Chapter 9
Tiffany
Tinaasan ko siya ng kilay. Matagal na kaming walang koneksyon sa isa’t isa. Kaya paano niyang nalaman kung saan ako lumipat?
“Don’t tell me that you’re also researching about my personal life?” I asked him again.
Halos pigil ko ang hininga, habang naghihintay sa magiging sagot niya. Ngunit nanatili lang siyang walang imik.
Sa halip ay nagulat na lang ako nang bigla na lang siyang lumapit sa kinauupuan ko at pilit na kinukuha mula sa pagkakahawak ko ang sling bag ko.
“You jerk! Lumayo ka nga sa ‘kin!”
Pilit na iniiwas ko naman sa kanya ang bag ko. Nasisiguro ko kasi na ang camera ko ang pakay niya. Ang buong akala ko pa naman ay nakalimutan na niya ang tungkol do’n.
“No! Hindi kita titigilan hangga’t hindi ko nakukuha ang camera mo at nabubura ang picture ko. Walang sino man ang may karapatan na kumuha ng larawan ko ng walang pahintulot.” Halos dumagundong sa bawat sulok ng kotse ang nanggagalaiti niyang boses.
Kung ibang tao lang siguro siya ay malamang na natakot na ako.
But he is Travis Vernon. So I won’t budge.
“You’re now a public figure. Kaya hindi maiiwasan ang mga ganitong klase ng pangyayari. You should know that. Magmula ng pumasok ka sa showbiz ay hindi mo na gano’n kadaling maitatago ang privacy mo,” depensa ko.
Marahas naman siyang napatingin sa ‘kin. “Pero hindi ibig sabihin no’n ay puwede mo ng gawin ang lahat ng gusto mo ng walang permiso ko.”
Pilit pa rin niyang kinukuha ang bag ko. Kaya para maprotektahan ito ay mabilis na itinago ko ito sa likod ko at hinuli ang magkabila niyang kamay, bago sinalubong ang masama niyang tingin.
Pero pareho kaming natigilan nang mapansin kung gaano na kalapit ang mukha namin sa isa’t isa. Nahigit ko ang hininga, nang biglang bumaba ang tingin niya sa nakaawang kong mga labi.
Sa ikalawang pagkakataon sa araw na ito ay muling nagwala ang puso ko. Nang dahil sa namamayaning katahimikan ay natatakot akong marinig niya ang malakas na pagpintig nito.
Kitang-kita ko kung paano siya napalunok na para bang nahihirapan siyang pigilan ang isang bagay. Malamig naman ang aircon. Pero hindi ko alam kung bakit tila biglang uminit ang paligid.
Ramdam ko ang pagkuyom niya ng kamao, bago siya mariing pumikit. Tila hinahabol niya ang kanyang hininga na para bang mayroong humahabol sa kanya.
Kinagat ko ang ibabang labi. Ayoko siyang nakikita na nahihirapan ng ganito. Kaya naman ay ako na mismo ang tatapos sa paghihirap niya.
It’s now or never. Kailangan ko ng tumaya para malaman ko agad kung may laban pa ba ako. Hindi ito katulad ng mga palabas niya kung saan ay maghihintay kami na mayroong magsabi ngcutkaya hawak ko ang lahat ng pagkakataon.
Nang dahil doon ay walang pagdadalawang isip na kinabig ko ang kanyang batok, dahilan para mapadilat siya at inangkin ko ang kanyang mga labi.
Kitang-kita ko kung paanong nanlaki ang kanyang mga mata, bago ko ipinikit ang akin. Napasinghap din siya dala ng pagkagulat. Because of that, I have his lower lip in between mine.
Nagpatuloy lang ako sa ginagawang paghalik sa kanya, hanggang sa hindi nagtagal ay naramdaman ko na ang paggalaw ng kanyang mga labi.
I can’t help but smirk in between our kiss. Somehow, it made my hopes high that there is still a chance for the two of us.
Ngunit nagulat na lang ako nang tila napapasong bigla siyang lumayo sa ‘kin. Bakas pa rin ang magkahalong gulat at kalituhan sa kanyang mga mata.
“Travis—”
“Whatever it is that you’re planning, I’ll make sure that you will not succeed.” His jaw clenched.
Napatungo naman ako. “I just want you to forgive me.”
Pagak siyang natawa. “Forgive you? So it means that you went all this trouble just for me to forgive you?”
Gusto ko sanang sabihin na hindi lang naman ‘yon ang dahilan. Pero hindi ko nagawang umimik.
“Get out.”
Napaangat ako ng tingin sa kanya. “But—”
“I said out!”
