KABANATA 9 - AT ANG HIRAP KAPAG KINIKILIG

At nang muling kumulog ay nagulat na naman si Rona, at sa pagkakataong iyon ay napatumba na sila sa kama. Si Rona ay nagsusumiksik sa kanyang dibdib dahil sa takot, at niyayakap naman niya ito ng mahigpit. Hindi niya nais ngunit lihim siyang nagpapasalamat sa malakas na ulang iyon, maging sa kulog at kidlat, at minsan pa niyang dinasal na sana ay mas lumakas pa ang pagsama ng panahon.

Atleast dahil manlang doon ay napalapit silang muli ng kanyang asawa. Muli niyang naalala ang nakaraang limang taon sa kanilang dalawa, at matagal na nga palang hindi niya nayayakap ng gano'n ang asawa niya.

Noon din mismo ay naamin niya sa kanyang sarili na may malaki rin siyang pagkukulang, mali ang naging responce niya sa sakit nitong depression, mali ang pinabayaan niya itong danasin ang kalungkutan ng mag-isa. Tulad ngayon, nagyon ay naiisip niya iyong mga panahong nag-iisa ito doon sa silid na iyon, paano nga pala ang mga ganoong pagkakataon? Iyong ganong pagkakataon na takot na takot ito, tapos wala siya para yakapin ito at alisin ang nadaramang takot.

Habang yakap niya ri Rona, bumalik lahat sa kanyang alaala, ang mga nakalipas, oo may mga maga nakalimutan nga ang asawa niya, ngunit ng mga oras na iyon, na-realized niya na mas marami pala siyang nakalimutan, at binalewala sa damdaming iyon ng asawa niya. Tama si Rona, siya at hindi ito ang anunang bumalewala sa relasyon nila.

Kaya hindi niya ito dapat sisihin, narinig niya ang paghikbi nito sa kanyang dibdib, nababasa ang suot niyang t-shirt ng mga luha nito, kita niya ang matinding takot ni Rona, nagmistulang bata ang asawa niya na nakasubsob ang mukha sa kanyang dibdib. "Alrigth, its alrigth, wala lang iyang kidlat na iyan, wala lang iyang kulog na iyan, Im here to protect you," sambit pa niya at mas hinigpitana ang yakap sa asawa.

Maya maya ay nawala na ang malakas na kulog at kidlat sa labas, ngunit ang malakas na ulan ay hindi pa rin tumtila, wala pa ring kuryente, kaya nang mapansin niyang tila tumigil na si Rona sa paghikbi, sinubukan niyang tumayo, at nang tatayo na sana siya ay bigla nitong hinila ang t-shirt niya sa likod, "Huwag mo akong iwan," sambit ni Rona ng mahina. At kahit na madilim at liwanag lamang sa kanyang cellphone ang nagsisilbing ilaw nila, ay naaaninag niya ang mukha nito na nababalot pa rin ng takot.

Nanatili na lang silang nakahiga, humarap siya sa asawa upang mas mapagmasdan niya ang mukha nito, hindi naman talaga kumupas ang ganda nito, at kahit pa napailalim ito sa kalungkutan sanhi ng depresiyon, nanatili pa rin para sa kanya ang kagandahan nito.

Hindi niya na napigilang haplusin ang mahabang buhok nito na may ilang hibla rin ang tumatakip sa mukha nito. Si Rona naman ay nakapikit, alam niyang nagpapanggap lamang itong tulog, o marahil ay natatakot pa rin kung kaya nakapikit ito. Ngunit kahit na nakapikit ito, mahigpit pa rin ang pagkakahawak nito sa t-shirt niya.

Hindi na rin niya napigilan, kakaibang pakiramdam ang naramdaman na naman niyang muli, matagal na niyang hindi nararamdaman, ang ganoong sitwasyon na katabi niya ang asawa, ibang pakiramdam ang dulot sa kanya. Alam niyang hindi naman maniniwala ang kahit na sino kung sasabihin niyang wala siyang nararamdamang anuman sa ibang babae, tanging kay Rona lang, pero kahibangan iyon sa para sa iba, walang maniniwala sa kanya.

Pero sa mga sandaling iyon, nadarama niya ang isang hindi mapipigilang damdamin, na para bang hindi niya kayang kontrolin, at nang mas sumiksik pa ni Rona ang mukha nito sa dibdib niya, may naramdaman siyang parte ng katawan niya ang mabuhayan, napapalunok siya sinusubukan niyang pigilan iyon, ayaw niyang isipin nito na nagte-take advantage siya.

Ngunit nagulat siya nang makita niya si Rona na nakatingin sa kanya, malamlam ang mga mata nito ngunit hindi pa rin bumibitiw sa pagkakahawak sa damit niya, hindi na niya napigilan pa, masuyo niyang hinalikan ang kanyang asawa, at alam naman niyang hindi mali na may mangyari sa kanila sa gabing iyon, mahal niya si Rona, at alam niyang mahal pa rin siya nito. At sa gabing iyon, nais niyang gumawa sila ng mga bagong ala ala.

