Chapter 13
HAILA’S POV
“Sir, dalian mong mag-igib dahil malapit nang kumulo itong tubig,” asik ko kay Sir ng papalapit ito sa kusina. May dala siyang dalawang balde na may lamang tubig. Inutusan ko kasi siyang mag-igib dahil papaliguan namin si Princess. Nasa sala ang bata kasama sina Lola. Nilalaro nila ito at katatapos lang namin kumain ng agahan.
“Hintay naman, kita na ngang sa malayo ako nag-igib e. Kung makasinghal ka naman diyan,” reklamo niya habang buhat-buhat ang balde. May namumuo na ring pawis ang kanyang noo dahil sa pagbubuhat. Sinundan ko lang siya ng tingin papasok ng banyo.
Naaalala ko na naman ang ganapan kagabi. Halos hindi kami pinatulog ni Princess. Parehas kaming napuyat ni Sir kaya mag-aalas syete kami nagising. Kung hindi pa nagsisigawan si Kuya ay hindi kami magigising. Nakapagtataka kung paano nakababa si Princess sa kama at iniwan kaming dalawa ni Sir. Mabuti na lamang at hindi ako nakayakap sa kanya ng magising ako. Nakakahiya kung sakali.
“Baby, ligo na muna tayo, okay? Pagkatapos, manonood tayo tas kakain ng meryenda. Tara na,” malumanay na anyaya ko sa bata ng makarating ako sa sala. Abala sina Lola at Ate na aliwin siya dahil ilang beses humingi ng gatas. Mabuti na lamang at may gatas kami ng pambata rito sa bahay.
Tumango na lang ito at nagpaalam kina Lola ng maayos. Inihanda ko na kanina ang mga damit na susuotin niya kaya diretso ko na siyang binuhat papuntang banyo. Naabutan ko roon si Sir na sinisiguradong maligamgam nga ang tubig na gagamitin ko panligo sa bata.
Dahan-dahan kong hinubaran si Princess saka ito maingat na pinaliguan. Pumipikit siya kapag binubuhusan ko siya ng tubig. Pinapanood ako ni Sir habang pinapaliguan ang bata. Mukhang gusto niyang itry ang ginagawa ko. Hindi ko na siya pinansin at inabala ang sarili sa ginagawa. Pagkatapos siyang paliguan ay iniabot ni Sir sa akin ang tuwalya, binalot ko si Princess gamit yon. Si Sir na ang nag-abalang magbuhat sa kanya papunta sa kwarto ko. Naririnig ko nalang ang pagtawa nito dahil inaamoy-amoy ni Sir ang bata at nakikiliti ito.
Sinuotan ko siya ng underwear saka pink na dress, iyon ang nakita ko sa bag niya kaya iyon ang pinasuot ko. Wala naman kaming damit pagbata rito sa bahay. Pagkatapos siyang bihisan ay binuhat siya ni Sir papuntang sala.
Nakasindi ang tv at naroon si Lola nanonood rin dahil nawiwili kay Princess. Nakaupo kami rito sa kahoy na upuan rito sa sala. Nasa gitna sina Sir at Princess at abala silang naglalaro. Wala sina Kuya dahil pumunta sila sa bukid.
Naghanda ako ng meryenda namin at wala si Criza dahil may lakad daw siya. Hindi niya sinabi kung saan kaya kaming apat nina Lola ang tao ngayon rito sa bahay. Nagluto ako ng bananaque at nagtimpla ako ng juice.
“Baby,” tawag ko kay Princess. Abala siya sa paglalaro ng teddy bear na kinuha niya sa kwarto ko. Pinapanood naman siya nina Lola at Sir.
“Yes?” Si sir ang sumagot kaya inirapan ko siya. Nakangisi pa ang loko at mukhang sinadya niyang sumagot para inisin ako. Nagpalipat-lipat tuloy ng tingin sa amin si Lola. Hindi naman siya ang tinatawag ko ba’t siya sumagot? Duh!
