Kabanata 7
Pasado alas-sais na nang gabi ng makarating siya sa Cavite, isa sa mga beach resort doon, nakita niyang mayroong kasiyahan, tila kasalan, at nang marinig niya ang tinig ng babaeng umaawit, alam na niya kaagad na iyon ang babaeng hinahanap niya. Mula sa gate ay nanatili lamang siyang nakatayo at pinakikinggan ang awitin ng kanyang asawa.
"Ako ay nangangarap na sana ay muling makapiling ka, sa puso ko, sa isip ko ay ikaw lamang sinta. At kung hindi ikaw, ang mamahalin, sino pa kaya ang siyang aking pipiliin...." Habang pinakikinggan niya ang mga lirikong iyon ay dama niya sa kanyang puso ang matinding kalungkutan ng kanyang asawa.
Lumakad siya ng kaunti at ilang hakbang pa ay naroon na siya, pinaupo naman siya ng isa sa mga nag-aasikaso ng mga bisitang naroon. Napagkamalan siyang bisita sa reception ng kasalang iyon. Nataon kasing tinawagan si Rona ng kaibigang si Jubillie, naka book kasi ito ng event sa Cavite, at kinakilangan ng banda nila ng vocalist.
"At ang hirap, mawalay sa isang katulad mo, ikaw lang dito sa puso ko, kahit pa isipin kong kalimutan ka'y diko makakayang gawin.... at ang hirap na iwan ang lahat.... dito sa puso ko ay ikaw lamang ang nag-iisang laman!" Napatingin si Rona sa asawa habang ibinibirit ang linya ng kantang iyon, at sa kalagitnaan ng awitin ay napahinto na siya.
Mabilis siyang bumaba ng stage at dumaan sa likurang bahagi upang umalis na uli, wala siyang balak na makipag-usap o sumabay sa asawa pabalik ng Maynila. "Rona! Wait, " habol nito sa kanya. At nang maabutan siya nito ay hinablot pa ang kanyang kamay.
"Ano ba! Lumayas ka sa harapan ko," sambit niya kay Christ.
"Rona, please ayusin na natin ito, hindi ko na kaya."
"What? Hindi mo na kayang makapag-intay ng two years! Atat ka nang iwan ako? Atat na atat kanang hiwalayan ako?" tanong ni Rona sa asawa.
"Hindi! Mali ka, hindi ko na kayang ganito tayo, mag-ayos na tayo, suko na ako, alam ko nang mali ako," sambit nito na tila naluluha pa habang mahigpit na hawak ang isang kamay niya. Halos lumuhod na ito sa harapan niya, at iyon ang unang beses na nakita niya si Christ ng ganoon. Ang lalaking mataas ang pride, ay magagawang lunukin na lang lahat ng ego nito, mapatawad lang niya? Hindi niya mapaniwalaang nagaganap ang lahat ng iyon sa kanya.
"Ano bang sinasbi mo? Kung natatakot ka lang dahil alam mong alam na ni Mama ang lahat, huwag kang mag-alala. Hindi pa ngayon."
"Pano kung sabihin ko sa iyong---" hindi na itinuloy ni Christ dahil sa pinupog na nito ng halik sa labi si Rona.
At sa pagkakataong iyon ay itinulak niya ito ng malakas, at tila ba may sariling buhay ang kanyang isang palad na umangat at dumapo sa isang pisngi ng asawa. "Bakit! Sa akala mo ba matatapos lang ito sa ganito? Ano hahalikan mo ko, hihinga ka ng tawad! Tapos na? Ganon lang patatawarin kita, hindi Christ, hindi ito simpleng tampuhan, lumalim na ng lumalim ang sugat, at lahat ng mga ginawa mo sa akin, nakatanim na dito!" Sabay turo niya sa sarili niyang sintido. "Ang lahat ng sakit, nandito!" Sabay lipat ulit ng daliri niya sa tapat ng dibdib.
