CHAPTER 05 Okasyon

Ngiting ngiti akong nagd drive pauwi sa bahay dahil kahit papaano nabawasan ang galit sa puso ko, at naibili ko na rin kasi kay bunso ang gustong gusto nyang ipabili sa akin noon pero ngayon lang ako nagkaroon ng chance na ibigay sa kanya. Alam kong kada kaarawan nya excited sya kung naibili ko ba sakanya ang gusto nya pero dahil noon ay napaka gago ko, hinahayaan ko na patuloy syang ma dissapoint sa akin at para kaayawan nya ako bilang Ate.

At sa pangalawang buhay ko na ito, sisiguraduhin ko na pupunan ko ang pagkukulang ko sa pamilya ko, yung mga bagay na hindi ko nagawa at ipinaramdam sakanila ay ngayon ko gagawin. Pero kailangan kong unti untiin dahil paniguradong magtataka sila nyan, lalo na si mama ang lakas pa naman ng pakiramdam nya.

Pagkababa ko ng sasakyan ay dumaretso na muna ako sa dirty kitchen para ilagay doon yung cake na binili ko, bago pumunta na sa kwarto ko para magpalit ng damit. Nagsuot lang ako ng simpleng White V Neck Dress at itinali lang yung buhok ko, ibinagay ko rin yung make up ko sa damit ko para mas lalong umangat ang ganda ko.

***

Laglag ang panga ng mga katulong habang ako ay pababa ng hagdan, sa ganda ko ba naman naman sinong hindi matutunganga haha! Ngiting ngiti akong pumunta sa garden kung saan doon gaganapin ang party since malaki naman ito.

"Ateeee!" sigaw ni Yrah pagkapasok ko pa lamang ng garden kaya naagaw ang atensyon ng ibang bisita

"haha chill ka lang, Yrah. Hi Ma, Nasaan sila papa?" tanong ko pagkatapos kong halikan si mama sa pisnge

"Ah medyo mal late daw sila dahil may emergency meeting, nagsabi na rin naman sya kay bunso" napatango na lang

"Ate" napatingin naman ako kay anxi sa pagtawag nito sa akin

"Yow. Pogi mo ah" naka ngiting sabi ko kaya mabilis naman itong namula

"Nako si Ate, alam ko na yan" nagyayabang na sabi nito

"Oh doon na kayo sa table natin, mags start na" anyaya ni mama kaya sumunod na rin kami. Pilit akong ngumingiti kahit ang sakit na ng panga ko, pano ba naman lahat ng mata nila nakatingin sa akin! Kaya wala akong choice kung hindi ang ngunit ng ngumiti! Ganto ba talaga kapag maganda?

"Good Evening, Lady's and Gentleman. Today you will witness the birthday of the youngest child of the Shizumi family. As a jumpstart. Let us all acknowledge the birthday celebrant and the ever supportive and loving family of our birthday girl." dali dali naman inalalayan ni mama si bunso papunta sa stage, wala pa nga ako dapat balak sumama kung hindi lang ako hinila ni Anxi eh. May upuan naman kasi rito bakit need pa don sa stage?! Hayy kaya ayoko sa mga gantong parties eh. Tapos sasabay pa yung biglang may bubulong sayo, muntikan ko na ngang masapak kung hindi ko lang nakilala eh.

Nakakagulat naman kasi 'tong si papa.

"Goodevening Everyone! Thank you for joining us today. We are very pleased because you are all here to see and celebrate the birthday of our youngest, Yrah Shizumi. Naalala ko tuloy noong una namin pinakilala sa publiko ang aking panganay na si Aistia at Anxi, mukhang ito na ang huli haha" maluha luhang sabi ni mama

kung hindi kaya nangyari ang pagpatay sakanila, ganto rin ba kasaya ang mararamdaman ko? Pano kung hindi ko pinagdaanan ang lahat ng ito, magagawa ko pa bang magbago at tangapin ang pamilyang meron ako??

