CHAPTER 09 Maki
Nagising na lang ako dahil sa tapik ni Maki sa akin. Inilibot ko ang paningin ko kaya napakunot ako ng noo, bakit dito??
"A-ah nagugutom kasi ako, kakain muna tayo bago pumunta roon. Alam mo na bawal ang magdala ng pagkain don" napatango na lang ako bago bumaba na.
Pumili lang kami ng kakainin namin bago humanap na ng table namin. Dahil nagpapaka gentleman si Maki ano pa ba aasahan ko?? Inalalayan ako nito sa pagupo kaya ngumiti na lang at nagthankyou. Nang magangat na ako ng tingin ay natigil din ang ngiting plastic ko ng magkasalubong ang mata namin ni Leo.
What the?! bakit siya nanditooo??! Samantalang noong pumunta kami rito ay wala naman sya ah? o baka hindi ko lang siya napansin dahil nakay Maki ang atensyon ko?
"Is there anything proble, Yai?" kunot noong tanong nito ng mapansin ang itsura ko
"A-ah ha? Wala wala. Ano nasaan na ang food natin? gutom na ako"
"Wal--ayun na pala" pagkatapos mailapag ng pagkain ay inumpisahan na naming kumain ng may konting usapan lang. Madalas ay sya ang unang nagoopen ng topic at sasabayan ko na lang. Medyo naiilang din kasi ako sa titig niya! Kung nakakamatay nga lang ang tingin, kanina pa talaga nakabulagta si Maki sa harap ko. I swear.
Nang matapos na kami ay nagpaalam muna ako na magr restroom lang ako, bago walang lingon pumunta sa restroom. Ilang beses ko pa munang pinakalma ang sarili ko bago napagdesisyunan ng lumabas ng biglang may humila sa akin sa gilid!
"Ano baaa! Let go of m--" natigil iyon ng makita ang madilim na mukha ni leo
"Kaya ba kahit gabi ay umaalis ka para makipag kita sa lalaking kasama mo ngayon?" mariin nitong tanong
"Ano bang pakealam mo?"
"May pake ako!"
"Wala kang pake! Sino ka ba ha?! Magkakilala lang tayo, pero kung makaasta ka akala mo tatay kita." unti unti naman niyang niluwagan ang kapit nya sa akin kaya pabalang ko 'to na binawi
"Mauuna na ako" malamig na sabi ko bago tumalikod na
"A-ano bang ginawa mo sa akin? bakit sa tuwing nakikita kita para akong nababaliw?" bulong nito na hindi nakaligtas sa pandinig ko. Pasensya na, Leo. Kailangan kong gawin ito.
Dumaretso na ako sa labas dahil ayoko na magistay pa, baka makita ko pa siya. Alam ko rin naman na nakita na ako ni Maki kaya hindi na ako nagabala pang itext sya. Dahil sa tuwing nakikita ko sya ay ako yung nasasaktan sa tuwing napagsasalitaan ko ng ganon si Leo eh.
"Yai may nangyari ba?? Bat ka umiiyak?" napamulat naman ako dahil dito at mabilis na pinunasan ang luha ko
"W-wala wala tara na? gusto ko na pumunta sa Garden" kahit mukhang hindi sya kumbinsido sa sinabi ko ay nagdrive na lang din sya
Mamaya balak ko ng magsabi sa kanya ng mga nalalaman ko. Para maging malaya na rin sya, alam kong hindi nya gusto ang ginagawa nya pero kailangan nya pa rin gawin para mailigtas ang buhay ng babaeng pinakamamahal nya kapalit pa man nito yung kahihiyan at buhay ko. Noong una ngang malaman ko ito ay sukdulan ang galit ko pero sa tuwing nakikita ko sila, nauunawaan ko na.
"We’re here na, Yai" napabalik naman ako ulirat dahil sa sinabi nito
"Hmm thankyou" namamanghang tumingin na naman ako sa lugar na ito dahil ilang taon na rin simula nung huling makita ko ito, sa kadahilanang busy at napabayaan na rin ito noon, dahil bawat saan ka lumingon ay puro basura. Mga ilang minuto pa akong pumikit habang nakahiga, bago napagdesisyunang nagmulat na ng mata.
"Maki, Itigil mo na" napatingin naman ito sa akin ng puno ng pagtataka
"Unang una pa lang ay alam ko na ang inutos nya sayo, alam kong kapalit ng paglaruan ako ay kaligtasan ni Qsha." nanlaki naman bigla ang mata nito bago utal na nagsalita
"P-paano??"
"Well its for me to know and you to find out" nakangising sabi ko bago humarap sakanya
"So all this time, yung mga kilos mo ay purong acting lang?"
"At first totoo yon, but simula nung makilala ko sya ay nagbago na ang tingin ko" mukhang hindi pa ito nakakamove kaya naman pinitik ko na ang noo nito
"Hindi ka ba galit?"
"Sa una? Oo but kapag nakikita ko kayong masaya naiintindihan ko na. Iba talaga ang nagagawa ng LOVE kaya hindi ako galit" sinserong sabi ko bago tumayo
"So, this is the last time na magkikita tayo. Tantanan mo na ako ah?" nakangiting tanong ko bago siya niyakap at naglakad na paalis
"Sandali Yai!" sigaw pa nito pero hindi na ako muli pang lumingon. Masaya akong naglalakad dahil kahit papaano nasabi ko na ang gusto kong sabihin kay Maki
Kuntento na ako, atleast ay nailabas ko na ang gusto kong sabihin. Hindi ko na kailangan pang alamin kung sino pa sya dahil sa una pa lang kilala ko na ang taong 'to. Marumi talaga sya maglaro. Well pasensya ka at alam ko na kung ano ang mga plano mo. Dahil Ip-plano mo pa lang ay alam ko na, astig ko diba? Ayan nagagawa ng galling sa future ano ba!