Chapter 17

HAILA’S POV

Halos habulin ko ang aking hininga ng maupo kami sa isang malapit na bench rito sa park. Hinawi ko rin ang ilang butil ng pawis na namuo sa noo ko gamit ang likod ng aking kamay. Sobrang init ng panahon lalo at hapon na. Dinala kami ni Papa dito sa sikat na amusement park dito sa aming bayan.

Natigilan ako ng may mag-abot ng panyo sa gilid ko. Nang tapunan ko ito ng tingin ay si Sir lang pala. Nakangiti ito habang may inaalok na panyo sa akin. Tutal nakalimutan kong magdala ay kinuha ko na ito. Mukhang pagod na rin siya gaya ko dahil kanina pa kami namamasyal.

Nagpaalam ako kina Papa na magpahinga muna dahil masakit na ang mga tuhod ko kakalakad. Pumayag naman sila at napagdesisyunan nilang libutin ang parke tutal hindi pa naman sila pagod. Inggit nga ako sa taas ng energy nila lalo na si Kuya. Mabuti nalang at hindi namin isinama si Lola. Wala rin naman sa mood si Criza na mamasyal kaya naiwan siya upang bantayan ito.

Hindi ko alam na sumunod pala si Sir sa akin papunta rito sa bench. Sobran lamig ang simoy ng hangin na dala ng mga puno. Nakakarelax ng sobra. Mabuti nalang dito ako puwesto.

“Pagod ka na, Sir?” Tanong ko habang inaayos ang buhok ko na tinatangay ng hangin. Sinulyapan ko siya saglit at napagtanto kong nasa malayo ang tingin niya. Grabe! Sobrang gwapo naman talaga.

Palaisipan talaga sa akin ang naging usapan namin kagabi nina Ate. Kaso, hindi ko maiwasan ang kabahan na baka malaman ni Kenneth ang tungkol sa bagay na iyon. Ayokong mag-away kaming dalawa lalo na at bati na kami.

“Masaya na pagod, oo,” masiglang sagot nito at bahagya pang tumawa. Sumabay nalang ako para hindi maging awkward ang pagitan namin.

Sa mga nakaraang araw, napapansin ko nang madalas akong mailang sa mga tingin niya. Hindi ko naman dapat pansinin iyon pero hindi ko maiwasan. Mayroong hindi ko maipaliwanag na talaga nagsisilbing daan upang mailang ako sa kanya. Sa katunayan, hindi naman ganito noon. Totoo nga talagang walang permante sa mundo, lahat talaga ay nagbabago.

“Mabuti naman at nag-enjoy ka. Akala ko kanina mabobored ka e,” suhestiyon ko habang nasa malayo ang tingin. Sa mga taong dumadaan ang tinitignan ng mga mata ko.

“Ba’t naman ako mabobored? Sobrang enjoy kaya nina Gino na kasama. Never akong mabobore kung ganoong klase ng tao ang kasama ko.”

“Sabagay.”

Iyon nalang ang nasabi ko dahil nawalan ako ng ideya. Natahimik kami ulit at hinintay sina Kuya na dumating. Nagpaalam saglit si Sir na bibili ng maiinom. Tumango ako bilang sagot at bago umalis ay tinanong niya ako kung ano ang gusto ko. Hindi naman ako gutom kaya wala akong pinabili sa kanya.

Kaso, hindi ko inaasahan na bibilhan niya pa rin ako. May binili siyang milktea at kung bibilangin ko iyon ay lima. Malamang ay binilhan niya sina Kuya. Hindi nalang ako nagsalita at kinuha ang inaalok nito. Umupo ulit siya sa tabi ko. Tahimik akong sumimsim sa milktea na binigay niya sa akin.