"I'm so sorry Rona," bulong niya matapos halikan ng masuyo ang asawa. Si Rona naman ay walang kibo sa kanyang sinabi. Kaya naman ang kapangahasang iyon ay inulit pa niya. Minsan pa niyang hinagkan anga asawa sa mga labi nito, at naramdaman niyang humihigpit ang kapit ng asawa niya sa kanyang damit, ilang sandali pa ay unti-unti na niyang hinuhubad ang suot nitong damit na pantulog, at siya rin ay naghubad ng suot niyang t-shirt, at ang kaninang nababalot sila ng lamig dulot ng malakas na ulan, hindi na nag-aapoy na ang kanilang mga katawan, si Rona, nagpapaubaya na sa kanyang ginagawa.

Magatagal na nilang hindi nagagawa ang bagay na iyon, inabot ng kung ilang taon, at muntik na silang mauuwi sa hiwalayan, pero ngayon, hindi na siya papayag na mangyari iyon, hindi nasiya papayag pang guluhin ni Asaleah ang buhay nila.

At sa gabing iyon babaguhin niya ang isipan ni Rona, at sisiguraduhin niyang hindi na sila maghihiwalay pa, at mamahalin niya ang asawa niya, hindi na niya ito muli pang sasaktan. At habang lumalakas ang ulan, sila naman ay patuloy na pinagsasaluhan ang kanilang muling pagniniig.

NANG magising siyang muli ay tumila na ang ulan, nagkaroon na rin ng kuryente, at si Rona ay mahimbing na natutulog. Tumayo siya upang patayin ang ilaw ng biglang mag-ring ang cellphone niya.

Rumihistro doon ang pangalan ni Asaleah, hindi niya iyon balak sagutin kaya pinatay niya ang cellphone at muling tinabiban ang asawa niya sa pagtulog.

Hindi niya akalaing sa tahanang iyon sila muling magkabalikan. Ang hiling lang niya ay magtuloy-tuloy na ang lahat. At kailangan na lang niyang isipin kung paano mapapatigil si Asaleah sa panggugulo nito sa kanila.

One month later:

Nasa mansiyon sila at masayang nagluluto si Rona, para sa kanilang hapuna, "WOW! Si Ate nagluluto ng sinigang, at ginisang ampalaya." Masayang sambit ni Analiza.

"Nako hindi tulungan ko lang si Manang hindi naman ako busy. Saka alam ko namang miss na miss na ng Kuya mo ang mga luto ko," nakangiti niyang sambit.

"Uy! Mukhang going straight na kayo ni Kuya uli, salamat naman kung ganon, alam mo kasi sobrang lungkoy namin ni Mama."

"Nako pasensiya na kayo pinag-alala ko pa kayo ni Mama," sagot niya pa. Habang tinitikman ang niluluto niya.

"Hey, ang bango naman niyang niluluto niyo, siya nga pala Ate Rona, bukas may pitting tayo ng gown ha, para sa investors party sa sabado. Saka baka mag announced na si Papa about sa paglilipat ng management kay kuya sa kumpanya, kaya kailangan maganda ka, ikaw na ang first lady ng kumpanya," nakangiting sambit naman ni Bridgette.

Ngunit tila ba nakadama siya ng kaunting kaba, hindi niya alam kung bakit, tila ba may magaganap na hindi na hindi niya gusto sa araw na iyon.

Nasa silid nila siya, nag-shower muna siya dahil alam niyang Maya maya lang ay maghahapunan na sila, pasado alas-sais ng maramdaman niya ang pagbukas ng pintuan at pagpasok ng kung sino sa loob ng banyo nila. Isang buwan na ang nakalipas buhat ng may mangyari sa kanila uli ni Christ.

Kaya mula noon ay nag-iingat na siyang masundan pa iyon. Alam niyang mahal siya ni Christ at nagkalinawan na rin sila, hindi na payag si Christ na maghiwalay sila kahit na anong mangyari. At bumalik na rin ang lambing nito sa kanya. Walang Araw na hindi ito bumabawi sa kanya, at ginagawa nga nito ang lahat upang makabawi at mapalitan na ang mga masasamang ala ala nila ng mas magandang ala ala.

Namasyal sila at nag-travel sa kung saang-saang lugar. Muli nilang binalikan ang mga ala alang nalimutan na niya. Noong magksintahan pa lang sila. At dahil na rin siguro do'n kaya natutuhan na niyang patawarin si Christ. Nangako naman si Christ na aalisin na niya bilang secretary si Asaleah, upang hindi na sila muling magkasira.

Sa puntong iyon, tama man o mali ang naging desisyon niyang patawarin ang asawa, iyon ang sa tingin niya ang pinaka mabuting gawin niya no'ng mga panahong iyon. Isa pa'y hindi na rin niya kaya ang stress na dulot nito sa kanyang kalusugan.

