CHAPTER 10
***
Napatingin ako sa labas. Umuulan na naman.
"Wala akong payong!" Padabog akong lumabas ng classroom hanggang makasalubong ko pa sila Adrian. Nang makita nila ako ay agad ko silang inirapan. Tsk! Those b*tches.
Nagpalinga-linga ako sa building namin, nagba-baka sakali na makita ko si Itchan. Usually, dito lang sila nakatambay ng mga kaibigan niya. May ginawa kasi ako saglit kaya naghiwalay muli ang landas naming dalawa.
Bagsak ang mga balikat kong bumalik sa classroom nang hindi ko siya makita. Paano ako uuwi nito? Mabilis kong kinuha ang bag ko at hindi na pinansin ang mga dati kong kaibigan. Simula noong marinig ko na pinag-uusapan nila ako ay umiwas na talaga ako sa kanila ng tuluyan. At saka, ayaw rin ni Itchan na lumapit pa ako sa kanila.
Napatigil ako maglakad sa harap ng canteen namin at muling pinanood ang pag-buhos ng ulan. Napapatingin pa ako sa mga estudyante rito na tuloy lang ang lakad dahil may payong naman sila. Umupo na lang ako sa upuan dito sa canteen at naghintay na tumila ang ulan.
Mukhang nakauwi na ang anghel na 'yon.
Pero mayamaya lang ay nanlaki ang mata ko nang makita sa 'di kalayuan sina Itchan.
May kasama.
Si Rhia...
Napasimangot na lang ako. Bakit ba ganito ang pakiramdam ko kapag nakikita ko silang magkasama? Hindi ba siya aware na may gusto sa kaniya si Rhia? Nagtama ang tingin namin ni Itchan. Inirapan ko lang siya. Mukhang nagtataka pa ang mukha nito nang gawin ko iyon.
Magkadikit kasi sila ni Rhia since iisa lang ang payong na hawak ni Itchan. Tsk! Paano ako? Kanino ako sasabay kung may kasabay na pala siyang iba?
"Wala kang payong?" 'Yun agad ang bungad ni Itchan nang makalapit na ng konti sa akin. Napansin ito ni Rhia at agad akong nginitian.
"Obvious ba?" Sarkastiko kong sagot bago pekeng nginitian si Rhia.
"Bakit pa kayo tumigil sa paglalakad. Halata namang nag-e-enjoy kayo dapat dinedma mo na lang ako." Mahinang bulong ko pero mukhang narinig naman ito nung anghel.
Seryoso niya muna akong tiningnan bago ibinaling ang tingin kay Charles na ngayon ay nagdadaldal lang sa gilid niya. May sinabi siya rito upang mapatango ito.
Mayamaya lamang ay umalis na sila Charles at Rhia.
Nagulat ako sa ginawa niya. Hindi ba at sila dapat ang magsasabay na dalawa ni Rhia? Bakit bigla na lang umalis 'yon kasama nung kaibigan niya?
"Let's go. Ihahatid na kita." Pilit niyang kinuha ang bag ko kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Bakit ako ang ihahatid mo?! Ako ba importante?" Hindi ko na naagaw pa sa kaniya ang bag ko. Padabog akong tumayo para bawiin sa kaniya ang bag ko.
"Yes you are. You are more important than her." Itchan seriously said.
Nang dahil doon ay napatigil ako. May kung anong saya akong naramdaman sa dibdib ko.
"H-Ha?"
Bigla niya akong hinila palapit sa kaniya upang magdikit kami. Nakaramdam ako ng kuryenteng dumaloy sa buong katawan ko.
"I will take you home." Binulungan niya ako sa tenga upang makiliti ako doon pero hindi ko iyon ipinahalata sa kaniya.
Wala ako sa sariling sinasabayan ang lakad niya habang hawak-hawak niya ako sa kamay. Parang tangang dumadagundong ang puso ko dahil sa sobrang lakas nito.
Damn!
I think I'm already liking this handsome angel who's holding me.
***