KABANATA 8 - AT ANG HIRAP MAKIPAGLABAN SA MASASAKIT NA MGA ALA ALA

Maaga pa nang umalis sila sa mansiyon, maaga kasi ang naging schedule nila kay Alberth, iyon ang araw na magsisimula na silang mag-record, kasama na niya noon ang buong banda, si Jayson ang kanilang drummer, si Dale na kanilang gitarista, si Allen na kanilang keyboardist, si Jim na kanilang base guitarist. Siya at si Jubillie ang kanilang vocalists.

"Okay kumusta naman kayong lahat?" tanong ni Alberth sa kanila.

"Okay lang kami Boss," sagot ni Jubillie na kinikilig pa.

"How about you Rona? Are you ready to sing this song?" Sabay abot sa kanya ng isang folder na naglalaman ng mga print-out ng lyrics, at isa-isa naman niyang ipinamigay sa mga kasama niya iyon.

"Wow ang ganda naman ng song na ito, sinong nagsulat?"

"Well, may isang nagsulat niyan para sa iyo, iyan daw ang magandang kanta na nababagay sa iyo," sagot naman ni Alberth.

"Ha sino naman siya? Baka naman pwede kong makilala?"

"Her name is Jillianne Lazarus, but she's not here, and I don't know kung kailan pa kaming pagtatagpuin muli ng tadhana," ngumisi pa si Alberth, kaya naman sinaman niya ito ng tingin. Naisip niyang may ginawa itong kapilyuhan, hindi rin maitatanggi na magkadugo sila ni Christ, mukhang pareho silang palikero.

Tapos noon ay sinimulan na nilang pag-ensayuhan ang awiting iyon, humawak na ng mga intromento ang mga kasama nila, siya naman at si Jillianne ay hinawakan ang mikropono, pinakinggan muna nila ang music, kung anong tono ng awitin, sobrang lungkot, para tuloy naiiyak siya, parang nakaka-relate siya sa awitin.

"Ano ba yan Boss, sawi ba ang nagsulat ng lyrics, pati ang musika sawi rin yata," nasabi ni Jim. At sila naman ay napasang-ayon. Maya maya nga ay nakahanda na silang tug-tugin iyon.

Pumailanlang ang musika, at nagsimula si Rona na awitin ang kanta, at habang binibigkas niya ang bawat liriko ng awitin, hindi niya namamalayang tumutulo na pala ang mga luha niya, at nang hindi na niya napigilan ay ibinaba niya ang mike at patakbong nilisan ang studio.

"Rona!"

Hahabulin sana siya ni Jubillie ngunit maagap na itong napigilan ni Alberth. Sa labas ng beranda ng gusali napahinto si Rona, lumanghap siya ng hangin mula sa bintana, at ilang beses na bumuntong hininga.

"Rona, " narinig niyang tinawag siya ni Alberth.

"O, ikaw pala, ba't sinundan mo pa ako?" napapangiti bagamat pinapahid niya mga likidong nagpapabasa sa kanyang mga mata.

"Do you have any problem? I mean, may problema ba kayo ng pinsan ko?" tanong nito. At sa tingin niya ay hindi naman ito stismoso, kaya sinikap niyang sabihin sa lalaki ang sitwasyon nila ng asawa niya.

At nang sabihin nga niya iyon, naiiling naman na napatingin na lang din ito sa labas ng binatana, naisuksok nito ang dalawang kamay sa mga bulsa ng suot na pans. "Well, wala akong masasabing anumam, I think, hindi naman makakatulong ang mga sasabihin ko, but anyway, I just want to say, na sana maayos niyo pa ang mga problema niyo, at nandito lang ako, kung kailangan mo ng kausap," saad pa nito.

Nang pagkakataong iyon, medyo nakadama naman siya ng ginhawa, kahit na paano ay medyo gumaan ang pakiramdam niya, "Alam mo, masyadong magaling ang sumulat ng kanta ah, at napaiyak ako, pati iyong naglapat ng musika," sambit pa niya sa lalaki.