“Anak, okay ka na ba? Wala bang masakit sa’yo?” Tanong ni Papa nang bumalik na siya kasama sina Kuya. May bitbit silang mga paperbag at hindi na ako magtataka kung ano ang laman ng mg iyon. Siguro ay bumili sila ng mga gusto nila. Wala naman akong alam na bilhin kaya hanggang tingin nalang ang nagawa ko.

“Okay na okay, Pa,” sagot ko. Ngumiti ako sa kanya. Nawala ang aking atensyon kay Papa nang tumayo si Sir at inalok kina Kuya ang binili nitong milktea. Syempre, patay-gutom ang kuya ko kaya hindi niya ito tinanggihan. Mayroon sa parte ako ang natuwa dahil sa inasta niya.

“Tara, magpicture tayo para may remembrace,” anyaya ni Ate Marie.

Kinuha nito ang selpon sa bulsa at tumayo sa harapan. Puwesto si Kuya sa gilid ni Ate habang si Papa naman ay nasa tabi ko. Pinagitnaan nila ako ni Sir. Ngumiti kaming lahat nang magsimula nang magbilang si Ate. Kumuha kami ng tatlong litrato sa magkakaibang postura. Mahilig rin naman akong magpicture kaya natuwa ako.

Nirequest ni Papa na kami namang tatlo nina Kuya ang kunan ni Ate ng litrato. At ganoon nga ginawa namin. Pagkatapos ay sumama na rin si Ate at si Sir ang kumuha ng litrato sa amin. Masayang-masaya ako dahil sa wakas may matatawag na akong family picture. May litrato naman kami na kasama si Lola kagabi. Iyon nalang ang ididisplay ko sa kwarto ko sa bahay nina Sir para naman ganahan akong magtrabaho.

“Oh, kayo namang tatlo ang kunan ko ng litrato. Dali.” Pagtutukoy ni Ate sa amin nina Sir at Papa. Muntik na akong masamid sa iniinom ko pagkarinig ko sa sinabi ni Ate. Nagkatinginan kami ni Sir na mukhang pati ito ay nagulat. Si papa naman ay mababasa sa mukha nitong hindi siya umaangal. Gustong-gusto niya pa.

Nakita kong may ibinulong si Kuya kanina sa kanya kaya malamang sinadya nila ito. Wala naman akong magawa noong kunwari inayos ni Kuya ang pwesto namin. Tinignan ko ito ng masama kaso tanging ngisi naman ang natanggap ko. Ano pa nga ba ang aasahan ko kay Kuya? Psh!

“Rhaiven, ikaw naman ang umakbay kay Haila,” utos ni Ate kay Sir. Sa totoo lang ay pinagpapawisan na ako ng sobra. Mahangin naman pero pakiramdam ko nasa tarangkahan ako ng impyerno dahil sa kalokohan nina Ate at Kuya.

Sumunod naman si Sir sa utos ni Ate. Wala manlang nagbago sa itsura niya. Mukhang okay lang sa kanya na pinagtritripan nila kami. At ganoon nga ang ginawa niya, umakbay ito sa akin. Halos manginig ang tuhod ko nang maramdaman ko ang mainit nitong palad sa aking balikat. Kahit sinong tao na makakakita sa amin ay iisipin talagang magkarelasyon kami.

Ngumiti nalang ako ng pilit sa kamera nang magsimula na kaming kunan ng litrato ni Ate. Dalawang shots ang ginawa namin at pasimpleng inalis ang kamay ni Sir na nakaakbay sa akin. Mabuti nalang at hindi niya iyon napansin.

“Teka, ang pangit no’ng isa.” Usal ni Ate habang nakatingin sa kanyang selpon. Sinuri nito kung maayos ba ang kuha niya kanina sa amin.” Sobrang layo ba naman kasi ni Rhaiven kay Haila. Isang shot pa.” Sumenyas ito sa akin na kunan ulit kami ng litrato.

Wala naman akong nagawa kundi sumunod nalang. Umakbay ulit si Sir sa akin at naramdaman ko ang init ng palad niya. Amoy na amoy ko rin ang pabango niya. Kahit na sinong babae na mapunta sa pwesto ko ngayon ay talagang maiihi sa kilig.

