CHAPTER 04 Pigilan
"Hey Ai what happened ba? you look bothered?" nagaalalang tanong ni Rhiana
"Nah. Im okay. Just focus on your food" binalik na rin niya kaagad ang tingin niya pagkatapos ko sabihin. Hindi ko alam pero bakit kinakabahan ako? Bihira lang ako makaramdam nito pero kapag nangyayari ito, may masamang nangyayari.
Wait anong araw ba ngayon?
"Rhi anong araw ngayon?"
"Haa? ah March 25 bakit?" shit! dali dali akong tumayo at hindi na pinansin ang pagsigaw pa nito
Tangina bakit nakalimutan ko! Ito yung araw na kinatatakutan ko. Aalis ngayon sila mama bibili ng gamit para sa party ni bunso pero hindi na mangyayari yon dahil may gagong sumabotahe ng sasakyan nila! Tinangalan ng break at pinagbabaril pa ang driver kaya talagang nawalan ng kontrol ang mga ito hanggang sa sumabog yung sasakyan nila.
Kingina lang ang gagalaw sa pamilya ko. Hinding hindi ko na hahayaan na mawala sila uli.
Nang makarating ako sa bahay, hinanap ko sila mama sa mga yaya sinabi nilang nagr ready pa lang ang mga ito kaya dumaretso na ako sa parking area namin para siguraduhin ang kotseng gagamitin nila.
Pinuntahan ko agad ang pulang kotse, kinapa kapa ko pa ang ibang parte hanggang sa matamaan ko ang malamig na bagay, tracker.
Ang kakapal talaga ng mga mukhang maglagay ng tracker dito. Nasisigurado kong nandito pa ang taong may pakana nito dahil mukhang hindi pa sya tapos sa ginagawa nya. Nagtago lang ako sa gilid hanggang sa nakita ko si Mr. Alej palinga linga ito sa paligid ng masigurado niya na sya lang ang tao dumaretso na kaagad ito sa sasakyan nila mama.
Tangina??
Siya yung naglagay?? Halos manlumo ako nung malaman kong wala na sila mama! Sya ang gumabay at nag bigay ng suporta sa akin na lumaban pagkatapos siya lang pala ang may pakana?!
Punyetang buhay 'to, noon sya ang iniingatan ko sa kalaban namin yun pala, kalaban ang prino protektahan ko. Bakit ganto??? Kulang pa ba, suko na ako sa lahat ng nalalaman ko!!
Bumunot ako ng barili at itinutok ko na sakanya at handa ng galawin ang gatsilyo pero hindi ito natuloy ng magsalita na naman ang matanda 'Aistia, huwag kang magpadala sa iyong emosyon. Ang lahat ng bagay ay may rason, hindi ito kailangan daanin sa dahas. Higit mong tandaan, Aistia huwag kang padalos dalos sa iyong mga gagawin'
Dahil sa sinabi nito, unti-unti kong binaba ang baril na nakatutok kay Alej at wala ng nagawa kung hindi ako lumuha na lang ng tahimik.
Bakit??! Bakit ba nangyayari sa akin ang lahat ng 'to? Ano bang ginawa ko? Handa akong pagbayaran huwag lang nilang idamay ang pamilya ko. Hinding hindi ko na kakayanin kung mawawala pa uli sila sa akin.
"Ate??" Napatigil ako sa pagluha mg marinig ko ang boses ni Yrah
"Yes baby?" Pinahid ko pa muna ang luha ko bago lumingon dito at ngumiti
"Ayos ka lang ate?" Papungay pungay na sabi nito
"Yes. Where's mama? yaya?"
"Palabas na ate, staka ate bakit hindi kita nakita kahapon? Namiss kita Ate eh" nakangusong sabi nito kaya kinurot ko agad ang pisngi niya
"Ouch, Yrah is hurt na. Yrah cry na" natawa naman ako sa inakto nito at kinurot pa muna uli yung ilong niya bago tumayo at binuhat sya
"Ikaw talaga, Yrah nagiging pabebe ka na ah. Halika sasamahan ko kayo nila mama mags shopping tayo for your party later" dare daretso kami sa salas nakasalubong pa nga namin si Alej na gulat na gulat ng makitang lumabas kami ng parking area
Ano ka ngayon, tanda?? Bistado ka na!
