Chapter 2

RHAIVEN’S POV

“Pasensiya na ho, Sir, ito lamang po ang kayang ipahiram ni Gino na damit senyo. Pero,’wag po kayong mag-alala, bagong-bago po iyang underwear. Hehehe.” Ani Ate Marie ng ialok nito ang mga personal na gamit sa’kin.

Naroon ang ilang damit at short pati na rin ang ilang underwear. Hindi naman ako gano’n kaarte sa damit. Sapat lamang na may magamit ako ay okay na yun sa’kin.

“I understand.” Tipid kong sagot at kinuha ang kaniyang mga alok. Nagpasalamat ako sa kaniya. Nginitian naman niya ako bago tuluyang bumalik sa kwarto nila ng kasintahan.

Akala ko walang konsiderasyon at puso ang Kuya ni Haila. Marunong rin palang umunawa ang asungot na ‘yun. Lakas pa ng loob niyang awayin ako kanina e siya naman itong ayaw magpauwi sa’kin dahil gabi na. Tss. Engot talaga.

Kasama ko rito sa sala sina Lola Sonia at Tito Miguel. Busy sila sa pag-uusap at nanatili nalang ako na tahimik. Hinihintay ko kasi yung yaya ko. Hinatid niya si Criza na kaibigan dahil lumalalim na daw ang gabi. Niyaya pa niya ako na sumama kanina pero tinamad ako. Hinayaan ko nalang na ihatid niya si Criza. Diyan lang naman sa kabilang bahay nakatira ang babae. At isa pa, baka pagchismisan ako ng mga tao riyan sa kabila.

Nalaman ko na tagabantay si Criza sa Lola Sonia nila kapag gano’n na pupunta sila sa trabaho. Ipinagkatiwala ni Haila sa kaibigan ang pag-aalaga sa matanda. Hindi naman daw humihingi ng pera si Criza sa kaniya. Ginagawa niya daw ‘yun para matulungan siya. Magkababata sila at noon pa man ay malapit na si Criza sa matanda.’Yun ang ipinagpapasalamat ni Haila sa lahat. Napakabait ni Criza na kaibigan. Naalala ko tuloy sina Luis pwera sa asungot na Kenneth. Lol!

Habang hinihintay ko siya ay tumunog ang selpon ko. Maingat akong lumayo sa gawi ng dalawang nag-uusap. Ibinaba ko muna sa mesa ang mga damit na ipinahiram sa’kin. Pumaroon ako sa kusina at sinagot ang tawag na mula sa aking kapatid.

“Kuya, where are you? Kanina pa kita hinahanap rito sa mansyon. Pati si Ate Haila ay wala. Don’t tell me, nagtanan na kayo?”Ramdam ko sa boses ni Rhaivee ang inis. Nalimutan ko palang magpaalam sa kaniya lalo na sina Mommy.

“Anong tanan na sinasabi mo diyan? Tss. Narito ako ngayon sa probinsiya kasama ang ate Haila mo. Sinamahan ko lang siya.” Paliwanag ko sa kaniya.

For sure magtatanong na naman siya. Hindi na naman mapuputol na tanong ang gagawin ng magaling kong kapatid. At hindi lang ‘yun, pag-iisipan na naman niya ako ng masama. As if naman kung masama akong tao. Tss.

“So, nagtanan na kayo? Psh! You’re so bad, Kuya, hindi ka manlang nagsabi sa’kin. Ganiyan ka na ngayon ah.” Narinig ko pang bumuntong hininga ang yawa. Nagdradrama na naman siya.

“Tumawag ka lang ba para dramahan ako, Rhaivee?” Inis na singhal ko sa kaniya. Ayoko pa naman sa lahat is yung drinadramahan ako. Lalo na ang isang ‘to na ubod ng kaartehan. Bakit ba hindi ako sanay sa ugali niya? Psh!

“Ito naman ang sungit. Napatawag lang naman ako dahil nag-aalala ako sa inyong dalawa. Bakit ba kasi kayo nandyan? Andaya mo, Kuya, ba’t dimo manlang ako sinama?”

Sumagot si Rhaiven.” Kailangan daw siya ng Lola niya kaya sinamahan ko na. Hindi na’ko nakapagsabi sayo dahil nagmamadali kami kanina. Kapag tatawag sina Mommy ikaw na bahalang magpaliwanag sa kanila. Uuwi naman ako ng buo kaya wag kang mag-alala.”