"Psst tulala ka na naman, Ate" napalingon ako bigla dahil sa ibinulong ni Anxi

"Ano ba! Wag kang epal" paninita ko kay Anxi panira ng buhay talaga 'to

"We are now sing a birthday song for, Yrah Shizumi. Let us welcome on stage, Ms. Rabi Ladesma to lead us in singing the birthday song." pagsasalita nung emcee

"Thankyouu! So I'm dedicating this song to our special celebrant girl"

"Happy Birthday,

Happy Birthday.

Happy Birthday Dear Yrah

Happy Birthday to you

From good friends and true,

From old friend and new

May good luck go with you

And happiness too.

May God Bless You,

May God Bless You

Happy Birthday, Happy Birthday.

Happy Birthday To you"

Pagkatapos nito ay bumaba na rin siya. WTF?? yun na yon?? Napaka corny punyeta! Dapat ako na lang ang kumanta jan. Charot since 2010 pa lang ano pa ba aasahan sa mga tao?? I mean hindi ko naman sinasabi na lowclass yung kasiyahan nila pero parang ganon na rin?

"Thankyou Ms. Ladesma. And please remain standing. Friends, let us share the sumptuous dinner prepared for us of our gracious Shizumi family. But before that, Isang malakas na 'Happy Birthday, Yrah Shizumi' muna. At the count of three... 1 , 2 , 3 ,"

"HAPPY BIRTHDAY, YRAH SHIZUMI!" Sabay sabay na sabi naman ng lahat, well maliban sa akin na dinub lang

"haha! This is you host, Zawen Gil, enjoy the rest of the night everyone!" pagpapaalam nito bago bitawan na ang mic

mag uumpisa na

"Hello poo! I'm Yrah Shizumi and tonight 5 years old na po ako. Thankyou sa lahat ng mga dumalo po. Maging sainyo mama, papa, ate, at kuya. Salamat dahil kompleto tayo, And as my request I want Ate Aistia and Kuya Anxi to be my partner tonight hehe. Please??" lumingon pa ito sa amin o sa AKIN mismo

Dahil wala na rin akong magagawa kaya naman lumakad na ako kasama si Anxi. Kahit masakit na ang panga ko ay ngumiti pa rin ako ng todo. Hindi talaga pwede sa akin maging plastic. May kailangan pa akong tapusin ngayon araw.

Nagulat pa ako nung ibigay ni Yrah ang mic sa akin at ipinapahiwatig na magsalita ako. Punyeta ano sasabihin ko?? Hi, Hello, Goodbye ganon? Bahala na nga.

"Hellooo! I think everyone knows me naman, so hindi na ako magpapakilala. First of all, gusto lang kitang batiin Yrah. At dahil araw mo ngayon, may maganda akong regalo para sayo." pumalakpak ako hudyat na ipasok na

"OMG!! Ateee huhu" sambit nito ng makita ang regalo ko

"haha! Wag kang umiyak, Yrah. Dahil 5 ka na dapat good girl ka, wag kang gumaya sa akin hehe. Sana sa araw na ito naging masaya ka lalo't binili ko na ang matagal mo ng hinihingi sa akin, ikaw ah napaka mahal pala nyan pero para naman sa ikakasaya mo why not? Basta bunso always remember that We love y..." natigil ako sa pagsasalita ng magkasalubong ang mata namin ni Leo.

Bakit nandito syaaa??!

"Ate?"

"A-ah... lagi mong tandaan na mahal ka namin, kung may mang aaway sayo sabihin mo lang sakin ha? ako ang magtuturo ng leksyon sa kanila pero pwede rin na lumaban ka hahaha! Kidding aside. Bawal kang mapasok sa mga gulo dahil kung hindi kukunin ko yang gift ko sayo." binigay ko na pabalik yung mic dahil wala na akong sasabihin pero bigla naman akong niyakap ni Yrah kaya niyakap ko rin siya pabalik

Mahal na mahal ko kayo, handa akong isakripisyo ang buhay ko para lang sa inyo. Nawa'y hanggang sa dulo ay nakasuporta pa rin kayo sa akin.

"Bunso magc cr muna ako ah?" paalam ko rito bago tinangal ang yakap sakanya

"Sige Ate, balik ka agad" ngumiti na lang ako bago bumaba na ng stage.