“Compress ka, Rhaiven.” Utos ni Ate. Sumunod naman si Sir at umusog ng konti palapit sa akin. Umubo ako ng peke dahil sobrang awkward ng atmosphere namin. Kasama naman namin si Papa pero pakiramdam ko kami lang dalawa ang narito.

“Usog ka pa ng konti, Rhaiven.”

Nakagat ko ang aking dila pagkarinig sa utos ni Ate sa katabi ko. Hindi naman ito ang unang beses na magdidikit ang balat namin sa isa’t isa. Para akong naninibago ngayon na hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Malabo na lahat ng nangyayari sa akin. Hindi ko na halos maintindihan ang sarili ko.

Pagkatapos kaming kunan nina Papa akala ko tapos na. Nagrequest si Ate na kung maaari ay kunan niya kami ni Sir ng litrato. Aangal sana ako kaso pumayag na si Sir at mabilis itong umakbay sa akin. Dikit na dikit ang katawan ko sa kanya. Nagkunwari akong hindi apektado sa mga nangyayari. Nakita ko rin kung paano ngumiti sina Kuya. Psh! Alam ko naman na sinasadya nila ‘to. Wala lang akong ideya kung aware si Sir na inuuto nila kami.

“Muntik akong maihi sa kilig kanina,” biro na bulong ni Kuya sa akin nang pasimple itong tumabi sa akin. Mabuti nalang mahina ang pagkakasabi niya noon. Ayokong marinig ng kahit na sino lalong-lalo na kay Sir.

Dahil sa inis ay kinurot ko ito sa kanyang tagiliran. Hindi niya lang alam kung gaano ano kasabik na panggigilan siya dahil sa kanyang mga ginagawa. Sa laki ba naman ng ulo niya, alam kong hindi siya makokonsensya.

Naglibot-libot pa kami sa loob ng amusement park at nagdesisyunan na sumakay sa ilang rides na hindi pa namin nasakyan kanina. Napagdesisyunan nilang lahat na sasakay kami sa ferris wheel. Natakot ako bigla lalo na may kataasan ang rides na iyon.

Umatras ako at napatingin silang lahat sa akin. Alam naman nila na may fear of heights ako. Nakita ko kung paano ngumisi ang demonyo kong Kuya. Ngisi niya palang alam ko nang hindi ito papayag na ‘di ako sasakay sa ferris wheel.

“Kuya, ayoko ‘yang ngiti mo, ha!” Singhal ko sa kanya. Matalim ang tingin na itinapon ko sa kanya. Inambangan ko pa sya ng suntok at mabilis naman siyang umilag, natatakot na baka mapagbuhatan ko ito ng kamay.

“Takot ka no? Hahaha!”

Inirapan ko lang sya at narinig ko ang malakas niyang pagtawa. Nayakap ko ang aking sarili sa takot. Sinusuri ko palang ang ferris wheel, natatakot na ako. Bakit ba kami napadaan dito? Takte naman.

“Are you scared to ride a ferris wheel? Seriously?” rinig kong komento ni Sir sa tabi ko. Bumili naman ng ticket sina Kuya at Ate habang si Papa ay aliw na aliw na pinapanood ang mga taong nakasakay roon. Para siyang bata na nanonood.

“Tsk! Mataas kasi kaya sino ang hindi matatakot.”

“Parang ‘yon lang? Ano ka bata? Psh! Tara na sumakay na tayo. Pramis maganda ang view doon sa taas.” Dinuro niya pa ang tuktok ng ferris wheel.

Kinailangan ko pa makipagtalo para hindi sumama sa kanilang sumakay ng ferris wheel. Natatawa nalang silang lahat dahil sa itsura kong takot na takot. Kalaunan ay nakita ko nalang ang sarili ko na hinihila ni Sir paupo sa pwesto kung saan bumaba ang dalawang babae na nakasakay kanina.

