CHAPTER 06 Leo

Bwakanang animal talaga! Kung ice cream lang ako kanina pa ako tunaw sa mga tingin ni Leo. Hindi tuloy ako makakilos ng ayos dahil talagang sinusundan nya yung mga galaw ko!! Hanep naman kasi hindi ko alam na magkakilala pala ang mommy nya at si mama

Nagulat nga ako nung bigla akong ipakilala ni mama pag kapasok ko palang sa living room, dadaretso na dapat ako sa kwarto ko pero hindi nangyari dahil bigla nga akong hinigit dapat kakaway lang ako eh huhu!

"Ma, kukuha lang ako ng food" bulong ko rito bago pumunta na ng kusina.

Kumuha lang naman ako ng soju at mga chips bago pumunta sa labas, ewan ko ba nam miss ko yung gantong ginagawa ko dati tuwing stress ako. lalo na kapag iba yung nararamdaman ko sa tuwing malapit o nagpapakita ng concern sa akin si Leo. Haynako eto na naman ako! Napailing na lang ako bago ininom ng daretso ang isang boteng hawak ko.

Kung ano-ano naiisip ko.

Agad akong napalingon ng biglang may nahulog sa isang madilim na parte ng kinaroroonan ko. Kaya bilang pag arte ko mabilis akong tumayo sa kinauupuan ko bago nagsalita "Lumabas ka jan!" kababakasan ng medyo takot ang boses na sabi ko kaya naman unti unti itong lumabas sa pinagtataguan nya kanina.

Panis Leo, galing kong umarte 'no??

"Bakit ka nandito?" kunwaring iwas tingin ko pa sabay pasimpleng nilagay sa likod ng upuan ko yung mga soju na dala ko

"Nagiinom ka?" Ay hindi ba halata, lods??

"Ako ang unang nagtanong" hehe tamang iwas sa usapan

"It's none of your business" tangina??

"Oh okay..." nasabi ko na lang bago siya tinalikuran at bumalik sa pagkakaup ko para ituloy ang ginagawa kong paginom kanina

Kinuha ko na lang yung isa pang bote ng soju sa likod ng upuan staka ito binuksan at nilagok. Binaba ko lang ito ng maubos na yung tinutunga ko, pagkatapos nito ay binuksan ko naman ang chips bago kinain ng pautay utay. Habang siya patuloy lang na nakatingin sa akin!! Kanina ka pa ah!

"Bakit ka ba nandito?" mataray na sabi ko

"tss seriously?? Ano lasing ka na?" AKO?? malalasing? hah! e dati nga halos gawin kong tubig yung mga iba't ibang klase ng alak kaya ka nga laging nagagalit sa akin eh.

"So? Anong gagawin mo" mapanghamon na sabi ko bago inopen ang in can kong beer at daretsahang ininom ito. Balak ko pa sanang ubusin ng bigla may taong umagaw ng bote!

"Anooo baaa! Marami pa dito, wag kang manguha!" inis na sigaw ko sakanya

Naguumpisa na naman sya...

"Itigil mo na yan, lasing ka na. Kababae mong tao ang dami mo uminom" pagkasabi nito ay ibinaba nya ang beer sa lamesa pagkatapos ay isinandal ako sa kinauupuan ko

"What the fuck? Ano bang problema mo?!" inis na sigaw ko sakanya

"Ikaw!" mariin na sabi nito na ikinagitla ko

"ako pa, ha?? bahala ka nga jan! Feeling close 'to" inis na umayos ako ng higa bago ipinikit ang mata ko

Habang nakapikit ako ay pinakikiramdaman ko ang kilos nya pero nakatayo pa rin ito, kaya iminulat ko yung isa kong mata kaya nakita kong nakatingin ito sa akin. Nang makita naman nitong nakamulat ako ay bigla siyang umiwas at tumalikod. Napatawa naman ako ng mahina dahil dito.

tss napaghahalataan ka Leo.

Napailing na lang ako bago tumayo na. Inaantok na ako grabe! Hindi na ako lumingon sakanya dahil panibagong hindi na ako aalis kapag lumingon pa ako! I really miss him.

.

LEO

Nang magpaalam siya kay tita ay pasimple ko itong pinapanood kung saan siya pupunta, pero kanina pa ako nagaabang ng paglabas niya sa kusina ay wala pa rin siya! Kaya agad akong nagpaalam kay mama at tita na may tatawagan lang ako. Pagdating ko sa kitchen nakita kong nakaawang ang backdoor kaya nasisigurado kong dito siya lumabas.

Lakad lang ako ng lakad dahil napaka lawak talaga, hindi ko nga masabi kung pool area ba ito o camp area dahil lahat ay nandito na! Hindi ko maiwasan ang hindi mamangha lalo't kung sa loob ay may kaliitan na espasyo lang pero sa labas? Napaka lawak.

Babalik na nga sana ako ng matanawan ko ang babaeng kanina pa nakakuha ng atensyon ko. Hindi ko alam kung anong meron pero simula nung pumasok siya ng garden ay hindi na talaga sya nilubayan ng mata ko!

