Chapter 17
"What are you doing here?"
Hindi ko ito nilingon at tanging tinitigan ang buwan. Ang gandang pagmasdan ang buwan.
Kumikinang at tila nakangiti na para bang walang problema.
"Ang ganda ng buwan, 'no?" wala sa sariling sabi ko.
Even if I don't say how beautiful the moon is, it's still beautiful.
"Yes... Beautiful indeed," he said in a low voice.
I smiled. If Hercules and I hadn't separated, would we be happy now? And maybe our son is here.
Walang pagdudurasang naramdaman naming dalawa at tanging masasayang alaala lang ang ginagawa namin habang kasama ang mga anak naming dalawa.
I looked at him. I devoured, I caught him looking at me and when I glanced at him again, he was still looking at me.
"Bakit gising ka pa?" Tanong ko sa kaniya.
I looked down at his hand holding a glass. I think he's drinking.
Tila alam ko na ang sagot kaya kaagad na umiwas ako ng tingin sa kaniya.
"Kumusta ang pagbisita rito ni Lorraine." When I arrived here at the mansion earlier, Lorraine was gone already.
I asked Tiya Susan where is Lorraine. Ang sagot naman nito ay umuwing umiiyak si Lorraine at hindi alam kung bakit umiiyak.
Alam kong may ginawa si Hercules kaya ganoon na lang ang nangyari na umuwing luhaan si Lorraine.
He didn't answered, he just give me an annoyance looked. Napailing na lang ako dahil sa kaniyang inaasta.
"How about you? Saan ka nanggaling? Hinahanap kita pero wala ka naman," matigas na sabi niya habang mariin ang tingin sa akin.
Napaiwas ako ng tingin dahil sa kaniyang sinabi.
"Nag-volunteer ako na ang bumili ng grocery. Maraming ginagawa si Manang," sabi ko.
Kahit naman magsinungaling siguro ako ay malalaman niya pa rin iyon. Pero ang pagpunta ko sa puntod ng anak ko ay hindi niya puwedeng malaman iyon dahil nga wala pa siyang naaalala.
Kahit gusto kong madaliin na makaalala siya ay hindi puwede dahil baka kapag pinilit ko siya ay mas lalong hindi niya maalala ang nakaraan.
Everything can be resolved, but for us, it is ambiguous what can be resolved if the person you love has hurt you.
Bahagyang napaigtad ako ng may humawak sa pisngi ko kaagad na napaatras at mabilis na tinampal ang kamay ng kung sino iyon.
I saw Hercules frowned because of what I did. His eyes seemed to be asking questions while looking at me. I looked away from him and sighed.
"You're still avoiding me. Ano bang nagawa kong mali para iwasan mo ba ako? Tell me para magawan ko ng paraan," he said.
Natigilan ako sa kaniyang sinabi kapagkuwan ay mapait na na napangiti.
Kapag sinabi ko ba iyong totoo magagawan mo ba ng paraan?
Everything can be resolved, but for us, it is ambiguous what can be resolved if the person you love has hurt you.
"Hindi naman kita iniiwasan, ah? At saka ano ka ba inutusan lang ako ni Tiya," natatawang sabi ko.
Hindi ito sumagot at mariin akong tinitigan.
"Then come closer to me, Talitha..." I saw how he lick his lips and brush his hair using his long fingers.
Napalunok ako dahil sa ginawa niya, simpleng galaw lang iyon pero ang lakas nang dating sa akin.
Pero kaagad ko rin iniwas ang tingin sa kaniya. Hindi ako puwedeng magpadala lang sa simpleng galaw niya.
"Paano kung ayaw ko?" I raised my brows while staring at him.
Ngumisi siya. "Then I'll be the one who closer to you if you don't want."
Parang may bumara sa lalamunan ko at tila hindi ako makagalaw. Humakbang siya paplapait sa akin at mabilis na hinapit ang baywang ko. Dapat ay pinipigilan ko siya na makalapit sa akin pero eto ngayon ay hawak-hawak niya ako.
"L-Let me go, Hercules... I-I'm going to sleep now," i uttered. I suddenly bit my lips when he leaned forward.
Halos maduling na ang mata ko dahil sa lapit ng mukha naming dalawa. Nagkabanggaan na ang noo naming dalawa.
"What if i dont want to? What will you do, baby? Hmm?" he smirked and mouthed.
Hindi ko dapat hinahayaan na malapit ang mukha naming dalawa. Hindi ko hinayaan dapat na walang distansiya kaming isa't isa pero parang isang salita niya at lapit sa akin ay parang natutulos na ang katawan ko dahil magkalapit na katawan namin.
"H-Her-" bago ko pa mabanggit ang buong pangalan niya ay sinakop na niya ang labi ko. May pag-iingat at mariin ang paghalik nito sa akin. Kinagat nito ang ibabang labi ko ng hindi ako tumugon sa halik niya.
