Taal. Hindi ako makapaniwala na kailangan pa naming dumayo ng Tagaytay para lang magkape.
Pero sabagay ay malamig at presko nga naman ang hangin dito. Lalo na sa kinapupuwestuhan namin ngayon.
“Bakit hindi mo muna i-kuwento ang tungkol sa naging date mo? Ni wala rin akong nakuhang matinong update mula sa ‘yo. So tell me, who is the unlucky girl this time?”
Muling bumalik ang atensyon ko sa kanya, bago ko nilantakan ang Blueberry-licious cheesecake ko.
Bigla naman siyang sumimangot. “Don’t change the topic. We were talking about you and Travis here.”
I rolled my eyes at him. Talagang gagawin niya ang lahat para lang makalusot.
Mas lalo tuloy lumalim ang kuryosidad ko sa kung sino ba ang babaeng ipinakilala sa kanya ni Tita Jen sa pagkakataong ito. Masyado kasi siyang mailap sumagot na hindi naman niya ginagawa rati. Hanggang ngayon ay ni hindi man lang niya mabanggit ang pangalan ng babaeng ‘yon na para bang kakilala ko rin ito.
“Whatever. But I won’t let you escape as well. I have already told you the side of my story. If I have to ask Tita Jen about it, then I will,” I threatened him.
Napatikhim ako. Kung tutuusin ay hindi ko rin naman sinabi sa kanya ang lahat. There’s no way that I’ll tell him about the kiss part.
Nanlaki naman ang kanyang mga mata at tila bigla siyang naalarma na mas lalo kong ipinagtaka.
“No need. It’s just too complicated right now. But I promise to tell you everything when the right time comes, please?”
Napataas ako ng kilay. He said the wordpleasethat rarely came out of his mouth. That girl must be really something for him to act this way.
Mataman ko siyang tinitigan. Sa totoo lang ay mas nadagdagan ang mga tanong sa isip ko nang dahil sa inaasta niya. Pero pipiliin ko munang isuko ang mga ‘yon sa ngayon. Minsan lang naman kasi siyang makiusap.
“Fine!”
Tila nakahinga naman siya nang maluwag at muling sumimsim ng kape, bago seryosong tumingin sa ‘kin.
“So, how’s your operation getting back together going?”
Tinusok-tusok ko ang kinakain kong slice cake nang muli akong makaramdam ng frustration.
“As far as I know, he’s totally single right now. Kaya wala akong kailangang alalahanin na puwedeng maging sabit sa plano ko. Ang isang bagay na iniisip ko ngayon ay kung paano ako makakalapit sa kanya sa halos lahat ng pagkakataon.”
Napaayos naman siya ng upo. “Well, that problem of yours is pretty tough. Mahihirapan ka na talagang makalapit sa kanya ngayon lalo pa at isa na siyang public figure.” Bigla naman siyang natigilan at napangisi.
“Come to think of it. Christmas is just around the corner, and you were about to celebrate your sixth-year of being together if you just—”
“I know that already. Hindi lang ikaw ang marunong magbilang, no.” Pinandilatan ko siya ng mga mata. Palagi na lang kasi niyang binabanggit sa ‘kin ang tungkol sa bagay na ‘yon sa tuwing magpapasko.
He was about to say something when my phone suddenly rang. Sinenyasan ko naman siyang tumahimik muna, bago ko sinagot ang tawag na galing sa isang hindi nakarehistro na numero.
“Hello?”
“Hello, Tiffany? This is Jela!” masiglang bati ng nasa kabilang linya.
Napahigpit ang hawak ko sa phone ko. Talking about problems, huh. “What is it?”
“Naaalala mo ba ang tungkol sa offer ko sa ‘yo kahapon?”
Natigilan naman ako nang dahil sa tanong niya. Tila biglang dininig ng langit ang pinoproblema ko lang kanina.
“Yeah. What about it?” Pilit kong pinakaswal ang boses para hindi magmukhang atat na atat akong malaman ang tungkol sa bagay na ‘yon.
“Travis and I will have a photoshoot in Baguio for a fashion magazine this coming weekend. May kasama rin kaming iilan pang mga artista roon.” She coughed a little.
“So, I am just wondering if you are available for at least two weeks at kung tinatanggap mo ba ang offer ko? We are really in need of a personal photographer for him to accompany on his trips and such. Your candid photos of him will also be the one to be posted on his social media accounts.”
Napaisip naman ako. Sa pagkakaalala ko ay wala na kaming naka-set na appointment hanggang sa matapos ang pasko.
With that, I have finally decided.
“Of course. I’m very much willing to become Travis Vernon’s personal photographer.”
Napasinghap si Jairus at sa pagkakataong ito ay tuluyan na niyang nabitiwan ang tasang hawak, dahilan para mapalingon sa direksyon namin ang ilan pang mga customer na nandito.
I just shrugged as laid my back on the chair and smiled sweetly the moment the call ended.
I don’t really know what Jela is up to. But I will make sure to play along well with this game and win it.
Travis
“So, that woman is this moody guy’s ex-girlfriend, huh? How interesting. Imagine how the media will goes wild once they discovered about it.”
Sinamaan ko ng tingin si Miguel. Kasalukuyan silang nandito ni Jela sa condo unit na tinutuluyan ko. Sabay-sabay na raw kasi kaming pupunta bukas sa Baguio para sa photoshoot namin na gaganapin doon.
“Shut up, Migz!” Binato ko siya ng unan na agad niyang sinalo.
