KABANATA 6- AT ANG HIRAP KAPAG MAY ASUNGOT

"Ate, pagkagaling natin dito saan naman tayo pupunta? Wanna join me?" tanong ni Analiza. Habang naglalakad na sila pabalik sa mansiyon. Pagod silang pareho sa katatakbo, at ramdam na nga rin niya na medyo gumaan ang kanyang pakiramdam.

"Ha? S-shoping?" natitigilan siya, napaisip siyang matagal-tagal na nga rin pala siyang hindi nakapag-shoping.

"Oo, bili na tayo ng bagong mga dress at make up, ako na mag-aayos sa iyo sa daraing na client and investors party, siyempre ikaw ang asawa ni kuya dapat ikaw ang pinaka maganda sa lahat sa party na iyon.

"Ha bakit naman ako? Nandoon yung kabit ng kuya mo," sambit pa niya na medyo sumimangot.

"Naku, mas maganda ka nga doon, halika na," sabi pa ni Analiza sa kanya at hinatak pa siya. Ngunit sabay pang nawala ang pagkakangiti nila sa kanilang mga labi, nang makita nilang bumaba ang isang sexing babae mula sa kotse ni Christ. At alam na nilang si Asaleah iyon.

"O hi, can I ask for Christ?" tanong nito sa kanila. Mukhang hindi nito kilala si Analiza na kapatid ng lalaking nilalandi nito.

"Bakit mo siya hinahanap? At bakit mo gamit-gamit ang kotseng iyan?" nakakunot ang noo niya, kilala niya kasi ang kotseng iyon. Dahil may memories iyon sa kanila, naalala niyang sila pang dalawa ni Christ ang bumili ng kulay berdeng kotse.

"Ah, eto ba, binigay na ito sa akin ni Christ, bonus niya sa akin sa magandang pagtatrabaho ko sa kanya bilang secretary niya sa kumpanya," sagot nito na medyo ngumiti pa, iyong ngiting nakakaloko ang dating sa kanya.

"A ganon, huwag mo muna akong pagmalakihan rito, hindi kita papatulan!" maydiin ngunit mahina lang na sambit niya sa babae na itinuturing niyang kabit ng asawa niya. At sa paglalakad niya papasok ng bahay ay nakasalubong nama nila si Christ, wala itong kamalay-malay sa ginawa ng secretary nitong pang-iinis sa kanya.

"Goodmorning!" bati panito sa kanya, at ibinuka ang dalawang kamay upang yumakap sa kanya.

"Goodmorning mong mukha mo!" sambit niya sabay irap sa lalaki. Pumasok sila sa loob at naiiling na lang na tiningnan din ni Analiza ang kuya niya.

Naiiling namang napakamot na lang si Christ sa batok niya, at habang naglalakad ay nakita nito si Asaleah, nakangisi ito, at sa laki ng ngiti nito tila alam na niya ang ikinagagalit ng asawa niya sa kanya.

"Hi Sir, dinala ko na ang mga papeles...."

"Bakit dinala mo pa iyan dito? Alam mo namang mayayari ako kay Papa, kung malaman niyang may afair ko sa iyo, paano kung magwala si Rona sa loob?"

"Nandiyan na rin ang kontrata, isinama ko na diyan, anytime pwede na anting siyang papirmahin, at pagnagkataon ay malaki ang laban mo na mahiwalayan siya, diba sabi mo nga parati siyang nakakalimot, pwede na anting sabihing spcyhologycal incapacity siya, kaya hihiwalayan mo siya," nakangiti pang paliwanag ni Asaleah na hindi inintindi ang mga sinabi ni Christ.

"Asaleah, alam mo bang sinasabi mo?" napamaang na sambit ni Christ sa secretary niya.

"Yes! Definitly y-yes!" sambit nito.

Hinawakan ni Christ ang braso nito at saka iniharap sa kanya, "Asaleah! tumigil ka na! kung ayaw mong magtapos tayo ng hindi oras! Alam mo naman na mahal ko ang asawa ko, at may mga dahilan ako kung bakit itinutuloy ko ang pinaniniwalaan niya, and I think, hindi ko hahayaan na masira pati ang tiwala ni Papa sa akin, nang dahil lang diyan sa kabaliwan mo," pabagsak niyang binitiwan ang braso ni Asaleah.

