Chapter 11
Tiffany
Napangiti ako at muling pinasadahan ng tingin sa huling pagkakataon ang apartment na tinitirahan ko. Halos dalawang linggo rin akong mawawala at hindi uuwi rito. Ayon na rin sa napag-usapan namin ni Jela kahapon.
Humigpit ang pagkakahawak ko sa bitbit na maleta, bago tumalikod at nagsimula ng maglakad palabas. Buo na ang desisyon ko ng tanggapin ko ang naging alok niya kahapon.
Pero hindi ko pa rin maiwasan ang makaramdam ng kaba. Lalo na sa magiging reaksyon ni Travis. Ayon kasi kay Jela ay wala raw itong ideya na tinuloy talaga nila ang offer na ‘yon sa ‘kin.
Agad na sinalubong ako ng malamig na simoy ng hangin. Mabuti na lang at kahit papaano ay nakasuot na ako ng jacket.
Mas lalo ko tuloy naramdaman ang papalapit na kapaskuhan. I wonder if it will finally be merrier this time around.
Tahimik ang paligid at tanging ang mataginting na tunog na nagmumula sa binubuksan kong gate ang maririnig. Alas-tres palang kasi ng madaling araw. Mabuti na lang at hapon pa gaganapin ang photoshoot nila.
Nang masigurong maayos na ang ginawa kong pagkandado ay dumiretso na ako sa nakaparada kong kotse at kinarga ang dalang maleta, pati na rin ang iba ko pang mga kagamitan.
Pero natigilan ako nang may narinig akong tunog ng makina na nanggagaling sa isang motor at papalapit sa direksyon ko. Dali-dali ko namang isinara ang pinto at napaangat ng tingin.
I need to stay alert. It might be a riding in tandem for all I know.
Habang papalapit sa ‘kin ang motor ay hindi ko naiwasan ang kabahan. Sa mga ganitong klase ng pagkakataon ay madali akong atakihin ng pagiging paranoid ko.
Ngunit napakunot noo na lang ako nang mapansin na tila pamilyar ito. Nakumpirma ko naman ang hinala ng tumigil siya sa mismong harap ko at dali-daling bumaba.
“Mabuti na lang at naabutan pa kita!” nakangiting aniya ni Jairus pagkatanggal niya ng helmet.
“What are you doing here?” naguguluhan kong tanong sa kanya, bago pinasadahan ng tingin ang suot niya.
“I would like to see you off. Saka gusto ko lang siguruhin sa huling pagkakataon kung magiging ayos ka lang ba talaga kung ikaw lang mag-isa ang pupunta roon? Puwede naman kasi kitang samahan.” May himig ng pag-aalala ang kanyang boses.
Kinagat ko ang ibabang labi at pinigilan ang sarili na matawa nang dahil sa hitsura niya. Tila nagmamadaling dumiretso agad siya rito pagkagising palang niya. Nakasuot pa kasi siya ng pajama at magkaiba pa ang pares ng kanyang tsinelas.
“I’ll be fine. You have nothing to worry about,” hinihikab kong sagot sa kanya. Saka ko na lang siya aasarin ng dahil sa suot niya.
“Mahaba-haba rin ang magiging biyahe mo at mukhang inaantok ka pa nga. Hindi mo ba kakailanganin ng magiging kapalitan sa pagmamaneho?” pagpupumilit pa niya.
Napaisip naman ako. Sa totoo lang ay may punto naman siya pagdating sa bagay na ‘yon. Isa pa ay inaalala ko rin ang kotse ko na maaari na namang atakihin ng sakit, habang nasa daan kapag nagkataon.
Pero sa bandang huli ay napailing na lang ako.
“Thank you for the offer and the concern, but I can do this alone. Isa pa ay sa ‘yo ko muna ipagkakatiwala ang studio habang wala ako. Ibibilin ko rin itong apartment. Silip-silipin mo na lang kapag may free time ka. Halos dalawang linggo lang naman ako roon kaya wag kang gagawa ng kalokohan.” Matiim ko siyang tiningnan.
Napasimangot naman siya bigla. “Ako ng bahala sa lahat dito. Ikaw ang inaalala ko. Just keep me updated, okay?”
Napangiti naman ako. Magmula palang noong mga bata pa kami ay palagi na niya akong inaalala. Kaya siguro hindi na ako nagkaroon pa ng ibang mga kaibigan dahil siya palang ay sobra na para sa ‘kin.
“I will.” Bumaba ang tingin ko sa suot na relo, bago muling bumaling sa kanya. “I need to go already. Mahirap na at baka anong oras pa ako makarating doon.”
Napatango naman siya at napailing na lang ako, nang bigla niya akong niyakap nang mahigpit.
“Mag-iingat ka roon, hah? Kapag alam mong wala na talagang pag-asa ay bumalik ka na rito. Kahit hindi kita type ay papatulan na kita.”