Halos mapatalon ako sa gulat nang dahil sa lakas ng kanyang boses. Kaya naman ay dali-dali akong lumabas at walang lingon likod na tumakbo ako papasok sa bahay.
Pagkasara ko ng pinto ay doon ko lang tuluyang naramdaman ang pangangatog ng tuhod ko, dahilan para unti-unti akong mapaupo sa sahig na tila nauupos na kandila. Napatingin ako sa kawalan hanggang sa sunod-sunod na bumagsak ang luha mula sa ‘king mga mata na kanina ko pa pilit na pinipigilang kumawala.
Travis is still mad at me and I can’t blame him for that.
But I won’t give up. Especially not now. And I’m more than willing to swallow my pride just to get everything right from what happened that night.
*****
Hindi ko alam kung ilang minuto na ba ang lumipas magmula ng magmulat ang mga mata ko at mapatitig sa kisame. Ni hindi nga ako sigurado kung nagkaroon man lang ba ako ng matinong tulog nang dahil sa mga nangyari kahapon.
Napanguso ako. Tinatamad akong bumangon at kumilos. Mabuti na lang at kahit papaano ay wala naman kaming schedule ng photoshoot ngayong araw.
Ewan ko ba. Pero parang ang bigat lang ng pakiramdam ko ngayon. Bukod ro’n ay tila eksena sa pelikula na paulit-ulit na naglalaro sa isip ko ang ginawa kong paghalik kay Travis kagabi. Wala namang ibang tao sa paligid ng mga panahon na ‘yon. Pero mabuti na lang din at kahit papaano ay tinted ang salamin ng sasakyan niya.
Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin lubos na maunawaan kung saan ko ba hinugot ang lakas ng loob ko para gawin ang kapangahasan na ‘yon.
I was contemplating my thoughts and when I finally decided to stay on my bed a little longer, the doorbell suddenly rang. It made me back to my senses and set aside my thoughts for a while. Curious about who might pay me a visit this early morning, I immediately got up and went outside my room.
Pagkabukas ko ng pinto ay napanganga na lang ako nang makita ang lalaking kumuha ng sasakyan ko kagabi na nasa labas ng gate. Nakahinto naman sa likod niya ang kotse ko.
Niluwangan ko ang pagkakabukas ng pinto at dali-dali siyang nilapitan para pagbuksan ng gate. Sa totoo lang ay hindi ko masyadong inintindi ang mga sinabi ni Travis kagabi na sila mismo ang maghahatid ng kotse ko rito sa oras na maayos nila ito.
But now that he’s actually in front of me with my beloved car, I just can’t believe it!
“Here is your key. Wag kang mag-alala dahil maayos na ang kotse mo at maingat ang ginawa kong pagmamaneho papunta rito.” Inabot niya ang susi ko na agad ko namang tinanggap.
Wala sa loob na napatango ako. Bukod sa hindi ako makapaniwalang hinatid nila mismo rito ang kotse ko ay masasabi kong mabilis din ang naging serbisyo nila sa sasakyan ko.
“Thank you. Nakakatuwa naman dahil nagawa n’yo agad ayusin ang problema sa kotse ko. Sa iba kasi ay ilang araw pa ang binibilang bago ko makuha.” Nginitian ko siya.
Napakamot naman siya sa batok. “Travis instructed us to repair your car as soon as possible. That’s why we did everything we can to finish it overnight.” Natawa naman siya, bago napailing na para bang mayroon siyang biglang naalala.
Kumunot ang noo ko nang dahil sa labis na pagtataka. “He did?”
Napatango siya. “Yeah.”
Kinagat ko ang ibabang labi. Mukhang kahit sa ibang tao ay nakasanayan na niya ang mag-utos na dapat masunod sa lalong madaling panahon.
Natigilan naman ako nang may biglang maalala. Wala pa nga pala akong naaabot na bayad sa kanya.
“Wait. I’ll just get my wallet.” I was about to turn around when he speaks again.
“No need. Everything has been taken care of Travis.” He smiled. “We’ll go ahead now.”
Napamaang lang ako sa kanya hanggang sa tuluyan na siyang mawala sa paningin ko. Sumakay siya sa isang kotse na sa tingin ko ay nagsilbi niyang convoy papunta rito.
Humigpit ang pagkakahawak ko sa susi. Ano bang akala ni Travis sa ‘kin? Walang pambayad?
Nagmamartsang pumasok na ako sa loob ng bahay. Sakto namang naabutan ko ang cellphone na nakapatong sa ibabaw ng kama na tumutunog kaya agad na sinagot ko ang tawag.