Konti nalang ay buhatin niya ako paupo roon. Hindi na sumama si Papa dahil wala naman daw siyang kasama. Magmumukha lang daw siya na kawawa. Sinabi ko kanina na silang dalawa nalang ni Sir ang sumakay kaso umayaw siya.

Nanginginig ang buong katawan ko habang mahigpit na nakahawak sa metal na tubo na nakaharang sa harapan namin. Hindi pa nagsisimulang umandar ang ferris wheel ay kinakabahan na ako. Iniimagine ko na baka mastuck kami sa taas o ‘di kaya naman ay biglang bumigay ang ferris wheel na sinasakyan namin.

Napapasulyap ako kay Sir na mukhang kalmado. Wala akong makita na bakas ng takot sa kanyang mukha. Kung ilalarawan ko siya, para siyang bata na pinagbigyan ng ina na sumakay sa rides na ito.

Nagtama ang aming tingin. Napagtanto niyang takot na takot na ako. Natawa pa siya at mabuti na lamang ay hindi ko siya naisipang sapakin o ‘di kaya naman ay kurutin. Hindi lang ako natatakot, paniguradong bugbog sarado na siya sa akin. Psh!

“Tawang-tawa ka, ah? Psh!” Singhal ko kay Sir. Natawa na naman siya dahil sa inasta ko. Inirapan ko siya at dumoble ang kaba sa dibdib ko nang magsimula nang umandar ang ferris wheel.

Pakiramdam ko ay humihiwalay ang kaluluwa ko sa aking katawan. Habang paunti-unti kaming pumapataas ay bumibilis naman ang tibok ng puso ko. Ang daming negatibo sa utak ko na iniimagine ko na baka magkatotoo. Ito ang kinaiinisan ko kapag pupunta kami sa ganitong pasyalan. Firstime kong sumakay ng ferris wheel at si Sir pa ang kasama ko. Paano nalang kung mawalan ako ng malay dito, edi mapapahiya na naman ako sa kanya.

“Calm down, Haila.” Pagpapakalma niya sa akin at tinapik nito ang aking braso. Pagkatapos noon ay ibinalik niya sa paligid ang tingin. Namamangha siya sa ganda ng view samantalang ako ay nagdadalawang isip kung didilat ba ako o hindi.

Ayokong makita kung gaano na kami kataas. Baka masuka lang ako at mawalan ng malay. Nararamdaman ko rin na naiihi ako. Paano nalang kung maihi ako sa pantalon. Gosh.

“Paano ako kakalma kung firstime kong sumakay dito? Tsaka, ang taas na siguro natin baka mamaya mawalan ako ng malay dito pagtawanan mo pa ako,” nakapikit kong usal. Mahigpit ang kapit ko sa tubo na nakaharang sa amin. Takot rin akong gumalaw, naiisip ko kasi na baka tumaob ang kinaiipuan namin.

“This is your firstime?” Rinig kong tanong niya.

Tumango naman ako.

“Firstime mong sumakay na ako ang kasama mo.” Aniya. “Don’t worry, kung mawawalan ka man ng malay, nandito naman ako para alalayan ka.”

“Thanks.” Nakahinga ako ng maluwag.

“Pero, pagtatawanan muna kita.” Kumulo ang dugo ko sa kanyang sinabi kaya sa inis ay hinampas ko siya ng mahina sa kanyang braso.

Kinilig na ako sa banat niya e tapos may ganoon sa dulo? Punyemas naman.

Tumahimik na ulit siya habang ako ay may konting naaaninag na dahil sinusubukan kong idilat ang aking mata. Mabagal ang paggalaw ng ferrid wheel. Mukhang may bagong sakay na naman. At kung minamalas ka nga naman ay huminto iyon sa tuktok. Kinabahan tuloy ako.