Malakas ko naman siyang hinampas sa braso at kumalas sa yakap. “Loko-loko! Kahit ikaw na lang ang natitirang lalaki sa mundo ay hindi kita papatulan.”
Napakamot naman siya ulo.
May ilang bagay pa akong hinabilin sa kanya, bago ako tuluyang pumasok sa kotse. Tinapik-tapik ko pa ang magkabila kong pisngi at nagsimula ng magmaneho.
“This is the chance that you have been waiting for, Tiffany. You have almost two weeks to be with him, and you must succeed in your plan.”
Huminga ako nang malalim at hinanda na ang sarili sa aking magiging paglalakbay.
*****
Nakahinga ako nang maluwag nang sa wakas ay natanaw ko na ang arko na mayroong nakasulat naWelcome to Baguio City, senyales na papasok na ako sa lalawigan ng Baguio.
Kanina ko pa rin kasi pilit na nilalabanan ang pagbigat ng talukap ng mga mata ko at pinananatiling alerto ang buo kong kamalayan sa halos siyam na oras kong biyahe. Mahirap na kasing malingat at baka imbis na sa piling ng taong mahal ko ang maging bagsak ko ay sa bangin pa ako dumiretso.
Tatlong beses din akong huminto para kumain at magpahinga sandali. Gustuhin ko mang i-enjoy ang view ng bawat lugar na nadaanan ko ay hindi ko naman nagawa dahil kailangan kong magpokus sa pagmamameho.
Ilang sandali pa ay tuluyan ko ng narating ang lugar kung saan gaganapin ang photoshoot— sa Camp John Hay. Nagtipa muna ako ng mensahe kay Jela para ipaalam na nandito na ako, bago ko inayos ang pagkakagarahe ng sasakyan ko. Pagkatapos ay kinuha ko ang sling bag na naglalaman ng camera ko at bumaba.
Sinalubong naman ako ng malamig na simoy at sariwang hangin. Inaasahan ko ng magiging mas malamig ang panahon dito lalo pa at Disyembre na.
Habang naglalakad ay kinuha ko ang camera mula sa bag at sinamantala na ang pagkakataon na kuhaan ng litrato ang mga nagtataasang puno na nadaraanan ko.
Pero muntikan ko na itong mabitiwan, nang biglang maharangan ang magandang view ng nakangising mukha ni Jela. Agad na ibinaba ko naman ang hawak na camera.
“I’m glad that you made it! I thought you’ll back out,” she cheerfully said.
I gave her a bored look. Somehow, I already feel at ease with her presence. Hindi katulad noong una naming pagkikita na tila kaduda-duda ang mga ikinikilos niya. Tipong kontrabida ba ang magiging papel niya sa pagitan namin ni Travis.
But now that I think about it, I bet she wouldn’t arrange this kind of set-up if she really is, right? Maybe her intentions was real and genuine.
Though the reason on why is she doing this is the one that keeps on bugging my mind for a while now.
Natigilan naman ako nang mapansin ang lalaking kasunod niya. He actually looked familiar to me. Hindi ko nga lang maalala kung saan ko ba siya nakita.
“I’m glad to finally meet the legendary Tiffany Salazar,” nakangisi niyang aniya, habang sinusuri ako ng tingin.
Napakunot noo ako. “Legendary?”
Sa pagkakatitig ko sa kanya ay nagawa ko rin siyang alalahanin. Siya ang lalaking matangkad na kasama nila noon sa Caleruega!
“Yes, it is her. By the way, Migz, this is Tiffany.” Inilahad ni Jela ang kanang kamay sa direksyon ko, bago bumaling sa ‘kin. “Tiffany, this is Miguel Guerrero, our manager.”
Oh. So I was right back then. He’s indeed their manager. Sa tikas ng kanyang tindig at striktong aura ay hindi naman na ‘yon nakapagtataka pa.
Tiningnan naman ako ng manager nila mula ulo hanggang paa, dahilan para mapataas ako ng kilay.
Hindi naman siguro ako nagkamali ng trabaho na tinanggap? Sa paraan kasi ng pagkakahagod niya ng tingin sa ‘kin ay tila ba sinusuri niyang maigi kung papasa ba ako maging modelo.
“Can she really do it? I mean, how sure are you that Travis will somehow listen to her?” Salubong ang kilay na binalingan niya si Jela, na tila nagpipigil ng tawa na hindi ko maintindihan.
Napakurap ako nang bigla siyang nagsalita. Nakuha ko naman agad ang ibig sabihin ng tanong niya. Pero bago pa man ako makasagot ay naunahan na ako sa pagsasalita ni Jela.
“Mas sigurado pa kaysa sa magiging takbo ng karera ni Travis,” puno ng kumpiyansa niyang sabi. "If there’s someone who can make Travis shut from his rants, it was definitely her,” dagdag pa niya.
