CHAPTER 07 Puot
Medyo madilim at masukal ang daan na tinatahak ko dahil sa ibang way ako dumaan dahil kung hindi ko ginawa ito paniguradong huli na ako nila mama though kakayanin ko naman makatakas pero sa cctv? nako asa ka
I know na hindi pa masyadong uso ang cctv pero dahil gustong makasecure nila mama ay nagpaka kabit na sila. Nang malapit na ako sa palabas ay natatanawan ko na ang motor na sasakyan ko dahil pinasadya ko talaga kay renz na ilagay doon para hindi na ako magpasundo pa sakanila.
Dali dali naman akong sumakay dito at pinaandar na papuntang hq ko. Doon na rin siguro ako matutulog since may kwarto naman ako don. At hindi pa rin kasi ako tapos sa mga daga doon. Pagkatapos kong maipark ng maayos ay dare daretso akong pumasok dito
"Yow. Goodmorning Fuckers" sabay palakpak ko pa
Dahil dito isa isang nagsigising ang mga tao na kanina ay payapang natutulog. Imbis na matamlay ang mata pagkagising ay naging takot ang remihistro sa mga mata nila, bakit?
inaano ko ba sila?
"Wow. Mukhang malinis na uli itong black room ah?" nilibot ko pa ang paningin ko sa bawat sulok upang siguraduhin na malinis nga ito
"Oookay! Let's continue na?" sumilay pa ang nakakalokong ngisi sa akin
"S-sino ka ba?" nahihintatakutan na turan nito
"Hmmm since huling araw nyo na naman, sige magpapakilala ako. Well I am Aistia Yailana the oldest daughter of Shizumi Family" sabay tangal ng maskara ko
"Ngayon, dahil kilala nyo na ako bakit hindi natin pagusapan ang mga nalalaman nyo?" nakangisi ngunit malamig na tanong ko
"P-paano nangyari yon?" nanlalaking matang tanong nya
"haha chill, sabi ko sainyo huwag nyong mamaliitin ang Shizumi dahil protektado ko ang pamilya ko!" malamig ngunit mariin na bigkas ko
hindi ko na hahayaan na saktan nyo pa ang pamilya ko. Once is enough.
"So balik tayo sa'yo" turo ko sa lalaking pinakain ko ng kamay nung isa
"Anong gusto mong kunin ko sayo?" mabilis na iling ang ginawa nya kaya naman sinaksak ko na lang ito
Malademonyo akong ngumiti ng tumalsik pa sa mukha at ibang parte ng katawan ko ang dugo nito. Ang satisfying pala na makaganti ka sa mismong taong may malaking kasalanan sayo 'no? Hinding hindi ko malilimutan ang pagkakataon na ikaw mismo ang umamin na ginawa mo ang paghagis ng bomba sa pamilya ko, at hindi ka pa nakuntento pinagsamatalahan mo pa ako!
"Marami ka ng ginawang kasalanan sa akin, dapat lang sa iyo yan" naiiling na sabi ko bago mabilisang hinugot ang kampilan ko kaya naman bumagsak ang katawan nito sa malamig na sahig
"d-demonyo kaa!"
"H-hayop kang babae ka!!"
"P-p-pinatay mo si A-arturo"
"Napaka sama mooo! Baliw ka na"
Napatawa naman ako ng pagak dahil dito. Ako pa ang demonyo? Kulang na kulang ang mga ito sa sakit na pinaranas niyo sa akin! Hindi ninyo alam kung gaano kahirap na lumaban ng hindi mo alam kung sino ang dapat mong labanan! Mahirap ang lumaban na walang umaagapay sayo! Napaka bata ko pa ng maranasan ko ang mawalan ng pamilya!
"Ako pa ang demonyo? Eh kung tutuusin mas marami pa ang napatay ninyo kaysa sa akin. Isipin ninyo kung ilang ordinaryo at inosenteng tao ang nadamay ninyo? Mga pamilyang inalis ninyo sa landas ng punyeta ninyong master! Mas gago pa kayo sa gago! Sabihin niyo nga, ano ba ang kasalanan ng pamilya ko sa gago nyong amo??!" malakas na sigaw ko
ngunit imbis na sumagot ay lumuluha at blanko lang ang mga itong nakatingin sa akin. Kaya sa inis ko ay hinugot ko na ang baril ko at walang habas na pinagbabaril ang mga ito hanggang sa iisa na lang ang natitira. Pero alam kong natamaan ko rin sya ng bala hindi ko lang alam kung saan parte.
"t-tama na, please" tulalang bulong nito
"Ikaw! Ngayon sabihin mo sa akin bakit? Bakit ginagawa ito ng amo nyo?!"
"Hindi.. Hindi ako magsasalitaa!" iling iling pa na sabi nito
"Magsasalita ka o magagaya ka sa kanila?"
"K-kayo, k-kayo ang dahilan kung bakit nawala ang Ama nya. Malaki ang naging kasalanan ninyo sa kanya! Gusto niyang ubusin ang pamilyang shizumi." nanginginig na sabi nito habang nakatingin pa sa mga mata ko. Magsasalita rin pala e, kailangan pang takutin
"Sinong sya?"