Kung noon ginagalang kita, ngayon sinusumpa na kitang hukluban ka. Kailangan kong bantayan sila mama dahil mukhang lalong iinit ang mga mata ng drains lalo't plakda ang gagawin nilang plano mamaya. Siguraduhin nyo lang na hindi ko kayo makita dahil kung hindi, lahat ng lahi nyo ay uubusin ko.
"Oh Ai nandito ko na, tapos na ang klase nyo?" bungad ni Yaya mabel sa amin
"A-ah eh umuwi na ako, kasi nangako ako kay bunso na sasamahan ko sya ngayon" hehe
"Oh really, Anak? Kaya ba hindi ka umuwi kagabi? I miss you anak" hinalikan pa ako nito sa pisngi at niyakap
"Yes, So Let's go na?" excited na tumango si Yrah pagkatapos ay dali dali kaming hinila papunta sa parking area
"Teka, mukhang may sira yung saasakyan eh" pagiinarte ko
"Ha? kakapaayos lang nito ni Alej kanina" napahinto pa ito sa pagsakay kay Yrah sa likod at ibinaba na muna ito pagkatapos ay sinipat sipat ito ng maayos. "Oo nga, natagas yung gas. Mukha rin pa flat na ang gulong, siguro magcommute na lang muna tayo?" umayos ito ng tayo at nakangiting nagtanong sa amin, syempre pabor ako don kaya naman inaya ko na kaagad sila bago pa kami maabutan ni Alej dito.
Tulad ng sabi ni mama, sumakay lang kami ng taxi papuntang mall. Sa una pa nga ay ayaw ni Yrah dahil natatakot daw sya kaya eto nakakakandong sa akin at ang higpit ng kapit sa akin. Ano ba nangyari dito?? eh noon ay excited pa sya sumakay sa mga ganto ah??
"Yrah are you okay?" baling ni mama kay yrah na mariin pang nakapikit
"M-mama I'm scared po" naiiyak na sabi nito napangiwi pa ako dahil lalong dumiin yung hawak nya
"Scared for what, yrah?" singit ko
"I don't know mama, ate, I'm just scared" halos pabulong na sabi nito kaya halos idikit na namin ni mama yung tenga namin sa kanya
"Shhh don't be afraid, Yrah. Everything was fine. I'm here and Mama's here" pagaalo ko dito mukha naman naging epektib dahil unti unting lumuluwag yung pagkakahawak nya
Jusko sa wakas...
Natawa na lang ako sa sinabi ko bago binuhat na si Yrah dahil nandito na kami sa mall. but fuck bakit kanina ko pa nararamdaman na may sumusunod sa amin?? Alam ko ang ganitong pakiramdam dahil malakas ang pakiramdam ko pag dating sa mga ganito, sanayin ka ba naman ng ganyan eh.
"Mama, mauna na kayo may pupuntahan lang ako" pasimple ko pa munang nilingon ang mga ito, bago umiba ng way hindi naman nila ako sinundan. As i expected. Ang target lang naman nila sa ngayon ay sila mama.
Gaya ng dati kong ginagawa kapag may mission ako, naghanap muna ako ng restroom at pasimpleng chineck kung may cctv na nakainstall. Nang makapasok na ako ay nagpalit na ako ng damit sa loob ng restroom, nagsuot na rin ako ng mask with voice changer at cap para hindi nila ako makilala.
Pasimple akong lumabas at dahan dahan pumunta sa kinalalagyan ng mga gago. Sinigurado ko muna na walang kasama ang mga ito bago nagspray ng pampahilo sa mga ito. Nang alam kong sakto na ito ay isa isa ko itong pinatulog at ngayon ang problema ko kung paano ko ito maisasakay??!
'Āmāra sāhāyya darakāra'
"Āmāra sāhāyya darakāra" pagbangit ko ng katagang ito ay biglang may lumitaw sa harap ko na isang itim na van habang may tatlong lalaking nakalahad ang kamay.
Okaaay??