“Psh! Si Princess ang tinawag ko hindi ikaw,” mataray na usal ko sa kanya. Natawa na lang sila ni Lola sa inasta ko. Feelingero kasi e.
“Ay! Akala ko ako e,” napakamot pa siya sa ulo habang nakangisi.”Princess, tawag ka ni baby este ni Ate Haila.”
Dahil sa sinabi niya ay narinig kong humalakhak si Lola. Rinig na rinig niya iyon dahil malakas ang pagkakasabi ni Sir. For sure, bibigyan na naman niya iyon ng malisya. Naku naman! Kahit kailan pahamak itong amo ko.
Inirapan ko siya at pinagdilatan. Hindi ko gusto ang inasta at pinagsasabi niya. Kung narito lang sina Kuya baka pinaulanan na nila kami ng tukso. Mabuti na lamang at kami lang ang narito ngayon.
Inalalayan niya si Princess na maupo sa bangko paharap sa mesa. Inasikaso ko naman sila ni Lola upang makakain na. Nagtatama ang tingin namin ni Sir. Hindi ko maiwasan ang mainis dahil sa pagngisi niya. Psh! Gusto ko tuloy siyang tusukin ng tinidor. Walang kwenta ang ngisi niya at nakakaasar iyon ng sobra.
Nagpaalam si Lola na magpahinga muna sa kanyang kwarto. Si Sir na ang umalalay sa kanya dahil nakatulog si Princess sa balikat ko. Napagod na yata sa kakalaro. Kinailangan ko pa siyang timplahan ng gatas saka isayaw habang buhat-buhat upang makatulog. Wala pa kaming balita na natatanggap mula sa pulisya. May naghahanap pa ba sa batang ito?
“Maliligo na muna ako,” paalam ni Sir. Hindi ko siya sinagot at isinasayaw si Princess na nakasandal sa balikat ko. Bahagya pa siyang nakayakap sa leeg ko. Gusto niya kanina ay si Sir ang bumuhat sa kanya pero ang amo ko, nilamon ng killjoy. Hindi naman ako nahirapan dahil sanay akong mag-alaga ng bata.
Nakauwi na sina Papa kaya inabala nila ang sarili sa pagmemeryenda. Kinakantyawan pa nila ako kung ano ang ganap sa amin ni Sir kagabi. Hindi ko nga sigurado kung nakayakap ko siga o hindi. Sana lang hindi dahil mapapahiya ako kung sakali.
Nakaw ng nakaw ng tingin si Papa sa gawi ko. Nasa kusina sila at nagmemeryenda. May kinukwento si Kuya sa kanila pero parang hindi siya nakikinig bagkus nasa akin ang tingin. Nahuhuli ko siyang sumusulyap sa akin. Kita ko iyon sa gilid ng mata ko. Nagkunwari akong abala sa pagpapatulog kay Princess.
Ilang araw na rin kaming magkasama pero hindi pa kami nakakapag-usap ng maayos. Halos hindi ko siya naabutan sa umaga dahil maaga siyang umaalis papuntang bukid. Kapag gabi naman ay maaga rin siyang pumapasok sa trabaho. Hindi ko alam kung bakit naiilang ako sa kanya. Sabagay, hindi pa kami magkabati. Tinutukso tuloy ako ni Sir na kausapin siya pero wala akong sapat na lakas upang harapin siya. Bahala na.
“Naihanda ko na ‘yong kama, pwede mo na siyang ihiga don. Nakaigib na rin ako ng tubig panligo mo,” sulpot ni Sir sa likuran ko. Bagong ligo siya at amoy na amoy ko ang shampoo na ginamit niya saka iyong cologne ko.
Inutusan ko siya kanina na ayusin iyong kama para maihiga ko si Princess doon. Nangangalay na rin kasi ako na nagbubuhat sa kanya. Tumango nalang ako at inalalayan niya akong ihiga si Princess. Mahimbing ang tulog niya kaya naisipan ko munang maligo.
