Chapter 3
HAILA’S POV
Abala ako sa pagsasaayos sa aking kama dahil nakakahiya kung marumi ito lalo na’t tatabi sa’kin ang amo kong ubod ng kaartehan. Hindi naman bigdeal sa’kin kung tabi kami na matutulog. Wala naman siguro siyang masamang intensyon sa’kin no. Kapal ko naman kung meron siyang gagawin. Lol. Hindi ako sexy sa paningin ng amo kong ‘yun.
Pinalitan ko ang punda ng mga unan ko pati na rin bedsheet at kumot. Sinigurado ko pa na malinis ang paligid ng kwarto ko. Kahit maliit na alikabok ay napapansin ni Sir. Sasamantalahin ko na ang oras ng kaniyang pagligo ang magsaayos sa medyo magulo kong kwarto.
Nahinto ako sa aking ginagawa ng pumasok sa isip ko ang mukha ni Papa. Sa tagal ng panahon na hindi ko siya nakita, masasabi kong nagbago ang bawat sulok ng mukha niya. Pumayat rin siya. Hindi ko rin masyadong kabisado ang mukha niya kaya nanibago ako. Sa tagal ng pangungulila ko sa kaniya, sabik akong makita siya noon pa man. Pero ngayong narito na siya, para akong napapaso sa kaniyang presensiya. Hindi ko alam kung bakit.
Galit ang nananaig sa puso ko. Pilit kong pinipigilan kasi ‘yun ang gusto ng puso ko pero isip ko ang nananalo. Sa bawat pagtawag niya sa pangalan ko, pakiramdam ko narinig ko na yung pinakamasarap na tinig sa buong mundo. Tawagin niya akong anak at Haila ay iba sa pakiramdam. Para akong nalulusaw sa sarap ng pagkakabigkas niya sa’king pangalan. Pero ayokong magpadala sa presensiya niya. Kinakailangan kong siguraduhin na nagbago na siya. Ayokong maging paligoy-ligoy sa pagdedesisyon.
Napapansin ko ang pagiging malapit nila ni Sir kahit pa man kakikilala lang nila. Hindi naman kasi mahirap pakisamahan si Papa e. Ang kwento ni Kuya ay palakaibigan siya tulad ko. At lalo akong naiinis sa kaniya kapag todo bigkas niya si Mama. Masakit kasi ‘yung nangyari sa nakaraan. Kapag naririnig kong nagkwekwento siya kay Mama, pakiramdam ko bumibigat ang aking pakiramdam. Masakit sa pandinig kaya gano’n ang inis at galit ko sa kaniya.
Para niyang pinapamukha ‘yung pang-iiwan niya sa’min noon. Kung tutuusinn, bigdeal ang ginawa niya para sa’kin. Siya ‘yung unang lalaki nanakit sa’kin. Tatay ko siya at ‘yun ang masakit. Masiyado niyang ginawang bato ang puso ko dahil sa kaniyang ginawa. Ang hirap niyang patawarin.
Nabalik ako sa reyalidad ng tumunog ang aking selpon. Kinuha ko ito sa malapit na mesa. Ganoon nalang ang gulat ko ng si Kenneth ang tumawag. Ano kaya ang sasabihin niya’t napatawag siya?
“Napatawag ka? May sasabihin ka ba?” Inosenteng tanong ko. Alam ko naman na tungkol sa nangyari ang dahilan kung bakit siya napatawag. Pagakakita ko kasi kay Papa kanina ay para bang nalimutan ko ang nangyari kina Sir at Kenneth.
“Lala, can we talk?”
“Nag-uusap na tayo.” Pagtataray ko.
“I know you’re mad but let me fix this, please?”
Hindi ako sumagot at nanatiling tahimik. Wala ako sa wisyo para pag-usapan ang bagay na ‘yun. Magugulo na naman kasi ang utak ko. Ayoko ng may maraming iniisip ngayon. Gusto ko munang makawala sa stress. Kahit ngayon lang.
“Haila, hindi ko sinasadyang magalit kanina kay Rhaiven. Nadala lang ako sa inis kaya ko nagawa ‘yun. Maniwala ka hin----”
“Kenneth, ayokong pag-usapan ang bagay na ‘yan ngayon. Pwedeng sa ibang araw nalang?” Napahilot pa ‘ko sa aking sentido.