Napansin ni Sir ang ginagawa kong pagdilat ng maliliit. Natawa siya. Hindi ko alam kung maiinis na naman ba ako sa tawa niya. Basta ang hinihiling ko ay matapos na itong delubyo na kinakaharap ko. Ayokong hintayin na mawalan ako ng malay dito. Nakakahiya.

“ Open your eyes,” utos niya sa akin pero hindi ako sumunod. “Maganda ang view rito kaya dumilat ka na. Sayang lang ang moment na ito kung hindi mo makikita.” Pang-uuto niya sa akin.

Huminga muna ako ng ilang beses bago napagdesisyunan na sundin ang utos niya. Tama naman siya e, sayang ang moment na ito kung hindi ko makikita ang magandang view na sinasabi niya. Sana lang kayanin ko na ang dumilat at wag sana akong mawalan ng malay.

Bumungad sa akin ang napakagandang view na aming bayan. Nakita ko ang malawak ang asul na langit. Pakiramdam ko pa nga maaabot ko na ang langit ilang metro lang ang layo.

Napangiti ako. Hindi ko alam pero lahat ng takot at kaba ko ay naglaho. Kaya naman pala hindi siya natatakot dahil excited siyang tignan ang napakagandang view dito sa taas.

Namilog ang aking bibig at halos hindi ko na maalis ang tingin ko roon sa baba na sobrang ganda. Nakikita ko ang ilang tao na para silang langgam sa sobrang liit. Kung alam ko lang na ganito kaganda, hindi na sana ako nag- inarte kanina.

“Sana mastuck tayo dito sa taas,” bulong ni Sir pero rinig na rinig ko. Sa takot na baka magkatotoo ang sinabi niya ay tinignan ko siya ng masama. Panira naman ng moment ang lalaking ‘to.

“Psh! Kung gusto mo mastuck dito, huwag mo kong idamay.” Pagtataray ko sa kanya at ibinalik ang tingin sa view na nasa baba.

Napatingin siya sa akin pero this time hindi siya tumawa. Nakangiti na ito ngayon sa akin. Hindi ko maintindihan ang ngiti niyang iyon.

“Alam mo ba kung bakit?” usal niya. Tinignan ko lang siya ng diretso at hinintay ang susunod niyang sasabihin.”Dahil dito lang kita nasosolo. Dito ko lang ako napapanatag na walang aagaw sa’yo. Dito ko lang mararamdaman ang yakap mo once na matakot ka. Dito lang magiging totoo ang bawat panaginip ko, Haila.”

Halos huminto ang mundo ko. Naramdaman ko na bumilis ulit ang tibok ng aking puso. Sa mga salita niya yata ako mas kinakabahan kesa sa pagsakay namin dito. Taena! Bakit ganito ang sinasabi niya ngayon sa akin?

“Hoy! Haila,” naramdaman ko na may tumapik sa balikat ko. Nang tapunan ko ito ng tingin ay si Sir lang pala.” Ayaw mong sumakay ng ferris wheel,’diba? Kami nalang ni Tito. Baka raw kasi masuka ka at mawalan ka ng malay doon sa itaas e.”

Hindi pa ako nakakasagot ay patakbo na siyang pumaroon sa linya na kung saan naroon sina Ate.

Taena! Kakaisip sa mga bagay-bagay tungkol sa pinag-usapan namin kagabi nina Ate ay kung anu-ano na ang naiimagine ko.

Akala ko kanina ay totoong sumakay na kami ni Sir sa ferris wheel. At tumatak sa isip ko ang mga sinabi niya sa imagination ko. Psh! Epekto ba ito ng kulang sa tulog?

Sign na ba ito para tanungin siya tungkol sa bagay na iyon? Kung anu-ano na kasi ang naiimagine ko. Baka mamaya ay mapunta na sa kalaswaan ang maigine ko. Mapapanatanag na kaya ang utak ko once na tanungin ko siya? Gosh! Ngayon pa lang kinakabahan na ako.