Nagulat siya nang biglang magbukas ang pintuan ng banyo nila, at bumukas ang shower curtain na humaharang sa shower place nila at bawl.

"Hoy! Anuba! Bakit Basta ka na lang pumapasok?" nanlalaki ang mga mata niya nang makita niyang basta na lang nag*u*ubad ang asawa niya.

"Bakit? I miss you so much honey!" Sabay lapit nito sa kanya at yumakap ng mahigpit.

"Hoy! Ano ba, ang OA mo na," nangingiti niyang sambit sa asawa. Ngunit lubos naman siyang kinikilig sa kalandian ng asawa niya na ipinapakita sa kaya. Iyon 'yong bagay na nawala sa kanila noon, iyong intimacy nila bilang mag-asawa.

At ngayon nagkabalikan na sila, mas nadarama niya ang kakiligan habang patuloy siyang nilalandi nito. "Honey, sa 'kin mo lang gawin to ha, ayoko nang gagawin mo pa sa iba," sambit pa niya habang magkayakap sila sa loob ng bathtub. Nakakandong siya sa asawa habang napapaligiran sila ng maraming bula, at nababad sa mainit-init na tubig noon.

Hinalikan siya nito sa labn bago sumagot, "I promise, ikaw lang, ikaw na lang habang buhay,"

"Paano kung mawala na ako?"

"Ha? Honey naman, huwag ka ngang nagsasalita ng ganyan," napapasimangot na sambit ni Christ.

"Honey, lahat naman tayo darating sa point na 'yan."

"Mag-aasawa ko uli, kaya huwag mong tangkaing mawala ng maaga, okay!"

Tumango naman siya rito at muling yumakap sa asawa. "Okay, at least alam kong you can live, kahit mawala pa ako sa mundo."

"Rona, ayoko nang ganyang usapan," naiinis na tumayo ito at nagbanlaw na. Kahit naman siya ayaw niya ng ganoong usapan. Pero hindi naman niya maiwasang hindi mabangit at maitanong iyon. Hindi na lang siya kumibo, alam niya naman kasing mali siya na sirain ang mood nila.

Lahat sila ay nasa hapagkainan na, liban kay Alberth na wala pa talaga sa mansiyon, ngunit si Christ na kanina pa nasa itaas ay siya nilang ipinagtataka ang matagal na pagbaba nito.

"Bakit ba wala pa si Christ?" tanong ng papa nito sa kanilang lahat. Kaya tatayo na sana siya upang sunduin ang asawa nang makita niya itong bumababa na ng hagdan.

Nagulat pa siya ng sa tabi niya ito umupo. Pinaalis pa nito si Analiza upang ito ang umupo sa tabi niya. Nagulat pa siya nang hawakan nito ang kamay niya habang nanalangin ang lahat para sa pagkain.

"Pasaway ka talaga."

"Bakit? Wala Naman akong ginagawa a," nakangising sambit ni Christ sa kanya.

"Ay nako, anong balita sa inyo Christ? Hindi ba at nag-honeymoon kayo uli? Ano may magiging apo na ba ako." Tanong ng Papa nila.

"Papa, sa ganitong oras po ba ninyo itatanong iyan, nakakahiya po sa asawa ko," napapangusong sambit ni Christ.

"Aba bakit naman? Natural lang naman siguro na magkaaanak kayong muli, mag-asawa kayo, huwag niyo nang gayahin itong dalawa rito, na tatanda na lang yatang mga dalaga.

"Ang Papa naman kami na naman ni Analiza ang nakita," sambit naman ni Bridgette.

"O e ano? E totoo naman."

"Nako tayo na nga't tikman natin itong sinigang ni Rona," sambit naman ng Mama nila.

"Wow! Ang honey ko ang nagluto kaya hindi iyan maasim!" kinilig pang sambit ni Christ, kaya naman halos makurot na niya ito para tumigil.

Mabilis na lumipas ang mga araw at iyon na nga ang araw ng party, iyon ang gabing mahalaga para sa kanila ni Christ, iyon kasi ang gabing iaanunsiyo na at ipapakilala sa lahat ng investors ang kanyang asawa. At tila ililipat na rin kay Christ ang pamamahala.

Lahat sila ay naroon sa isa sa ma hotel na pagmamay-ari ng kanilang pamilya, at halos lahat nga ay masaya sa gabing iyon. Naroon na rin ang mga hipag niya, si Christ ay7 gwapong-gwapo sa suot nitong kulay gray na tuxedo. At siya naman ay naka-white gown, at lumabas ang kanyang angking kagandahan.

At habang abala silang lahat sa pag-istima sa lahat ng mga panauhin sa party na iyon, hindi nila namalayan ang pagdating ng isang babaeng sisira sa okasyong iyon.