Hindi ko alam pero kusang tumulo ang luha na gusto ng kumawala sa mata ko.
Isang halik ang siyang nagpahina sa akin. Ang mapupulang labi niya na sobrang miss ko sa kaniya.
Namumungay ang kaniyang mata ng bitawan niya ang aking labi. Muli niyang idinikit ang pinagdikit ang mga noo naming dalawa.
"I... I miss you..." he whispered. "So damn much."
Hindi ko alam kung anong oras na ako nagising basta ang alam ko lang ay payapa akong nakatulog katabi si Hercules.
Kahit paggising ko ay tulog din siya habang katabi ko. Nakapulupot ang kaniyang mga braso sa aking baywang. Habang ang kaniyang ulo ay nakasiksik sa leeg ko kaya ramdam ko ang kaniyang hininga.
Naalala ko pa ang nangyari kagabi. Hindi ko namalayang tumugon muli ako sa kaniyang halik. Hindi ito ang gusto kong mangyari para sa akin pero iyong puso ko hindi masunod-sunod na iwasan siya.
Dahan-dahang inalis ko ang kaniyang braso na pinulupot niya sa aking braso at ang binti niya. Kaagad na bumangon ako at nilisan ang kaniyang silid.
Kaagad na nagtungo ako sa kuwarto ko at nag-ayos. Kailangan ko siyang paghandaan ng pagkain at susuotin niya dahil may trabaho pa siyang kailang asikasuhin.
Maingat na binuksan ko ang pinto ng kuwarto niya at mahinang sinara ang kaniya silid. Narinig ko ang tunog ng shower sa banyo niya. Sigurado akong siya iyon dahil wala na siya sa kama, magulo ang kama at walang sabing nilisan ang kama.
Naparolyo ako sa aking mata bago nagtungo sa kaniyang kama at inayos iyon. Kahit sa paglilinis ng higaan ay hindi marunong ayusin.
Nang matapos ako ay sa walk in closet ako nagtungo para hanapan siya ng kaniyang susuotin.
Nakangiti at maingat na nilapag ang kaniyang susuotin para hindi magusot. Bahagyang napatili ako ng may pumulupot na braso sa baywang ko.
"Hercules!" Tili ko
He chuckled at my ears. "Good morning, baby..."
"Bitawan mo ako," inis na aniya.
Tinawanan niya ako bago ako bitawan. Inis na nilingon ko siya bago irapan.
"Nakahanda na ang damit mo, bumaba ka nalang at kumain bago umalis," sabi ko sa kaniya at sabay nilagpasan siya.
Hindi ko na ito hinintay na ang magsalita at basta na lang siyang iwan doon. Naglapag naman ako ng pinggan para sa kakainan niya.
Napatingin ako sa entrada ng kusina nang makita kong pumasok siya. He smiled at me pero hindi ko iyon sinuklian ng ngiti.
"Can you come with me?" Napakunoot ang noo ko dahil sa kaniyang sinabi.
"Saan ba?" Tanong ko sa kaniya.
"Company," he simply said.
Mabilis na umiling ako sa kaniyang sinabi. Ayoko na muling tumapak doon dahil baka nandoon lang din si Ylona.
Natapos ang pagkain naming dalawa. Kahit sa pag-alis ni Hercules ay hindi pa rin niya ako tinantanan na sumama sa kaniya.
Napatigil ako sa pag-akyat patungo sa kuwarto ko ng makita ko si Tiya na nagmamadaling bumaba habang may hawak na folder.
Kanina pa nakaalis si Hercules kaya mapayapang makakakilos na ako ng mabuti at makapagpapahinga.
"Tiya, nagmamadaling ata kayo?" Tanong ko sa kaniya.
"Talitha, puwede mo bang dalhin ito kay Hercules? Anito at sabay lahad sa akin ng folder na hawak niya.
Bumaba ang tingin ko roon at malalim na napabuntong hininga.
"Kailangan iyan ni Hercules ngayon dahil may meeting siya sa board member," she said again.
Nanadya ba talaga ang panahon ngayon o hindi? Dahil kapag oo, makakahampas ako ng tao ngayon.
Ilang ulit akong napabuntong hininga bago ako umakyat para maligo sa silid ko at para na rin maihatid ko ang folder na ito.
Kahit hindi inaasahang makikita muli ako ng guwardiya ay binati pa rin ako nito at pinapasok.
Diretso-diretsong naglakad ako patungo sa elevator para sumakay. Napatigil ang mga taong sumasakay sa elevator nang makita nila ako kaagad na yumuko sila tanda ng paggalang.
Pilit na ngumiti ako. It's been a years since ganito ang nangyari kapag pumupunta ako rito sa kompanya para bisitahin siya o kaya naman isama niya ako rito.
