CHAPTER 3

***

Patuloy na nakaawang ang mga bibig ko habang nakatingin sa kaniya. Hindi naman ako ang nag-sulat ng mga katagang nakalagay sa letter na iyon. Kaya't anong sinasabi niyang interesado siya sa akin?

Baka ang ibig niyang sabihin ay kay Rhia siya may interes at napagkamalan lang niya ako dahil ako ang nakita niyang naglagay ng letter ni Rhia sa bag niya?

"Sorry pero hindi ako ang nag-sulat niyan." Itinuro ko pa ang papel na hawak niya at umiling-iling ako sa harapan niya.

Biglang nawala ang ngiti sa labi niya at napalitan ito ng pagtataka sa kaniyang mga mata.

"What do you mean? Kung hindi pala ikaw ay sino?" Nag-tatanong ang mga mata niya sa akin kaya naman ay bigla akong napatingin kay Rhia na ngayon ay nakatingin pala sa aming dalawa.

"It's her." Kusang itinuro ng mga kamay ko si Rhia na ngayon ay halatang nagulat sa ginawa ko.

Nakita kong bahagyang nag-tama ang paningin nilang dalawa kaya't pinili ko na lang na umiwas sa kanila. Sa totoo lang ay nagmumukha akong si kupido ngayon na pinaglalapit sila ng tadhana.

And out of nowhere there was a discomfort in my chest.

Napahawak ako rito at kusang napatingin sa dalawang nagtititigan sa harapan ko.

What was that?

Mayamaya lang ay agad na pumasok si ma'am at sinabing mag-si-upo muna ang lahat. Napatingin ako kay Itchan na hindi man lang ako tinapunan ng tingin habang naglalakad siya papalapit sa upuan niya.

Well, Rhia got his attention.

Teka nga, bakit ba sila na lang ang iniisip ko?

Tumingin na lang ako sa harapan at nakinig kay ma'am na nag-ke-kwento. Imbis na sa kanila pa gumulo ang utak ko ay dito ko na lang itutuon ang atensiyon ko.

***

Kinabukasan, natuon ang atensiyon ko sa malakas na buhos ng ulan sa labas, napatigil pa ako sa pagbubuklat ng libro sa harapan ko. Napapailing na lang ako bago itabi sa shelf dito sa library ang binabasa ko. Tsk! Wala nga pala akong payong. Kanino naman ako makikisabay eh paniguradong nag-si-uwian na ang mga kaibigan ko dahil mas pinili kong mag-pa-iwan dito sa library.

Tumayo ako bago lumabas ng library, pagbaba ko patungong canteen ay maraming nagtatakbuhan na mga estudyante sa gitna ng court para may masilungan sila. Habang ang iba naman ay abala sa pagbubukas ng kanilang mga payong. Hindi naman pwede na basta na lang akong sumugod sa ulan. Dahil masyado pa itong malakas.

Napagpasyahan ko na lang na umupo na muna dito sa canteen at mag-patila ng ulan.

Wala naman akong magagawa at maghintay na lang dito, tsk, kung bakit ba kasi ngayon pa umulan ng ganito? Mayamaya lang ay napatingin ako sa dalawang taong napadaan sa harapan ko, bahagya pa akong nagulat sa kanila dahil nakita kong nagtatawanan ang mga ito.

Nang mamataan nila ako dito sa isang gilid ay bigla silang napatigil sa kanilang ginagawa.

Magkasama pala silang dalawa?

"Bratinella! Mag-isa ka lang?"

Napatigil ako sa tanong ni Rhia. Napatango na lang ako bago inilipat ang tingin kay Itchan na ngayon ay biglang nawala ang ngiti sa kaniyang mga labi. Sumeryoso ang awra niya habang nakatingin siya sa akin.

Ano ba ang problema niya?

Kahapon lang ay sabi niyang interesado siya sa akin pero heto siya ngayon at magkasama silang dalawa ni Rhia? Lihim na napaikot ang mga mata ko.

"Sumabay ka na sa amin Bratinella, mukhang matatagalan ka pa dyan kapag maghihintay ka pa, kaso masyadong maliit ang payong ko, kay Itchan ka na lang makisilong." Biglang nagbago ang reaksyon ni Itchan nang marinig niya ang sinabi ni Rhia. Sa seryoso niyang awra ay bigla itong naging blanko at malamig.

Tsk! Sa tingin ko ay ayaw ako nitong isabay kaya ganiyan ang reaksiyon niya. Kaso kapag maghihintay ako dito ay matatagalan talaga ako. Kung sasabay naman ako sa kanila ay mag-mu-mukha lang akong third wheel.

"Hindi na Rhia, okay lang talaga ako." Pagtanggi ko sa alok niya.

