CHAPTER 1

***

2 years later...

Agad akong nagmadali sa pagpasok sa entrance ng school namin, sheez. First day pa naman ngayon at naturingan akong late. Napapailing na lang ‘yung mga guard ng school namin nu’ng makita nila ako. Napapayuko na lang ako dahil sa nararamdaman kong hiya. Eh kasalanan ko bang maglinis ng buong bahay bago pumasok?

"Ilista mo ang pangalan mo rito ineng, pagkatapos ay pumila ka roon sa court kasama ng iba pang mga late. Hindi ka muna maaaring pumunta ng classroom niyo hangga't hindi kayo nakakausap ng principal."

Napapikit naman ako nang marinig ang sinabi ni kuya guard. Tsk! Mukhang hindi ko na siya matatakasan pa. Kung pwede lang sana na mag-dire-diretso na lang sa paglalakad kaso hahabulin naman ako nitong mga guard na ito. Nanginginig kong inilista ang pangalan ko sa isang form ng mga late, pagkatapos ay agad akong pumila sa dulo ng pila. Bahagya ko pang inilibot ang aking paningin kung makakakita ako ng kakilala ko rito pero nagkamali ako dahil mukhang ako lang talaga ang ka-isa-isang late sa section namin.

Ang malas ko naman ngayong araw. Dapat pala tinakasan ko na lang si Mama sa bahay kanina eh, kaso naman kapag ginawa ko iyon ay malilintikan ako sa kaniya pag uwian. At saka naalala ko na hindi rin nga pala niya ibibigay ang baon ko kapag hindi ko pa tapos ang mga ginagawa ko.

"Saan mo nakuha iyan?" Pagsasalita ng mga babae sa gilid ko. Bahagya silang nagkakagulo sa gilid ko habang may pinagmamasdan na figurine ng isang anghel. Napamaang ang bibig ko at napatitig sa figurine na iyon. May kung anong bumara sa lalamunan ko at lumakas ang dagundong ng puso ko.

Sh*t.

Mahigit dalawang taon na ang nakalilipas nang makilala ko ang anghel na pumigil sa aking kamatayan. Matapos ng insidenteng iyon ay nahanap ako ng mga taga-barangay sa amin at naka uwi sa amin. Alalang-alala ang mga magulang ko sa akin at nag-sorry sila sa akin noon. Hindi pa nga ako makapaniwala na ganoon ang kanilang reaksyon. At saka ko lang napagtanto na, mahalaga palang mabuhay.

Tama siya, hindi ko dapat sinasayang ang buhay ko sa ganoong pagkakataon.

Napa-iwas ako ng tingin sa bagay na iyon at muli kong naalala ang imahe ng anghel na iyon. Pagkatapos ng nangyari ay sinubukan kong hanapin siya pero wala akong nahanap na kung ano. Sinubukan ko ring bumalik doon sa stasyon ng tren at naghintay hanggang mag-gabi at nag-ba-baka sakali ako na makikita ko muli siya pero wala pa rin. Gusto kong mag-pa-salamat sa kaniya dahil siya lang ang nagbigay sa akin ng pag-asa matapos ng mga sinabi niya sa akin ng mga gabing iyon.

Napailing na lang ako sa mga na-isip ko at naghintay na lang sa principal namin na paniguradong manenermon sa pagiging late namin.

***

Nang makapasok ako sa aming classroom ay health break na kaya't nagpasalamat talaga ako na si Rhia lang ang nandoon. Hindi naman na ako mapapansin ng iba kong kaklase kung nandito ba ako kanina.

"Bratinella! Infairness ah, first day natin ngayon ay late ka."

Napatawa ito at humawak pa sa bibig niya. Tinapik-tapik pa nito ang aking balikat. Ibinaba ko muna ang bag ko sa bakanteng upuan sa likod.

"Ay sis! May favor ako sa'yo." Bigla naman ako nitong hinila papunta sa bag niya saka niya iyon binuksan at kinalkal. Napakunot pa ako ng noo dahil ngayon lang siya hihingi ng pabor sa akin.

"Ano 'yon, Rhia?"

Iwinagayway nito ang kaniyang kamay saka niya ipinakita sa akin ang isang colored paper na may design. Bahagya pang nanlaki ang mga mata ko nang maaninag kung ano ang hawak niya.

Ano naman ang gagawin ko sa isang love letter?