“Naks! Baka naman nagpapakitang gilas ka na sa pamilya ni Ate. Yieee!”

“Tss.”

“Good yan, Kuys, para naman maunahan mo si Kuya Kenneth. Hahaha!”

Alam ko naman na suportado ang kapatid ko sa’kin kaya natutuwa ako. Hindi naman ako magkakagusto kay Haila kung hindi matabas ang dila niya noon na todo biro sa’kin. Well, kahit hindi ako ipush ni Rhaivee no’n ay magkakagusto pa rin ako kay Haila. Lol.

“Wala akong panahon para diyan, Rhaivee. Itext mo’ko kapag makakauwi sina Mommy ngayong Christmas break.”

“Gosh! Hindi ka pa ba sanay kina Mommy, Kuya, normal na araw sa kanila ‘yung Christmas day, okay? Hindi na ako magtataka kung hindi sila umuwi. This is not the firstime na hindi natin sila makasama sa Christmas at New Year’s Eve no.”

Tama si Rhaivee, hindi palauwi sina Mommy sa mga special occasions. Okay lang na hindi sila umuwi sa ibang occasions wag lang sa birthday namin ni Rhaivee. Para kasi sa kanila, business is more important than occasion. Well, sanay na kaming magkapatid. Imbes na magcelebrate kami ng magkasama ay nagkakanya-kaniya kami. Pumupunta ako sa mga barkada ko at gano’n rin siya. Gano’n kami magcelebrate ng Christmas kapag wala ang parents namin. Hindi naman kami nagtatampo kapag hindi nakakauwi sina Mommy. We understand them at nagagawa naman namin lahat ng gusto namin kapag gano’n.

“Nextime na’ko magkwekwento sa’yo. Ingat ka nalang diyan. Tawagan mo ko kapag ka may kailangan ka, okay? Bye.” Binaba ko na ang tawag at ibinalik sa bulsa ko ang selpon.

Ayokong pag-usapan ang tungkol sa pag-uwi nina Mommy. May parte kasi sakin na naiinis sa kanila. Minsan kasi ay hindi na nila kami mabigyan ng oras. Lagi nilang sinasabi na para samin lang din ang pagtratrabahong ginagawa nila. I don’t have the right to stop them. Naibibigay naman nila lahat ng gusto namin. But the only thing we want from them is time and attention. Alam naman namin na mahirap nilang ibigay ‘yun samin.

“Sorry, Sir, natagalan.” Ani Haila ng dumating na siya. Nakuha niya ang atensyon naming lahat. Sakto rin na lumabas sina asungot na Gino at nobya nito.

“It’s okay.” Sagot ko. Kinuha ko ang mga damit na binaba ko kanina sa mesa. Nagpaalam si Haila na ipagtimpla ako ng gatas. Hindi na ako umangal pa dahil hindi ako makakatulog pag ‘di ako uminom nun. Sanay na sanay akong uminom ng gatas bago matulog.

Tahimik nalang ako na naupo sa pang-isahang upuan habang nag-uusap sina Tito Miguel. Nakinig nalang ako at walang balak makisabat pa. Hindi naman nakaligtas sa paningin ko ang masama tingin ng asungot na Gino. Para niya akong papatayin sa mga tingin niya. As if naman may pake ako. Tss.

“May pasok ako ngayong gabi sa trabaho na binigay ng Ninong mo Ariel kaya ikaw na muna bahala dito, anak. At kayong dalawa ng nobya mo ay sa kwarto mo mahihiga, Gino.” Rinig kong tugon ni Tito Miguel.

“Ako na bahala sa kanila, Pa, sa laki pa naman ng mga muscles ko.” At ipinakita pa ang mga biceps niya na akala niya siguro kalakihan. Napailing ako at gusto kong matawa pero pinigilan ko.

Hindi ko pala alam kung saan ako hihiga. May tatlong kwarto ang munti nilang bahay. May isa malapit sa kusina at dalawa sa may sala. Hindi naman gano’n kalakihan ang mga kwarto. Hindi naman ako magrereklamo kung saan ako mahiga basta makatulog lang ng maayos. At syempre may electric fan dahil ramdam ko ang init.

“E, itong amo ni Haila, sa’n matutulog?” Dinuro pa ako ng asungot. Napailing ako dahil mukhang inaasar niya ako sa mga tingin niya.