“Kung ‘yun ang gusto mo, sige pagbibigyan kita. But, I just want to remind you na aalis ako.”
“Ba’t? Saan ka pupunta?”
“Nakaplano na sina Mommy, do’n kami sa America magcecelebrate ng Christmas at New Year. Matagal-tagal na hindi kita makikita.” Pansin ko sa kaniyang boses ang lungkot.
Alam niya kayang narito kami ni Sir sa probinsiya? Malaking away na naman kung sasabihin ko. Ipapaalam ko nalang kapag handa na’ko. Sana lang hindi magsumbong si Kuya.
“Sige, ingat ka diyan.” Ani ko.” Kailangan ko ng ibaba matutulog na kasi ako e.”
Sumagot siya.” Yeah, sure. Goodnight. I love you.”
“Bye.” At ibinaba na ang tawag. Napaupo ako sa kama. Hindi ko alam pero naguiguilty akong hindi sinabi kay Kenneth ang totoo. Kahit pa man gano’n ang nanyari kanina, may karapatan pa rin siya malaman ang kalagayan ko. Manliligaw ko siya pero pakiramdam ko napakadamot ko sa kaniya na magsabi sa mga nangyayari sa’kin. Bahala na.
“Si Kenneth ba ‘yun?” Sulpot ni Sir na ikinagulat ko. Napatingin ako sa kaniya. Pinapatuyo nito ang buhok gamit ang tuwalya. Pansin kong damit ni Kuya ang suot niya. Hindi pala siya nakapagbaon ng damit. Buti nalang maraming extra si Kuya.
Tumango ako bilang sagot. Magiging wirdo kung pag-uusapan namin si Kenneth. Tumayo ako. Kinuha ko ang suklay sa harap ng salamin namin at sinuklay ang aking buhok. Ugali kong magsuklay bago matulog.
“Ano na namang sinumbong ng Kenneth na ‘yun sayo?” Ramdam sa boses ni Sir ang inis. Ewan ko ba kung bakit inis na inis siya kay Kenneth. Mayron ba akong ‘di alam sa pagitan nilang dalawa? Kung meron man dapat kong malaman kung ano.
“Psh!”
“Ano nga! Nagsumbong na naman sa’yo no?”
“Hindi!”
“Weh?”
“Hindi naman talaga, Sir. Sinabi niya lang na natuloy silang pumunta sa ibang bansa para doon magcelebrate ng holiday.” Depensa ko.
“Okay, sabi mo e.”
Hindi niya alam kung saan ilalagay ang tuwalya na ginamit kaya kinuha ko ito sa kaniya’t ako na ang nagsampay. Nang maisampay ko na ay bumalik na ako sa pwesto niya. Nadatnan ko siyang nakatayo at mukhang pinagmamasdang mabuti ang aking kama.
“Bakit, Sir? Ayaw mo ba ‘yung kulay ng bedsheet at punda ng mga unan? Kung gusto mo, papalitan ko para sayo.” Akma kong aalisin ang bedsheet ng pigilan niya ako.
“No need.” Pigil niya. Nakakrus ang kaniyang mga braso at nanatili pa rin sa kama ang tingin.
“E ba’t ka ganiyan makatingin sa kama? Alam ko naman na malayong-malayo sa kama na nakasanayan mo yan. Pagpasensiyahan mo na, wala kaming king size bed e.” At napasinghal ako.
Kung ayaw niyang mahiga sa medyo may kaliitan kong kama ay pwede naman niyang sabihin. Kung mas komportable siya sa malaking kama, edi uuwi kami sa mansyon at kukunin ang king size bed niya. Psh!
“Hindi naman ‘yun ang pinopoblema ko.”
“E ano?”
“Kung saan ako pwepwesto. Baka kasi gusto mo sa left e.”
“Psh! Kala ko naman kung ano na. Kahit saan na basta makatulog ako ng maayos. Ikaw ba san mo gusto?”
“Sa tabi mo syempre.”
“Tss. Itulog mo nalang ‘yan, Sir.”
At pumaroon na’ko sa kama at nahiga. Sumunod rin siya sa’kin. Tig-isa kami ng kumot. Ginawa niyang unan ang isang braso. May nakalagay rin na unan sa tyan niya at nakatingin sa kisame. May nilagay akong unan sa pagitan naming dalawa. Hindi ko alam pero nakita ko kung paano siya sumimangot.