"Kaya nga SORRY! Humihingi na ako ng tawad! Hindi na mahalaga sa akin kung ako o ikaw ang may pagkukulang! Magsimula tayong muli, Rona mahal kita, ikaw lang babaeng minahal ko, alam mo iyan! Kaya nga ang sakit-sakit sa akin na hindi mo ako pinagkatiwalaan, nanaiwala ka sa babaeng iyon!"
"Bakit mo hinayaang maniwala ako? Bakit mo hinayaang iyong ang idikta ko sa sarili ko, bakit mo hinayaang magalit ako sa iyo!"
"Because I want you to get back on me, nawala ka sa sarili mo, nakalimutan mo na anak lang ang nawala sa iyo! Meron ka pang asawa! Pero parang nawala lahat sa iyo, hindi kita sinisi, pero ikaw na mismo ang sumisi sa sarili mo, hindi mo ba naalala ang mga naganap? Look, try to think about it," nakaluhod nang pakiusap ni Christ sa kanya.
_______________
NANG nasa kotse na sila, tulalang nakatanaw lamang si Rona sa labas ng pintuan, hindi na rin siya nakatangging sumabay kay Christ pabalik ng Manila. Habang nakasandal siya malapit sa salamin at pinagmamasdan ang bawat patak ng ulan sa labas, sumagi sa ala ala niya ang isang mumunting kaganapan.
"Christ, wala na ang anak natin," sambit niya habang umiiyak. Lumapit si Christ no'n sa kanya at masuyong hinimas ang likod niya upang aluin siya. Isinandal pa nito ang ulo niya sa dibdib nito at niyakap ng isang braso nito ang katawan niya. Malungkot rin ang mukha ni Christ, ngunit hindi nagsasalita. Wala itong ginagawa kundi ang aluin siya at himasin ang likod niya. Isang klase ng ala ala na tila hindi na naging malinaw sa kanya.
Napatingin siya sa nagmamanehong asawa, hindi niya alam kung bakit sumagi sa isipan niya ang ganong alaala,"Bakit, kaya ang dami nitong sinasabi na hindi ko ma-gets? Hindi ko maalala kung ano iyon?" nagtataka niyang tanong sa kanyang isipan.
"Why? Are you hungry?" masuyo ang tanong ni Christ sa kanya.
"Hindi, may mga iniisip lang ako," sagot niya rito, at muling ibinaling ang tingin sa labas ng bintana. "Siya nga pala, hindi ko alam ang mga sinasabi mo, bakit ganon?" taka niyang tanong. At dahil do'n ay mabilis na naipreno ni Christ ang sasakyan. Huminto sila, at pinakatitigan siya nang kanyang asawa, habang sa labas pa rin siya nakatingin.
"Rona, anong sinasabi mo? Are you telling the truth? I mean... you mean, wala kang maalala?" naguguluhan na ring tanong nito sa kanya.
Marahan siyang tumango, "Ang naalala ko lang ay ang mga panloloko mo sa akin, iyong naabutan ko kayo ni Asaleah sa kwarto natin, saka iyong iniwan mo ako, umalis ka diba, nag-buisness trip ka, at naalala ko rin naman iyon nakunan ako, at masakit na pakiramdam, at iyong parte na wala kang sinabi, walang salita o anupaman, at kanina lang--" natitigilan niyang sabi, napatingin siya sa asawa na nakatitig sa kanya.
"Okay, I want to hear that, pero sa bahay na, baka abutan pa tayo ng umaga sa biyahe, kinakilangan na nating makauwi," sabi nito sa kanya sabay pinaandar nang muli ang kotse.
_____________
Pasado alas-onse nang gabi ng makarating sila sa mansiyon, at laking gulat niya ng makita ang lahat sa sala, hindi pa tulog ang lahat, at kitang-kita niya ang pag-aalala sa mukha ng mga ito, wala noon ang Papa ni Christ dahil nasa isang business trip ito, kaya naman ang Mama nila na siyang nakakaalam ng problema ay matiyagang naghintay sa kanilang pag-uwi.
