PROLOGUE

***

Patuloy sa pagpatak ang mga luhang bumubuhos sa mata ko. Ni wala ako sa sarili ko habang naglalakad sa gitna ng kalsada sa ilalim ng gabi. Hindi ko naman kasi alam na ganito ang mangyayari sa paglalayas ko sa bahay mula kina Mama at Papa. Sadyang hindi ko na kinakaya ang mga ginagawa nila sa akin. Pa-ulit ulit na lang nila akong sinasaktan. Sa buhay na ito, naranasan kong mapag-buhatan ng kamay, mabugbog, itulak sa hagdan, at ang mapagsabihan na isa kang baliw at walang kwentang anak. Hindi ko naman kasi sinasadya na maging isang ganoon pala ako.

Napapapikit na lang ako habang nagpapatuloy sa paglalakad, minsan naiisip ko na lang na tapusin na kung ano ‘yung meron ako eh para hindi na ako mahirapan pa. Mas lalo akong humagulgol sa gitna ng daan. Kakaunti lang ang mga nakakasalubong ko at nakikita kong pinagtitinginan na nila ako. Hindi ko sila pinansin at nagtuloy-tuloy na lang ako.

Nang medyo kumalma na ako ay napagpasyahan ko na ang ka-isa-isa kong desisyon. Nag-pa-lingon-lingon ako sa paligid hanggang sa marinig ko ang tunog ng paparating na tren sa kabilang direksyon.

Wala naman na akong mapapala sa buhay ko. Mas mabuti na siguro ito. Kung sa isip ng iba ay nababaliw na talaga ako ay hindi lang nila ako maintindihan. Minsan sa buhay ko ay walang umintindi sa akin. Palagi nilang sinasabi na magiging ayos lang din daw ang lahat. Hindi ba nila naisip na nahihirapan din ako? Paanong magiging maayos ang lahat kung kailangan kong daanan ang isang pagsubok upang maging maayos nga ito.

Napakuyom ang aking kamao habang papalapit na ako sa stasyon ng tren. Madilim ang paligid at walang katao-tao sa parteng ito. Ako lang ang naririto at natutuwa ako sa lagay na iyon dahil wala nang makakapigil sa akin. Napag-isip-isip ko tuloy na kung matagpuan na kinabukasan ang katawan ko na walang buhay. Magsisisi kaya ang mga magulang ko sa mga ginawa nila sa akin? Maiisip na ba nila ako? Maiintindihan na ba nila ang kalagayan ko?

Napailing ako. Siguro baka wala pa rin silang paki-alam.

Muling nagbadya ang mga luha sa mata ko. Humakbang ako sa gitna kung saan mismo dadaan ang susunod na tren na inaabangan ko. Napaupo na lang ako sa panghihina at muling umiyak. Hindi ko naman kasalanan na maging ganito ako eh. Kasalanan ko pa ba? Baka nga kung ituloy ko pa 'tong ginagawa ko ay ako pa ang sisihin nila kung bakit ko 'to ginagawa.

Malakas na tunog ng tren ulit ang aking narinig sa malayo. Dahan-dahan akong napatayo at mas lalong napaiyak. Ito na ba? Hanggang dito na lang ba ako?

Mabilis ang takbo ng tren sa 'di kalayuan. Kapag sumalpok ako dito ay siguradong tatalsik ako. Napatigil ako sa pag-iyak sa ideyang iyon. Nag-iisip kung itutuloy ko pa ba o ano.

Sa huli ay wala akong nagawa hanggang sa ipikit na lang ng marahan ang aking mga mata at malalim na napasinghap. Hindi ko na ito aatrasan pa. Wala na akong pag-asa at kailanman ay wala na ako noon.

Nang malaman ko na papalapit na sa akin ang tren ay mas lalo akong kinabahan at ipinikit na lang ng mariin ang mata ko, naghihintay kung kelan tatama sa akin ang inaasahan ko.

Isang nakabibinging ingay ang narinig ko hanggang sa tuluyang pumatak ang luha ko sa mata. Itinaas ko ang dalawang kamay ko at naghintay sa mangyayaring salpok sa katawan ko.

Hanggang sa...

Naramdaman ko na lang ang mabilis na paghila sa akin ng kung sino sa isang gilid. Hindi ako makapaniwalang napamulat ng mata hanggang sa tuluyan ng lumagpas ang tren na dapat ay siyang tatapos sa buhay ko.

Mas lalong nanlaki ang mga mata ko sa nasaksihan.

"What are you?"

He enveloped his wings on my body, pagkatapos ay kinabig niya ako papalapit sa kan’ya. Nagliliwanag ang kabuuan ng pakpak niya at ikinulong niya ako rito habang nakatitig siya ng seryoso sa akin.

"Don't waste your life, miss. You still have a chance to prove them that you are worth it. Prove them that they are wrong."

Malamig ang boses nito na parang musika sa aking pandinig. Dahan-dahan niyang ini-angat ang kan’yang kamay sa mukha ko at pinunasan ang butil ng luha na tumulo mula sa mata ko. What is happening? I thought I was going to die already but look, I am still here standing alive in front of this handsome angel who tried to suppressed me.

"Sino ka? Bakit mo ako pinigilan?" Mas lalong nanlaki ang mga mata ko nang mas humigpit ang yakap ng pakpak niya sa aming dalawa, kaya't mas lalong naglapit kami. Bahagya pang nagdikit ang katawan naming dalawa at napahawak ako sa braso niya.

"You almost killed yourself tapos tatanungin mo ako kung bakit kita pinigilan? You don't have to do it. Kung gusto mong magpakamatay sabihin mo at tutulungan kita."

Bahagyang napaawang ang bibig ko nang marinig ang sinabi niya.

What? Tutulungan niya pa akong magpakamatay? Nababaliw na ba siya? I thought he tried to save me but it looks like that- nevermind. Nagsalubong ang dalawa nitong makapal na kilay.

"Hindi mo ako maintindihan. Sana hinayaan mo na lang ako." Napayuko ako at nag-init ang dalawang sulok ng aking mga mata.

"Why would I do that? Can't you see, I am here to give you some courage to fight for yourself. Someone can say that you are totally hopeless, but you are not." Ini-angat niya ang mukha ko at nakita ko ang pag-iiba ng reaksyon ng mukha niya, naging maamo na ito habang nakatitig siya sa akin. What does he mean?

"I am here, willing to be your hope."

Once upon a time, I was losing my courage to fight for my life but there was this angel who gave me some hope to fight for this life full of sh*t.

***