Iniwan ko si Sir sa kusina habang nakikipagkwentuhan ito kina Kuya. Tatlo nalang sila doon at hindi ko alam kung nasaan si Papa. Pagkatapos maligo ay lumabas na ako. Makakasalubong ko si Papa habang nakapulupot sa leeg niya ang tuwalya. Nagtama ang aming tingin, ako ang unang umiwas dahil nailang ako.
“Anak, pwedeng pakiplantsa ‘yong damit na gagamitin ko mamayang gabi?” Tanong niya sa akin ng paalis na sana ako.
“S-sige po,” iyon nalang ang naisagot ko saka siya iniwan. Naiilang ako ng sobra at aminado akong hindi ako komportable sa presensya niya.
Nagbihis ako at naabutan ko si Sir na naroon sa kama. Pinapanood niya ang batang mahimbing na natutulog. Nilalaro niya pa ang buhok ni Princess at napapangiti kapag gagalaw ito.
“Psh! Huwag mo masyadong ilapit ang mukha mo sa bata baka magkapalit kayo,” biro ko sa kanya habang naglalagay ng pulbo sa leeg ko.
Suminghal siya ng marinig ang pagtawa ko. Nakakatawa lang kasi ang postura niya. Para siyang ignorante na noon lang nakakita ng bata.
“Tsk! Mahiya ka naman sa kagwapuhan ko,” singhal niya at inirapan ako. Nagpakawala ako ng tawa. Pinagdilatan niya ako kaya huminto ako. Baka mamaya magising si Princess e.
Ipinupwesto ko na ang tabla na gagamitin ko sa pamanalantsa. Kinuha ko na kay Papa ang damit na plaplantsahin ko. Hindi ako tumingin sa mga mata niya kaninang kinuha ko ito dahil nakaramdam ako ng ilang. Bigla nalang ako umalis kanina at hindi manlang nagpaalam ng maayos.
Nang isaksak ko ang plantsa na gagamitin ko ay nahuli ko si Sir na nakatingin sa direksyon ko. Pinagtaasan ko siya ng kilay. Ngumisi ito at inginuso ang damit na nasa harapan ko Mukhang may ideya na na ako kung bakit siya ganyan makangisi. Napailing na lang ako at sinimulan ang pagplantsa.
“Ehem,” kunwaring umubo siya upang makuha ang atensyon ko. Matalas talaga ang mata niya. Nakakainis!
“Gagamitin niya mamayang gabi kaya pinaplantsa sa akin. Psh!” Sumagot na ako kahit wala siyang tanong. Alam ko naman na naghihintay siya ng sagot o kaya naman ay paliwanag mula sa akin.
“Oh, ba’t naging agresibo ka bigla? Umubo lang naman ako e,” inismirkan niya pa ako. Konti nalang ibabato ko na sa kanya itong plantsa at sana tumama sa nguso niyang kanina pa maingay. Psh!
“Huwag ako ang lokohin mo, gagu,” singhal ko sa kanya at narinig ko ang sunod-sunod niyang pagtawa. Mabuti na lamang at hindi nagigising si Princess sa kaingayan niya. Pagkatapos mamalantsa ay nagpaalam ako sa kanyang tutulungan ko si Ate na maghanda ng tanghalian.
Pagkatapos naming kumain ay nagkanya-kanya kami. Pumarito kami sa kwarto ni Sir kasama si Princess. Pinatulog niya ito pero gusto pa ring maglaro ng bata. Napapakmot tuloy ng ulo si Sir na para bang hindi alam ang gagawin. Abala naman ako sa pag-aayos ng mga laruan na ikinalat ni Princess sa sala kanina.
“Kuya, make-up kita,”usal ni Princess at hawak-hawak na ang mga lipstick at pulbo na kinuha niya sa mesang nasa gilid ng kama. Alam ko na kung ano ang gusto niyang laruin. Natawa na lang ako sa naging reaksyon ni Sir.
“Baby, hindi pwede. Iba nalang laruin natin, okay?” Pagtatangi ni Sir at pilit kinukuha ang mga pampaganda sa bata. Hindi naman niya mahuli ang mga kamay nito na maliliit.