Gumuhit naman ang mapaglarong ngiti sa labi ng manager nila. “I can’t wait to see it, then.” Muli siyang bumaling sa direksyon ko. “Naipaliwanag na ba sa ‘yo ni Jela kung bakit ka nandito ngayon?”
Napatango naman ako. Nagawa naman ng idetalye sa ‘kin ni Jela ang lahat kagabi.
I am going to become Travis’ personal photographer as he stays here for almost two weeks. As such, I should accompany him on his trips and take a perfect shot of him.
“Okay. Let’s see what you can do and how far you can handle him. Let’s go.”
Tahimik naman akong sumunod sa kanila. Hanggang sa tumigil kami sa lugar kung saan magaganap ang photoshoot.
Sa Bell Ampitheater.
Hinatid muna nila ako sa tent na nakatayo rito. Nginitian ko lang ang ilan sa mga staff na bumati ng ipakilala nila ako.
“Dito ka na lang muna. Tatawagin ko muna si Travis. Siya na lang ang hinihintay namin, eh,” aniya ng manager nila na hindi maipinta ang mukha at tuluyan ng umalis.
Umupo ako sa bakanteng silya na nandito. Natanaw ko naman mula sa hindi kalayuan ang dalawang pamilyar na artista na kasama nila sa photoshoot. If I’m not mistaken, they’re a real life couple. Hindi tulad ng ibang artista ay tila balewala lang sa kanila kung napaliligiran man sila ng mga tao at camera. Siguro ay dahil matagal na rin sila sa industriya.
Nakayakap kasi si Ranzel kay Ayesha mula sa likod, habang masaya silang nag-uusap at nagtatawanan. Ang loveteam ng dalawang ito ang isa sa mga inaabangan lagi ng mga manonood na lumabas sa mga teleserye.
They’re both wearing a coat and high boots. Bagay rin ang suot na kulay puting turtleneck ni Ayesha sa kanya na may katernong maikling itim na short. Sa tingin ko ay ito na ang bagong collection ng W and Y apparel na ieendorso nila.
“Sweet, isn’t it? Ang lakas maka-out of place,” natatawang aniya ni Jela na nakatayo lang sa tabi ko.
Napalingon ako sa kanya. Doon ko lang tuluyang nabigyan ng pansin ang kulay light brown na scarf na nakapalibot sa kanyang leeg, ang suot niyang kulay peach na knitted dress at black high boots.
“Hindi ba kayo ganyan ni Travis?”
Nanlaki ang mga mata ko nang bigla siyang matigilan at natutop ko na lang ang bibig ko. Huli na para bawiin ko pa ang tinanong ko.
Stupid mouth! Bakit ba wala kang preno minsan?
Hindi nagtagal ay bigla siyang natawa at napailing. “Bakit naman kami magiging ganyan katamis? Eh, parang magkapatid lang ang turing namin sa isa’t isa.”
Napaawang ang bibig ko nang dahil sa sinabi niya. So Travis is telling the truth that night.
“Anyway, may nakalimutan pala akong sabihin sa ‘yo kahapon.” Bigla naman siyang sumeryoso, dahilan para makaramdam ako ng kaba.
“Ano ‘yon?” Hindi ko alam kung bakit, pero biglang bumilis ang pintig ng puso ko ngayon.
“Well...” kinagat niya ang ibabang labi.
Nagsisimula na akong makaramdam ng iritasyon nang dahil sa pambibitin niya. Pero kahit gano’n ay halos pigil ko ang hininga, habang naghihintay sa susunod pa niyang sasabihin.
“Only Travis will stay here for almost two weeks for his vacation. After the shoot, all of us will come back to Manila. So, you will be the only one to accommodate him on his trips. Don’t worry about your fee. We can talk about it on our manager.”
Nahigit ko ang hininga nang dahil sa sinabi niya. Sa totoo lang ay hindi ko pinoproblema ang tungkol sa magiging bayad nila sa ‘kin para sa magiging serbisyo ko. Ni hindi ko na nga naisip ‘yon.
Ang tanging bagay na gusto ko lang intindihin sa sinabi niya ay ang katotohanan na kami lang ni Travis ang maiiwan dito sa loob ng halos dalawang linggo.
Determinado akong mapagtagumpayan ang plano ko. Pero hindi ko alam kung bakit parang gusto ko na lang tumakbo palayo nang malaman na iiwan pala nila kami rito. It’s like digging my own grave.
Bago pa man ako makaalma ay naunahan na ako ng isang pamilyar na tinig.
“What the hell is she doing here?”
I was caught off guard the moment I heard his familiar voice. Slowly, I looked up just to be welcomed by his eyes that were glaring at me.
My lips thinned. Truth be told, I don’t really know how to explain to him the reason why I am here. And I am afraid that once he found out, he might just push me away again.
Though I will not allow it to happen.