Bumalik si Haila na may dalang baso ng gatas. Tumabi sa’kin at ibinigay ang dalang baso.

“Sa kwarto ko siya matutulog, Kuya. Okay lang naman sa’kin kung dito ako sa sala mahiga e.” Komento ni Haila.

Nagulat naman ako kaya kinalabit ko siya. Sinenyasan na hindi ako payag sa gusto niya. Ayokong magpaspecial treatment dito at bawas pogi points ‘yun kapag nagkataon.

“Hindi. Ako nalang mahihiga dito sa sala at do’n ka sa kwarto mo. Bigyan mo lang ako unan at kumot, okay na ‘yun sa’kin.” Ani ko.

“Naku! Hindi na, Sir. Hindi ka sanay mahiga sa sala kaya ako na. Mas sanay ako sayo e.” At kinindatan pa ako. Alam ko naman na sanay siya pero nakakahiya.

“Para walang away, ako na magdedesisyon.” Ani ni Lola Sonia. “Hijo, okay lang ba sa’yo kung tabi kayo ni Haila sa kama? Sa kwarto niya lang kasi ‘yung may maayos na kama e. Okay lang ba sa’yo?”

“Po?” Gulat na ani ko. Tama ba ang narinig ko? Tinanong ako ng matanda kung okay lang na tabi kami ng apo niya sa kama? Pero bakit? Hindi ba siya nag-aalala sa kapakanan ng apo kahit pa man malayong may gawin ako rito? Yawa! Totoo ba ‘to?

“Lola, anong sinasabi niyo diyan? Payag kayo na magtabi sila sa iisang kama? Aba! Hindi ‘yun pwede.” Pigil ng asungot niyang Kuya.

“E, nakakahiya kung sa papag lang mahiga iyang amo niya. Mahiya ka naman, Gino.”

“Pero lola, ampanget tignan. Paano nalang kung galawin niya ang bunso? Naku! Magkakamatayan kami kung gano’n.”

“Kuya, tumigil ka nga.” Sita ni Haila sa kapatid nito’t pinagdilatan pa niya.

“Hindi ka naman siguro gano’n, Hijo?” Tanong ni Tito Miguel sa’kin.

“Of course not, Tito.” Mayabang na sagot ko. “Di naman ako gaya ng asungot niyong anak e.” Bulong ko. Narinig ‘yun ni Haila kaya kinurot niya ang braso ko. Totoo naman kasing nagmumukhang rapist ang Kuya niya kesa sa’kin.

“Ano ‘yun? May sinasabi ka, Hijo?”

“Wala po, ang sabi ko po, diko kayang pagsamantalahan ang anak niyo.”

“Mabuti naman kung gano’n. Ikaw ba, Haila, anak, okay lang ba sayo?”

“Walang problema sa’kin, amo ko naman siya e.” Sagot niya pero hindi manlang tinapunan ng tingin si Tito. Galit nga talaga siya.

“Tss.” Singhal ni Asungot kaya sinita siya ng nobya na nasa tabi nito. Binelatan ko ito at siya lang ang nakakita. Sarap asarin ang ulul.

“O siya, magsitulog na tayo, lumalalim na ang gabi.” Tugon ni Lola Sonia. At inalalayan siya ni Haila na tumayo.

“Mauna na ako baka malate ako sa trabaho ko e.” Paalam ni Tito. Nagmano siya sa ina at naghabilin sa asungot niyang anak na masama pa rin ang tingin sa’kin. Inirapan ko nalang ito para mainis pa lalo.

“Mag-iingat ka, Miguel, lalo at gabi na.”

“Opo, Inay.” At lumabas na ito ng bahay. Tinulungan ko naman si Haila na akayin si Lola Sonia papasok sa kwarto nito.

“Hoy!” Tawag ni Asungot kaya napatingin kami sa kaniya. Naghandgesture ito ng eye-to-eye sa’kin. Napailing nalang kami ni Haila. Paranoid talaga ang asungot.

“Ate, akayin mo na nga lang si Kuya sa kwarto niyo. Baka kulang lang ‘yan ng tulog kaya ganiyan. Psh!” Singhal ni Haila.

“Hoy! Bunso, mabuti ng takutin natin iyang amo mo para matakot gumawa ng mali no.” Pilit siyang inaakay ni Ate Marie pero nagpupumiglas ang asungot. Tss.

“Gino, tara na.”

“Teka lang, pagsasabihan ko pa ang lalaking yan e.” Pagtutukoy sa’kin.