"O ano Christ, basta na lang? Ano, ako iyong itatapon mo dahil lang takot kang mawala ang kayaman ng Papa mo, o ang kumpanya? Paano na ako? Paano na tayo?" Muli pa nitong hinawakan ang kanang palad ni Christ.

"Tumahimik ka na! Umalis ka na, kung ayaw mong gawin ko talaga ang matagal ko na sanang ginawa!" sambit ni Christ sabay kuha ng hawak nitong brown envelop na naglalaman ng papeles at contratang ipinapanakot lang naman niya talaga kay Rona.

"Wala akong kabalak-balak na hiwalayan ang asawa ko!" mariing sambit ni Christ sa kanyang isipan. At iniwan si Asaleah na nakatingin lang ng masama sa likod niya habang papalyo na siya sa babae.

NAGHAHANDA na si Rona, aalis kasi sila ni Analiza, at pagkatapos noon ay dederetso naman sila sa recording company ni Alberth. mabait si Alberth sa kanya, ngunit hindi naman niya binibigyan ng malisya ang kabaitan nito, kahit pa nga kung minsan ay tila may laman ang mga tingin nito sa kanya. Basta ang alam niya lang sa ngayon ay magkaibigan sila.

"Sa'n ang punta niyo?" tanong ni Crist nang pumasok ito sa silid nila at nakita siya nitong nakaharap sa kanyang vanity mirror, at nag-aayos ng kanyang mukha. Sinunod naman niya ang magsuot ng hikaw. "Hindi mo ko narinig?"

Pairap lang siyang tumingin rito at nagpatuloy sa kanyang ginagawa, "wala kanang pakialam, aalis ako at pupunta sa gusto kong puntahan," masungit niyang salita sa lalaki. At mas pinakita pa niya ang kawalan niya ng interest na makausap ang asawa. Kita niya sa sulok ng kanyang mga mata na nagdilim ang awra ng mukha nito. "Ako ba talaga pinupuno mo?" sabay hawak nito sa braso niya.

"Bitiwan mo nga ako!" mahila naman niyang binawi iyon sa kamay ng asawa.

"Kung may sasabihin ka sabihin mo? Hindi iyong puro ka ganyan!"

"Ako pa ngayon? Ako pa ang may problema! Ikaw iyong nagloko! Ikaw iyong nakasakit, pero bakit parang ako may malaking pagkukulang!" sigaw niya na hindi na niya napigilan pa, bakit nga ba niya pipigilan pa, iyon naman ang nais na niyang sabihin.

"Bakit Rona? Ano bang pagkukulang ko? Lahat naman ginawa ko ah," nakapamaywang na sambit ni Crist.

"So ako pala ang may mali rito? Ako iyong may pagkukulang?"

"Why dont you try to look back? Ang dami mo kasing kinalimutan? Hindi mo ba alam na hinahayaan na lang kita sa gusto mong gawin at isipin, kahit wala naman akong kasalanan, wala akong ginawang mali!"

"E ano si Asaleah? Ano iyang Secretary mo? Ano ang relasyon niyo? At nagawa mo pa nga akong saktan ng dahil sa kanya!"

"Kasi napuno na ako, wala kang tiwala, ako sana ang una mong tinanong nung nabasa mo ang text niya! Hindi ka sana nagpapaniwala sa baliw na iyon!" nasabi ni Crist sa kanya. At siya naman, natulala sa sinasabi ng asawa niya.

"Anong ibig mong sabihin? Hindi ba siya nga ang isinama mo sa Hongkong? Kahit na gusto kong sumama?"

"Ano? Wala akong sinama! Umalis akong mag-isa, kahit tanungin mo pa ang mga staff ko sa office!"

"E bakit nung umuwi ka ganon ka? At bakit niya sa akin sinabi ang lahat ng iyon. She said you want to be anulled our wedding, at nagmahalan kayo! Siya na ang mahal mo! Pwede ba Crist huwag mo na akong paikutin pa! Ibibigay ko naman ang hinihiling mo!"