"Ms. maaari na kayong pumasok, kami na ang bahala sa mga lalaking ito" shit??! bakit ang pogi ng boses nito? pwede bang akin na lang 'to? aaay! erase erase! Aistia tigilan mo kalandian mo, may mission ka na dapat unahin.
"Salamat" tulad ng sinabi nila, pumasok na ako sa van. grabe pano kaya nagkasya 'tong van sa sikip na lugar na ito?
*Riiiingggg!
"Aistia, where are you?" oo nga pala
"Ah ma, may bigla kasing tumawag. At staka naghahanap rin kasi ako ng regalo para kay bunso mamaya"
"Ganon ba anak? Sige sasabihin ko kay Yrah. Baby, may emergency kay ate later na lang daw sya makakasama... Oh sige na anak baka maistorbo ko kayo." staka nito pinatay ang tawag.
Napatingin na lang uli ako sa harap ng biglang umandar ang sasakyan. Ay naisakay na nila?? Bilis ah sanaol hahahha.
"Saan tayo pupunta?" kuryosong tanong ko
"Sa headquarter nyo po, Ms." magalang na sabi nito.
"Oh... I see, tutulog na muna ako" inayos ko lang ang upo ko staka natulog na
.
"Ms. Nandito na po tayo"
"Hmmmm" saktong pagtama ng mata namin ay may bigla akong napagtanto. WTF?? Si Rayne ang taong itoooo!!!
"A-ahm bakit po, Ms?" nagtatakang nakatingin ito sa akin
"Rayne?" nanginginig kong tinaas ang kamay ko para hawakan ang mukha niya pero agad niyang pinigilan ito
"Ms. Ako po si Renz, si Rayne na tinutukoy nyo ay nasa inyong nakaraan lamang" malamig na sabi nito
"Pasensya n-- Teka pano mo nalaman iyan?" pinaningkitan ko pa ito ng mata kaya naman napaiwas ito ng tingin
"Sinabi ito sa amin ni Master, kaya't alam namin kung sino at ano ka" Master?? yun ba yung matanda??
"Anong pangalan niya? Sino sya?"
"Patawad, Ms. Wala ako sa pwesto upang sabihin ang aking nalalaman. Higit din itong ipinagbabawal sa amin dahil kapalit nito ay ang buhay namin. Mas mabuting si Master ang tanungin nyo tungkol dito. Mauuna na po ako" tumungo pa ito bago tumalikod na
Lintek naman! Sino ba kasi yung matandaaa?? nahihiwagaan ako at ang nakakainis pa familiar ito sa akin pero hindi ko maalala kung sinoooo!!! Dahil wala naman akong mapapala rito ay pumasok na ako sa loob upang tingnan ang mga dagang nahuli ko.
"Yooow! Wazzup. Gising na pala kayo?" sarkastikong sabi ko
"Sinooo kaaa? Ipakita mo sa amin ang mukha mo!" matapang na sabi ng mukhang leader ng mga ito kaya napangisi ako. Tapang tapangan ah? tingnan natin kung saan tatagal ang tapang nyo.
"Later na yan, bakit hindi muna tayo maglaro diba?" ngiting asong sabi ko. hindi man nila makita ang ngiti ko alam kong ramdam nila iyon sa salita ko pa lamang
"L-lumayo k-ka! w-wag kang l-lumapit" bawat lapit ko ay umaatras naman siya
"Chill, nalapit lang ako. So orient ko kaya sa laro ah? Don't worry madali lang ito. Dapat nyo lang gawin ay magsabi ng totoo, truth or truth ganon. Bawat tamang sagot nyo sa tanong ko madadagdagan ang buhay nyo, pero kung may kasinungalingan pipili kayo sa parte ng katawan ninyo ang ibibigay sa akin. Ano ayos ba??" may panunuyang sambit ko
"H-h-hayop kaa!"
"T-tangina demonyo ka ba?"
"Shhh alam ko na iyan dati pa. Now shall we start?" ngiting tanong ko pero walang sumagot kaya uumpisahan ko na, sayang walang tumutol eh may awa pa naman ako kanina
"Okay. Magumpisa tayo... sayo. Don't worry kung honest kayo makakalagpas kayo sa dalawang level na larong ito. So my First Question, anong ginagawa ninyo sa mall?"
