CHAPTER 8
***
Lumulukso ang puso ko habang nakatingin kay Itchan na ngayon ay nagbabasa ng libro. Nandito kaming dalawa sa library dahil uwian na rin ngayon. Hindi ko alam pero 'pag tuwing nandiyan siya ay para akong nakakaramdam ng kung ano. Napangiti na lang ako ng lihim. Paano kaya kapag wala siya sa tabi ko? Paano na lang ako?
Parang hindi ko kayang mag-isa.
"Why?" Aniya nang mamataan akong nakatitig sa kaniya. Nagulat naman ako bigla at nag-iwas ng tingin sa kaniya.
"Ah! A-Ano, wala. Gusto ko lang sabihin na maganda 'yang binabasa mo." Ani ko at kunwaring nagbuklat ng libro. Habang sinusulyapan ang binabasa niyang 'The Lost Heroes' ni Rick Riordan.
"Don't spoil me, then." Nagkibit balikat na lang ako sa kaniya at muli siyang sinulyapan. Gosh! Ba't ba ganiyan ang itsura niya. Nakaka-attract talaga!
Tahimik ko lang siyang pinagmamasdan. Hindi ko alam pero pakiramdam ko sobra akong kumakalma pagdating sa kaniya.
Malamang! Anghel 'yan eh! Napapangiti na lang ako sa mga naiisip. Simula kasi nung umiyak ako nandito na siya palagi sa tabi ko, at hindi niya ako iniiwan. Halos kami na lagi ang magkasama at nagtataka na nga 'yung mga kaibigan niya. Inakala pa ngang girlfriend ako.
Napaisip tuloy ako kung may girlfriend na ba siya. Siguro meron. Baka anghel din. Napapasimangot na lang tuloy ako. Tsk! Eh ano bang laban ko sa mga anghel? Paniguradong mas maganda sa akin 'yon.
At saka, mababait pa sila.
"May girlfriend ka na ba?"
Nanlaki ang mata ko nang bigla kong nasabi 'yon. Nakakahiya naman!
Napakunot noo naman siya. "No. I don't have one." Bigla akong nakaramdam ng pagkagaan sa dibdib ko at napangiti.
"Talaga?! Pinapayagan ba ng Diyos na magmahal kayo?" Nacu-curious kong tanong.
"Hmm. It depends."
Naguguluhan naman akong napatitig sa kaniya. "Huh? Anong it depends?" He turned his head to me. Nakita ko ang multo ng ngiti sa labi niya.
"You won't understand it anyway." Aniya bago bumalik sa pagbabasa.
Hindi na lang ako nag-pumilit at nag-focus na lang sa pagbabasa kahit na wala naman akong maintindihan dahil ginugulo ni Itchan ang isip ko.
***