Kingina, bakit meron ditong nakapasok?! I thought private party 'to? Bwakanang animal gusto nyo talagang mawala ng maaga. Dumaretso na lang ako ng way papuntang restroom habang pasimpleng tumitingin sa ibang parte dahil chine-check ko kung ilan sila. At feeling ko napaka rami nila! Tangna hindi ba pwedeng tumigil muna sila??

Nang makapasok na ako ng restroom ay kinuha ko kaagad ang cellphone na binigay sa akin ni Renz at tinext sya na pumunta rito. Astig nga nito eh sa pagkakalam ko kasi Iphone 4 pa lang ang nailalabas, sa pagkakaalam ko lang ha? wala naman kasi akong pake sa cellphone dati dahil kalandian lang inuuna ko noon. charot hehe!

Nagpalit na rin muna ako ng lagi kong suot kapag may mission ako, para madaling gumalaw at para hindi rin ako makilala ng iba. Naglakad ako paalis pero sa backdoor ng restroom ako dumaan para hindi nila makita, namataan ko naman sila Renz na pulos itim din ang mga suot. Grabe mga ninja ata kami eh

Nagtanguan kami bilang signal na kumilos na. Sila ay tumungo papuntang garden pero sa pamamagitan ng bubong at mga puno habang ako ay tinahak naman papuntang balcony dahil marami ang nandoon! Noong una ay ayaw nila dahil delikado raw pero anong tingin nila sa akin mahina?

Pagtalon ko pa lang sa balcony ay agad akong nagtago sa isang pillar para hindi nila ako makita. kaya naman kinuha ko sa bulsa ko ang bomb spray na ginawa ko pa lang noong isang linggo, pinagulong ko ito sa sahig dahil 5 seconds sisingaw na yung amoy para makatulog ang mga gagong ito.

Ganto nagagawa ng mag gamit sa future! napapabilis yung pagtapos ko hahhaha!

*Blaaggg!

Ngising tiningnan ko ang mga nasa sahig na katawan ng mga ito bago tumalon na pababa ng balcony. Pero dahil sa katangahan ko hindi ko nakita na meron palang naglalakad sa madilim na parteng pinagbabaan ko.

"Sino ka?" malamig na sabi nito habang nakatutok sa akin ang baril nya

"Chill Leo, Ilang araw lang tayong nagkita na miss mo kaagad ako?" sarkastikong aniko. Well sya lang naman wala ng iba

"Ang kapal naman ng mukha mo, bakit nandito ka?" ouch hindi naman masyado masakit ah? nam mersonal ba 'to?!

"Wala lang, nagiikot hehe"

"Tss sira ba ang ulo mo? Party 'to! Maraming mga tao." matigas na sabi nito

"So? dito ko gust--" naputol ang sinasabi ko dahil mabilis kong binaril ang gagong balak sanang barilin si Leo

Tangina ka, dadaan ka muna sa akin bago mo sya saktan!

"Here, Use this!" hinagis ko sakanya ang extra baril ko para may magamit sya

"Kaya ka ba nandito dahil sa mga ito?"

"Exactlyy!" akala ko need ko pa iexplaine eh

"Sino ka ba?" Tanong nito habang nakikipag buno sa mga kalaban

"A" hindi ko pwedeng sabihin ang totoo kong pangalan dahil mabubuking ako aba!

"Maiwan na kita jan, hanggang sa susunod na lang" balak pa sana ako nitong habulin pero bigla siyang tinawag ng kasamahan niya

Ikaw na bahala magimbento ng paliwanag jan hehe

"Ms. ayos na po ang lahat." salubong nito sa akin

"Nice, Salamat. Mauuna na ako, baka madaling araw na ako makabalik dahil bantay sarado ako sa kapatid ko" tumango lang ito at nagpaalam na rin

"Bwiset gusto ko na matulog!" humikab pa ako bago tumungo na uli sa restroom para magpalit uli. Kung pwede lang kasing katulad nung kay Darna na lulunok lang ng bato magbabago na ng outfit eh!

NOTE: Greetings Kattys! So here's the update! Balak ko sanang ipublish ito kahapon kaso ay biglang may nangyari kaya ngayon ko na lang ip publish.