Napaka ganda nya, nung nahawakan ko nga ang kamay nito ay halos hindi ko na bitawan sa hindi ko malaman dahilan eh. Hindi naman ako ganito pero bakit ganon?? Simula ng isilang ako hanggang ngayon hindi ko pa naranasan ang ganitong pakiramdam ngunit ngayon makita ko pa lang sya nagwawala na ang puso ko! Bakit??

Nang makahanap na ako ng tamang pwesto para pagtaguan ay sakto naman biglang nasagi ko ang isang lata, bakit ba nandito ito?! Mukhang natakot ko tuloy siya! Pagkasabi niya na lumabas ako ay ginawa ko nga ito kahit kayang kaya ko naman na umalis ng hindi niya ako nakikita.

Hindi nakaligtas sa akin ng pasimple nitong itinago ang alak sa likod ng kinauupuan niya kaya naman pabalang ko itong sinagot, pero mukhang mali ang ginawa ko dahil bigla siyang tumalikod sa akin at bumalik sa dati niyang ginagawa.

Seriously??! Tuloy tuloy ang lagok niya sa alak na iyon? sa akin nga ay pautay utay pa ang inom ko dahil kahit mataas ang tolerance ko ay madali akong malalasing kapag tuloy tuloy ang inom! Kakaibang babae...

Pinigilan ko na ito dahil mukhang nakakarami na sya. Hindi ko alam kung bakit ko ito ginagawa basta ang gusto ko lang gawin ay pigilan siya sa paginom nya. Nang pumikit na ito ay hindi ko alam pero bakit napapatitig ako sakanya. Tiningnan ko ang bawat angulo ng mukha nito hanggang sa mahinto ako sa mga labi nya..

*Gulp

Noong nakita ko na nakamulat yung isa nyang mata ay dali dali akong tumalikod para hindi niya makita ang mukha ko, bakit ba ang init? Pagharap ko ay naglalakad na siya paalis ng pwesto namin balak ko sanang sundan pero nagbago na ang isip ko.

Bakit ko ba sya susundan??

Tumalikod na lang ako at tahimik na pinagmasdan ang mga alak na naubos nya, ang dami! may 4 na soju at 3 cass fresh na in can yung naubos nya. Nakaya niya yon? samantalang ako paniguradong tulog na sa 3 soju eh.

Liligpitin ko na lang ito, lalo at baka hindi alam ni tita na nagiinom ang anak nya, baka ikagalit nya 'to at hindi na ako pansinin ng habang buhay. Hindi ko kakayanin yon... Ako na lang ang magbabawal sakanya sa susunod na machempuhan ko sya.

Nang matapos kong ligpitin ay bumalik na rin ako sa loob, hinanap ko pa nga si Ai pero mukhang wala sya rito. Nasaan kaya yon?

"Bakit hindi na lang kayo matulog dito? Gabi na, delikado na rin" natigil ako dahil sa alok ni tita

"Nako hindi na, Cristal. Kaya naman ata ni Manong Jv na ihatid kami" pagkasabi nito ni mama ay bigla naman nag ring ang cellphone niya

"Ganon ba? Sige kami na ang bahala. Salamat Manong" anong meron??

"hehe Cristal, mukhang hindi kami masusundo ni Manong Jv dahil ang tagal daw maayos nung sasakyan"

"ahahahha walang pinagbago Khristine kapag tumatangi ka ay biglang magiging ganyan ang mangyayari" natatawang sabi naman ni tita kaya naman napanguso na lang si mama

"Oh sya. Halika na at ihahatid ko kaya sa paglalagian ninyong tatlo. Pasensya na kayo at dalawa lang ang available na kwarto dahil mas pinili namin na kakaunting kwarto lang para malaki laki ang space. Yrah stop muna kayo ni Xyra jan."

Sinabi muna ni tita na kung may kailangan ay kumatok na lang sa katapat na kwarto dahil doon natutulog sila ni tito habang ang katabing kwarto nila ay kay Ai naman. Pagkapasok namin sa kwarto ay maganda ito at kompleto ang mga gamit na nandito sa guestroom at mukhang nililinisan din ito araw araw.

Tulog na kaya sya??

"Leo matulog ka na, maaga tayong susunduin bukas ni Manong Jv" huling paalala ni mama bago tumalikod na sa akin para ipaghele si Xyra. Um-oo na lang ako bago pumikit na rin dahil sa dami ng ginawa ko ngayong araw.

Goodnight, Ai.

━━

NOTE: Linawin ko lang yung about sa bahay nila, Aistia. Tulad ng sinabi ni Leo ang bahay nila ay malawak sa malawak. Pero sa labas lang iyon, malawak na garden at malawak na field kung saan nandoon na ang pool area at camp area. Then yung sa loob naman talagang pinagdesisyunan ng mga ito na gawin itong isang simpleng bahay. Yung sakto lang ang laki.