“Yon ang gusto ko e,”nakangusong giit ni Princess. Napatingin tuloy si Sir sa gawi ko. Nginisian ko siya para asarin.
“Painumin mo na kaya ng pampatulog ang batang ‘to. Kung ano-ano gustong laruin pati ako pinagdidiskitahan e,”asik ni Sir sa akin. Nakaduro pa siya sa inosenteng bata na katabi niya sa kama. Sinisimulan na siyang lagyan ng pulbo ni Princess sa mukha. Umiilag siya pero makulit naman ang bata.
“Pagbigyan mo nalang baka umiyak pa e,” tugon ko.
“Ano? Tsk! Baka pumangit ako.”
“Edi mabuti para naman mabawasan yang kayabangan mo,” giit ko at pinagtawanan siya ng makitang nilagyan siya ng eyeshadow ni Princess sa taas ng mata.
Pinanood ko sila at hindi ko mapigilan ang matawa. May kinuha pa si Princess na rubberband sa mesa at sinabi kay Sir na yumuko ito upang matalian niya ito sa buhok. Wala naman nagawa si Sir kundi sundin ang gusto ng bata. Nagmumukha siyang katawa-tawa ngayon. Hahaha!
“Aray,” usal ni Sir ng tinatalian ni Princess ang manipis niyang buhok. Napapikit pa ito. Kinuha ko ang selpon ko at kinunan sila ng video saka picture. Kapag aawatin niya ang bata ay ngunguso ito at iiyak. Ayaw niya sa maingay kaya pinagbigyan niya si Princess.
“Alam mo, Sir, mukha kang pokpok na dugyot,” biro ko at tumawa ng malakas. Nakita ko kung paano siya mairita sa ginagawa ng bata sa kanya.
“Shut up! Awatin mo na tong bata bago pa mabunot lahat ng buhok ko,” iritadong ani Sir pero hindi ko siya pinansin.
“Done! Look, Ate,” masiglang usal ni Princess pagkatapos paglaruan si Sir. Natawa ako ng makitang lagpas ang lipstick na nilagay ng bata sa labi nito. Hindi maayos ang eyeshadow saka nakadora ang buhok. Talaga ngang pinaglaruan siya ng bata. Kinuha ko ito ng litrato dahil nakakatawa ang hitsura niya.
“Ang galing magmakeup ng bebe ko,” puri ko sa bata kahit ang totoo ay gusto ko talagang asarin si Sir.
“Tsk!” Singhal ni Sir.
Natawa na lang ako at kalaunan ay nirequest ni Princess na kunan ko sila ng litrato. Wala namang nagawa si Sir kundi ngumiti ng peke sa harap ng kamera. Natatawa ako sa pagiging
Plastik niya sa bata na kunwari pinuri niya ito kahit ang totoo nainis siya.
“Tawang-tawa ka, ah? Kinaganda mo?” Singhal niya ng tinutulungan ko siyang alisin ang pagkakatali ng buhok niyang pinaglaruan ng bata.”Aray! Dahan-dahan naman.”
Natawa ako sa naging itsura niya. Para siyang bata na inagawan ng laruan.”Huwag ka kasi masyadong gumalaw,” giit ko sa kanya.
Kumuha ako ng tissue at tinulungan siyang alisin ang make-up na nilagay ni Princess sa mukha niya kanina. Naiirita siya lalo dahil nakaramdam siya ng kati sa mukha niya. Naghilamos siya bago pa sya magkaallergy dahil sa make-up.
Nanood kami ni Sir sa sala at sina Papa naman ay naisipang matulog. Naroon si Princess sa kwarto at tulog na naman. Kami lang tuloy ni Sir ang magkabonding rito.
“Ba’t mo naman nilipat? Nanonood ako ng basketball, hoy! Singhal niya sa akin ng ilipat ko ang channel at dinala iyon sa kdrama. Inis na inis siyang tumingin sa akin dahil sa ginawa ko.