"Alam mo, ako kasi ang naglapat ng musika no'n." Napapakamot pa itong tumingin ng may alanganing ngiti sa mga labi, na animo'y nahihiyang sabihin iyon sa kanya.

"Really!" sambit niya na nakangiti na.

Hindi nila alam na naroon pala si Christ sa studio, nagpunta pala ito doon upang sunduin siya, nais nitong mag-usap silang muli. At huli na, nang makita nila itong papalapit sa kanila, Madilim ang mukha nito, at galit na bigla na lang sinuntok si Alberth.

"Christ!" malakas na sambit ni Rona. Nabigla rin siya sa ginawa ng kanyang asawa. Bigla na lang itong sumugod at sinuntok si Alberth.

"Ano! Lalaban ka sige tayo!" sambit pa nito kay Alberth. Si Alberth naman na napatumba sa sahig at pinutukan ng labi ay mabilis na nilapitan ni Rona upang tulungang itong makatayo.

"Ano ba! Tumigil ka na nga!" Singhal niya sa kanyang asawa.

"Umalis ka nga sa harapan niya!"

"Ikaw ang umalis! tumigil ka nga sa pinaggagawa mo, isa pa at tatawagan ko na ang lawyer ko o mga pulis para ipadampot ka!" sambit niya sa asawa.

"Ano! Binabastos ka nang isang iyan! Hindi mo kilala ang lalaking iyan!"

"Oo hindi nga niya ako kilala? Pero sa tingin mo ba kilala ka pa ni Rona? Sa ugali mong iyan! Napaka-impulsive mo!" sagot ni Alberth habang pinapahiran ng panyo ang labi niyang dumudugo.

"Anong ibig mong sabihin?"

Ngunit nakita nga nilang naglabasan na ang iba pang mga kabanda ni Rona. "Rona anong nagyayari?" tanong ni Jubillie.

"Wala, ako nang bahala rito, Alberth, I'm so sorry, but I have to go." Sabay hila na niya kay Christ. Ayaw na niyang madagdagan pa ang kahihiyang idudulot ng asawa niya sa pinsan nito.

-----------------------

Nang nasa sasakyan na sila, hindi niya akalaing dadalhin siya ni Christ sa isang pamilyar na lugar, nanlalaki ang mga mata niya nang mapansin ang daang tinatahak nila, "What are you doing? Bakit pa tayo bumabalik sa lugar na ito?" naiinis niyang sambit sa kanyang asawa.

"Look, I just trying to help you," sambit pa nito habang nagmamaneho pa rin.

"What? Trying to help me for what?"

"To remember all our memories!"

"No! I don't want, ayoko nang maalala pa ang mga pasakit na ginawa mo sa akin, ayoko nang maalala pa ang lahat ng sakit na naramdaman at naranasan ko diyan sa bahay na iyan! Kaya nga ipinagbili ko na iyan diba!"

"Oo, may masasakit na ala ala riyan! Pero nandiyan din ang lahat ng masasaya nating ala ala, noong bagong kasal pa lang tayo, noong una nating sinimulang planuhin ang pagpapagawa nito, noong nangangarap tayo!"

At nang naroon na sila, ay bumaba ito at lumigid sa kabilang pintuan ng kotse upang siya naman ang pababain. "Lets go!" utos nito sa kanya. Mahina ngunit maawtoridad ang tinig nito sa kanya.

"Hindi ko maintindihan kung bakit pinipilit mo pang gawin ang bagay na ito, tapos na ang lahat sa atin! Tapos na!" Ngunit laking gulat na lang niya nang pangkoin siya nito at sapilitang buhatin papasok sa loob ng gate ng dati nilang bahay. "Ano ba! Christ! Ibaba mo nga ako!" At sinabayan pa niya ng pagpukpok sa dibdib nito. Ngunit hindi manlang nasaktan at tuminag ang lalaki.

Ibinaba lamang siya nito nang nasa loob na sila ng bahay. Binuksan ni Christ ang ilaw at kumalat nga ang liwanag sa buong kabahayan, namangha siya nang makita niyang iba na ang kulay ng pintura ng bahay, dati kasi kulay puti ang buong kabahayan, noo'y nakita niyang mint green na ang kulay ng mga wall, at ang mga kagamitan ay bago na rin.