“O, bakit na naman?” Angil ko. Napakasama kasi ng tingin niya e. Kinumutan ko naman ang buo kong katawan. Para naman sure na hindi niya ako mahahawakan. Mas okay ng sure tayo. Lalaki pa rin siya at hindi ko nababasa ang utak niya kung may maisip man siyang gawin sa’kin.
“Kala mo naman gagalawin. Tss!” Singhal. Tinutukoy niya siguro yung ginawa kong pagkumot ng aking katawan. Pati na rin ang paglagay ko ng unan sa pagitan naming dalawa.
“Mas okay ng sigurado no. Kahit sinong babae gan’to gagawin pwera sa mga uhaw sa katawan mo. Psh!”
“Daming satsat, magpatulog ka nga.” At nakita ko siyang pumikit. Hindi na ko nagsalita at tumingin na rin sa kisame. Pero hindi ko siya maiwasang sulyapan. Napakagwapo niya sa kaniyang lagay. Hindi ko dapat bigyan ng malisya itong pagtabi namin sa kama pero hindi ko maiwasan ang kiligin. Gan’to pala ang pakiramdam kapag may katabi kang lalaki sa kama. Woah!
“Goodnight, Sir.”
“Hmmm.”
Sungit talaga di manlang bumati pabalik. Nabalot ng katahimikan ang pagitan namin. Kahit pinagpapawisan na’ko ay hindi ko pa rin inalis ang kumot sa buo kong katawan. Wala pa naman akong bra. Ugali kong alisin ang bra ko kapag matutulog. Hindi naman manipis ang suot kong pantulog pero nakakahiya pa rin.
Ilang minuto na ang nakakalipas pero hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Nakatulala lang ako sa kisame at kung saan-saan nalilipad ang utak ko. Hayts! Epekto ba nito kapag firstime mong may makatabi na lalaki?
“Sir?”
“Hmm?”
“Hindi ako makatulog.”
“Dasal ka.”
“Tapos na.”
“Hintay ka lang. Dadalawin ka rin ng antok maya-maya. Just close your eyes.” Wika niya habang nakapikit. Mukhang pati siya ay hindi rin makatulog.
“Okay.” Sagot ko at sinunod ang utos niyang ipikit ko ang aking mga mata. Sana lang dalawin na’ko ng antok.
“Haila.” Halos matigilan ako sa paghinga ng marinig na tawagin ako sa aking pangalan. Iba sa pandinig ko. Napakasarap pakinggan. Shet! Ano ‘tong nangyayari sa’kin?
“Po, Sir?” Sinubukan ko pang hindi mautal. Iba ang naging epekto nun sa buong sistema ko. Hindi ko maintindihan kung bakit ganon ang naging reaksyon ng katawan ko.
“Siya pala ang Papa mo, mukha naman siyang mabait.”
“Pa’no mo naman nasabi? ‘Di naman kayo gan’on kaclose. Psh!”
“Yun ang akala mo pero mali ka. Habang nag-uusap kami nararamdaman kong mabait siya. Kilos at pananalita niya halata naman.”
“Psh.”
Hindi ko alam kung bakit niya sinasabi ang mga ‘yun ngayon. Dapat ko ba siyang sitain? Pero hindi ko magawa. Ano kayang nakita at naramdam kaya ga’non niya ilarawan si papa? Bakit hindi ko maramdaman ‘yung mga sinasabi niya?
“Mukhang nagsisisi naman siya sa ginawa niya noon.”
“Bakit ka ganiyan magsalita, Sir? Ano bang alam mo sa nararamdaman ko?” Hindi ko na naiwasan pa ang mainis. Dumilat ako at hinarap siya pero ganoon nalang ang gulat ko ng nakaharap na ito sa’kin. Nakadilat rin at mukhang pinagmamasdan ako ng maigi. Bakit hindi ko naramdaman ang paggalaw niya? Ganon na ba ako kalutang kanina? Psh!
“Bakit ako gan’to? Kasi, hindi mo manlang iniisip ang mararamdaman niya.” Ani niya at diretso pa rin ang titig sa’kin.”Oo nga’t nasaktan ka niya noon pero lahat naman ng tao nagbabago e. Gaya ko, nagbago dahil sa’yo.” Pagpapatuloy niya na ikinagulat ko.
Kita ko sa mukha niya ang pagiging seryoso. Sa ekspresyon niya ay wala kang biro na makikita. Hindi ko alam pero pakiramdam ko, sinampal niyang mali ang mga inaasta ko kay Papa.
