CHAPTER 2

***

Abala kami ng katabi kong si Ann sa pagsusulat ng mga requirements namin sa homeroom. Nag-seating arrangement na rin kasi kami ngayon at since katabi ko siya at parehas malabo ang mga mata namin ay nag-t-tiyaga na lang akong makita ang board sa harap para may ma-i-sulat kami. Nakakahiya naman kasi kung lilipat pa kami sa harap para lang doon eh marami pang maaabala sa gagawin naming iyon.

Kaya ‘wag na lang siguro.

Napatingin ako sa gawi ng lalaking tutok na tutok sa pagsusulat. Kung tutuusin ay pwede mo na siyang ma-i-halintulad sa isa sa mga masisipag na estudyante dito. Mas labis kong pinaka-titigan ang mukha niya.

Siya talaga ang lalaking anghel na iyon.

Pero bakit hindi niya ako kilala?

Napaiwas na lang ako ng tingin sa gawi ni Itchan nang makita kong nakangisi sa direksyon ko si Adrian. Tsk! Paniguradong gagawan na naman niya ako ng issue niyan. Napailing na lang ako bago nagpatuloy ulit sa pagsusulat.

***

"Kung bakit ba kasi ang dami-dami ng inutos sa atin ni ma'am. Sige Bratinella, cr lang ako. Kanina pa 'to eh." Napahawak pa sa kaniyang puson si Ann bago siya pumasok sa cubicle sa dulo.

Nilapag ko muna ang mga papel na hawak ko na iniutos sa amin ni ma'am Jude para ibigay sa faculty. Buti na nga lang ay sinamahan ako nitong si Ann, kaso na-c-cr na raw talaga siya kaya't heto kami ngayon sa banyo.

Napagpasyahan ko ring pumasok sa katabing cubicle na pinasukan ni Ann. Napabuntong hininga na lang ako bago napatingin sa mga vandalism na nakalagay sa pintuan nitong cubicle.

Bobo kayong lahat!

Pauline Montero here follow me on fb!

Sino ba ang mga matitinong estudyante ang naglalagay ng mga ganito dito? Mas lalo lang nilang sinisira ang pintuan dito. Ewan ko ba kasi sa kanila at kung ano ang mga na-i-isipan ng iba at nag-su-susulat ng mga kung ano-ano dito. Sandali akong napatigil sa mga boses na narinig ko galing sa labas ng cr.

"Hindi ba’t sabi nila na nag-cr sila? Come on girls baka ‘andon silang dalawa."

"You think so? Paano kung wala sila diyan?"

"Look! Dalawang cubicle lang ang meroong tao sa loob."

"Baka nga nand’yan sila."

"Let's do our revenge girls!"

Marahan ang tawanan nila sa labas nang mas lalo na silang papalapit dito. Pinakinggan ko lang ang yabag ng kanilang mga paa sa kinatatayuan ko. Who are they looking for? Imposible namang kami ni Ann ang hinahanap nila.

Napatigil na lang ako nang may naramdaman akong malamig sa ulo ko. Saka lang pumasok sa utak ko na tinapunan ako ng mga ito ng basura galing sa itaas ng cubicle. Mayamaya lang ay nakarinig ako ng impit na tili ni Ann sa kabilang cubicle.

Sh*t!

They’re wrong.

Hindi kami ang taong hinahanap nila.

Dali-dali akong lumabas ng cubicle at nakitang i-aamba na naman sana nila ang isang trash bin sa kinaroroonan ko nang sabay-sabay silang napatigil sa ere nang makita ako.

"Omaygash girl!"

"I thought..."

Masama ko silang tiningnan isa-isa. "What now? Ma-i-babalik niyo pa ba? Nangyari na eh. Next time kasi wag kayong aanga-anga. Nadamay pa kaming mga inosente rito. Should we go to the principal's office?" Naikuyom ko ang aking kamao bago napatingin sa bagong labas na si Ann na punong-puno rin ng basura sa kaniyang ulo.