"Paano mong nabuksan ito? Ipinagbili ko na ito ha?"

"Binili ko, ako ang bumili nito, hindi ko hahayaang ipagbili mo na lang ng ganon lang ang bahay natin, anumang masamang ala ala mo rito, binura ko nang lahat, wala na iyon, kaya pwede na tayong magsimulang muli," sambit pa nito.

"Ganon na lang iyon! Ipapa-renovate mo, binabago mo, at wala na tapos na, dito hindi mabura eh!" tinuro na naman niya ang puso niya.

"Sana nga, hindi mabura, sana gaya ng puso mo na hindi magawang makalimut sa mga masasakit na nagdaan, sana ganon din ang isip mo, kasi hirap na hirap na ako Rona! Kinalimutan mo iyong masasaya! Iyong magaganda! Iyong tunay na pagmamahalan natin! Bakit ganoon! Bakit iyon nakalimutan mo? Pero iyong masasama, at masasakit nakatanim sa puso at isipan mo?" napaiyak si Christ, kahit na ayaw niyang magmukhang nagpapaawa, nilulunok na lang niya ang pride niya. Sawa na siya at pagod na siya sa kahihintay na makabalik ang asawa niya. Iyong Rona na noon ay palaban, at matino ang pag-iisip, iyong Rona na makatwiran.

"Pigain mo itong isip ko! Sa tingin mo nakakatulong ito! Itong ginagawa mo! Sariwa pa ang lahat sa akin Christ, at ang nakatatak sa isipan ko ay ang lumaya sa iyo! Ang makalaya sa iyo!"

"Sige! Umalis ka na! Ang hirap sa iyo, sarili mo lang lagi ang iniintindi mo, sa kaiisip ko ng paraan, para lang magkaintidihan tayo, ako ang naiipit sa isang sitwasyon, kung iniisip mo na ginagamit lang kita para sa promotion ko sa negosyo kay Papa, okay! Gusto mong kay Alberth mapunta ang kumpanya ni Papa, okay! Iyon ba ang iniisip mo kaya ako humingi ng two years? Dahilan ko lang iyon Rona, the truth is gusto kong magkaoras ka na isipin ang lahat, at maresolba ang mga problema natin!"

"Ang sakit nang ulo ko," nasambit naman ni Rona. "Aalis na ako." Pilit niyang pinihit ang naninigas niyang mga binti at ang inihakbang ang kanyang mga paa. Kaya lang ay tuluyan na siyang nawalan ng Malay bago pa niya maabot ang door knob ng pintuan.

"Rona!" Maagap na salo ni Christ sa kanya.

__________

Nagising siyang nakahiga sa isang kama, tanging dim light lamang ang nagbibigay ng liwanag sa buong silid. Napabangon siya, at napahawak sa kanyang kumikirot na noo, at nang makahupa iyon ay medyo naiangat na niya ang kanyang paningin, iginala niya ang paningin niya ngunit natiyak niyang nag-iisa lamang siya ng mga sandaling iyon. Hindi nga niya alam kung nasaan si Christ. Marahan siyang tumayo, sinubukang lumakad patungo sa pintuan, nagulat siya nang bumukas na iyon bago pa man niya iyon mahawakan.

"O gising kana?" masuyong tanong nito sa kanya.

"Ano iyan?" tanong niya sabay pindot ng switch ng ilaw, kumalat ang liwanag sa buong silid.

"Ano pa, ipinagluto kita ng lugaw, hindi ko alam kung bakit ka hinimatay, nawalan ka ng malay kaya naman inihiga na muna kita dito sa kama natin," sambit ni Christ habang inilalapag ang hawak na tray sa lamisitang naroon. At nang mailapag iyon doon marahan niyang hinila papalapit sa kama ni Rona. Siya naman ay bumalik sa pagkakaupo sa kama.

"Eto, susubuan na kita." Umangat naman ang kamay nito na may hawak na kutsara at papalapit sa bibig niya. Naisubo naman niya iyon, hindi na gaanong mainit ang lugaw sapat para makain niya. Marahil ay nawala na rin kasi sa isipan niya ang kumain. Buong araw ang kanilang rehersal, at nang umalis sila roon sa studio ay hindi rin sila kumain manlang.