“Hindi ako mahilig sa basketball e, ba’t ba?” Depensa ko. Nasa akin ang remote at nasa akin ang alas. Hahaha!
“Hindi rin ako mahilig sa kdrama kaya ibalik mo na don,” giit niya. Konti na lang ay ibabato nito ang hawak na unan sa akin.
“Ayoko nga,” asik ko. Nakatuon ang pansin ko sa tv dahil nawiwili ako sa pinapanood ko. Halata naman siyang hindi mahilig sa kdrama e.
“Ibalik mo na sabi e, isa!” Banta niya at pinagsingkitan ako ng mata. As if naman matatakot ako. Duh!
“Dalawa,” biro ko at nakangisi pa.
Napailing siya sa inasta ko. Napansin ko rin ang paggalaw ng kanyang panga. Sigurado akong inis na inis na siya sa akin. Wah!
“Talagang-----”
Hindi na niya naituloy ang sasabihin ng magring ang selpon ko. Kinuha ko ito sa aking bulsa at sinagot ang tawag. Nakuha niya tuloy ang remote control sa akin at inilipat iyon sa gusto niyang panoorin. Hindi ko na siya pinansin at itinuon sa tawag ang tingin.
“Hoy, bumangon ka dyan. Kailangan nating pumunta sa police station,” tinapik ko pa si Sir sa braso upang makuha ang kanyang atensyon. Tumayo naman ako at inayos ang sarili.
“Bakit daw?” Inosenteng tanong niya na nasa telebisyon pa rin ang tingin. Mabuti na lang hindi siya nagrereklamo sa hugis ng tv namin na maliit lang kumpara sa nakasanayan niya.
“Baka nandoon na ang parents ni Princess,” sagot ko. Kinuha ko sa kanya ang remote control. Tumayo na rin siya at inayos ang sarili.”Ayusin mo na ang mga gamit ni Princess at gigisingin ko sina Lola para makapagpaalam sa bata.”
Tumango naman siya at sumunod sa gusto ko. Kinatok ko ang kwarto nina Lola at Kuya upang makapagpaalam na sa bata. Nagtipon-tipon kami sa sala at mabuti na lamang gising na si Princess. Hawak ni Sir ang bag niya at inaayos na lahat upang maihatid na. Halos maiyak sina Lola dahil aalis na ang bata. Nasanay kami kay Princess kahit maikling oras lang namin siya nakasama. Napasaya niya kami kaya mahirap siyang pakawalan. Niyakap nila ang bata bago kami nagpaalam kina lola. Hinatid nila kami papunta sa bakuran namin. Gagamitin namin ang sasakyan ni Sir.
Nakakandong si Princess sa akin habang nakaupo ako rito sa passenger seat. Nakasandal ito sa balikat ko at dinalaw ng antok. May tinimpla akong gatas sa kanya dahil gusto niyanhg uminom kanina. Natatakot tuloy akong gumalaw dahil baka magising siya.
“Anong iniisip mo, Sir?” Tanong ko nang mapansin kong napakalalim ng kanyang iniisip. Nakasandal ang kamay niya sa bintana at nakahawak sa labi, nilalaro. Habang ang isang kamay niya ay nakahawak sa manubela. Kanina ko pa pansin ang pananahimik niya pati na rin ang pagtitig niya sa gawi namin ni Princess.
“Iniisip ko lang kung kaya ko bang mahiwalay sa batang ‘yan,” pagtutukoy niya kay princess na mahimbing na natutulog sa balikat ko.”Kahit pa man pinaglaruan ako kanina, nag-enjoy pa rin ako. Iba ang epekto ng batang ‘yan sa akin e, naexcite tuloy ako na maging Daddy,” natawa pa siya ng bahagya at ganoon rin ako.
Ramdam ko ang lungkot sa kanyang mga mata kahit hindi niya sabihin. Nasanay siya sa bata at napalapit ng sobra. Alam kong mahihirapan siyang pakawalan si princess.