Napakamot pa ako sa noo ko samantalang, parang excited na excited si Rhia sa magaganap. "Huwag mong sabihin na ibibigay ko pa 'yan sa taga-ibang section? Nakakahiya Rhia. Ikaw na lang!" Mariin akong napailing sa kaniya at umatras ako. Ayoko lang naman kasing mapagkamalan na parang isang girl na patay na patay sa isang lalaki. Baka akalain pa nila na ako yung mag-co-confess sa kanila.

No way!

"Sige na sis! Don't worry, kaklase lang natin siya. Wala pa siya rito kasi bumaba sila ng canteen."

Pilit niyang ibinibigay sa akin ang love letter na hawak niya kaso lang ay tumatanggi ako. Hanggang sa mag-tagumpay siya na ilagay iyon sa aking mga palad. Napabuntong hininga ako.

"Iyon pala ang bag niya. Sige Bratinella una na ako, thanks!" Kinindatan niya pa ako bago siya nag-madaling umalis. Napapailing na lang ako habang nakatingin sa bag na itinuro niya.

"Now what?" Naiinis kong bulong. Ano ba kasing gagawin ko rito at ako pa ang nautusan ng ganito? Pwede namang siya na lang ang maglagay since wala namang tao rito at walang makakakita sa kaniya. Tinitigan ko ang papel na hawak ko at napagpasyahan na buklatin ito.

At sa unang salita pa lang ay mapapataas na ang kilay mo.

Nawawala puso ko paki-check lang, kung nasa bulsa mo hehe. Hi Itchan dear! May itatanong ako sa'yo. Utot ka ba?

Uyyyy! Sinabi niya bakit. Ganito kasi yon, tahimik ka kasi pero ang lakas ng dating.

Napapailing na lang ako sa kakornihan ni Rhia. Hindi ko na maatim na tapusin ang pagbabasa nito sapagkat sumasakit lang ang ulo ko. Bakit gano’n ang sinasabi niya sa love letter niya? My gosh! Nakakahiya talaga siya kahit kelan. Naglakad ako patungo sa bag na sinasabi niya at agad itong binuksan.

Para matapos na itong kalokohan na 'to.

Sanay na akong nahihingian ng pabor nino man pero kailanman ay hindi ko inaasahan na gagawin pala akong messenger ni Rhia. Napapatango na lang ako nang makita ang laman ng bag na tinutukoy ni Rhia.

Malinis naman pala sa gamit.

Ano kayang itsura ng crush ni Rhia? Hindi kasi sa akin pamilyar ang bag na ito at mukhang bagong kaklase lang namin ito. Knowing ‘yung si Rhia maarte siya sa pagpili ng mga lalaking magugustuhan niya. Napaikot na lang ang mga mata ko bago inilagay ng maayos ang papel sa harapan ng mga gamit ni-

What is his name again?

Itchan yata ‘yung nabasa ko kanina. Nang matapos ko ang ginagawa ko ay pinagpagan ko ang mga kamay ko at saka tumalikod.

Pero sa pagtalikod kong iyon ay ang hindi ko inaasahan.

Napatakip ako sa bibig ko at gulat na gulat na tumingin sa lalaking nakapamulsa sa harapan ko. And worst, nahuli niya pa ako. My gosh! Baka akalain niya pang magnanakaw ako eh napag-utusan lang naman ako. Ang kaso lang ay pamilyar ang mukha nito.

"What are you doing? Wala kang makukuha sa bag ko, miss."

That chilling voice.

His face.

Is it just a coincidence?

"Ikaw?" Its been two years and our paths crossed again this time. Hindi ako makapaniwalang tumingin sa kaniya. Nasaan ang pakpak niya? At higit sa lahat ay bakit naging kaklase ko pa siya? Ngayon ko lang napagtanto na kaya pala siya naging crush ni Rhia.

"What, miss? Who are you? Dito ba ang section mo? Bakit mo kinakalkal ang bag ko?"

Napakunot ang noo ko nang dahil sa sinabi niya. Hindi ko pinansin ang pagtatanong niya at mas pinagtuunan ang isang tanong na lumabas sa kaniyang bibig.

Sino raw ako? Tama ba ang pagkakarinig ko?

So, he doesn't know me? How come?

And that hit me. It was two years ago since the night that I saw that angel. And now, our fate met accidentally. I was searching for him all this time but this angel in front of me was saying he doesn't know me.