“Hello?”
“Thank God you finally answered! What the hell did happen to you yesterday? You didn’t turn off your phone just like what I told you, but you’re not answering my calls either. If it’s not just because of that blind date, I would have come over there to check you!”
Natampal ko na lang ang noo ko nang marinig ang nag-aalalang boses ni Jairus. Sa totoo lang ay nakalimutan ko nga siyang kontakin kagabi para sabihin na nakauwi na ako. Hindi ko naman nagawang sagutin ang mga tawag niya dahil hindi ko rin alam ang dapat na sabihin sa kanya. Nabanggit ko pa kasi sa kanya na nagkita ulit kami ni Travis, pero hindi ko na siya nasagot pagkatapos no’n.
Bago pa man ako makapagsalita ay bigla ulit siyang humirit.
“Tell me everything I need to know over a cup of coffee. I’ll be there in an hour, so get ready.”
Napanganga na lang ako nang bigla niya akong babaan ng tawag. Mukhang hindi ako makakapagmukmok maghapon sa bahay ngayon katulad ng orihinal kong plano.
Well, I guess I really need a cup of hot coffee right now.
Mabilis naman akong nag-asikaso. Pagkalipas ng isang oras ay narinig ko na ang paghinto ng kanyang sinasakyang motor sa tapat ng bahay ko at ang muling pagtunog ng doorbell. Agad na kinuha ko ang sariling helmet na nakahanda na sa tabi ko, bago tumayo mula sa pagkakaupo ko sa sofa at binuksan ang pinto.
Mabuti na lang din talaga at sinundo ako ng loko. Kahit papaano ay makakampante ako na makakapagpahinga ang kotse ko ng mahaba-haba.
Pagkalabas ay dali-dali kong kinandado ang pinto at gate, bago isinuot ang helmet ko at umangkas sa nakatigil niyang motor. Nang masiguro niyang kumportable na ako sa kinauupuan ko ay agad niyang pinasibad ang motor paalis.
Kampante naman ako sa tuwing angkas ako ni Jairus dahil maingat siyang magmaneho. Mas kinakabahan pa nga ako kapag mag-isa lang siya dahil mas mabilis siyang magmaneho sa mga gano’ng klase ng pagkakataon.
“Kailan mo ba balak magsakay ng ibang babae rito bukod sa ‘min ni Tita Jen?” tanong ko pagkahinto namin ng dahil sa traffic light.
“Can’t you just be thankful because you have the special privilege to ride on my baby?” ganting tanong naman niya.
Natawa na lang ako. Well, sa pagkakaalam ko ay may iilan na rin naman siyang napagmagandahang loob na ihatid gamit ang motor na ‘to.
Sadyang ako lang talaga ang mas madalas niyang maging pasahero. Willing naman akong maging pasahero niya lagi dahil nakakatipid ako sa gas at sa oras na rin dahil hindi hamak na mas mabilis naman talaga ang biyahe kapag nakamotor kumpara kapag kotse ang gamit ko.
“Ang sungit mo naman! Ganyan ba kapag NGSB?” biro ko pa sa kanya.
Imbis na umimik ay nagulat na lang ako nang bigla niyang paandarin ang motor nang mabilis, dahilan para mapayakap ako sa kanya. Kulay berde na pala ang signal light.
“Hoy! Wag mo naman masyadong bilisan! Pakiramdam ko ay naiiwan ang kaluluwa ko!” malakas kong sigaw sa kanya.
Ang akala ko ay hindi niya narinig ang sinabi ko dahil tila kinain lang ng hangin ang boses ko. Pero nakahinga ako nang maluwag nang maging normal na ulit ang bilis ng pagpapatakbo niya.
“Mas okay na maging NGSB. Kaysa naman sa iba riyan na nahanap nga ang taong mamahalin pero pinakawalan lang. Tapos biglang magsisisi at maghahabol sa huli.”
Okay. That’s below the belt. Isa lang ang naging tanong ko sa kanya pero ang haba ng naging rebutt niya.
Hindi na ako umimik. Pero ilang minuto pa ang dumaan ay napakunot noo ako nang mapansin na nilampasan lang namin ang coffee shop na madalas naming tinatambayan.
“Hey! Where the hell are we going?” I asked, confused.
“Aside from drinking coffee, I want to breath some fresh air as well.”
Kahit hindi ko naintindihan ang naging sagot niya ay nanahimik na lang ako. Sa ngayon ay nanamnamin ko na lang muna ang gaan sa pakiramdam ng biglaan naming roadtrip.