Wala na akong nagawa kundi hintayin ang mga kasama ko. Pinapanood ko lang ang mga taong pumipila para sumakay sa rides na iyon. Nagpabalik-balik sa utak ko ang imagination ko kanina. Para na rin akong baliw dito na nagsasalita mag-isa.

“Haila, hindi ‘yon totoo. Epekto lang yon ng kulang sa tulog, okay? Imagination lang ‘yon kanina kaya kumalma ka.” Pakiusap ko sa aking sarili. Pinagpapawisan pa ako habang nagpaulit-ulit sa isip ko ang mga sinabi ni Sir sa imagination ko. Potek.

“Hoy, okay ka lang ba? Anyare sa’yo?” Natauhan lang ako nang tapikin ni Kuya ang balikat ko. Nakabalik na pala sila nang hindi ko namamalayan.

Nakatingin silang lahat sa akin na animo’y nagtataka sa mga inaasta ko. Nakatingin si Sir sa akin at mukhang nag-aalala siya. Pumasok ulit sa isip ko ang imagination ko kanina kaya naman hindi ko siya matignan ng diretso.

Habang nasa byahe ay tahimik lang ako. Mabuti nalang hindi nila ako kinulit maliban kay Sir na ilang beses ko na siyang nahuhuli na nakatingin sa akin.

Mukhang hindi siya kumbinsido sa naging sagot ko kanina sa tanong ni Kuya. Alangan naman kasi na sabihin ko sa kanila ang totoo kong dahilan kung bakit ako balisa. Alam ko naman na papaulanan lang din naman nila kami ng tukso. Mas mabuti nang sa akin na muna ang imagination na iyon. Kung ikukuwento ko sa iba, magmumukha akong malandi.

“Haila, bumaba ka na. Nandito na tayo.” Hindi ko namalayan na nakarating na pala kami sa tapat ng aming bahay.

Doon ko napagtanto na kami nalang ni Sir ang naiwan rito sa kanyang sasakyan. Bakit hindi manlang ako tinapik ni Kuya? Nakakahiya!

“Pasensya na.” ani ko at aligagang inalis ang seatbelt na nakapulupot sa aking katawan.

Nanginig ang kamay ko nang mapansin kong nasa akin ang tingin ni Sir. Pinapanood niya ang bawat kilos ko kaya naman hindi ko na alam kung paano alisin ang seatbelt.

“Hindi ‘yan ganiyan.” Saad niya at umusog ng konti papalapit sa akin. Para bang may kuryente ba dumaloy sa buong katawan ko pagkadikit ng kamay niya sa akin. Ilang metro lang din ang layo ng mukha namin sa isa’t isa. Gosh! Naaalala ko na naman ang imagination ko kanina.

Nang maalis ang seatbelt sa aking katawan ay umusog ako ng konti palayo sa kanya. Umubo pa ako ng peke bago bumaba ng kanyang sasakyan. Mabuti nalang hindi ako nadapa nang pababa ako.

“Haila, are you sure you’re okay?”

Napahinto ako saglit sa paglalakad. Hindi ko alam pero iyonh dating ng kanyang boses ay naging kakaiba sa pandinig ko. Kaya naman napakagat ako ng labi saka napapikit ng mata bago siya hinarap.

Pilit akong ngumiti para makumbinsi siya. Sana lang hindi siya magduda. Huwag rin sana siyang magtanong dahil tyak madulas ang dila ko’t masabi ko sa kanya ang tungkol sa imagination.

“Oo naman, Sir. Okay lang naman po ako.” Ngumiti ako ng pilit na halos mapunit pa ang aking labi.

Para hindi na siya magtanong ay niyaya ko na siya papasok nang bahay. Nagbihis muna ako bago pumunta ng kusina upang tulungan si Ate na maghanda ng aming hapunan. Nagutom pa ako sa pamamasyal o baka epekto lang ito ng imagination? Psh!