Bakit pa ako sasabay sa kanila eh mukha namang nag-e-enjoy sila sa isa't-isa? Kailangan pa ba ako do’n?

"You can come along with us. Don't worry, it's fine."

Bigla akong natigilan nang magsalita na ang lalaking nasa harapan ko. Hindi ko alam kung totoo ba ang narinig ko galing sa kaniya o ano. Pero mukhang sa kaniya nga ito nanggaling.

Napabuntong hininga na lang ako bago ko isukbit ang bag ko at tumayo. Wala naman akong magagawa dahil pinipilit na nila ako. Siguro papanindigan ko na lang talaga ang pagiging third wheel ko.

Nagsimula kaming maglakad na tatlo habang patuloy na bumubuhos ang malakas na ulan kasabay ng malakas na hangin. Nasa gitna namin ni Itchan ang payong at sinasadya kong lumayo sa kaniya para lang hindi kami magdikit.

"Grabe ang lakas ng hangin! May bagyo ba?" Pasigaw na sabi ni Rhia habang hawak-hawak ang laylayan ng kaniyang palda nang bigla itong tumaas dahil sa lakas ng hangin. Naririnig ko na lang bigla ang pagtawa ng taong nasa gilid ko.

Lumantad ang ngipin niyang maganda habang nililipad ang ilang mga hibla ng buhok niya sa kaniyang ulo.

Napapaisip na lang tuloy ako kung talaga bang hindi siya ang nakita kong anghel noong gabing iyon. Kamukhang-kamukha niya.

Bigla naman itong napatingin sa akin at biglang napakunot ang noo niya nang makitang ang layo ko sa kaniya at dahilan kung kaya't nababasa ang kabilang balikat ko.

"Nababasa ka na." Walang pasabi niyang hinawakan ang balikat ko at hinila ako papalapit sa kaniya, kaya't nagdikit ang aming mga braso. Nabigla ako sa ginawa niyang iyon kaya naman napatigil ako sa paglalakad at ganoon din siya.

"Okay lang, ikaw naman ang may-ari ng payong eh."

Kung tutuusin ay para siyang nakaakbay sa akin ngayon dahil sa ginagawa niya. Ano bang nangyayari sa kaniya? Bakit niya ito ginagawa?

"Tigas ng ulo."

"Ha?"

Nagulat ako sa sinabi niya pero mas lalo lang humigpit ang pagkakahawak niya sa akin bago kami nagpatuloy sa paglalakad. Akala ko ba ayaw niya akong isabay? Ganito ba talaga siya kabait? Sa huli, napatingin ako kay Rhia na nasa likuran pala namin, blanko ang ekspresyon nito habang nakatingin siya aming dalawa ni Itchan. Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya sa aming dalawa, ibinalik ko na lang ang tingin ko sa harapan. Ito na nga ba ang sinasabi ko eh, kaya ayokong sumama sa kanila, nagiging hadlang pa ako sa kasiyahan nila, mukha naman kasi silang nag-e-enjoy talaga tapos sumingit pa ako.

"About what I said yesterday, I am serious."

Napaangat naman ako ng tingin sa kaniya. Seryoso ang ekspresyon niya habang nakatingin sa dinadaanan namin. Bago pa ako makapagsalita ay na-realize ko kung ano ‘yung sinabi niya. Nanlaki ang mga mata ko at napa-iwas ng tingin sa kaniya.

"Ha? Interesado ka talaga sa akin?"

Bago ko pa matakpan ang bibig ko ay mas lalong nanlaki ang mga mata ko nang dahil sa sinabi ko. Huli na bago ko pa mabawi. Seriously? Sa isang kagaya ko pa? Ano ba ang meron, bumaliktad na ba ang mundo at pati utak ng isang 'to ay nasama na?

Nakita ko naman ang biglaan niyang pag-ngiti. Hah! Wag mo akong daanin sa ganiyan hindi ‘yan e-epekto sa akin. Oh gosh!

Pero akala ko nu’ng araw na iyon ay tapos na ang lahat ng kaganapan na gugulat sa akin pero akala ko lang pala ‘yon. Bigla na lang lumapit sa amin si Rhia na nakangiti at mukhang may sasabihin na sana siya sa amin kung hindi lang sana umepal tong lalaking 'to na tuluyang nagpagulat sa akin.

"I want to know you more, Bratinella."

Wala na ang mas gugulat pa sa akin sa sinabi niyang iyon. Hindi ba siya nahihiya sa mga sinasabi niya? Hindi niya ba alam na may nasasaktan na isang tao nang dahil sa kaniyang sinasabi?

Pero nu’ng araw ding iyon ay hindi ko aakalain na may mararamdaman akong kakaiba.

I felt butterflies inside my stomach as my heart began to pump so loudly.

What is this feeling?

***