Pinasabay ko silang sumakay sa akin para sabay-sabay kaming umakyat patungo sa kanilang trabaho habang ako naman ihatid itong hawak ko.
Napailing na lang ako dahil rinig ko ang bulungan ng katabi ko. Hindi ko alam kung matatawag pa bang bulong iyon o hindi.
Unti-unting nagkaroon ng espasyo ang elevator ng bumukas na ang elevator kung saang department naka-assign ang mga employee na rito.
Napangiti ako ng ako na lang tumunog na ang elevator tanda na rito na ako sa opisina niya.
Buong floor ay sakop ni Hercules. Nasa malayo pa lang ay tanaw ko na ang kaniyang secretary na tila may hinahanap.
"Hi, George!" I greeted.
Mabilis itong napalingon sa akin at bahagyang namilog ang kaniyang mga mata.
"Talitha!" Tili nito sa aking pangalan.
Tumakbo ito papalapit sa akin at dinamba ako ng yakap. Si George ay isa sa mga naging kaibigan ko rito sa kompanya ni Hercules.
Tuwing bumibisita ako rito ay siya ang nakakausap ko habang nagtra-trabaho siya o kaya naman kung may meeting si Hercules.
"Ang tagal kitang hindi na kita, Talitha? Totoo bang hiwalay na kayo ni Boss o echos lang iyon?" Tanong nito
Natigilan ako dahil sa kaniyang sinabi. Hindi ko ata kayang sagutin ang kaniyang tanong sa akin. Iniwas ko ang tingin sa kaniya.
"Narito ba si Hercules? Ibibigay ko lang sa kaniya ito," sabi ko sabay pakita sa kaniya ng hawak ko.
"Mabuti na lang at nagtungo ka rito! Hinahanap iyan ni Boss at mainit ang ulo niya ngayon."
Napalabi ako sa kaniyang sinabi.
Ano naman nangyari sa damuhong iyon at mainit ang ulo?
Ngumiti ako. "Ako na lang ang magdadala sa kaniya nito. Nasaan ba siya?"
"Sigurado ka ba? Naroon siya sa conference room," sagot niya.
Tumango ako at nagpaalam na sa kaniya. Nakangiting tinungo ko ang conference room.
Kumatok ako ng dalawang beses bago ko buksan iyon. Natigil ang pagsasalita ng nasa harapan ng mapatingin ito sa gawi ko kaya kaagad na sa akin napunta ang atensyon nila.
Iginala ko ang tingin ko para hanapin si Hercules. Nawala ang ngiti sa labi ko ng makita ko si Ylona na nakatingin sa akin habang nakataas ang kilay.
Naglakad ako patungo kay Hercules na nakaawang ang mga labi habang nakatingin sa akin.
Hindi ata nito inaasahang pupunta ako rito. Naiilang na ngumiti ako sa kaniya at nilahad sa kaniya ang folder.
"Nakalimutan mo," mahinang sabi ko.
"T-Thank you..." he said, almost stuttering. Tumango naman ako. "Wait me in my office."
Kahit ayaw kong pumayag ay tumango na lang ako sa kaniya. Sa office niya ako naghintay doon.
Nagbabasa ako ng magazine about sa kaniya ng bumukas ang pinto ng office niya. Akala ko si Hercules iyon pero hindi para it's Ylona na ngayon ay masama ang tingin sa akin.
"Who told you to come here?" She asked
"Hindi naman ako pupunta rito kung hindi kailangan," mahinang sabi ko.
Ayokong makipag-usap sa kaniya dahil baka sa iba lang ito tutungo ang pag-uusap niya.
"Then what are you doing here? You should leave now," she said.
Ngumisi ako. "Hihintayin ko pa si Hercules."
Siya naman ngayon ang ngumisi sabay tinaasan ako ng kilay.
"Do you think if Hercules doesn't have an amnesia, do you think he will like this?" Natigilan ako dahil sa kaniyang sinabi.
Tama siya. Kung bumalik na ba ang memorya niya ay ganito pa rin ba ang pakikitungo niya sa akin.
Natigalgal ako dahil sa kaniyang sinabi. Hindi ako makapagsalita. Sino nga ba ako para tratuhin ng Tama? Sino ba ako? Isa naman akong hamak na simpleng tao na pinakasalan niya.
"Don't expect to much from my son. He just can't remember so he need you right now. If you're expecting from him again it will be your downfall..."
Parang nanghihina ako dahil sa kaniyang sinabi. Tama siya. It will be my downfall kung aasa pa ulit ako sa taong hindi makaalala.
Kahit alam ko sa sarili ko na ito na Ang kahitnatnan ng ginawa ko ay hindi ko pa rin maiwasan masaktan para sa sarili ko.