CHAPTER 08 Pasensya na

Ilang araw na ang nakalipas simula noong nagkasagutan kami ni Leo. At hanggang ngayon hindi pa rin kami nagkikita siguro dahil hindi naman kami nagkakasalubong ng landas. Staka ang alam ko sa ibang school siya nag aaral eh

Pagkagising ko nga noon ay mukha nila mama ang bumungad sa akin. Doon ko rin nalaman na tatlong araw akong tulog, dapat nga raw dadalhin na nila ako sa hospital kung hindi pa ako gigising noong araw na iyon eh.

Nakausap ko na rin ang matanda tungkol sa akin, ang sabi nya siguro ay naubos ko ang lakas ko kaya kailangan ko pang magpahinga ng matagal. Mabuti nga at hindi inabot ng isang buwan, dahil kadalasan ay umaabot pa ng limang buwan. Kaya nakakamangha daw yung nangyari sa akin, abay gago? namangha ka pa ah. Samantalang yung nag aantay ng paggising ko alalang alala.

"Hooy tulala ka na naman" pambubulabog na naman ni Rhiana sa akin

"Tumigil ka nga" ilang araw na itong namb bwiset sa buhay ko. Pero mas mabuti naman na ito kaysa sa doon sya sa boyfriend nyang gago mag iistay. Naalala ko nung panahon na kumalat ang video nya na nakikipagtalik ito sa jowa nya, maging yung mga nudes picture niya ay pinost din. Sobrang nadepress sya kaya naman sa huli ay nagsuicide ito, wala naman nagawa ang family nya dahil mas mayaman at makapangyarihan yung boyfriend nito, kaya ako ang lumaban sa kaso nito. Dahil na rin siguro sa guilt ay ginawa ko iyon. Huwag kang mag alala Rhiana, gagawin ko ang lahat para hindi na maulit ang nakaraan.

"Ang arte mo" nakanguso nitong sabi

"Nasaan ba yang boyfriend mo?"

"Busy daw kasi sya"

"Ah kaya ako ang binubulabog mo?" pagtataray ko pero humagikhik lang sya bago sinimulan na naman akong bwisiten. Jusko lahat na lang may bwiset sa buhay kooo!

Hindi rin nagtagal ay tumigil na ito sa ginagawa nya dahil tinawagan na sya ng boyfriend nya. At habang pinagmamasdan ko itong ngiting ngiti habang kausap ang boyfriend nya ay lalo lang akong nakakaramdam ng galit. Walang ka alam alam si Rhiana sa lahat at alam kong masasaktan ito kapag nalaman nya ang totoo eh.

Ang gagawin ko na lang muna ngayon ay antayin na magsabi itong si Rhiana sa akin bago ako kumilos. Handa naman na ang lahat, nabackground check ko na rin ang family nito kung saan puro mga illegal lang naman ang ginagawa, maging ang connection nito sa underground. Kaya malakas ang loob nito, dahil may backup ang gago eh. Naalala ko noon, takot na takot na nagsabi sa akin si Rhiana na blina blockmail siya ni Jethro pero hindi ko pinansin dahil sa hindi ko malamang dahilan. Kaya hanggang ngayon ay nakukunsensya pa rin ako sa ginawa ko sakanya.

"Hooy nandyan si Maki, inaabangan ka. Labasin mo naa! Ibalandara mo ang ganda mo" gulat naman akong napalingon sa tinuro nya. Nandon nga sya...

Nung makita niyang nakatingin ako sakanya ay kumaway ito sa akin. Gago matatangal din yang ngiti mo mamaya hehehe! Habang ako ay banas na banas sa ngiti nito, ito naming katabi ko ay kilig na kilig. Dali dali pa nga ako nitong ipinagtulakan na lumabas ng room kaya wala na rin akong nagawa since wala rin naman nagtuturo sa amin. Nang makalabas ako ay sinalubong pa ako ng ngiti nito pero neutral lang ang reaksyon ko.

Kinuha din nito ang gamit ko kahit kayang kaya ko naman bitbitin kaso ay mukhang hindi papatalo kaya hinayaan ko na lang. Grabe ang cringe pala kapag ganto no? Samantalang noon ay kilig na kilig pa ako. Parang ang sarap tuloy batukan ng sarili ko hehe. Liliko na nga sana ako papunta sa canteen ng pigilan ako nito at sinabing sa labas daw kami kakain, date ba ganon.

"I miss you. Last na kita natin nung isang linggo pa" Pagsisimula nito. Ulol asa naman

"Hmmm. Kamusta school works mo?"

"Medyo nahihirapan pero kinakaya para sa future natin" eww. Napaka panget pakingan

"Saan ba tayo pupunta?"

"Ano ba yan, Yai lagi mong iniiba yung topic" ay nahalata? hehe

"Sus alam ko naman yan, pero saan nga tayo?" natatawang sabi ko

"Ah sa favorite mong puntahan" hindi na ako sumagot dahil sa Garden De Palacio kami pupunta. Doon talaga ang lagi kong pinupuntahan simula pa noon, lalo na kapag gusto ko ng kapayapaan sa buhay ko. Dahil sobrang ganda talaga ng lugar na iyon, mar relax ang isip mo.

“Matutulog muna ako, pakigisingin na lang ako kapag nandon na tayo” walang ganang sabi ko. Balak pa nga sana nitong magsalita ng ipinikit ko na agad ang mata ko, ayokong marinig ang boses nya dahil hanggang ngayon ay nasasaktan pa din ako kahit papaano sa ginawa niya. Sobrang nasira ang buhay ko, hanggang sa humantong na nabahiran na ng dugo ang kamay ko.