Wala na siyang ginawa kundi ang makipag-away na lang sa asawa niya, maging ang gutom ay hindi na niya nadarama, at ang kumain ay nalilimutan na rin niya. "Pagod na ako, pagod na ako Christ, ayoko na," sambit niyang nakatitig sa mukha ng asawa.

"Kaya nga mag-ayos na tayo," ngumiti itong muling sumamdok ng lugaw sa mangkok gamit ang kutsara upang isubong muli sa kanya. Ngunit hinarang na iyon ng isang kamay niya, tumayo siya at lumakad patungong bintana.

"Christ, paano kung sabihin ko sa 'yong hindi ko nang kaya pang matiwala sa iyo, at hindi ko na kayang ibalik ang dati?"

"Sinasabi mo lang iyan kasi galit ka pa rin sa akin, ano bang dapat kong gawin para patunayan sa iyo na totoo ang mga sinasabi ko?"

"Palayain mo ako, maghiwalay tayo, iyong legal na paghihiwalay," sambit niya.

"Sure ka?"

"Oo," sagot niya kahit na dinudurog ang puso niya.

"Sige, pero bigyan mo muna ako ng isang buwan para ayusin at patunayan sa iyo ang lahat," sagot rin ni Christ.

"Christ!"

"Ibibigay ko ang kalayaang nais mo, pero bigyan mo muna ako ng Chance na mapatunayan sa iyon na totoo ang sinasabi ko, at pagkatapos no'n, sige kung wala na talag sige maghiwalay tayo, pero ito ang sasabihin ko sa iyo, ikaw lang mahal ko, at kung tuluyang masira ang relasyong ito, ikaw lang ang sisisihin ko."

Napamaang namang napatingin siya sa asawa. "At bakit ako? E diba ikaw nga iyong nagloko?"

"Rona, hindi ako nagloko, ayaw mong pakinggan ang mga paliwanag ko, paulit-ulit na lang tayo, napasubo lang ako kay Asaleah nang dahil sa kagustuhan kong pagselosin ka, ngayon namomroblema ako sa kanya," napahilamos ng mga palad sa mukha si Christ.

"I don't care! Basta ang gusto ko maghiwalay na tayo, iwan mo ako, at iiwan din kita tapos!" singhal niya sa lalaking nakatingin na lang sa kanya.

"Napaka-inconsidirate mo talaga! Paano ang Mama, si Analiza at Bridgette, at saan ka pupunta?"

"Anong ibig mong sabihing saan ako pupunta?"

"Wala ka nang pamilya rito, nasa ibang bansa na sila lahat," sagot ni Christ. At siya naman ay nagkunwaring hindi nagulat. Nagtataka siya sa kanyang sarili kung bakit nakalimutan niya ang mga bagay na iyon. Wala na nga pala ang kanyang mama, at ang papa niya ay may sarili nang pamilya sa ibang bansa. Si Christ, nga lang pa la ang natitira sa kanya, at ang pamilya nito ang itinuturing niyang pamilya.

Nang gabing iyon sa iisang silid sila natulog ni Christ, hindi naman siya dalawin ng antok, natapos na silang parehong mag-shower, siya ay nagkunwaring abala sa kanyang panonood sa celphone, habang si Christ ay nasa beranda at may kausap sa cellphone.

Mayamaya ay kumulog ng malakas, at kasunod noon ang malakas na kidlat, naging sanhi ng kawalan ng kuryente. Mabilis niyang natakpan ang mga tainga niya dahil sa tuwing kukulog at kikidlat ay nakakaramdam siya ng takot at hindi maipaliwanag na pagkagulat.

"Rona! Are you okay?" mabilis na nilapitan siya ni Christ at niyakap. Alam ni Christ na takot siya sa kulog at kidlat. Kaya nga mabilis itong lumapit. "Ayos ka lang, nandito lang ako, huwag ka nang matakot," sambit nito habang humigpit ang yakap sa kanya.