Is this really true?

***

Tanging pagtitig na lamang ang nagawa naming dalawa hanggang sa sunod-sunod nang nag-si-datingan ang aming mga kaklase sa loob nitong classroom. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwalang nakikita ko siya sa harapan ko ngayon. Ano ba kasing meron sa kaniya at nararamdaman ko ito?

Napayuko na lamang ako at agad siyang iniwan sa kinatatayuan niya. Hindi ko na kasi mahanap pa ang mga susunod kong sasabihin sa kaniya, feeling ko tuloy nangangapa ako. Pero bago ako maupo ay nahuli ko si Rhia na nakatitig sa aming dalawa. Blanko ang ekspresyon nito, nang magtama ang mata naming dalawa ay agad siyang nag-iwas ng tingin at bumalik sa ginagawa niya. Gusto ko sanang tawagin siya dahil nagkakamali siya ng iniisip. Baka akalain niya pa na baka agawin ko sa kaniya itong crush niya.

Napailing na lang ako sa nangyayari ngayon.

"Uy dhai! Ba't ngayon ka lang?"

Awtomatiko akong napangiti nang makita si Adrian na papalapit sa akin. Mas mabuti pang siya na lang ang kausapin ko rito. Kaming dalawa kasi ay nagkakasundo sa lahat ng bagay. Kung tutuusin ay siya ang paborito kong kasama sa lahat. Noong unang pagkakakilala namin ay hindi masyadong maganda pero tingnan niyo nga naman ngayon ay maayos kaming dalawa.

"Dating gawi dhai! 'Lam mo na kung bakit."

Napaikot naman ang mga mata nito. "Nako, bakit kasi ikaw pa ang nauutusan sa ganiyang bagay?"

Napatawa naman ako at bahagya siyang hinampas. Eh sino pa bang maaasahan sa amin? Alangan naman yung bunso kong kapatid ang utusan na maglinis ng bahay? Eh ni maghugas nga ng pinggan hindi niya magawa sapagkat panay ang kakalaro niya sa mga games niya sa cellphone.

"Ako panganay eh." Natatawa kong sambit bago tumingin sa harapan. Nahagip ng paningin ko sila Allen at Corille na nagtatawanan.

Ngumuso naman si Adrian. "Tingnan mo dhai! May bago na namang target ang baklitang si Allen at mukhang ‘yung transferee pa natin."

Napatingin ako sa sanhi ng pinagtatawanan nila Allen at Corille.

Si Itchan.

Kasalukuyan silang nag-uusap at napapailing na lang ako. Eh sa itsura ba naman nu’ng lalaking ‘yon? Siguradong siya ang pupuksain nitong sila Allen. Lihim na napaikot ang mata ko bago bumaling kay Adrian na ngayon ay nakakunot ang noo sa akin.

"Oh bakit?" Maang kong tanong at tumitig sa kaniya.

Tuluyan akong nainis nang napangiti siya ng nakakaloko. "Wag mong sabihing type mo ‘yun?" Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya at agad akong napailing ng maraming beses.

"Si Itchan? No way! Si Rhia ang tanungin mo." Naiinis kong sagot at muling sinulyapan ang lalaking pinag-uusapan namin ni Adrian. Mas lalo akong nainis nang malaman na nakatingin siya sa direksyon ko.

Malakas na tumawa si Adrian sa gilid ko at hinampas niya ako. Agad akong napatingin sa kaniya at pabalik siyang hinampas.

"Inaano kita dyan!"

"Bakit alam mo agad ang pangalan niya? Nako dhai! Ikaw ha. Napaghahalataan!"

Napasimangot na lang ako sa panay niyang pagtutukso sa akin. Kapag kasi siya na ang nanukso wala na akong magagawa pa kung hindi ang manahimik na lang. Kesa makipagtalo ay nanahimik na lang ako sa gilid. Bakit ko naman matitipuhan ang tulad niya? Oo may itsura siya at hindi ko ma-itatanggi ‘yon.

Meroon bang dahilan para matipuhan ko siya?

Muli akong napatingin sa kaniya at nakita kong nakangiti siya ng pagkalapad-lapad dahilan upang lumantad ang kaniyang maputi at pantay na ngipin na bumagay sa kaniya.

At dahil doon napag-isip-isip ko na kung ano ang pwede kong matipuhan sa isang anghel na katulad niya.

His smile.

***