"Ate! Saan ka ba nagpunta? Pinag-alala mo kami," sambit ni Analiza sa kanya na napapadyak pa ang mga paa sa sahig.
"Pasensiya na po kayo, Mama. At Analiza, sa iyo rin Brigette," sambit niya sa mga ito.
"Okay na ba ang lahat, kumain na ba kayo, magpapahanda ako ng pagkain kay Manang Simang, kumain na muna kayo bago kayo magpahinga, bukas pag-uusapan natin ang lahat," sambit ng Mama ni Christ. Sila naman ay sumunod ng sabihin nitong magtungo sila sa dining area para kumain. Nagutom din naman siya sa biyahe kaya naman pinaunlakan na nila ang sinabi ng biyenang babae.
MATAPOS nilang maghapunan ay nagtungo na sila sa kanilang silid, malungkot ang mukha nilang pareho ni Christ, ayaw ni Christ makagawa ng anumang kilos na maaring nikagalit ng asawa, sa mga oras na iyon, pareho silang walang imik, ngunit tulad niya, nais rin ni Christ na hindi tulugan ang problema.
Naunang pumasok si Rona sa banyo, kaya naman tahimik na lang na naghintay si Christ sa sopa. At nang ilang sandali lang ay lumabas na siya, ito naman ang puamasok sa banyo, naisipan niyang uminom ng kape, alam niyang hindi rin naman siya makakatulog, nais niyang matapos na ang anumang problema na namamagitan sa kanila, at alam niyang iyon na ang tamang panahon upang pag-usapan, at klaruhin ang kanilang usapin.
Lumabas siya sa beranda ng silid nila, nakatanaw siya sa malayo, doo'y tanaw na niya ang malawag na kalangitan na napupuno ng maliliit na liwanag at kumukutitap sa kanyang paningin. Mga bituing tila ba abot kamay na niya. Mabilis siyang napapitlag ng bigla na lang may mga bisig na umangkla sa kanya ng baywang, mula sa kanyang likuran.
"What are you doing here? Malamig na rito," sambit nito sa kanya. Habang nakayakap sa kanyang katawan.
"Okay lang ako," sambit niya ngunit pasimpleng tinanggal niya ang mga kamay nito na nakapulupot sa kanyang baywang.
Hindi naman nagreklamo si Christ, "Lets talk about the problem," sambit nito.
"Alisin na natin sa usapan iyong mga bagay na nakalimutan ko na, at itong kasalukuyang problema ang pag-usapan natin, alam kong nasa iyo na ang contrata, bakit hindi mo pa iyon ipapirma sa akin, huwag tayong lalayo sa tunay na problema," paliwanag niya. Dahil ayaw niya nang umasa na maayos ang lahat sa simpleng paghingi ng tawad.
"Talagang guso mong maghiwalay tayo?"
"Hindi ba iyon ang dapat? Ikaw ang nagloko? Ikaw ang unang bumalewala sa akin," nabasag ang boses niya ngunit sinikap niyang tatagan ang kalooban niya. Parang may batong dumadagan sa puso niya habang tinitingnan ang lalaki. Malungkot na malungkot naman ang mga mata ni Christ, humihingi ng tawad ang bawat pagtitig nito sa kanya.
"What can I do? Para lang mapatawad mo ako, ako na nga umaamin, ako ang nagakamali dahil hinayaan ko si Asaleah na makalapit sa akin, at hinayaan ko siya na makalapit sa iyo, para sirain ang isipan mo, akala ko kasi paniniwalaan mo ako, akala ko hindi mo matitiis na hindi hingin ang paliwanag ko, akala..." Napaiyak ng tuluyan si Christ habang nakatingin sa malayong kalawang ng langit.