"Ang pamilyang Lim. Kayo ang sinisisi ni Mr. Leandro sa pagkamatay ng kaniyang ama. Dahil sa pamilya ninyo naghirap na sila maging kami ay naapektuhan! Habang kayo ay nagpapayaman, hindi ninyo naisip ang ibang taong nalagpasan ninyo!! Dahil sa pagkalugi ni Chairman Lim hindi na niiya inalala ang sarili para makabangon sa pagkalugi! Mga sakim kayong Shizumi!!" sabi nito habang kababakasan ng pagkamuhi ang tono nito
"All this time dahil lang don??! Hindi namin kasalanan kung bakit napabayaan ni Chairman Lim ang kaniyang sarili, kasalanan niya iyon! Binalaan na sya ni papa pero anong ginawa nya tinangap nya pa rin ang traydor. Tapos ngayon kasalanan pa namin??!! Punyetaa!" hinampas ko pa ng pagkalakas lakas ang lamesang naas gilid ko.
Punyetang rason 'yan.
"Traydor?"
"Hah! Ang kaniyang taga pag desisyon ay isang traydor. Ang tatanga nyo diba?? Samantalang ang ama ko ay alam agad. Huwag nyong sisihin ang pamilya ko dahil sa una pa lang ay binalaan nya na si Chaiman Lim." pagkatapos ko itong sabihin ay pinatulog ko na ito.
"Lumabas ka na jan, Renz"
ngismoso talaga eh
"Paligpit sila, habang itong natira iayos mo para makatulog ng mahimbing. Pero ilock mo pa rin yung pinto kapag nagawa mo na lahat" akmang magre reklamo siya ng tumalikod na ako
"Bakit ako?? lagi na lang akong nagliligpit ng mga kalat nya" rinig ko pang bulalas nito
hahaha! Bahala ka jan, wala si Leo e dati siya ang nagawa nyan
Dahil nagugutom na naman ako, pumunta na lang muna ako sa mini kitchen para magluto lang ng adobo dahil nam miss ko na ang lasa nito. Puro kasi prito ang naaabutan kong pagkain don sa bahay, iyon kasi lagi ang gustong kainin nila Yrah eh
Nag gayat lang ako ng mga ingredients at sinimulan ng lutuin ito. Nagsaing na rin ako ng kanin para masarap sarap ang kain ko hehe. Pakanta kanta pa akong nagsasakandok ng kanin para ilagay na sa lamesa pero nasira ang mood ko ng makitang may tao ng nakaupo sa lamesa at nakadunghaw sa ginagawa ko!
"Hooy! Magluto ka, hindi kita bibigyan"
"Edi huwag. Sino ba nagsabing magpapaalam ako sayo?" sabay labas pa ng plato at kutsara sa likod nya
WTF? Bat meron na sya agad nyaaaan?!
"Hindi naman masyado makapal ang mukha mo 'no??" sarkastikong aniko pero ang gago parang walang narinig
Dahil wala naman akong mapapala dito ay tinapos ko na lang ang pagkain ko, bago ko siya inutusan na hugasan ang mga plato hehe. Akala mo ah. Nang matapos ko siyang asarin ay mabilis na rin akong kumilos para umuwi na ng bahay dahil maguumaga na. Baka bigla akong katukin nila mama eh hindi ko pa nga ata na lock ang kwarto ko
Nakasimangot na tumango ito dahil talagang napaka dami nung hugasin na iniwan ko sakanya hahaha! Nagluto na rin kasi ako ng menudo at tinola para may makain ako bukas, pero syempre nagiwan din naman ako ng pagkain don pang peace offering kay Renz hehe
"Saan ka galing?" napalingon ako bigla ng may magsalita sa likuran ko
Leo
"Bakit ka pa nandito?" tanong ko habang isa isang nilapag sa dining table ang mga dala kong pagkain ilalagay ko kasi 'to sa kwarto ko since may mini ref ako don
"Dito kami pinatulog ni tita, since hindi kami masusundo. Ikaw saan ka galing?" taray bossy na bossy ah
"Ano bang pake mo?! Buhay ko 'to, kaya wag na wag mo akong paki kialaman na akala mo magkasintahan tayo!" natigil naman bigla ito na parang napagtanto rin kung bakit nga ba nya ginagawa iyon
"Bakit nga ba, Ai? Bakit ko nga ba nararamdaman 'to??!"
Ai, Reallyy?? hanggang ngayon iyon pa rin tawag mo sa akin.
"Bakit sa akin mo tinatanong? pakialam ko ba sayo, Umalis ka na nga dadaan ako" tinabig ko pa ito ng mahina bago umalis na
"Bakit feeling ko kilala kita? " napahinto ako sa tanong nito bago dahan dahan na lumingon sa kanya
"feeling mo lang yon, wag kang feelingero! Ito ang tatandaan mo hindi tayo magkakilala. Huwag kang umasta na close tayo." malamig na sabi ko bago pumanhik na sa itaas