Hindi ako sumagot. Tinignan ko siya sa mga mata ng diretso. Mukhang nadadala ako sa mga titig ko. Hindi ko kayang pigilan.
“Kung nahihirapan ka, doble ‘yun sa kaniya. Hindi naman masama kung hahayaan mo siyang ipakita sa’yo na nagbago na siya. Iparamdam mo ‘yung Haila na mabait at mapagpakumbaba. Hindi ganiyan ang Haila na nakilala ko. Wala kaming ibang gusto kundi ang magkaayos kayong dalawa. Ayaw mo nun magagamot na yung sugat na matagal ng nandiyan sa puso mo? Feel ko naman hindi ka bibiguin ni Tito. Siguro this time, yung mga expectations mo ay lalagpasan niya. Makinig ka sa sinabi ng Kuya mo, hindi mo malalaman kung hindi mo susubukan.”
Napabuntong hininga ako at pilit pinipigilan maging emosyonal. Umiwas ako ng tingin sa kaniya. Tumingin ako sa kisame at alam kong nakatitig ito sa’kin.
“Hindi ko na alam ang gagawin, Sir. Nung nakita ko siya may sabik akong naramdaman pero nanaig ang galit. Kapag ka kakausapin niya ako, pakiramdam ko, narinig ko na ang tinig na matagal ko ng hinahanap-hanap. Handa akong umuna at hindi ang magpatawad.”
“Pasalamat ka binalikan ka niya. Yung ibang tatay kasi na nang-iwan, kapag alam na may maling ginawa naduduwag ng magpakita. E si Tito napakatapang na harapin ka ulit e. Bihira lamang ang mga tao sa mundo ang naiisipang magbago.”
Hindi ako sumagot dahil wala akong masabi. Ganito pala si Sir, kayang umunawa. Napabilib na naman niya ako.
“Pagbigyan mo siya, wala namang mawawala e.”
“Matulog nalang kayo, Sir. Mahaba pa naman ‘yung byahe niyo bukas pabalik sa mansyon.” Pang-iiwas ko sa usapan. Masyado akong mahina para pag-usapan ang bagay ‘yun ngayon. Kinakailangan ko ng maraming oras para dun.
“Hindi na muna ako uuwi para matulungan ko. Let me help you to fix everything between you and Tito.” Wika niya. Nagulat ako kaya napatingin ako sa kaniya. Seryoso ba siya?
“Hindi na, Sir, kaya ko na’to.”
“Sa lagay na ‘yan?”
Natahimik ako. Kung sabagay ay tama siya. Paano ko makakaya kung ganito ako katigas. Kung tutuusin, wala akong konsensya at sarili lamang ang iniisip. Pero nasaktan ako at naiwan. Takot lang ako na maranasan ulit ang mga ‘yun. Hindi kasi madaling makalimot. Pahirapan sa pagtanggap at pati sarili ko ay masisira.
“Let me help you, Haila.”
Hindi ko na napigilan ang sarili ko na maging emosyonal. Bumagsak na ang luha na kanina ko pa pinipigilan. Lumapit siya sa gawi ko’t hinawakan niya ang aking mukha. Pinunasan ang pisngi kong nabasa gamit ang kaniyang daliri. Inalis niya ang unan na nasa pagitan namin at umusog ako papalapit sa kaniya. Isinandal ko ang aking ulo sa kaniyang braso at doon inilabas ang pagiging emosyonal. Naramdaman ko nalang na hinagod niya ang kamay sa aking balikat upang patahanin. Pero hindi ko na kayang pigilan pa.
“Shhh! Don’t cry. I’m here to help you.” Pagpapatahan niya sa’kin. Bahagya niya pang pinupunasan ang pisngi ko.
Maririnig sa kwadradong silid ang hikbi ko. Hindi ako nakaramdam ng hiya kay Sir dahil emosyon ang nanaig sa’kin. Pakiramdam ko sa mga bisig niya ay komportable ako. Hindi ko lang inakala na gagawin niya ito sa’kin. Ito na yata ang pinakamasarap na pakiramdam sa lahat.’Yung may isang tao na handang makinig sa drama mo’t handa kang tulungan. Ang swerte ko dahil nakilala ko siya. Ang taong kayang unawain ako kahit pa man sa malabong sitwasyon.