"Sorry po. Napagkamalan po namin kasi kayo kanina. Akala po namin kayo na po ‘yung mga hinahanap namin." Sabay-sabay silang napayuko bago sila patakbong lumabas ng cr. May mga iba pang pumasok at pinagtitinginan nila kami.

"Hala Bratinella, wala na akong pamalit. Mamaya pa ang uwian natin. Bakit ba tayo minamalas?"

Totally.

Sa buhay na 'to, ngayon ko lang naranasan na tapunan ako ng mga basura. Patay na naman ako sa nanay ko nito pag-uwi ko. Siguradong sesermunan nila ako hanggang sa mag-sawa sila.

"No choice Ann. Magtitiis tayo sa amoy na 'to hanggang sa maka-uwi tayo."

***

Pagbalik namin sa classroom, as usual, wala namang may pake sa mga kaklase ko kung anong nangyari sa amin. Hindi naman kasi 'to yung tipong concern sila sa mga mangyayari sa amin. Nasa realidad tayo at ganito talaga.

Nang mapadaan kami sa harapan ni ma'am ay napatingin siya agad sa amin.

Malamang ay naamoy niya kami.

Ang lakas kasi ng amoy ng mga basurang na-itapon sa amin at talagang nakakasuka. Nakakahiya tuloy mamaya kapag uwian na. Siguradong pagtitinginan ako sa jeep mamaya. Napapailing na lang ako bago naupo sa upuan ko. Hindi ko ginustong mangyari ito. Nagmukha tuloy kaming basura ngayon.

"Ang baho talaga natin! Hala may pabango ba kayo diyan?" Hindi na nakatiis si Ann at naghanap pa talaga siya ng pabango. Eh hindi niya ba naisip na maghahalo lang ang amoy ng basura sa pabango? Paniguradong mas lalala lang ang magiging resulta. Naparolyo na lang ang mga mata ko bago pumalumbaba at tumingin kay Itchan.

Nanlaki naman ang mga mata ko nang makitang nakatingin pala siya sa akin habang hawak-hawak niya ang love letter na bigay ni Rhia. Napakunot noo pa ako sa kaniya at umiling naman siya sa akin bago niya ulit binasa ang hawak niyang colored paper.

Pero nang matapos niya itong basahin ay agad siyang tumayo at ang mas nakakagulat pa na papalapit siya sa akin.

What is he doing?

Akala ko ba ay hindi niya ako kilala?

"So, you are interested?"

Napataas ang kilay ko bago siya tiningnan. "On what?" Ano bang sinasabi niya? At bakit niya ba kasi ako kinakausap ng ganito?

"On me? Sabi mo dito sa letter mo." Muli na namang lumantad ang ngipin niyang pantay at maputi nang ngumiti siya ng malapad sa harapan ko.

Bahagya pa akong napatulala sa inasta niya bago natauhan. What is he talking about?

Napamaang naman ako ng mapagkamalan niya na ako ang nagbigay sa kaniya ng letter na iyon. So, Rhia didn't wrote her name? Napapikit naman ako at napatakip sa mukha ko kaso na-ilayo ko agad ang kamay ko nang maamoy ang mabahong amoy ng basura.

"Excuse me? Ako? Interesado sa 'yo?"

Mas lalo pang naningkit ang mga singkit niyang mga mata nang mas ngumiti pa siya ng todo.

Gosh don't smile, Itchan! Because I don't know what to feel here.

"Sa tingin mo ba, lalapit ako sa 'yo kung hindi rin ako interesado sa 'yo, miss?"

Napaawang ang bibig ko sa salitang lumabas sa bibig niya.

Is he crazy? Bakit naman siya nagsasabi na interesado siya sa akin?

Or baka naman kasi kilala niya talaga ako at nagpapanggap lang siya?

I don't know what to say. This angel is really bugging me.

***