"Bahala ka! Tutal naman wala kang pinakikinggan. Even nung nakita mo kami sa kama all of that situation is an accident! Pero hindi ka naniniwala, kasi iyong emotion mo lang at nakikita mo ang pinaniniwalaan mo."

"Dahil iyon ang ipinapaniwala mo sa akin! Iyon ang nais mong paniwalaan ko. You can't explain clearly sa akin. Hinahayaan mo na mabaliw ako ng todo sa kaiisip! Iniwan mo ako sa ere!" Sabay labas na niya sa silid. At laking gulat niya ng makita niya sa labas ng silid nila ang biyenan niyang babae at si Analiza.

Nakatingin lamang siya bagamat nabigla siya. At tiyak niyang narinig nito ang lahat-lahat ng pinag-usapan nilang mag-asawa. Walang nagawa si Rona kundi ang tuluyang mag-walk out.

Pumasok naman sila Analiza at ang mama nito sa silid nina Rona at Crist. "What happened to Rona?" tanong ng ginang sa anak.

"Ma, its a simple conversation, don't mind it," salita pa ni Christ sa ina.

"Hindi! Nakita ko ang paghihirap sa mga mata ni Rona, sinaktan mo ba siya sa pamamagitan ng pakikipag relasyon sa ibang babae?"

"Ma, it's not like what you've think!"

Ngunit dumapo na ang malakas na sampal mula sa palad ng kanyang Ina, napatitig na lang si Christ sa ina niya habang inaawat naman ni Analiza ang mama nila.

"Ma, calm down, I thinks maayos din nila ang lahat, Kuya!" Baling ni Analiza sa kuya niya.

"Siguraduhin mo lang Christ, na hindi ka iiwan ni Rona! Dahil pagnagkaganon, baka ako pa ang magsampa ng kaso sa inyo ng babae mo! Siguruhin mo na hindi ito makakarating sa ama mo! Ayusin mo ito. Hanapin mo ang asawa mo, at kinakailangang maibalik mo siya rito at magkaayos kayo!" Iyon ang mariing banta ng kanilang ina kay Christ.

Hinanap nga ni Christ ang kanyang asawa, kaya lang hindi niya ito matagpuan, ang problema niya sa loob pala ng limang taong pagiging mag-asawa nila, hindi niya lubusang nakilala ang asawa, hindi pala niya alam o kilala manlang ang iba pang mga kaibigan nito.

Habang sakay siya ng kanyang kotse, at minamaniobra ang nanibela, napapakagat labi na lang siya sa narealize niya, "Oo nga, hindi ko nga pala siya kilala ng lubusan, liban sa dati siyang miyembro ng banda, at wala na ang mama niya, ang ama niya ay nasa ibang bansa, liban doon wala na pala akong alam tungkol sa kanya," sambit pa niya habang kausap ang sarili niya.

Doon niya napagtanto, at naunawaan kung bakit hindi na sila magkaunawaan, kung sino nga ba sa kanilang dalawa ang mas lubos na may pagkukulang. Alam niyang dumanas ng depresyon si Rona, no'ng nawala ang baby nila. At sa gitna ng pakikipaglaban nito sa sakit na iyon, sa kalungkutan, at paninisi sa sarili, siya naman ay naging abala sa kanyang trabaho.

Dahil sa mga naganap, unti-unting naging malamig ang trato nila sa isa't isa. Hanggang sa hindi na nila makilala ang mga sarili nila. Nahampas na lang ni Christ ang manibela, nag-aalala siya sa asawa niyang si Rona, ngunit hindi manlang niya malaman kung nasaan ito, o kung saan manlang hahanapin ang asawa.

Nag-ring ang cellphone niya, mabilis niyang isinuot ang earpiece niya at saka pinindot ang awditibo, "Hello?"

"Hello kuya! Nasa tabing dagat si Ate, sa isang beach resort," sambit ni Analiza. Hindi pa man nito nasasabi ay alam na niya kung saang lugar ang sinasabi nitong beach resort, sa Cavite. mabilis niyang minaneho ang sasakyan upang mapuntahan ang asawa