Pagkatapos kumain ay ako na ang nagprisintang maghugas ng plato. Pumaroon silang lahat sa sala at nagkwentuhan tungkol sa pagsakay nila ng ferris wheel.

Tutal wala ako sa mood makipagkulitan sa kanila ay kumuha ako ng libro sa kwarto saka bumalik ng kusina upang doon puwesto. Hindi naman sa iniiwasan ko si Sir pero sadyang gusto kong mapag-isa. Hindi naman nila ako pinilit na sumali sa kwentuhan nila.

Ilang minuto ang ginugol ko sa pagbabasa bago napagdesisyunan nang matulog. Sinigurado ko na nakasarado lahat ng bintana sa kusina pati na rin mga pinto. Isasara ko na sana ang main door namin nang mapansin ko roon si Sir sa labas, nakaupo sa kahoy na upuan at nasa malayo ang tingin.

“Sir, ba’t gising pa kayo? Gabi na, ah.” Pagkuha ko sa kanyang atensyon. Sumulyap siya sa akin pero hindi manlang siya ngumiti. Umusog siya ng konti at binigyan ako ng space upang may maupuan ako.

Tumabi ako sa kanya at napatingin na rin sa direksyon na kung saan siya nakatingin.

“Hindi kasi ako makatulog kakaisip kay Rhaivee.” Usal niya nang hindi ako tinapunan ng tingin.

“Bakit, anong nangyari sa kanya?” nag-aalala kong tanong.

“Wala naman.” Sagot niya at humalukipkip. Kung ilalarawan ko siya ngayon, kahit liwanag lang ng buwan ang ilaw sa pwesto namin, sobrang gwapo niya pa rin.

“Oh, bakit ka nag-eemote ng ganyan kung wala palang nangyari sa kanya.”

Tumingin siya saglit sa akin bago ibinalik sa buwan ang tingin.” Iniisip ko lang kung ganito rin ba kasaya ang pasko ni Rhaivee. Sino kaya ang kasama niyang nagcelebrate habang wala ako? You know what, sising-sisi ako na hindi niya naranasan iyong ganito. Kung alam ko lang na ganito kasaya dito, sana sinama ko nalang siya.”

“Feel ko kasi sobrang selfish ko sa part na nagsasaya ako dito samantalang siya baka nasa kwarto lang nagmumukmok. I feel guilty right now knowing my sister didn’t experince what I’ved experience here.” Malungkot na paliwanag niya.

Naiintindihan ko na ang ibig niya sabihin. Iniisip niya ang kapatid niya kung ano ngayon ang kalagayan nito at kung paano ito nagcelebrate ng pasko. Kung ako rin ang nasa posisyon niya ay ganoon rin ang maiisip ko.

“ May New Year pa naman, Sir. Pwede mo pa namang iparanas sa kanya ‘yong saya na naranasan mo dito.” Saad ko.

“Kung gusto mo ay uuwi na tayo bukas para may kasama na siya sa bagong taon. Magcelebrate tayo sa bahay niyo kasama sina Manang. Kahit pa man wala ang mga magulang niyo, meron naman kami na makakasama niyo. Tsaka malay mo mas masaya doon kesa dito, diba?” pagpapanatag ko sa kanyang loob. Hindi biro ang bagay na ito at kahit ako ang malagay sa sitwasyon na ito ay baka maiyak pa ako.

Napatingin na ito sa akin at mukhang nagulat sa mga sinabi ko.

“May pamilya ka dito e. Kung ano sa’yo, hindi ko ka sila iiwan. Ang saya nila kasama at never kong naranasan maout of place kapag kausap sila. You should be thankful for having a family like them. That what I’ved wishing for. Fuck.” Natawa siya ng mahina. Pinipinilit huwag maging emosyonal kahit halata na sa kaniyang nasasaktan siya.