"W-wala namamasyal kami, pero naudlot dahil sayo" LIE!!!
"Wrooong! now for your punishment, ano sa parte ng iyong katawan ang gusto mong ibigay??" seryosong sabi ko
"Kama--Ahhhh tama naaa! Arghhh" napangisi ako dahil sa paginda nito. Parusa sa hindi nagsasabi ng totoo. Pagkasabi pa lamang nito kasi ay agad kong kinuha ang balaraw ko at chinopchop ito na parang karne lang
"Second question naman, but gusto ko iba ang sasagot. You!" turo ko sa lalaking kanina pa masama ang tingin sa akin
Attitude ka??
"For Second Question, May kinalaman din ba kayo sa pagtangal ni Alej ng break sa sasakyan ng Pamilyang Shizumi?" sa bulgaran kong tanong ay nanlaki bigla ang mga mata nila
"B-bakit kilala mo- Arggh" daing nito matapos kong sipain ang mukha nya
"Ops. Nakalimutan ko atang sabihin ang rules sa laro. First, bawal magsalita ang mga manlalaro unless turn na nila. Second, hindi pwede magsalita ng unrelated sa topic. Third, hindi pwedeng sagutin ng tanong ang host. And that's it, any question?"
"Proceed sa second question, may kinalaman ba kayo?" malamig na sabi ko
"Wala." matigas na sabi nito
At sa tingin niya maniniwala ako don?? Ha!
Nanggigigil akong lumapit sa lamesa at kinuha ang dalawang pirasong daliri. Pwersahan kong pinakain ito sa lalaki. Kaya nagkanda ubo ubo ito pero wala akong pake! Nararapat lang 'yan sa mga sinungaling na tao.
"Kailangan ko bang ulitin pa ang instruction sa larong ito? Tamang sagot lang ang dapat at hindi kasinungalingan. Matatawag ba itong Truth or Truth kung ang lalabas sa mga bibig nyo ay purong kasinungalingan? Tss since anong oras na rin, itutuloy natin ito bukas." aniko sabay talikod ko
"Renz, pagpahingahin sila. Babalik ako rito bukas ng gabi. Siguraduhin ninyo na walang makakatakas at magpapakamatay dahil kung hindi kayo ang papatayin ko." malamig na sabi ko bago lumakad na paalis ng hq
hindi pa ako tapos sa pagpapahirap sainyo.
Gigil ako sa inyo dahil kayo ang nagtadtad ng bala sa pamilya ko. Mga walang konsensya punyeta. Lintek lang ang walang ganti, kung noon ay hindi ko kayo magalaw galaw dahil sa proteksyon na ibinigay sainyo ng drains ngayon ako gaganti. Sisiguraduhin ko na ipapakita ko sainyo ang impyerno.
~~~
RENZ
Diring diring tiningnan nito ang loob ng kwartong kanina lamang ay malinis pa. Tama ang Master nito na ilagay ang mga ito sa isang kwarto. Ang kwarto ay punong puno at umaalingasaw na mabahong amoy ang nangingibabaw. Kahit malamig ang titig nito sa mga bihag na walang malay hindi pa rin mawawala dito ang awa dahil sa naranasan ng mga ito sa kamay ng taong hayok na hayok sa hustisya.
Sa tanang buhay nitong nagsisilbi, ngayon lamang siya nandiri ng ganito. Sa mga hinawakan nitong tao, si Aistia lamang ang bukod tanging ganito ang magpahirap. Nasisigurado nitong sagad sa buto ang galit nito sa mga taong nagpahirap sakanya noon.
Lahat ng ito ay alam ni Renz dahil lagi siyang kasama ng Master na pinapanood ang buhay ng babae. Dahil talagang kahit sinong makaranas nito ay gagawin ang lahat para makamit ang hustisya. Dali dali na lamang nitong tinangal ang lahat ng gamit na nasa loob at ikinandado ng mabuti ang kwarto. Kahit imposibleng mapatay siya ni Aistia, hindi pa rin mawala ang takot sakanya lalo't alam nito kung paano gagawin lahat ng babae mapatay lang ang taong may atraso sakaniya.