“Hay naku, apo, mukha namang mabait si Rhaiven kaya wala ka dapat ipag-alala.” Sabat ni Lola Sonia. Nakaramdam naman ako ng tuwa dahil nakikita pala nito ang pagiging goodboy ko.

“Lola naman, kampi ka sa’kin ‘diba?”

“Ewan ko sayo, Gino. Itulog mo na yan.” At nagpauna na si Lola na pumasok sa kwarto niya. Sumunod naman si Haila at ako ay pinagkrus ang mga braso na tumingin kay asungot.

“Blehhh.” Asar ko sa kaniya.

“Talagang-----”

“Jusmiyo! Gino, tara na nga.” Pilit siyang inaakay ng nobya nito.”Pasensiya na ho, sabog lang talaga.”

“Mukha naman po, Ate. Hahaha!”

“Di pa tayo tapos.”rinig ko pang sigaw ng asungot ng papalayo na sila. Natawa nalang ako. Pakiramdam ko kasi ay natalo ko ang Gino na ‘yun. Sarap tuloy tumawa. Hahaha!

“Inumin niyo na po ‘yung gatas, Sir, para makahalfbath na kayo.” Sulpot ni Haila sa likod ko. Naihatid na pala niya si Lola at hawak na nito ang baso ng gatas na inilapag kanina sa mesa.

Kinuha ko ito sa kaniya at mabilis na ininom lahat. Pinanood ko siyang pumaroon sa kusina upang hugasan ang nagamit na baso.

“Hoy!” Tawag ko sa kaniya dahil abala ito sa paghuhugas. Sumandal ako sa pader na malapit sa gawi niya. Maganda talaga siya kahit nakatalikod. Crush naman. Hahaha!

“Hmm? May kelangan ka pa, Sir?”

“Dimo sinabi sa’kin na gusto mo pala akong katabi sa kama. Hahaha!” Asar ko sa kaniya. Humarap na ito sakin dahil sakto na natapos na niyang hugasan ang isang baso. Narinig ko ang kaniyang pagsinghal. Nagpakawala naman ako ng hindi kalakasang tawa.

Mayroon kasi sa parte ko ang tuwa dahil makakatabi ko si Crush sa kama. Hindi ko akalain na makakatabi ko siyang matulog ngayong gabi. Pakiramdam ko napakaraming paruparo ang meron sa tiyan ko. Nakakakilig.

“Tss. ‘Wag ka ngang assuming diyan, nahihiya kaya akong patulugan ka sa sala. Tsaka, hindi naman bigdeal sa’kin kung tabi tayo sa kama.”

“Okay lang naman sa’kin kung sabihin mong pangarap mo noon pa man na makatabi ako. Nahiya ka pa kasi.”

“Psh. Ewan ko sa’yo, Sir.” At kinuha ang towel na nakasabit sa gilid ng hanging cabinet nila at pinunasan ang kamay.

“Hahaha! Wag mo kong gagalawin ha?”

“Kapal ng mukha niyo, Sir.” At inirapan ako.

“O, bakit? Malay ko ba kung pagsasamantalahan mo ko. Hot naman ako e.”

“Di ka naman gano’n kasexy e. Walang epekto sa’kin kahit ipalandra mo ‘yang buto-buto mong katawan sa harapan ko. Iwws.”

“Wow! Nagsalita ‘yung sexy.”

“Naman. Psh.”

“Hahaha! Pero seryoso, natatakot ako.”

“Sa’n?”

“Baka kasi galawin mo ko. Hahaha!”

“Psh! Maligo ka na nga, Sir. Dami mong satsat diyan e. Ayun ‘yung banyo namin, maligo ka nalang do’n. Aayusin ko pa ‘yung kama ko, nakakahiya kasi sayo.” At nagmamartsa na itong naglakad papunta sa kwarto niya.

“Tabi! Nakaharang ka.”Sinadya niya pa akong banggain at natawa nalang ako.

Pikon na pikon siya kaya kinikilig ako. Pakiramdam ko nalusaw yung katorpehan ko dahil narito na ako sa bahay nila. Tutal nandito na’ko, gagawin ko na lahat. Wala akong plano kaya bahala na. Nakangiti akong pumaroon sa banyo nila upang maligo. Mabilisan pa ang pagligo na ginawa ko dahil excited akong makatabi si crush na matulog. Hahahah!