Naawa ako sa huling sinabi niya. Pangarap niyang magkaroon ng pamilya nang gaya sa akin. Ngayon ko nairealize na kailanman hindi mabibili ng pera ang kasiyahan na dulot ng pamilya.

“Gusto kong maging masaya kayo ni Rhaivee. Pamilya ko na kayo e. Kaya sabihan mo lang ako kung uuwi na tayo bukas, willing naman akong sumama pabalik ng Manila.” Masiglang ani ko.

Napangiti ako ng ngumiti siya sa akin ng matamis. Bihira lang siya ngumiti kaya natutuwa ako ngayon. Ang laki na talaga ng ipinagbago niya. Noong una hindi ko akalain na darating kami sa ganitong punto. Nakakatuwa.

“ Nga pala, may ibibigay ako sa’yo.” Ani ko. Hindi ko pa pala naiibigay sa kanya ang totoong regalo ko. Balak ko sanang ibigay kaninang umaga pero nakalimutan ko na.

“What is it?” Tanong nito at hinarap ako.

Kinuha ko naman ang bagay na iyon sa aking bulsa. Mabuti nalang nasa bulsa ko lang ito. Sa wakas ay maibibigay ko na sa kanya. Hindi man iyon kamahalan atleast nag- effort akong gawin ito.

Ipinakita ko sa kanya ang ginawa kong bracelet. Nagulat naman siya pagkakita niya roon. Alam ko naman na maganda talaga ang disensyong napili ko para sa bracelet na ibibigay ko sa kanya.

“Alam ko na hindi ito kamahalan pero sana maappreciate mo pa rin.” Usal ko.” Pwede ko bang hawaka” pagtutukoy ko sa kanyang kamay. Ako na ang mag-aabalang maglagay noon sa kanyang palapulsuhan.

“Yeah, sure.”

Maingat kong ipinulupot iyon sa kanyang palapulsuhan. Titig na titig siya roon pagkasabit ko sa bracelet. Nababatid ko na tuwang-tuwa siya sa binigay ko.

“Wow! This is so cool.” Komento niya habang nasa bracelet ang tingin.

“Alam ko, ako may gawa niyan e.” Pagmamayabang ko.

“Ginawa mo ‘to?” Hindi makapaniwalang saad niya habang nakaturo sa bracelet.

Tumango ako bilang sagot.”Natuto akong gumawa ng ganyan noong bata ako. Kapag wala akong magawa, gumagawa ako ng ganyan saka ko binebenta. At alam mo ba sabi dati sa akin ni Lola, kung sino daw ang bibigyan ko ng ganyan ay tyak na hindi ako makakalimutan.”

Nagulat siya at bahagyang tumitig sa akin.” So, ibig-sabihin noon ay hindi kita makakalimutan?” para siyang bata na hindi sigurado sa kanyang mga sinasabi.

Nagkibit-balikat ako.”Hindi ako siguro pero malay naman natin baka totoong hindi mo ko makalimutan.”

“Let’s see.” At sabay kaming natawa.”By the way, thank you for this, Haila. I really appreciate it.” Matamis na aniya.

Pakiramdam ko ay namula ang aking pisngi sa sinabi niya. Mabuti na lamang at medyo madilim dito sa may pwesto ko’t hindi niya masyadong maaninag ang aking mukha.

“Yiee! Kaya na niyang magthank you.” Asar ko sa kanya at nakita ko kung paano siya tumawa. Napailing rin siya ng bahagya dahil sa sinabi ko.” Tara na nga sa loob baka isipin nila may ginagawa tayong masama dito.” Anyaya ko sa kanya.

Nagpauna na akong tumayo at naglakad papasok ng bahay. Pero napahinto ako nang maramdaman ko ang mainit niyang kamay na humawak sa aking braso. Hinila niya pala ako at nakita ko nalang ang aking sarili na nakayakap sa kanyang mga bisig.

“I hope this is not my last christmas with you, Haila.”