“To think that she’s a photographer, I think I already know the reason why you’re so dense in front of a camera,” he continued to tease.
Jela giggled on the other side. “Of course. Travis used to be Tiffany’s model for her portfolios way back in college.”
Napatango naman si Migz. “I bet she’s the one you are referring to that can be this guy’s personal photographer.”
Tila nagningning naman ang mga mata ni Jela. “Yes! She is! What do you think?”
Bigla akong napatayo sa kinauupuan ko. Mukhang hindi ko magugustuhan ang tutumbukin ng usapan nilang dalawa.
“Don’t you dare. I don’t even need one.”
Ngunit tila hindi nila narinig ang pagtutol ko.
“Well, I want to know how Tiffany can handle Travis’ attitude and how professional she can be on doing this work. It’s like witnessing a real lifeteleserye, you know.” Migz shrugged.
Natampal ko na lang ang noo ko. “Why did the two of you keep on intruding my personal life. Can’t you mind your own?”
Jela pouted. “Trust me. It’s for your own good.”
Inabot naman ni Migz ang isang bote ng beer mula sa ibabaw ng mesa. Mas maigi raw uminom ngayon ng maaga dahil madaling araw ang alis namin bukas.
“I have been cleaning your mess when it comes to that attitude of yours towards the photographers. So I’m just practically doing my job as your manager for the betterment of your career.”
Nayayamot na inabot ko ang isang bote ng beer at tinungga ‘yon.
“Whatever. But don’t expect me to cooperate.”
Migz smirked. “Bakit ba iwas na iwas kang mapalapit sa ex mo? Mahal mo pa, no?”
Muntikan ko ng mabitiwan ang bote ng beer na hawak ko, nang dahil sa sinabi ni Miguel.
“Gago! Wala akong sinabing ganyan.”
“Pero hindi mo rin naman dineny.” Jela stucker her tongue out at me.
Naiiritang tumayo na ako. “Bahala nga kayo riyan!”
Iniwan ko na sila sa sala at dumiretso ako sa balkonahe. Agad na sinalubong naman ako ng malamig na simoy ng hangin.
Umupo ako sa duyan na nandito at inilabas ang cellphone ko mula sa bulsa. I’m busy scrolling on my social media accounts, when I suddenly heard a familiar song of Taylor Swift. If I’m not mistaken, it has a title ofBack To December.
Napahilamos na lang ako sa mukha ko nang marinig si Migz na sinasabayan ang kanta. Nasisiguro ko na siya rin ang nagpatugtog no’n. Kahit hindi niya sabihin ay alam ko na ang gusto niyang ipahiwatig sa pamamagitan ng kantang ‘yon. Lalo pa at nabanggit na sa kanya ni Jela na araw ng pasko noong nakipaghiwalay sa ‘kin si Tiffany.
I didn’t bother to stop him from what he’s doing. There’s no use anyway.
Instead, I just continued browsing on my phone. But the scene of what happened inside my car last night keeps on replaying in my mind.
Damn! This is the reason why I hate to be so close to her. Because I might end up losing myself control, and she will forever hate me for that.
She might end up leaving me again. Just like what she did that night.
Malalim akong napabuntonghininga. Hanggang sa namalayan ko na lang ang sarili ko na nagpalit ng account.
I hate to admit it. But I actually have a second accounts. Because no matter how much I deny it to myself, I just ends up wanting to know more of her whereabouts.
Pupunta sana ako sa profile niya. Ang kaso lang ay biglang bumungad sa unahan ng news feed ko ang bagong post niyang picture.
Mariin kong itinikom ang bibig nang makitang kasama na naman niya ang matalik niyang kaibigan na si Jairus. Samantalang ilang araw palang ang nakararaan ng makita ko rin ang my day niya na kasama ito sa paborito niyang fastfood chain. Noong araw na muntik ng magkabungguan ang mga sasakyan naming dalawa.
Base sa background nilang dalawa ay masasabi ko na nasa Tagaytay sila ngayon.
“Kailangan pa ba talagang dumayo riyan para lang magkape?” wala sa loob kong aniya.
“Why not? Gusto mo rin ba na magkape tayo sa Tagaytay as a friend?”
Muntik na akong malaglag sa kinauupuan ko nang biglang sumulpot sa tabi ko si Jela.
“What the fuck? Bakit ba bigla-bigla ka na lang sumusulpot na parang kabute?”
Pero tila hindi niya ako narinig. Nakakunot ang noo niya, habang titig na titig sa cellphone ko.
Mabilis naman niyang hinatak ‘yon mula sa pagkakahawak ko. Nanlaki ang mga mata ko nang simulan niyang kalikutin ang account ko.
“Oh, my gosh! The ever famous Travis Vernon have a second account to stalk and like the posts of his first love! This will definitely invade the showbiz news!”
Bago ko pa man tuluyang maagaw sa kanya ang phone ko ay nagtatatakbo na siya patungo kay Migz.
Mariin akong napapikit at napahawak sa batok ko. Paniguradong mas lalo akong hindi tatantanan ng dalawang ‘to.
I’m really doomed. Mukhang hindi tama ang naging desisyon ko na patuluyin sila rito ngayon.
“Man, you are really whipped! Puwede ko namang kausapin ang management para maging katambal mo siya sa palabas. Sabihin mo lang!” malakas niyang sigaw.
I didn’t answer and just raised my middle finger on him.
There’s no way that I’ll drag Tiffany in the limelight and let any other man to get awed by her beauty. I just want her to be as she is right now, as she continues to fulfill her long time dream.
Even if I’m no longer part of it.