CHAPTER 9

***

Break time namin ngayon, pero abala lang ako sa pagtapos ng activity namin sa Entrepreneurship. Nagmamadali kasi si sir dahil uuwi na raw siya pagkatapos ng break namin.

"Bratinella! Pwede pakopya?"

Hindi ko pinansin si Adrian na ang inosente at lambing ng boses kumpara noong pinag-uusapan nila ako patalikod. Para silang santo ngayon kung lumapit sa akin at akala mo ay walang ginawang masama.

"Leave her alone. Work hard on your own answer. It is not fair to copy someone else's work."

Boses ni Itchan ang narinig ko na humarang sa harapan ko. Napatigil tuloy ako sa pagsusulat at nakitang hinaharangan niya ako mula kay Adrian na para bang pinoprotektahan niya ako.

Napangiti ako ng lihim at nagpatuloy sa pagsusulat.

"Ay! KJ ni Itchan! Wala pa naman akong maisip na sagot dito." Galit na boses ni Adrian ang sunod kong narinig at padabog itong umalis papalayo.

Nagsalubong ang dalawa kong kilay at inis na tumayo kaso mabilis si Itchan at hinarangan agad ako. "Stay back, Bratinella." Seryoso ang kaniyang boses at pananalita. Nakikita ko na pinagbabawalan niya akong makipag-away sa damuhong iyon!

"Pero sumusobra na ang bruhong iyon! May gana pa siyang lumapit sa akin at makikopya ng sagot ko matapos nila akong pag-usapan patalikod nila Ann at Acky?!" Gigil na gigil kong bulong kay Itchan.

Biglang umamo ang kaniyang mukha at hinawakan ang pisngi ko. Nagulat ako at napatalon dahil sa init ng kaniyang mga palad sa aking pisngi.

"It is only for God to avenge, He will repay. I know that you want revenge from them, but let God avenge for you, my love." Hinaplos niya ang aking pisngi at bumaba ang kaniyang tingin sa aking mga labi.

Mabilis na kumabog ang puso ko nang marahan niyang hinaplos ang labi ko.

"Beautiful." Desire was visible in his eyes as he gently caressed my lips and immediately stop. He put away his hands out of my cheeks and cleared his throat. "Let me pass our paper." Then he smiled cutely at me and took away my paper from my hands and he runs gently that made me chuckled.

That angel! He's really confusing me but I like it though.

***