"Ilang beses kitang hinintay, ilang beses kong hiningi ang paliwanag mo, kung pinaliwanag mo nang maaga, kung sinabi mo ng maaga, pero nagawa mo pa akong saktan nang dahil sa kanya, paano mo itu-twist ang bagay na iyon? Mahal mo pa ako? Gusto mo lang makita ko ang sarili ko? Nawawala ako? Ako ang nawawala sa sarili? Look if ever na tama ang mga sinasabi mo dapat ba ginawa mo iyan? Dapat hinayaan mong mangyari ang lahat ng ito? Nakapatong siya sa iyo, nakita ko, may nangyayari na sa inyo!"
"Walang nangyayari sa amin, hindi ko alam na ganon ang posisyon namin, I was drunk! At hindi ko alam na nandoon siya sa bahay, noong una akala ko ikaw ang nagtatangal ng damit ko, maniwala ka, hindi ko alam, kaya lang hindi mo ako pinapakinggan!"
Napatitig siya sa asawa niya na inaakala niyang nagtatahi ng mga kwento upang mapaikot siya, ganon na ba siya katanga sa paningin ni Christ, napapailing siya, "Nakakaawa ka na Christ! Gumagawa ka ng kwento! Para lang mapaikot mo ako, sige dagdagan mo pa ang mga kasinungalingan mo," sambit niya na tinangkang tumalikod upang iwan na muli ang asawa. Ngunit mabilis na hinila ni Christ ang isang kamay niya at niyakap siya ng mahigpit.
"Pakinggan mo ako, alalahanin mo kung gaano kita kamahal, please, bakit ko pa gagawin ang pababain ang sarili ko kung alam ko naman at nangako kang maghihintay ka ng two years, Rona, hindi ko na kaya, lalo na kapag mawala ka sa akin ng tuluyan."
"Tingnan natin? Kung anong kaya mong gawin para pigilan si Asaleah na wasakin tayo dahil punong-puno na ako sa kanya," sambit niya at bumitaw sa kanyang asawa.
Naiwan namang laglag ang mga balikat ni Christ, hindi niya akalaing magiging matigas si Rona sa kanya sa pagkakataong iyon. Lumabas na nga ang tunay na ugali ng kanyang asawa, pero siya naman ang umaani ng lahat-lahat dahil sa hinayaan niya si Asaleah, ginamit nga niya ito para pagselosin ang asawa, pero hindi niya akalaing makamandag din ito, at tila isang sawang lumingkis sa kanya at ayaw na siyang pakawalan pa.
At ang hirap nito para sa kanya, maraming hinahawakang ibedensiya si Asaleah, at pinagbabantaan pa siya nito na ipapadalang lahat iyon sa kanyang papa. Hindi na tuloy niya alam ang gagawin niya para mapatigil ang baliw na babaeng iyon.
Palagi siya nitong nilalasing noon, noong panahong aksidenteng nakita sila ni Rona, matapos noon ay palagi na siyang sinusundan nito saan man siya magpunta, kung lumalabas siya kasama ang mga barkada niya, naroon din ito at bigla na lang lumilitaw, at sinasamantala ang kalasingan niya, kaya hindi na niya namalayan na ganoon na lumawak ang relasyon nila kahit na hindi naman talaga niya ginusto, nais lang niya sana itong gamitin para sa asawa, upang mapagselos noon si Rona, na noo'y nawalan na ang ganang mabuhay, akala niya kasi ay magbabalik ito sa katinuan at maalalang naroon pa siya, pero hindi niya maunawaan kung bakit may mga ala ala itong hindi na natatandaan.
At eto na nga siya, humantong sa naiipit na sitwasyon, si Asaleah, ilang beses na niyang hiniwalayan, at paulit-ulit naman niyang sinasabi sa babae na walang sila, at kahit kailan ay hindi naman niya ninais na magkaroon sila ng relasyon, pero makulit ito, at gumagawa pa talaga ng paraan para magalit sa kanya si Rona, at isipin nitong mayroon talagang namamagitan sa kanila.