Nakarating kami sa police station pagkalipas ng ilang minuto. Nagising ang bata kaya hinawakan ni Sir ang kamay niya papasok. Kaagad kaming sinalubong ng dalawang pulis tsaka isang babae, baka mama ni Princess. Dahil sa tuwa ay patakbong lumapit ang ginang sa amin at mabilis na niyakap si Princess.
“Mama,” usal ni Princess ng nasa bisig na siya ng kanyang ina. Pinipigilan kong maging emosyonal dahil nakakahiya. Natutuwa ako habang pinapanood sila.
“Nandito na ang mama,” ani ginang at hinalikan sa pisngi ang anak. Tinapunan niya kami ng tingin ni Sir, bahagya kaming ngumiti sa kanya bilang ganti.”Maraming salamat sa pagligtas sa anak ko. Hindi ko alam kung paano makakabawi sa inyo.”
“Wala pong anuman, ginawa lang po namin ang nararapat,” magalang kong sagot saka ngumiti ng matamis.
Kinunan kami ng mga pulis ng konting statement. Inalam nila kung paano namin nakita si princess sa gilid ng kalsada. Isinalaysay ko lahat habang si sir at hindi maalis sa bata ang tingin. Nalulungkot nga talaga siya.
Nalaman namin na kaya napadpad doon si Princess ay dahil hinabol niya raw ang nagbebenta ng lobo. Dayo lamang sila ng mama niya at hindi nito napansin ang pag-alis
Ng bata. Marami siyang sinabi sa amin at lahat ng iyon ay nakakataba ng puso. Napakasarap sa pakiramdam.
“Ito lamang ang kaya kong ibigay sa inyo, hija,” giit ng ginang saka may iniabot sa akin na pera. Nagkatingina kami ni sir sa inasta nito. Hindi ko iyon kinuha dahil hindi naman ako naghahangad ng kapalit. Sapat ng napasaya kami ni Princess.
“Naku, Maam, huwag na po,” tanggi ko sa kanya.”Tulong nalang po namin iyon huwag na po kayong mag-abala. Kaligtasan ng bata po ang inisip namin.”
Naging emosyonal ang ginang sa sinabi ko kaya naman mabilis siyang yumakap sa akin. Ngitian lamang siya ni Sir. Nang makawala na ito sa pagyayakap sa akin ay inutusan niya si Princess na magpaalam sa amin.
“Baby, huwag mo ng uulitin iyon, ha? Mangako ka sa akin,” tugon ko sa bata at mabilis siyang tumango.”Mamimiss kita.” Muntik pa akong mautal sa sinabi ko. Hindi ko na napigilan ang luha ko na kanina pa gustong kumawala. Niyakap ko siya habang hinahaplos ng bahagya ang kanyang buhok.
“Thank you, Ate,” usal niya kaya lalo pa akong naging emosyonal. Sumunod na yumakap si Sir sa kanya at pansin kong pinipigilan niyang umiyak. Sobrang higpit ang yakap niya rito. Ngumingiti siya sa bata kahit pa man halatang peke iyon.
“Thank you, Kuya.”
Tumango si Sir at ngumiti.”Takecare always, baby,” at hinalikan niya sa noo ang bata.
Nagpaalam na kami sa kanila. Niyakap pa namin si Princess at nagpasalamat ang mama nito sa amin bago lumabas ng police station. Habang nasa byahe at binalot kami ni Sir ng katahimikan.
Inaalala ko iyong mga oras na kasama namin ang bata. Ganito pala kasakit kapag nawala ang nakasanayan mong tao. Malungkot kami parehas ni Sir kaya nag-isip ako ng paraan para manumbalik ang sigla namin.
“Tara, kain tayo ng street foods, libre ko,” pambabasag ko sa katahimikan. Sinulyapan niya ako saglit bago tumingin sa daan. Sobrang lungkot ng mata niya. Shit!
“Okay, mag-date tayo,” sagot niya na ikinagulat ko. Seryoso siya ng sinabi niya ang katagang iyon. Ni hindi niya ako tinapunan ng tingin. Mukhang iba ang pagkakaintindi niya sa sinabi ko. Gosh!